webnovel

Unang Sagupaan

Editor: LiberReverieGroup

"Kapatid na Quan!"

Nang makitang buksan ni Zhao Feng ang kanyang bibig at nang mahulog si Quan Chen sa tunog ng 'plop', ang mga manonood ay higit na nasorpresa.

Karamihan sa mga tao ay malamig ang hininga. Sa pagkakataong iyon, hindi lamang nagpakita ng lakas si Zhao Feng, kundi isa ring misteryo.

"Talaga namang nakasisindak! Ni hindi niya nga ginamit ang kanyang mga kamay para talunin si Quan Chen!"

"Paano ito naging posible!? Si Quan Chen ay nasa ikalimang puwesto ng mga core disciples!"

Punong-puno ng pagkagulat at pagdududa ang mga inner disciples. Iilan sa kanila ay nag-isip na baka isang palabas lamang ito.

"Ito ang lakas ng aking Kapatid na si Zhao?" Bumilis ang tibok ng puso ni Lin Fan.

Si Yun Mengxiang at Xiao Sun na nasa parehong gilid ay tila naging mga kahoy na manok, kalahating taon lamang ang nakararaan ng pumasok sila sa Broken Moon Clan at ngayon ay nasa ganyang punto na siya.

Punong-puno ng pagsisisi si Prinsesa Yun Mengxiang. Simula nang piliin ni Zhao Feng ang larangan ng martial arts at ang Lightning Wind Palm, sinukuan niya na ito. Pero sa loob lamang ng ilang buwan, naging isang disipulo na ito ng First Elder at nalagpasan niya na rin ang 10,000 taon na tala.

Matapos matalo si Quan Chen, nasa ikalimang puwesto na ng core disciple si Zhao Feng. Naabot niya na ang orihinal niyang layunin, pero dahil naririto pa si Yuan Zhi at Bei Moi, ang laban ay hindi matatapos.

.

"Sunod." Ang boses ni Zhao Feng ay maririnig habang nagsisimula na siyang magplano.

Sa pagkakataong iyon, nagpadala ng true force si Yuan Zhi sa katawan ni Quan Chen para masigurong ayos lang ito.

"Ako na."

Patayo na sana si Bei Moi.

"Mauuna muna ako."

Pinigilan ni Yuan Zhi si Bei Moi. Natatantsa niyang ang lakas ni Zhao Feng ay katulad nang kay Bei Moi, pero higit siyang mas kakaiba kung kaya siya muna ang susubok nito.

para sa ikabubuti ng lahat.

Dahil si Bei Moi ang pinakamalakas, siya dapat ang mahuli, para magkaroon ng mas matas na tsansa na magwagi.

Sa entablado.

Hinarap ni Zhao Feng si Yuan Zhi.

Naabot ni Yuan Zhi ang 5th Sky ng Ascended Realm at agad niyang nalagpasan si Quan Chen sa aspeto ng lakas at talino, pagkatapos niyang mpunta sa taas, hindi siya gumagawa ng kahit anong padalos-dalos na galaw.

Boi~

Binuksang muli ni Zhao Feng ang kanyang bibig at muling dumaloy ang tunog patungo kay Yuan Zhi.

Malamig na tumawa si Yuan Zhi at sa isang bigla, isang suson ng true force ang nabuo sa kanyang mga tainga.

Ganoon rin, ang kanyang lakas ng loob ay hindi maikukumpara kay Quan Chen.

Dahil mas mataas rin ang kanyang cultivation, and sound attack ni Zhao Feng ay hanggang 20-30 porsyento na lamang ang kapangyarihan at halos wala ng epekto sa kanya. Hindi na nagulat pa si Zhao Feng, sinusubukan lang naman niya talaga ito.

Ang kanyang pinakamalaking kayamanan ay mental energy, pero wala siyang kahit anong kakayahan o pamana tungkol rito.

Heaven Leisure Step!

Ang anyo ni Yuan Zhi ay tila bumagal at sa tuwing gumagalaw siya tila napapabagal niya ang lahat.

Shua!

Ang anyo ni Zhao Feng ay biglang nawala sa hangin at halata naman talagang mas mabilis siya kaysa kay Yuan Zhi. Pero hindi naman ito natakot dahil alam niyang kaya niyang pabagalin ang lahat.

