webnovel

LANTIS (COMPLETE)

It all started with a dog named Fujiku, a dirty grave and one broken glass jar. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ng bagong housemate si Ember-si Lantis Arcanghel. He was hot, he was beautiful, he was a little persistent and above all, he was dead, Ito ang may ari ng puntod katabi ng puntod ng parents niya. Oh yes! Multo ang bagong housemate ni Ember ngunit ayaw nitong magpatawag na "multo". Phantom daw ito. At may kailangan sa kaniya ang panty-este phantom. Gusto na nitong tumawid sa linyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at yumao na at si Ember ang masuwerteng nilalang na napili ni Lantis na tutulong dito. "P-Paano kung...kung ayoko?" tanong ni Ember sa mumu. Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan-este kaluluwa nito. "Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin." Anak ng tipaklong! Ito na nga ang may kailangan, ito pa ang may ganang pagbantaan siya! Walang choice si Ember kundi tulungan si Lantis. Magtagumpay kaya siya? O forever nang mananatili ang guwapong multo sa tabi niya?

Cress_Martinez · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
33 Chs

22

NASA kalagitnaan ng pagtatali ng buhok si Ember nang biglang sumulpot sa harap niya si Lantis. Impit siyang napasigaw nang sumubsob sa kaniya si Lantis, tumagos sa katawan niya at madapa sa sahig.

"Lantis!" pasinghap niyang sabi at agad na lumuhod sa harap nito. Humihingal si Lantis na para bang milya-milya ang tinakbo. May kakaiba ring nangyayari sa katawan nito. Some parts of his body was flickering, the other parts were almost invisible. Nasa anyo nito na tila may dinaramdam.

"I'm getting weak, Ember," mahina nitong sabi. "Tinawag mo ba ako mula kagabi?"

"Oo. Paulit-ulit, Lantis."

Tumiim ang bagang ni Lantis. Nang tingnan siya ay nabasa niya ang takot sa mga mata nito. "Hindi ko na naririnig ang boses mo."

Parang bumagsak ang kisame sa ulo ni Ember. Mas masakit pa ro'n ang reyalisasyong sumampal sa kaniya. Hindi na naririnig ni Lantis ang boses niya. Ang boses niya na nagsisilbi nilang koneksiyon tuwing mawawala ito.

Tumihaya si Lantis at pumikit. Idinampi niya ang kamay sa noo nito, t-in-race ang ilong nito, ang mga labi, ang panga at huminto sa pisngi nito. The urge to hug and kiss him were strong. How does it feel to have someone special but you can't even hold him? Mahirap. Masakit. Frustrating.

Isang araw, babalik tayo sa lugar na ito. I'll be able to hold you by then. And when it happen, hinding-hindi Kita bibitiwan. Noon, madilim ang nakiKita niyang hinaharap nila ni Lantis ngunit ngayon na alam niyang buhay ito, may natatanaw siyang liwanag. It was just a tiny ray of light but it's light. Gagawin ni Ember ang lahat upang mas lumiwanag pa iyon.

"Nararamdaman mo ba, Lantis?" masuyo niyang tanong habang gumagawa ng circular motion sa pisngi nito. Isinulat niya ang pangalan niya ro'n na para bang minamarkahan ito.

"Yes."

"I'm sorry...wala man lang akong magawa para i-comfort ka."

Nagmulat ito. "You're making me comfortable right now. Sapat na sa akin na nakiKita Kita ngayon. Na alam ko kung sino ka. Nasabi ko na ba sa'yo, sa tuwing mawawala ako, nababawasan din ang mga alaala ko na may kinalaman sa kasalukuyan. Kinamumuhian ko ang lugar kung saan ako napupunta tuwing naglalaho ako. It was like a monster that feed on my memories. But you always pulled me out of there and for that I'm grateful. You don't know how important you are to me now, Ember." Bumangon ito at lumuhod din sa harap niya. "Babalik ako sa basement, sa katawan ko. Kailangan kong bantayan ang katawan ko. May mga sagot akong kailangang hanapin. I need to wake up. Gagawin ko ang lahat para magising na ako. Para sa sarili ko, para sa pamilya ko. Para sa'yo. Mabubuhay ako para sa'yo, Ember. And I'll never vanish out of your sight again. I promise."

"Hihintayin Kita, Lantis," aniya at pumikit nang unti-unting ilapit ni Lantis ang mukha sa kaniya. Naramdaman niya ang pagdampi ng malamig na sensasyon sa pisngi niya pagkatapos ay bumaba sa mga labi niya.

Nang muli siyang magmulat, mag-isa na naman siya sa malaking bahay. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong sabihin dito ang tungkol kay Kenan.

Hindi na niya nasabi na mahal niya ito.

KUNG HINDI lang naka-seat belt si Ember, malamang nang mga sandaling iyon ay may karagdagang injury na ang mukha niya. Sumakit ang ulo at dibdib niya dahil sa lakas ng pagkakaalog nila sa loob nang tapakan ni Kenan ang brakes.

