webnovel

chapter 18

masaya ang gabing iyon gabing tila ayaw nang matapos ni fella.. gabing tila dina mauulit pa.

halos limang oras ang lumipas mula sa gilid ng dagat.. ay di na mabalanse ni alex ang kanyang sarili sa paglalakady dahil sa subrang nitong hilo.. gayon pa man hindi parin nawala sa kanya ang kanyang kakulitan sa kabila ng kanyang kalasingan. habang si fella naman ay akay akay naman ni juancho.. kahit hilo at lasing ay pilit inalalayan ni juancho si fella at si alex pabalik ng hotel. " grabe ang saya saya..alam mo yung felling na nakikinig ka ng masasakit na kanta tapos bigla ka nalang mapapaisip... shit!!!! bakit ako walang boyfriend!!! maganda naman ako.. malaki naman ang boobs at pwet ko... sariwa pa ko.. ano ba...." wika ni alex habang lasing at naglalakad. "alam mo sessy... ang mga lalaki na yan hindi yan hinahanap.. hindi yan hinahabol at lalong hindi yan dapat iyakan dapat tayo ang hinahanap, hinahabol at iniiyakan." wika ni fella habang lasing din. " talaga ba..sayo pa talaga nanggaling yan ha..... pero inferness ha.. kanina..nung kumanta kayo ni juancho.... ang ganda mo teh..ang ganda mo sa part na iyon..hiyang hiya nga ko eh kulang nalang maglampungan kayo dun sa stage" wika ni alex na biglang kunta ng malakas. "kailan.... kailan mo ba mapapansin ang aking lihim" kanta ni alex habang iniwan na sya ni fella t juancho. " pabayaan mo na yan ganyan talaga sya lalo na pag lasing" wika ni fella bago sya sumuka " sino kaya samin ang lasing.. hoy!!! fella....alak pa... susuka pero susubo" sigaw ni alex mula sa malayo.

sa pag bukas mg pinto ng hotel ay napagtanto na ni fella na nasa hotel na nga sila.." nandito na pala tayo." wika ni fella at aga silang pumasok at umupo bago maghilamos at mag ayos si fella. "juancho.. pasensya kana ha kanina ha.. nasukahan kita. ang dumi tuloy nang damit mo.. pero pwede ka namang maligo kung gusto mo" wika ni fella.