webnovel

Kites at Sunsets

"Ang ganda ng paglubog ng araw, kasing ganda ng mga mata mo Maribel." ------ This story is inspired by the movies. Read at your own risk. ------ Cover page picture not mine. (Credits to the owner) If you want me to take it off, message me pashaclaine@gmail.com

ClaineJocson · Real
Sin suficientes valoraciones
22 Chs

E

HATINGGABI, nilisan ni Gabriel ang silid upang puntahan ang babaeng natagpuan ni Mang Rolando sa gubat. Mula sa servant's quarter pinalipat niya ito sa guest room kanina para mas malapit ito sa kanya. In that way, it wouldn't be hard for him to take a closer look at her. Hindi na rin kinuwestyon ng mag-asawa ang desisyon niya.

Mahimbing ang dalaga nang dumating siya sa kwarto. Hindi niya pinailaw pa ang silid at hinayaang tanging ang liwanag ng buwan ang maging ilaw niya. Sa mga nakalipas na buwan mas naging komportable siya sa dilim dahil walang nakakakita sa kanya at malayo siya sa mga matang mapanghusga.

If he could officially walk he would have tiptoed his steps by now hindi lang magising ang dalaga. And when he finally had a closer and better look at her, he almost gasped. She's sure in a lot of pain right now if she wasn't able to take those medicines.

Pansamantala niya itong pinagmasdan. Hinawi niya ang hibla ng buhok na bahagyang nakatabing sa mukha ng dalaga. Napaka-amo ng mukha nito para mapag-isipan na isang masamang tao . Tuloy he felt sorry for judging her. Maliit ang hugis pusong mukha nito na kasing laki ng palad niya at katamtaman ang tangos ng ilong nito. Nadako ang paningin niya sa mga labi ng dalaga. Her lower lip is thicker compared to her upper lip which gives her that sexy kind of look when she smiles – oh what the hell was he thinking!

Mayamaya umungol ito. He almost took a backward step till he heard her cast a name.

"Drew."

Who's Drew? Boyfriend ba ito ng dalaga?

She started to sweat at pahaba ng pahaba rin ang ungol nito. She might be having a nightmare dala ng masamang pakiramandam nito. Damn it! Ayaw niya itong gisingin ngunit mas ayaw niya itong iwan sa ganoong kalagayan.

"Tulong." Mahinang sambit nito.

"Tulong."

"Mama." Muling sambit nito.

She left him no choice. He held her shoulders to wake her up. He suddenly froze when their gazes met. Her eyes looked familiar to him. He must have seen those eyes somewhere a long time ago he couldn't even remember. He then slowly placed her back to her pillow.

Pinaatras niya ang gulong ng wheelchair palayo sa kama at nagtago sa madilim na parte ng kwarto.

"Please turn on the lights. Kung sino ka man."

Hindi niya ito sinagot bagkus pinagmasdan lang niya ito habang sinasandal nito ang sarili sa headboard.

"Huwag mo naman akong takutin oh, nagmamakaawa ako sa iyo."

Nanatili siyang tahimik.

"P-please?"

She started crying. Mula sa hikbi humagulgol ito habang tinatakpan ng dalawang kamay ang mukha.

Huminto ito sa pag-iyak nang biglang nagkailaw ang buong silid. Nagulat pa ito nang makita siya. Nagbawi ito ng tingin at pinahid ang mga luha.

"Si-sino ka?" Tanong ng dalaga sa gitna ng mga hikbi nito.

"Simula noong nahulog ako sa bangin wala na akong ibang ginawa kundi tanungin ang mga tao kung sino sila. Wala akong maalala."

Nahulog ito sa bangin? That explains the wounds on her hands. She might have tried so hard not to fell off the cliff ngunit ano ba talagang nangyari rito?

"Pipi ka ba? Nananaginip na naman ba ako?" Paghihisterya nito.

Nang walang makuhang sagot mula sa kanya sinimulan nitong tampalin ang sarili. "Gumising ka Maribel! Gising! Gisi-"

"Hindi ako pipi at hindi ka nananaginip. Nasa pamamahay kita." Awat niya sa dalaga.

"Kapatid ka ba ni Drew?" He could hear that slight excitement tone in her voice ngunit hindi niya iyon binigyang pansin.

"Hindi."

