Marceline's Point of View
Iniiwasan niya talaga ako. Hindi ko na lang pinansin ang iyon.
My last subject is vacant so I decide to go to fencing room. Gusto kong magrelax.
I love fencing since I was kid, this is the only sport I love, yung iba swimming, table tennis, badminton, volleyball and etc. but fencing is the only sport I loved, weird but I fell in love with it the first time I tried it.
Nagulat ako nang may sumigaw ng aking pangalan. "Marceline!" mahinang sigaw ng isang babae. Nilingon ko ito bumungad sa akin ang babaeng nakapony-tail. May malalaking bilugang salamin at libro sa braso.
"Anais," sambit ko nang makilala ko siya. I smiled at her at nilapitan siya. Isa siya sa mga taong kilala kong kaklase. Pinapansin naman niya ako at may pagkakapareho kami, we love to study.
"Tapos mo na ba ang project mo?" tanong niya sa akin. Iniangat niya ang kaniyang salamin para makita ako ng mabuti.
Tumango ako. "Ikaw ba?"
"Hindi pa," aniya. "Pede bang tulungan mo ako?" napakunot ako, she's acting weird, somehow.
Tumango-tango ako. "Sure. Magkita na lang tayo bukas sa library," I said.
We both bid goodbye. Bigla akong nanibago kay Anais, she never asked for any help. Inilagay ko ang kamay ko sa aking leeg. I must be just thinking stuffs again.
Sa way ko papuntang fencing room, nakasalubong ko si Seer.
Nginitian ko siya pero hindi niya ako nginitian pabalik.
Tumigil lang siya sa harapan ko at kinompronta ako. Sinabi niya ang nararamdaman niya sa pagtatago ko ng sikreto. How disappointed she is.
May inisend sa kaniya litrati namin ni Thorn. Hindi ko alam kung paano iyon nakuhanan kagabi. Nakasandal si Thorn noon sa kaniyang kotse nakacrossed-arm habang nasa harapan niya ako. Pero hindi lang iyon 'yun. The worst pic. Ang paghalik niya sa aking noo. Masyadong mabilis iyon na halos wala pang limang segundo pero nakunan pa rin. Hindi ko alam kung sino at ano ang intensyon niya para isend iyon sa aking kaibigan.
Alam kong galit na galit siya. Isa iyon sa mga kinatatakutan ko.
"You have to explain this to me, Celine," aniya bago ako iwan.
Napabuntong-hininga ako, who sent that photo?
Dumiretso ako sa fencing room para mag-practice, tapos na ang lahat ng aking subjects. Si Malcolm ay nag-ditch buong araw, nung kay Mr. Catacutan lang siya umattend. He's probably doing his project. I'm planning to help him and Anais tomorrow. Papasok kaming tatlong maaga at gagawa sa library. The library is the best place to do researches.
Nasuot ko na ang aking protective clothing. Isinuot ko na lahat. Pagkatapos kong magbihis sa shower room pumunta ako sa mga lockers at inilagay doon ang aking damit na suot kanina.
*
I was too preoccupied by something that I can't explain myself, masyadong ako madaming problema nowadays, kaya naka-ilang points sa akin ang kalaban.
"What a surprise, Marceline. Kelan pa kita natalo? Ngayon lang ata, ah. Okay ka lang?" si Giovanni Connor. Ang kalaban ko. Hinubad niya ang kaniyang mask.
I nodded. "Yup, medyo napuyat lang ako kagabi." ani ko sa kaniya. I lied.
Hinuhubad ko ang mask. Nasa kamay ko pa rin ito. Inalis ko ang pagkapony ng aking buhok. Lumapit naman ang student coach na si Ian. Yung mukha niya halatang lelecturean ako.
"Haven, the hell is your problem? Are you sick?" umiling ako sa tanong ni Ian. Hindi nag-kakalayo ang age namin. 4th year college student siya. Gold Medalist sa fencing kaya siya ang student coach. He's great, I cannot deny that. "E, bakit distracted ka?" he asked again.
There's lot of reason that is why I don't know which one.
"Probably, because she's dating someone. Si Malcolm De Vere, tama?"
"No! I mean, I'm not dating Malcolm. Magkaibigan lang kami, Gio." pagsasabi ko ng totoo.
"Fine."
"Gio!" umugong ang boses ng babae. Tumutunog rin ang heels niya dahil sa kaniyang paglalakad. Tiningnan ko ang direksyon na iyon. Papasok siya sa aming fencing practice room.
She's familiar. Sikat siya kaya pamilyar siya sa akin, at kambal siya ng isa sa mga known person sa kaklase ko. Nakasuot siya ng isang bluegreen na dress. May headband na bluegreen din at puting stilleto. Isa siya sa mga bully na babae dito sa Larrson. Bahagi ng parang mean girls ba.
I looked at Gio. "Carys," he rolled his eyes. Ye, it's a little gaytard, pero kapag siya na ang gumawa no'n iba ang dating. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya kay Carys Johnsen.
A one-sided love. Gio's popular too. Sikat din siya sa ibang school. Dahil nga lumalaban siya ng fencing at this year with me too a representative para sa National Game. Kalat sa academy na patay na patay si Carys kay Gio, at si Gio ay walang pakialam.
"What? I thought you called me." aniya. Her expressions solid. Pure. Exagge. It's too expressed.
I heard Ian's sigh.
