webnovel

Kites at Sunsets

"Ang ganda ng paglubog ng araw, kasing ganda ng mga mata mo Maribel." ------ This story is inspired by the movies. Read at your own risk. ------ Cover page picture not mine. (Credits to the owner) If you want me to take it off, message me pashaclaine@gmail.com

ClaineJocson · Real
Sin suficientes valoraciones
22 Chs

M

Palm trees, white sand, turquoise sea, warm sea breeze, QG Resorts and Spa is known for its aesthetic interior hotel design, extreme adventure sport facilities, exquisite cuisines and natural amenities that makes locals and foreigners coming back for more. But behind its beauty and appealing appearance that showcases excitement, relaxation and celebration is an underground drug den.

The resort and spa is only a cover up for its actual form of business. Ika nga ni Qin Go, hitting two birds with one stone, that is his favorite line, he's profiting for both businesses at the same time, more on the drugs to be specific. He married Gillian Delcampo to manage the hotel operation while he does his underground sphere. One of his friends said it's a dangerous ground to undertake, but for him, he wouldn't call it a business if there's no gambling involved.

Para sa kanya, ang buhay ay weather-weather lang. It's either you're lucky or not. But nothing really matters at the moment, the luck is on his side after all.

Gillian Delcampo elegantly sipped her glass of orange juice, leaned backward and closed her eyes. After days of working, she decided to relax and take a day off to ease her stress.

She made a good decision when she took her hands off from Qin's drug business. Baka lalo lang siyang ma-stress kung nakialam pa siya dahil sa bagong presidente ng bansa. Whatever his into and the problem that drug business brings, labas na siya roon.

And besides she's busy searching for the missing girl. Dead or alive.

Pumalatak siya. Just the thought of it made her irritated.

"Rina, kindly get me some ice, please." She politely requested one of her staff who is standing beside her, ready to accommodate her every request.

Agad naman itong tumalima at mabilis pa sa alas kwatro ay nasa harapan na niya ito ulit, nilalagyan ng yelo ang orange juice niya.

She sweetly smiled at her.

Mayamaya may tumabi sa kanya sa loob ng exclusive hut. Si Dolfo iyon. Sinenyasan niya ang mga staff na lisanin ang hut.

"Ipagpaliban mo muna ang sasabihin mo. Hindi mo ba nakikitang nagrerelax ako rito?" She scorned.

"Nahanap na ang babae." Pagbabalewala nito sa sinabi niya.

Natigilan siya. She's dismayed dahil hindi nito ginamit ang salitang 'katawan' o 'bangkay'.

"Saan?"

"Na-confine siya sa isang ospital."

Her face firmed and her eye brows formed a single line.

"Nagpadala ako ng mga tao para magmanman. Nandoon siya sa mansyon kasama ng pamangkin mo." Dugtong nito.

Bigla siyang nagpuyos sa galit. Paano nangyari iyon?! Paano ito nakahanap ng daan papasok sa tahanan nila?!

Impossibleng alam ni Maribel ang tungkol sa mansyon sapagkat nasa diary ni Gilberto na hindi ito nagpakilala sa bata bilang ama nito. Ngunit hindi niya maiwasang paghinalaan na ang pagpunta nito sa Santa Barbara ay pagkakataon lamang.

At bakit pinapasok ni Gabriel si Maribel sa mansyon? Alam ba ni Gabriel ang tungkol sa pagkatao ni Maribel?

Maybe her little nephew wasn't that naïve for all she knew.

"Ano ng plano mo ngayon?" He asked, uninterested.

"Kung hindi dahil sa mga bobong bata mo eh di sana matagal nang patay ang babae! Natakasan pa sila ng desinueve anyos na bata sa laki ng mga katawan nila!" Singhal niya. "Ako na ang bahala, tutal mga wala naman kayong silbi! Makakaalis kana."

Hindi paman nakakaalis si Dolfo ay muli siyang nagsalita.

"Sabihin mo sa mga staffs na ipaghanda ang mga gamit ko."

'I'll use my husband's favorite line. But this time, I'm not just going to hit the birds, I'm going to kill them!'

---

"SA TINGIN MO BA NABABALIW NA SIYA?"

Mula sa study, pinanuod nila Gabriel at Norma si Maribel sa garden table na nakatulala sa kawalan.

Hawak-hawak parin nito ang dalawang kwentas sa kamay, paminsan-minsan ay tinitingnan nito iyon.

"Ano ba ang naging reaksyon niya, Gabriel?" Muling tanong nito.

"Alam ko pong nabigla siya. Naawa ako sa kanya, parang tinanggalan ko siya ng pagkakataong makilala ang ama niya."

Norma consoled him by rubbing her back gently. "Anak, aksidente ang nangyari. Walang may gustong mangyari iyon."

Natahimik siya. Kanina pa niya iniinda ang kirot sa dibdib. Huminga siya nang malalim para maibsan ang bigat na dinarama. He couldn't blame anyone but himself to be honest. When she saw her miserable face, nagdalawang isip siyang ipagpatuloy ang plano ngunit mas pipiliin niyang madurog ang puso nito sa katotohanan kaysa naman dalhin niya iyon bilang sekreto.

