webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Integral
Sin suficientes valoraciones
213 Chs

Mukhang Anghel

Humagulgol na sa pagiyak si Yasmin.

Yasmin: "Ano bang kamalasan ang nangyari sa akin na ito? Ano bang nagawa kong mali bakit ako pinarurusahan ng ganito?!"

Nataranta si Anthon, hindi alam ang gagawin. Ano bang ginawa nya sa babaeng ito?

Nang maramdaman ni Anthon na humuhupa na ito ng pagiyak saka sya muling nagsalita.

Anthon: "Pasensya na pero .... pwede mo bang sabihin sa akin kung anong nangyari?"

Hindi nya maisip na gagawan nya ng masama ang babaeng ito na ngayon lang nya nakilala.

Pinunasan ni Yasmin ang mukha nya at naghanda ng kape at almusal.

Wala na syang magagawa kung hindi tanggapin ang kapalaran nya.

Hindi ito nagsalita at halatang galit pa.

Tahimik syang inantay ni Anthon.

Nang matapos maghain, naupo na ito upang saluhan si Anthon na kumain.

Kailangan nyang maging malakas para harapin ang bukas kasama ang hayup na lalaking nasa harapan nya ngayon.

Pero walang gana si Anthon. Sino ba naman ang hindi mawawalan ng gana kung hindi nya alam ang nangyayari sa kanya?

Pagkatapos kumain saka lang muling nagsalita si Yasmin.

Yasmin: "Hindi ko gusto ang ginawa mo sa akin! At hindi porket pinakasalan mo ako, mabubura mo na ang ginawa mo!"

Anthon: "Pwede mo bang sabihin sa akin kung paano ako napunta dito?"

Tiningnan sya ng matalim ni Yasmin.

'Seryoso ba ito?'

Nagdududa ang tingin ni Yasmin.

Yasmin: "Hindi mo naalala? Sinundan mo ako!"

Napapikit si Anthon, ng biglang kumirot ang ulo nito ng may pumasok sa alaala nya.

May sinusundan syang babae, tinatawag nya ito pero hindi sya nadidinig kaya pilit nyang hinahabol.

Tiningnan nya si Yasmin at

naalala na nya ngayon.

'Napagkamalan ko syang si Issay?'

May hawig ito kay Issay hindi lang sa mukha pati sa kilos at boses nya aakalain mong si Issay sya.

Nang mapansin ni Yasmin na tila umaliwalas ang mukha ng kausap nainis ito.

'Bakit parang masaya pa sya? Hindi man lang ba sya nakokonsensya sa ginawa nya sa akin kagabi?'

Yasmin: "Bakit masaya ka? Naalala mo na ba ang kahayupang ginawa mo sa akin?"

Tila napahiya si Anthon ng makita ang mapanghusgang tingin ni Yasmin.

Yasmin: "Oo, sinundan mo ako hanggang dito sa loob ng apartment ko at pagkatapos PINAGSAMANTALAHAN MO AKO!!!"

"Gusto kong sumigaw pero hinalikan mo ako agad at pwersahan mong inangkin! Huhuhuhu!

Binaboy mo ako hayup ka! Hindi , masahol ka pa sa hayup! Demonyo ka! Kinasusuklaman kita!"

At iniwan na nito si Anthon na humagulgol patungong banyo. Ayaw nyang makita ang taong ito na mukhang anghel pero asal demonyo.

Hindi makapaniwala si Anthon sa narinig.

'Hindi! Hindi totoo ito! Hindi ko ito ginawa!'

Pilit nyang kinukumbinsi ang sarili pero ng mga oras na iyon, sunod sunod ng bumabalik ang memorya nya ng mga nangyari kahapon.

Nasa restaurant silang tatlo at nagiinuman.

Kanina pa sila nagiinumang tatlo pero parang sya lang ang uminom at hindi nababawasan ang nasa baso ng dalawa.

Seryoso ang dalawang naghihintay at nakatingin sa mga lumalabas at pumapasok sa ospital.

Nagpaalam sya sa dalawa ng matanaw na may nagiihaw sa tapat.

Habang inaantay nya ang pinalutong inihaw na pusit, at barbecue, may napansin syang dumaan.

Anthon: "Issay?"

Alam nyang nakainom sya pero natitiyak nyang si Issay ang nakita nyang dumaan.

"Anong ginagawa ni Issay dito?"

Sinundan nya ito ng makitang lumalayo na.

Anthon: "Issay! Issay!"

Tawag nya sa babae pero ni hindi man lang sya nilingon, tuloy tuloy lang sa paglakad. Kaya walang nagawa si Anthon kung hindi sundan sya habang sinisigaw ang pangalan ni Issay.

Nakita nyang pumasok ito sa isang apartment kaya sumunod din ito hanggang sa loob. Nang makita sya ng babae, kitang kita nya ang takot nito at pagkagulat sa biglaang pagpasok nya.

Nataranta si Anthon ng makita nyang sisigaw ito. Agad nya itong nilapitan at hinalikan.

Hindi ito tumigil sa paghalik at dali dali nyang kinarga ito patungong kama at isa isang inaalis ang damit nito at damit nya.

Gustong magsisigaw ng babae pero sa tuwing gagawin nya pwersahan syang hinahalikan ng lalaking ito na hindi nya kilala at ngayon lang nya nakita.

Gusto nya ring manlaban pero hawak nya ang dalawang kamay nito. Kaya tahimik na lang syang umiyak.

Maya maya napasigaw na lang si Yasmin sa isipan nya ng maramdaman ang nakababaliw na sakit na naghari sa buo nyang katauhan umiyak sya ng umiyak dahil yun lang ang kaya nyang gawin.

Hanggang sa.....