webnovel

chapter 12

" ano bang pakialam mo" pagsusungit ni fella. "ang sungit mo naman maganda ka pa naman sana" bulong nang lalaki at umupo. " may sinasabi ka" sagot ni fella. " ah wala sabi ko cheers" sagot ng lalaki habang inilabas ang dalang beer. " ako nga pala si juancho....oopss ok lang kahit di ka na magpakilala ok lang sakin" wika ng lalaki na hindi pinansin ni fella. " nga pala baka gusto mong magpaturo ng surfing mura lang" alok ni juancho pero hindi parin sya pinansin ni fella. maya maya ay tumayo na si juancho. oh sya sige aalis na ko mukang ayaw mo naman akong kausap basta mag ingat ka dyan ha" wika ni juancho bago umalis. " fella" wika ni fella na nagpahinto kay juancho. " ha ano.. " tanong ni juancho. " sabi ko fella.. yan ang pangalan ko..fella!!" pagpapakilala ni fella. bago itaas ang hawak nyang bote " cheers" wika ni fella. agad ngang nag kakilala si fella at juancho. at dahil sa pagiging magiliw ni narin ni juancho ay agad na silang nagkasundo ni fella. sa halos dalawang oras ng kanilang pagkukwetuhan ay tila gumaan narin ang palagay nila sa isat isa. " ah ang ibig sabihin ung ate mo sa panggasinan kapatid mo lang sya sa ama.. mabuti at magkasundo kayo noh." wika ni juancho. " oo naman mabait ang ate ko..at kahit kailan di ko inisip na kapatid ko lang sya sa ama.. ang totoo nyan pabalik balik ako sa panggasinan tuwing birthday para makita ko narin sya at ang mga pamangkin ko.. ganon naman talaga eh.. hindi lang sa dugo nasusukat ang pag mamahal" paliwanag ni fella." nga pala may tatanong sana ako" tanong ni juancho. "alam ko na yan.. itatanong mo kung may boyfriend na ko.. gusto mong malaman ... wala..dalawang taon na kong single" wika ni fella. " talaga sa ganda mong yan wala kang boyfriend" biro ni juancho. " nambola kapa.busy kase akong tao eh focus lang ako lage sa trabaho, trabaho bahay, bahay trabaho, yun lang ang buhay ko. eh ikaw may girlfriend kanaba" tanong ni fella. " meron.. pero parang wala rin.. nasa maynila kase sya" sagot ni juancho. " LDR kayo.. pero diba atlis kahit papaano may taong nag mamahal sayo...hindi ka di katulad ko" wika ni fella. "nga pala.. magkano nga pala ang kinikita sa pagtuturo ng ng surfing" tanong ni fella. "mura lang sige para sayo.. isang daan nalang ka da oras" sagot ni juancho. " pano kong... bayaran ko ang isang buong araw mo" wika ni fella. " buong isang araw?? sigurado ka .. magsi surfinh ka buong isang araw" wika ni juancho. " sino ba nagsabing magpapaturo ako sayo ng surfing what i mean.. babayaran ko ang isang buong araw mo..sa isang kundisyon" wika ni fella. "ano" sagot ni juancho. " bibigyan kita ng 2,400 or gagawin ko nang 2,500 libre na pagkain basta pumayag ka na maging boyfriend ko with in 24 hours" alok ni fella. "nagbibiro ka ba..ako maginging boyfriend mo" wika ni juancho matapos tumawa ng malakas. " kung ayaw mo naman ok lang choosy kapa" wika ni fella. " ah... syempre o...sige deal.. pumapayag na ko.. pumapayag na ko na maging boyfriend sa loob ng isang araw" sagot ni juancho" ok galingan mong maging boyfriend ko ha.. make sure na mararamdaman ko na boyfriend talaga kita ok.. mag e start tayo bukas ng ten ng umaga hangang ng ten ng umaga ng lunes ok this is my number.. simulan mo na maging sweet... mga pala... bago ang lahat bawal mainlove oh sya sige na maaga pa tau bukas sa date natin good night" wika ni fella. ah sige sige... good night din.. babe" biro ni juancho. " babe mo muka mo sige na" wika ni fella bago sila maghiwalay at magpahinga..