"Gabriel, anak, palayain mo na ang sarili mo. Hindi maaari na habambuhay mong isisi sa sarili ang trahedya. Matanda na kami ni Rolando. Si Maribel nalang ang natitira mong kadugo na malapit at nagmamalasakit sa iyo. Bakit hindi nalang ninyo mahalin at alagaan ang isa't-isa?"

Nanatili siyang tahimik hanggang sa umalis si Norma. Hindi niya kayang tingnan si Maribel bilang isang kapatid pero susubukan niya para maitulak palayo ang ligaw niyang damdamin.

Tinabihan niya ito sa garden table. Malamlam parin ang mga mata nito.

"I just don't get it. Bakit hindi nalang siya nagpakilala sa akin bilang ama gayung nagpapadala naman kami ng sulat sa isa't-isa? Ikinahiya ba niya ako?" Basag nito sa katahimikan.

"My parents didn't have a good relationship. They never sugarcoat their arguments with fake affection in front of me. Naririnig ko silang nag-aaway dati dahil sa isang batang gustong kunin ni dad sa bahay ampunan. My mother was against it and had a mild heart attack after one of their fights."

"Kaya sa tingin ko hindi ka niya ikinahiya dahil ilang beses ka niyang sinubukang kunin. If it weren't because of the circumstances."

"Nanilbihan bilang katulong ang ina ko sa mga Delcampo. Buntis na siya nang muli siyang bumalik sa bahay ampunan. Kinimkim niya ang hinagpis niya hanggang sa libingan, iniwan niya sa akin ang kwentas na ito." Wika nito himas-himas ang kwentas. "Sa palagay ko, minahal niya nang husto si Gilberto at gusto niyang makilala ko siya bilang ama."

"Ganoon din ang tingin ko. Your mother and my father had a forbidden love." Maribel threw him a confused look. "My father kept that necklace for a reason. It's probably because he loves your mother more than mine." Nagkibit balikat siya at nag-iwas ng tingin.

"Bakit napakadali sa iyong tanggapin iyon? Hindi ka ba nagalit sa ama mo na may anak siya sa labas?"

Umismid ito. "Imposible iyon, you loathe me the very first day I accidentally came here."

"I'm sorry if I made you feel that way. But believe it or not, I didn't get mad at my father because he has a child outside of marriage, mas nagalit ako sa kanya dahil wala siyang panahon para sa amin. When I first learned about you, I got jealous but it didn't last that long. It turns out mas na-una lang nabuntis ang ina ko kaysa sa nanay mo, and my parents' marriage was already arranged." Nalaman niya iyon mula kay Norma nang inungkat niya sa matanda ang nakaraan. His grandfather was dangerous at mas gugustuhin pang malayo ni Gilberto kay Maribel kaysa ang mapahamak ang huli.

He will keep that information to himself though sapagkat hindi niya gustong malaman ng dalaga kung gaano kasakim ang sariling abuelo't abuela nito. Going into details will only hurt her more.

He couldn't even believe na magagawa iyon ng abuelo niya. Marianno was closer to him than his father noong nabubuhay pa ito. His father was always out of town habang ang abuelo naman niya ang lagi niyang kasama, pinapasyal siya nito sa rancho nila, tinuruan siya nitong mangabayo at paano sumakay ng bisikleta. He also thought him the basics when it comes to handling business and life. He was a loving grandfather to him.

"What was Gilberto like as a person and as a father?"

"He was responsible, practical and a good provider." Inalala niya ang panahong buhay pa ito. He thinks his father did his best to raise him and that was enough for him. "I'll show you a picture of him."

Tumango si Maribel at muling natahimik. Hindi niya mabasa kung anong iniisip nito. He worries that she might be hiding her anger towards him and just playing civil. Alam niyang hindi imposibleng magtanim ito ng galit sa kanya ngunit mas gugustuhin niyang harap-harapan siya nitong sumbatan kaysa manahimik ito.

"Maribel."

She gave him a what-is-it-look. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napabuntong hininga ngayong araw na ito. He might want to do another one.

"I'll accept the blame, don't conceal it."

She shook her head and smiled sympathetically. "Hindi ako galit sa iyo Gabriel. Hindi kita kayang sisihin sa bagay na hindi mo naman sinadya at ginusto kaya wala ka ring kasalanan na dapat ipagpatawad. Wala rin naman sigurong magbabago kahit buhay pa siya hanggang ngayon. I'll still be his BASTARD."

"I prefer to call you his love child."

Inilipat nito ang tingin sa ibang direksyon. She abruptly wiped a tear and chuckled.

"Tara na sa loob. Ayaw ko nang umiyak."

Sabay silang pumasok sa mansyon, sinalubong ni Norma ng yakap si Maribel. Sabay din silang naghapunan ng gabing iyon sa dining room na unang beses nilang binuksan at ginamit.

Nanibago siya. He felt oddly satisfied dinning with her. Nabawasan ang iniinda niyang guilt at galit sa sarili.

With her by his side made him feel that he can face the world again and continue living.

Last Update of the year!

Thank you to all readers who gave their time and effort reading this story. Reaching 6k+ views was overwhelming and made my heart blush.

Happy New Year everyone!

Spend your day with the Family. :)

ClaineJocsoncreators' thoughts