Yumuko ito at tahimik na sinuri ang mga kamay. Namumula pa iyon dahil sa betadine. Inalis nito ang kumot sa paa para tingnan ang sugat nito. Napangiwi ito nang makita ang mga sugat na sariwa parin.

"Kung hindi mo kapatid si Drew, sino ka?"

He left the room. Wala siya sa mood para saguting ang mga tanong nito. Associating with a stranger is the last thing in his mind dahil sigurado siyang magiging sagabal lang ito.

----

HINDI na ako muling nakatulog nang iwan ako ng lalaking naka-wheel chair. Nanatili akong nakaupo habang pinag-aaralan ang buong silid. Sigurado akong hindi ito ang silid na pinagdalhan sa akin ni Drew. Napakarangya ng silid na ito kompara sa simpleng silid ni Drew. Hindi man moderno ang mga kasangkapan at dekorasyon ay hindi maipagkakaila na mayaman ang may-ari ng bahay.

Kasya ang apat na tao sa laki ng kama, may tig-iisang lampshade ang dalawang bedside table at nakacarpet ang sahig. Wow, malaki rin ang bintana yung parang sa pelikula. Telebisyon at computer na lang ang kulang sa kwartong ito, for sure hindi na ako lalabas pa.

Maswerte at buhay pa ako. Hindi ko inaakalang mabubuhay pa ako pagkatapos kong mahulog sa bangin. Siguro nga hindi pa tapos ang misyon ko dito sa mundo. Tahimik akong nagdadasal nang pumasok ang matandang babae.

"Magandang umaga hija, kumusta ang pakiramdam mo?"

"Magandang umaga po, medyo maayos na po ang pakiramdam ko."

Nagpakawala siya ng hangin. She looks relieved. Pinag-alala ko siguro siya ng husto. "Napansin kong nakailaw ang kwarto mo kaya pinuntahan kita."

"Sa katunayan po niyan, yung lalaking nakawheel chair ang nagpa-ilaw sa kwarto. Nakalimutan niya sigurong patayin bago siya umalis."

Nanlaki ang mata niya. Nagulat ba siya sa sinabi ko?

"Si Gabriel?"

Nagkibit-balikat ako. Hindi naman ito nagpakilala sa akin. Basta nalang itong umalis na parang hangin lang ang kausap.

"Ako nga po pala si Maribel. Maribel Borromeo." Pagpapakilala ko sa kanya. Naupo ito sa paanan ng kama at ngumiti.

"Ako si Norma." Tumango ako. "At ang asawa kong si Rolando ang nakatagpo sa iyo sa kagubatan habang nangunguha siya ng panggatong."

Hindi ako nakaimik. Sa gitna ng kagubatan ako natagpuan? Paanong nangyari iyon? Guni-guni ko lang ba si Drew? Isa na naman ba itong panaginip? But his touches were real. I can feel it. Sariwa parin sa akin ang malambing niyang boses habang pinapatulog niya ako. Parang kanina lang iyon nangyari.

Muli akong sinuri ni Aling Norma. "May lagnat ka parin, hija. Pero mabuting bumaba na ito. Matulog ka ulit, alas kwatro ng madaling araw pa lang."

"Makakauwi na po ba ako bukas?"

"Saan ka ba umuuwi hija?" Sandali akong natigilan. Saan nga pala ako uuwi? Sa dorm o sa bahay ampunan? Ayaw kong bumalik sa bahay ampunan na ganito ang itsura ko. Pag-aalalahin ko lang ang mga madre doon at kung sa dorm naman, masyadong malayo ang maynila, wala ring mag-aalaga sa akin doon. Hindi naman kasing simpleng sinat lang ang sakit ko ngayon, tiyak mahihirapan ako.

"Mas maganda siguro kung maipagamot ka muna sa doctor bago ka umuwi sa inyo."

"Huwag na po masyado ko na kayong naabala." Agap ko.

Umiling ito. "Sabay na kayo ni Gabriel mamaya sa bayan. Pagkatapos ihahatid ka namin sa inyo."

----

MARAHAS na hinila ni Gabriel ang drawer na naglalaman ng mga kagamitan ng mga magulang niya. Hinanap niya ang nag-iisang kwentas ng ama. Isa iyong locket na hugis puso. Kanina habang pinagmamasdan niya ang dalaga, napansin niya ang kwentas na suot nito. Kaparehong-kapareho sa kwentas na hawak-hawak niya ngayon.

Binuksan niya iyon, tumambad sa kanya ang larawan ni Maribel.