Mahina siyang umungol at sinapo ang noo pagkatapos ay nilingon si Kenan. Mahirap ipaliwanag ang mga emosyon na nakalarawan sa anyo nito. Nanlalaki ang mga mata nito at nabawasan ang kulay ng mukha. Ember just dropped the bomb bago pa man sila tuluyang makalayo sa Villa Socorro. Sinabi niya na buhay pa si Lantis.

Bumuka ang bibig ni Kenan. Agad din nitong isinara iyon. Umiling ito at ipinadaan ang kamay sa buhok. Nang muli siyang tingnan, magkatagis na ang mga bagang nito at may bahid ng inis sa mga mata.

"Is this some kind of a bad joke? My brother is dead, Ember. Naroon ako noong burol at libing niya."

"Nakita mo ba ang mukha niya? Sigurado ka ba na katawan niya 'yon?"

"Hindi ko nakita ang mukha niya. He was badly burned kaya hindi pinabuksan ang kabaong..." Naglagutukan uli ang mga ngipin nito, kumuyom ang kamao at ipinatong sa manibela. "Paano mo nasabi na buhay pa si Lantis?"

"Nakita ko ang katawan niya. Comatose siya but he's alive." Ikinuwento niya rito ang tungkol sa basement, ang naKita niyang katawan ni Lantis, ang life-support machines na nakakabit doon. Habang tumatagal ay padilim nang padilim ang anyo ni Kenan. Nakikita niya na hindi pa rin ito kumbinsido na nagsasabi siya ng totoo.

"A secret basement. If it was a secret, how could you possibly know about it? Paano mo nalaman kung paano pumasok doon?"

Siyempre, alam niya na itatanong ni Kenan iyon. Napaghandaan ni Ember ang isasagot. Inihanda niya rin ang sarili sa magiging reaksiyon nito. "NakiKita at nakakausap ko ang espiritu ng kapatid mo."

Inaasahan niya na pagtatawanan siya ni Kenan, iinsultuhin. Ngunit nanatili lang itong nakatitig sa mukha niya, kunot ang noo. Pinag-aralan nito ang mukha niya gaya ng ginawa nito noong nasa sementeryo sila.

"Give me a moment, please," anito, ini-start ang makina ng sasakyan at inihimpil sa isang tabi nang maayos. Napuno ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Hindi naman mapakali si Ember. Gusto niyang madaliin si Kenan. Gusto niyang kumilos na ito, na pumunta sila sa basement ngunit alam niya na wala siya sa lugar na gawin iyon. Naiinitindihan niya na hindi madali para dito na paniwalaan ang mga pinagsasabi niya—siya na hindi pa nito lubusang kilala.

"I know this is hard to believe, Kenan. Pero isipin mo, bakit magsisinungaling ako tungkol sa ganitong bagay? Nakikiusap ako na buksan mo ang isip mo. Kaya kong patunayan na totoo ang mga sinabi ko—"

"At kung hindi mo mapatunayan?" nanghahamon na tanong ni Kenan.

Napalunok siya dahil sa intensidad ng mga tingin ni Kenan. "Bibigyan Kita ng karapatan na patayin ako."

Naglaho ang kunot sa noo nito. He looked surprised. Nahaluan iyon ng pagkamangha. Mayamaya ay nakakainsultong tumawa si Kenan at ini-start ang sasakyan. Nanlumo siya nang mag-U turn ito pabalik sa pinanggalingan nila.

"Kenan—"

"We'll go to my house. You will stay there while I take a peek at this secret basement you're talking about."

Mabilis siyang napalingon dito, nagbalik ang pag-asa sa dibdib niya. "N-Naniniwala ka na?"

"No. Pero magsusugal ako. Walang mawawala sa akin kung sasakyan ko ang mga sinabi mo. A few minutes of my time perhaps. Magmumukha rin akong uto-uto. And what if you're telling the truth and it will be too late for us to save my brother?"

"I'm telling the truth," giit niya. "Gusto kong sumama sa'yo."

"No. Hindi natin alam kung anong klaseng mga tao ang may hawak kay Lantis." Lumiko ito sa isang kanto at binilisan ang pagpapatakbo. "You'll be safe in my place. Isa pa, dapat ay alam ko kung saan ka agad pupuntahan kung sakaling pinagloloko mo lang ako," may halong biro ang huling sinabi nito pero nakaramdam pa rin ng takot si Ember. Paano kung pagdating ni Kenan sa basement ay wala na ang katawan ni Lantis doon? Paano kung inilipat na iyon ng ibang lugar? But Lantis's spirit was there. Kung sakaling may gawing kung ano sa katawan nito, hahanapin siya agad ng binata. Sa ngayon ay iyon muna ang panghahawakan ni Ember.

"Now tell me," wika ni Kenan. "Paanoko mahahanap ang secret basement ng kapatid ko?"