webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Integral
Sin suficientes valoraciones
213 Chs

Responsibilidad

Simula pagkabata, nakasanayan na ni Nicole na iniaasa kay Nadine ang lahat ng pangangailangan nya.

Para syang isang prinsesa at si Nadine ang alalay, utusan at tagasunod nya.

Sa tuwing enrollment, si Nadine ang nagtyatyagang gumising ng maaga para pumila at para makapag enrol sya.

Si Nadine ang kumukuha ng magiging schedule nya. Pati pagbili ng mga kailangan nya sa school si Nadine lahat ang nagaasikaso.

Pati assignments at mga projects nya si Nadine rin ang gumagawa.

Ang tanging gagawin na lang ni Nicole ay pumasok sa school.

Wala kasing magawa si Nadine dahil takot syang mapagalitan ng mga magulang lalo na ng ina.

Kaya magdadalawang linggo na ang nakakalipas hindi pa rin naasikaso ni Nicole ang mga requirements nito sa pag OJT.

Kampante kasi syang aasikasuhin ng ate nya ang bagay na iyon kahit na iniutos na ng ama sa kanya na sya ang dapat magasikaso ng mga requirements at wag iniaasa sa kapatid.

Kaya ng makita ni Nicole si Nadine, tinalakan nya ito agad na hindi inaalam ang nangyari.

Ilang araw na halos hindi sila nagkikita ng ate nya dahil hindi nya ito maabutan.

Gabi na kung ito ay umuwi at sobrang aga naman pag umaalis.

Alas nueve kasi sya kung magising.

Hindi naman mahalaga kay Nicole kung ano ang pinaggagawa ng ate nya, basta pag tinawag nya ito pag may kailangan sya, ang gusto ni Nicole, dapat unahin sya ng ate nya.

Dapat iwanan ni Nadine kung ano man ang ginagawa nya para asikasuhin ang pangangailangan ni Nicole.

Ganito ang buong buhay ni Nadine, umiikot lang sa kapatid.

Pero nung araw na iyon, dahil sa nararamdaman, hindi kayang intindihin ni Nadine ang nasa paligid kaya dirediretso lang sya sa silid.

Hindi sanay si Nicole sa ginawa ng ate nya lalo na ng pagsarhan pa sya ng pinto na muntik ng tumama sa mukha nya kaya nagsumbong sya agad sa ina.

Nicole: "Ma! Si Ate pinagsarhan ako ng pinto! Huhuhu!"

Umiiyak nitong sabi kahit walang naman luha sa mata.

Nicole: "Tinatanong ko lang naman kung naasikaso na ba nya yung mga requirements! Ang tagal, tagal na kasi nun Ma, pero hindi nya pa nya napupuntahan! Wala na syang oras para sa akin!"

Humagulgol nitong sabi.

Awang awa naman si Nelda, ang ina ni Nicole at Nadine.

Nelda: "Wag kang magaalala anak, tahan na! Hamo sasabihin ko sa Ate mo na asikasuhin na nya yan ngayon din!"

Pagaamo ng ina sa anak.

Natuwa naman si Nicole sa narinig. Alam nyang tatawagan agad nito ang ate nya.

Kaya ng lumabas ng silid nya si Nadine, nasisiguro na nyang nakausap na ito ng ina.

Tahimik lang na nakaupo sa sala si Nicole na tila abala sa ginagawa. Pero nangingiti naman ang kanyang kalooban habang pasimpleng tinitingnan Ang ate nya palabas ng condo.

Ang hindi alam ni Nicole, hindi sa school nya ang punta ni Nadine kundi sa ospital. Babalik ito para magpa confine.

Pero bago makarating ang taksing sinasakyan ni Nadine sa ospital, nawalan na ito ng malay.

Bumaba masyado ang dugo nito kaya hinimatay.

Diniretso ng taxi driver si Nadine sa emergency. Mabuti na lang at nakilala sya ng mga tumingin sa kanya kaya tinawagan nila si Issay para ipaalam ang nangyari.

Si Issay na rin ang nagbayad ng taxing sinakyan ni Nadine.

Kaya ng magkamalay si Nadine nagulat sya na anduon si Issay, nakaupong natutulog sa tabi nya.

Hindi nya mapigilan ang maluha ng makita ito.

Nang biglang tumunog ang cellphone nya.

Nadine: "Hello Pa!"

Mr. Belmonte: "Nasaan ka?! Ba't hindi ka daw umuwi ng bahay?