"I did not. Tss, tara na nga." nag-gesture si Gio sa amin ni Ian na pupunta na siyang locker ng boys, higit-higit niya ang wrist ni Carys.
Nagpaalam na rin ako sa kasama kong pupunta na akong locker room. Magbibihis na ako ulit ng aking suot kanina at uuwi na. Hindi ako sigurado kung nandito pa ba si Seer. Nang icheck ko ang wallclock dito sa lockers it's already quarter to six. Hindi ko dala ang phone ko kaya hindi ko siya matatanong o maski ako'y hindi niya matatanong. Naiwanan ko ulit sa bahay.
May mga tao pa rin naman ditong kasama ko.
I overheard them talking about the heater sa shower room. Malamig kasi ang paligid kapag pagabi na.
Inalis ko ang suot kong mga protective na damit, inilagay ko ito sa aking locker. Kinuha ko rin doon ang aking towel at ipangpapalit sa suot-suot ko ngayong white t-shirt and cycling shorts. Pumunta ako sa shower room, isinabit ko ang aking isusuot na damit at ang towel. Pagkatapos ay hinubad ko na ang suot ko kanina pwera sa underwears at naligo.
I want to wash away everything. Kung pede lang sanang sa pagdaloy pababa ng tubig sa aking ay mawawala rin ang katotohang bampira na ako pero napaka-imposible. Nakakulong na ako sa mundong hindi ko hiniling na mapabilang. Galit ang kaibigan ko dahil magkasama kami ni Thorn, gusto ko rin mawala na si Thorn sa buhay ko, pero paano?
Nadampian ng kaunting tubig ang aking buhok kaya ang hulihan nito ay basa. Hinuha ko ang aking towel at inilagay ko iyon sa aking katawan. Huhubarin ko na rin sana ang aking underwear ng makita kong wala na ang isusuot ko sanang damit pati ang hinubad ko kanina.
Binuksan ko ang pinto ng shower. Bukas ang iba pang cubicle, ang ibig sabihin ay ang wala akong kasama. Napapikit ako. I'm just with my bra and panty underneath my towel, for pete's sake! May nangtritrip ba sa akin?
Tinry kong buksan ang pinto papalabas ng mismo ng shower room ngunit hindi ko mapihit ang doorknob. It's locked.
I squat. Nasa batok ko ang dalawa kong kamay. Gulat ko ng mamatay isa-sa ang ilaw. What the heck?
I heard some footsteps. A high-heels footsteps.
"Goodnight, Marceline Avory Haven," that voice.
*
Saoirse's Point of View
I know how stupid, selfish and cruel I am. Hindi ko lang nacontrol ang anger ko. Iyong selos. Never pa akong napalapit kay Thorn nang ganong kalapit, at hinalikan pa siya nito. But I just realized. I need to give her a chance to explain. She deserves it.
We've been friends since birth. Lumaki rin sa iisang neighborhood. Ngayon lang ako nakaramdam ng galit sa kaniya nang dahil lang sa isang lalaking hindi naman ako kahit kailan mamahalin. Masakit lang talaga sigurong tanggapin na hindi ako mahal ng taong mahal ko kaya sa simpleng litratong 'yon lang ay nagselos na ako. I am so stupid to be jealous with someone who is not mine. I am also stupid because I am angry despite not knowing the whole story.
Hinanap ko sa usual place na pinpuntahan niya si Celine but I can't find her.
I call her a couple of times but it's busy. Marahil busy talaga siya o iniwan na naman niya ang kaniyang phone, that wench. I sighed.
I tried to look for her again but she was never to be seen. Not until I saw his friend, Malcolm. Kahit ayokong kausapin ang lalaking iyon naglakas loob pa rin ako.
Nakatalikod siya at naglalakad. Nakalagay sa kaniyang pockets ang dalawa niyang kamay.
"Hey," sambit ko pero walang respond na sagot o atensyon manlang. "Asshole!" sigaw ko.
Napatigil siya at nilingon ako. "Hi, Saoirse Forbes. I have a name don't you know? It's Malcolm." aniya.
"I know, and I do have a nickname too, Mr. Malcolm. It's Seer, I hate my full name," inirapan ko siya.
"Your name S, A, O, I, R, S, E? Na kung ipronounce ay Seer-sha? I love it Saoirse."
"Hindi kita tinanong," I said. Iniba ko na ang usapan. "Just give me a favor. Did you saw Celine?"
Umiling siya. "I did not saw her, Sha." what the hell.
"Sha my butt, c'mon, tell me. I know gusto niyang huwag mong sabihin sa akin kung nasaan siya pero nag-aalala na ako." I'm really worried about her.
Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay. "Promise, hindi ko alam kung nasaan si Marceline," aniya. "Wala siyang nabanggit sa akin, huling kita namin ay kaninang first subject after non nawalan na ako ng tsansang makita siya. Bakit, ano bang nangyari?"
I shook my head. "Nothing."
"Woah, dude!" gulat na sigaw ni Malcolm. "The heck? Anong problema mo," tanong niya sa humigit sa kaniyang braso para paharapin siya sa kaniya. Si Thorn.
"Do you know where she is?" he asked. Malalim ang kaniyang paghinga. What the hell is happening?
"Marceline? Hindi ko alam."
"We need to talk, it's about her, I think she is immured," aniya dito. Nagmartsa siya papaalis sa amin. Sumunod naman si Malcolm.
They left me hanging, confused.