Lightning Wind Palm!

Agad na ginamit ni Zhao Feng ang kanyang pinakamakapangyarihang skill at nagdala ito ng pagsirit ng mga kidlat na nababalutan ng isang ipo-ipo patungo kay Yuan Zhi.

Sa tunog ng 'boom', ang dalawang atake ay mabigat na nagtama.

Napirmi ang anyo ni Yuan Zhi at ang kanyang ekspresyon ay nagbago nang kaunti dahil naitulak siya.

Nang magkasagupaan sila ni Zhao Feng, isang nakamamanhid na pakiramdam ang agad niyang naramdaman. Bukod pa roon, ang kapangyarihan ng Lightning Wind Palm ni Zhao Feng ay higit na mas malakas kaysa sa kanyang inaakala.

Sa bawat pagkakataon na nagkakasagupaan sila, namamanhid si Yuan Zhi at ang napakalakas na kapangyarihan na ito ay pinapakulo ang kanyang dugo. Kung si Quan Chen ang nasa posisyon niya, hindi niya siguro kakayaning ang isa o dalawang tama nito.

Sa ibaba, ang mukha ni Bei Moi ay taimtim. Ang lakas na mayroon si Zhao Feng ay higit na makapangyarihan kaysa sa kanyang inaakala.

Lightning Wind Raging Dragon!

Ibinuga ni Zhao Feng ang kanyang palm attack at isang berdeng hangin ang pumilipit sa kidlat at bumuo ng isang dragon.

Kahit sa huni ng kidlat, ang palm attack na ito ay umusad.

Nanigas ang katawan ni Yuan Zhi at hindi siya nakaiwas, nangangahulugang kailangan niyang padaluyin ang lahat ng kanyang true force at tanggapin ang atake nang diretso.

Shocking Yuan Ripple!

Isang bola ng liwanag ang nabuo mula sa kanyang true force at nagpakita sa palad ni Yuan Zhi na siyang sumabog nang magtama ito sa nakasisindak na Lightning Dragon.

Booom --- ang anyo ng dalawa ay agad na nabalutan ng alon ng mga alikabok at hindi na malaman kung sino o alin sila sa dalawa.

Ang isa sa mga anyo ay nakapirmi lang na parang bundok at ang kanyang kulay asul na buhok ay nililipad ng hangin.

Ang isang anyo, sa kabilang banda, ay naitutulak palayo.

"Paano siya naging ganito kalakas? Ang ganitong kapangyarihan ay sapat na para makapatay ng isang normal na cultivator sa 5th Sky."

lang mga paso ang naiwan sa buong katawan ni Yuan Zhi.

Shuuu!

Isang kasingbilis ng kidlat na anyo ang biglang lumapit kay Yuan Zhi mula sa natirang kidlat kanina.

Anong klase ng speed skill iyan? Paano iyan naging ganyang kabilis!?

Nanginig ang puso ni Yuan Zhi at wala na rin siyang oras para iwasan ito kung kaya napalipad siya ni Zhao Feng sa pamamagitan lamang ng isang palad.

Wah!

Napadura ng dugo si Yuan Zhi habang nasa hangin at nililipad palayo sa entablado.

Sa loob lamang ng sampung atake, si Yuan Zhi, na nasa 5th Sky ng Ascended Realm ay natalo.

Muling nag-usap-usapan ang mga manonood. Hindi lamang mga disipulo ang naroroon para manood, kundi may mga ibang miyembro rin ng Clan.

"Sunod." Malalim ang paghinga ni Zhao Feng.

Para matalo nang ganoon kabilis si Yuan Zhi, ginamit niya ang 90 porsyento ng kanyang lakas, maliban pa sa kanyang kaliwang mata at bloodline power.

Pagkatapos matalo si Yuan Zhi, nasa ikatlong puwesto na ngayon sa mga core disciples si Zhao Feng.

"Nakakasindak naman talaga! Kailan pa naging ganyan kalakas ang Lightning Wind Palm? Kahit ako, gusto na ring matuto niyan."

"Tatalunin ba lahat ni Zhao Feng ang mga disipulo ni Hai Yun Master?"

Nagkaroon ng diskusyon ang mga manonood.

