_Six Warlock Divine Sage?_
Ang mga mata ni Zhao Feng ay kumislap nang tumingin siya patungo kina Jiang Sanfeng at Die Ye na nasa tabi niya.
Hindi ito ang unang beses na narinig niya ang Six Warlock Divine Sage.
Bigla niyang naalala si Liu Qinxin habang kinukuwento nito ang istorya ng Sage na kumukuha ng mga disciples.
Ang Sage ay kumuha ng tatlong babaeng disciples na nagcucultivate ng Dao of Life, Dao of Charm, at ng Dao of Entertainment.
Ang isang nagcucultivate ng Dao of Charm ay si Empress Qin. Ang impormasiyong ito ay hindi naman sikreto sa mga upper echelon ng Canopy Great Country.
Ayon sa sinabi ni Liu Qinxin, ang taong nagcucultivate ng Dao of Entertainment ay ang kaniyang ina, na pinatay ni Empress Qin.
Ang pinuno ni Qinxin ay ang taong nagcucultivate ng Dao of Life, at ang kanyang pinuno ay sinabihan siyang palitan ang kaniyang pangalan dahil maaaring maapektuhan ang kaniyang hinaharap.