Bakit ba pinababayaan mo na ang kapatid mo?! May kailangan pala syang ipagawa sa'yo pero hindi ka mahagilap! Hindi ba kaya ko sya isinama sa'yo para alagaan mo?!"

Galit na galit nitong sabi sa anak

Kinausap na kasi ito ng asawa nyang si Nelda para pagsabihan si Nadine dahil sa lagi nitong paguwi ng gabi, napapabayaan na tuloy ang responsibilidad nya kay Nicole.

Nadine: "Pa may sakit po ako. Nasa ospital po ako ngayon. Di nyo man lang po ba tatanungin kung okey ako? Bakit po ba sa tuwing tatawag kayo galit agad kayo? Ni hindi nyo man lang ako tinatanong kung kamusta ba ako, kung kumain na ba ako o kung masaya ba ako?

Palagi nyo na lang sa akin tinatanong si Nicole!

Pa anak nyo rin ba ako?

Bakit pakiramdam ko ipinanganak ako para maging alipin lang ni Nicole?"

Natahimik ang ama sa sinabi ng anak. Hindi nya akalain na may kinikimkim na pala ito na sama ng loob.

Naninikip ang dibdib ni Nadine na ikinabahala ni Issay. Kanina pa ito nagising ng marinig ang tunog ng cellphone ni Nadine.

Tumawag sya ng nurse at kinuha ang cellphone ni Nadine.

Issay: "Sir, kaibigan ako ni Nadine at gusto ko lang malaman nyo na hindi sya okey. Mahina ang katawan nya at kailangan nya ng mahabang pahinga. Bawal daw ma stress!Kahapon sabi ng nurse na tumawag sa akin hinimatay daw si Nadine kaya dinala dito sa ospital. Sir, wag kayong mag alala ako ng bahalang magalaga sa anak ninyo!"

At binaba na nito phone.

Nagulat si Melencio Belmonte o si Enzo, ang ama ni Nadine sa sinabi ng kausap.

Nagaalala sya ng marinig sa anak kanina na may sakit ito pero pakiramdam nya sinusumbatan sya ng kausap ng sabihing sya na ang bahalang mag alaga sa anak!

Anong ibig nyang palabasin hindi nya kayang alagaan ang kanyang anak?

Sa inis dahil natapakan ang pride tumawag ulit ito.

Nahimasmasan na si Nadine at binigyan na ng pampakalma ng tumawag ulit ang ama, pero na kay Issay ang cellphone nito kaya sya ang sumagot.

Issay: "Hello Sir, Bakit ho!"

Enzo: "Bakit na sa'yo ang cellphone ng anak ko? ibigay mo sa kanya gusto ko syang makausap!"

Utos nito.

Issay: "Hindi nyo sya makakausap dahil binigyan sya ng pampakalma kanina. Ano ba ang gusto nyong sabihin at ako na ang magsasabi? May iuutos ba kayo sa kanya?

Enzo: " (Abat!) "Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?"

Nagaalala sya sa kalagayan ng anak pero naiinis na sya sa kaibigan ni Nadine.

Issay: "Bakit Sir? Diba tinatawagan nyo lang naman si Nadine pag may ipapagawa kayong bagay para sa kapatid nya!"

Lalong napikon si Enzo pero hindi sya makapagsalita dahil may katotohanan ang sinabi ng kausap.

Issay: "Gusto nyo bang malaman ang buong kwento kung bakit sya hinimatay? Nung byernes pa namin sya dinala sa ospital dahil nag colapse sya sa sobrang taas ng lagnat. Pero nagpumilit syang lumabas para sa condo na lang daw magpahinga. Tapos pagdating sa condo uutusan lang pala sya ng nanay nya para asikasuhin lang yan lintek na requirements ng isa nyo pang anak!

Bakit Mr. Belmonte, mas mahalaga ba ang buhay ng bunso nyong anak kaya ganun na lang kayo kalupit kay Nadine na kahit hindi pa sya tuluyang magaling dapat pa rin nya gawin ang utos nyo?

Hindi ba responsibilidad ng magulang ang kanilang mga anak kaya bakit nyo ipinapasa kay Nadine ang responsibilidad nyo?"

Singhal ni Issay sa kausap.

Nagpupuyos naman sa galit si Enzo ng madinig ang sinabi ng kausap. Gusto nyang sumagot pero hindi nya magawa dahil totoong malaki ang pagkukulang nya kay Nadine at ngayon lang nya ito unti unting nalalaan.