Isa sa mga ito ay ang Central Division Vice Head Li.

"Vice Head, kailan pa naging ganyan kalakas ang Lightning Wind Palm?" Isang Deacon ang napabulalas.

"Ang Lightning Wind Palm na iyan ay perpekto at ang intensyon ng kidlat ay higit na dalisay at puro. Hindi nakapagtataka kung bakit kinuha ng First Elder si Zhao Feng bilang kanyang core disciple. Iyan siguro ang rason."

Isang guhit ng liwanag ang makikita sa mga mata ng Vice Head Li.

"Hindi nakapagtataka! Kung hindi dahil dito, hindi na siguro kukuha pa ng isang core disciple ang First Elder para sanayin ang Lightning Wind Palm." Biglang napagtanto ng Deacon.

"Mukhang ang pang-unawa ni Zhao Feng ay ganoon katindi para maperpekto niya ang Lightning Wind Palm. May kinalaman kaya ito sa trial?" Bulong ng Vice Head sa kanyang sarili.

Sa parehong pagkakataon, si Zhao Feng na lamang ang nakatayo sa entablado.

"Magpahinga ka muna at saka tayo magkakaroon ng patas na laban." Walang emosyong sabi ni Bei Moi.

Alam niyang maraming naaksayang lakas si Zhao Feng para matalo si Yuan Zhi at Quan Chen. Nauunawaan niyang gusto ni Bei Moi na maging patas ang laban nila at walang mas nakaaangat.

Ang eksenang ito ay ikinagulat ng mga manonood. Ang kumpiyansa ni Bei Moi ay nagdulot ng pag-aabang ng lahat para sa susunod na laban.

Mamaya-maya.

Ang enerhiya ni Zhao Feng ay umabot na sa rurok at sinabi niya: "Tapos na ako Bei Moi. Nagkaroon tayo ng kasunduan bago tayo pumasok sa Clan at ang laban na ito ay ang kasunduang iyon."

"Ganoon nga, naghintay ako nang matagal para sa labang ito. Mas malakas ka kaysa sa inaakala ko at karapat-dapat ngang maging kalaban kita."

Tumapak na si Bei Moi sa entablado.

Nang marinig ang pag-uusap nila, nagulantang ang mga manonood.

Ang iilan sa mga hindi nakakaalam kung ano ang nangyari sa dalawa ay naging interesado: "Ano ang relasyon na mayroon ang dalawa?"

Ang tanging nakakaalam lamang ng katotohanan ay sina Quan Chen at Yuan Zhi.

Ganoon din.

Sa isang mataas na gusali sa tuktok ng isang bundok.

"Xu Ran, Xu Ran. Paano mo naging disipulo ang dalawang henyo?" Pagtatanong ni Hai Yun Master sa kanyang sarili nang mahina.

Sa entablado.

Nagtitigan si Zhao Feng at Bei Moi sa isa't isa nang may taimtim na ekspresyon sa mukha. Wala ni kahit isa kanila ang arogante.

Northern Dark Water Shadow!

Biglang naglaho ang anyo ni Bei Moi at mga iba ibang porma ang nabuo mula sa tubig na naroroon. Ang kanyang tunay na katawan ay nakipag-isa sa mga porma na siyang nagpapahirap malaman kung alin ang tunay sa kanila.

Dahil hindi niya gamit ang kanyang kaliwang mata, hindi makita ni Zhao Feng kung alin ang tunay sa mga anyo.

"Napakagandang skill." Napabuntong hininga si Zhao Feng sa paghanga.

Isa nga talagang henyo si Bei Moi.

Illusion Fish Shadow Step!

Biglang lumabo ang anyp ni Zhao Feng at iba-ibang ilusyon ang nagpakita na siyang nililinlang ang pandama ng kalaban.

Sa entablado, iba-iba ang mga anyo na nagpapakita, na siyang bumubulag sa mga mata ng manonood.

Ang Illusion Fish Shadow Step ay ginawa ni Zhao Feng sa pamamagitan ng pag-iisa ng malaking halaga ng movement skills at ng Illusion Fish Picture.

Sa totoo lang, ang skill na ito ay ang beginner version o ang pinakamadaling bersyon. Ang mas mataas na antas na ito ay ay ang Illusion Fish Lightning Arc Step.

Subalit, hindi gaanong naiintindihan ni Zhao Feng ang Lightning Inheritance kung kaya hindi pa perpekto ang Illusion Fish Lightning Arc Step. Ginamit niya lang ito nang bahagya para matalo si Yuan Zhi.

Hindi na sinubukan pa ni Zhao Feng na gumamit nang masyadong kidlat dahil malalaman lang ng lahat na nakatanggap siya ng Lightning Inheritance. Nagagamit niya lang Lightning Wind Palm bilang panakip rito.

Northern Dark Four Heavy Strikes!

Maiitim na asul na saluysoy ng tubig ang umalon. Tila ba sampung libong kilo ng tubig ang papunta kay Zhao Feng.

Lighting Wind Destruction!

Ang kidlat at hangin ay pumilipit sa isa't isa sa palad ni Zhao Feng na may kapangyarihang sirain ang kahit ano.

Ang dalawang kapangyarihan ay nagtama nang matindi.

Craaack!

Ang pagsabog ay may sampung yarda ang sukat paikot at may kapangyarihang maihahalintulad sa 6th Sky ng Ascended Realm.

"Anong lakas!"

Ang mga Deacons na nasa paligis ng entablado ay nagulat. Maliban sa Head Disciple, walang kahit sino sa kanila ang makakapigil sa dalawang halimaw na ito.

Lightning Wind Raging Dragon!

Dark Water Mountain Opener!

Mas malalakas pa na mga atake ang nagtama at ang dalawang anyo ay makikitang nagpapaltan ng mga suntok.

Sa isang punto.

Ang dalawang anyo ay lumilipad na ng daan-daang metro sa taas habang nagpapalitan ng mga atake.

Ang ekspresyon ni Zhao Feng malupit habang pinapadaloy niya ang kanyang Lightning Wind Palm, na may kasamang kakarampot ng Lightning Inheritance.

Ngunit, ang depensa ni Bei Moi ay higit na mas makapangyarihan kaysa sa inaasahan. Ang maitim na asul nitong tubig ay kayang higupin ang kahit anong kapangyarihan.

Ang taong katulad at kasinglakas ni Zhao Feng ay hindi nga kayang sirain ang depensa ni Bei Moi – mula rito, makikita kung gaano ka nakakatakot ang pangalang huling nabanggit.

"Anong pamana ang may kinalaman sa tubig at ang depensa ang forte nito?"

Natantsa ni Zhao Feng na kapag hindi niya gagamitin ang kanyang bloodline power, hindi talaga siya mananalo.

Syempre, si Bei Moi rin ay hindi maganda ang pakiramdam. Sa bawat pagkakataon na magkakasagupaan sila ni Zhao Feng, ang kanyang mga kasu-kasuan ay namamanhid at pagkatapos na maramdaman ito nang paulit-ulit, karima-rimarim ito sa pakiramdam.

Habang ang laban nilang dalawa ay lalong tumitindi. Ang true force nilang dalawa ay madaling nauubos.

Pagkatapos ng ilang daang palitan ng atake, nahihirapan nang huminga ang dalawa at hindi na makatayo.

Mula sa simula, palaging si Zhao Feng ang nauunang umatake at gipitin si Bei Moi, pero hindi pa rin siya nakalagpas sa depensa nito.

"Ito siguro ang pinakamagandang resulta." Pag-iisip ni Zhao Feng.

"Sa wakas, ang laban na ito ay nagtatapos ng walang panalo."

Nagpakita na si Vice Head Li at pinigilan ang laban. Ang dalawang henyo ng Clan ay hindi dapat maaksidente.

"Draw o walang nanalo."

Nagpakawala ng hininga si Yuan Zhi. Kung nanalo si Zhao Feng, nangangahulugang lahat ng disipulo ni Hai Yun Master ay natalo.

Nakatingin nang malalim si Bei Moi kay Zhao Feng bago umalis kasama ang dalawa.

"Nakakasindak na opensa."

Sa pagkakataong nakabalik na si Bei Moi sa kanyang tinutuluyan, sumirit ang dugo mula sa kanyang bibig. Hindi niya kinaya ang sunod-sunod na atake ni Zhao Feng gaano man kalakas ang kanyang depensa.