webnovel

Simula ng Pagtugis

Editor: LiberReverieGroup

Sampung pigura ang nabalot ng yelo, na gumawa ng malamig na maliit na burol.

Kabilang dito si Quan Chen, na binalot ng yelo sa gitna mismo.

Nakita ni Zhao Feng na mula kalahating araw hanggang tatlong araw, mamatay si Quan Chen dahil sa lamig. Dahil hindi pa umaabot si Quan Chen ay hindi pa umaabot sa 5th Sky, imposibleng mawasak niya ang puwersa ng dalawang palaso. Tanging si Yang Gan lamang ang may kakayahan na gumawa nito.

"Ang palaso mismo ay walang sapat na kapangyarihan, ngunit ang karagdagng epekto nito ay hindi kapani-paniwala."

Tumango si Zhao Feng at ngumiti. Ang sitwasyong ito ay maganda para kay Zhao Feng. Ang maliit na burol ay binalot ang pasukan at naging taga protekta ito, na nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang sirain ang array sa loob.

Sa isang kisap-mata, lumitaw si Zhao Feng sa tapat ng kahon na naglalaman ng kalahating naaninag na lumang balabal. Ang antigo at misteryosong aura ay naging dahilan upang bumili ang tibok ng kanyang puso.

Dahil sa panghihimasok niya, ang array ay kusang gumaling, na nagangahulugan na si Zhao Feng ay kailangan muling magsimula.

Peng! Si!

Ginalaw ni Zhao Feng ang kanyang palad at ang guhit ng kidlat ay lumitaw, na naging dahilan upang bahagyang umalog ang kahon at ang puting liwanag ay bahagyang dumilim.

Matapos makakuha ng kabatiran tungkol sa Floating Crest Lightning Seal, umabot si Zhao Feng sa mataas na lebel ng Lightning Wind Palm.

Ang ikalimang lebel ng Lightning Wind Palm ay lubhang mas malakas kaysa sa ika-apat. Sa lebel na ito, maari niyang gamitin ang kidlat upang mamanhid ang kanyang kalaban, ngunit kailangan munang maintindihan ito.

Kung hindi niya nalaman ang Floating Crest Lightning Seal, kakailanganin ni Zhao Feng na mag laan ng mahabang oras upang makakuha ng mga kaalaman at maintindihan ito.

Peng! Si! Peng! Si!

Ang atake ni Zhak Feng ay hindi mabilis at hindi niya ginamit ang kanyang buong lakas, ngunit ang pinsala sa bawat galaw ay maikukumpara sa 4th Sky.

"Ang ikalimang lebel ng Lightning Wind Palm ay talagang makapangyarihan. Ito ay parang pag dagdag ng pakpak sa tigre matapos itong mahaluan ng kaunting Floating Crest Lightning Seal."

Nararamdaman ni Zhao Feng ang kidlat sa bawat palad, na kayang magpamanhid sa kalaban. Kung mahina ang kalaban. Ang unang palad ni Zhao Feng ay maaring gumulat sa kalaban, na maaring hindi magpagalaw sa kanya.

Gamit ang mga atake, patuloy na pine-perpekto ni Zhao Feng ang Lightning Wind Palm dahil ang Lightning Wind Palm ay mabigat na gawain - ang lumikha ay hindi pa ito napeperpekto.

Patuloy na binabago ito ni Zhao Feng at ang Floating Crest Lightning Seal ay nakatulong din. Habang pine-perpekto niya ito, ang panganib na kasangkot ay bumababa rin.

Ito ay nangangahulugan na ang ikalimang lebel na Lightning Wind Palm ni Zhao Feng ay mas makapangyarihan kaysa sa mga mas makapangyarihan na sinasanay ito.

Ginamit niya ito upang pwersahin si Quan Chen noon. Si Quan Chen ay nasa rurok ng 4th Sky at mayroon siyang Middle grade Mortal weapon.

Sa sitwasyong ito, siya ay napaatras pa rin ni Zhao Feng - mula dito, makikita ang kapangyarihan ng Lightning Wind Palm. Kung aktibo lamang ang bloodline ni Zhao Feng, kaya niya nang patayin si Quan Chen gamit ang isang palad.

Peng! Si! Peng! Si!

Ang mga atake ni Zhao Feng ay may sinusundang ritmo, hindi mabilis o mabagal, ngunit nag dahilan pa rin ito upang mag dilim ang array sa bawat pagkakataon na matamaan ito.

Kasabay nito, ang array ay kusang gagaling at mababawasan ang pinsala ni Zhao Feng ngunit sa kabuuan, ang kapangyarihan ng array ay bumababa.

Siyempre, ang kanyang tibay ay limitado lamang. Nagpapahinga siya kada oras at iinom ng spiritual wine o kakain ng ilang pills kada apat na oras

Sa isang kisap-mata, dalawa hanggang tatlong araw ang nakalipas.

Peng! Kraaak!

Ang madagundong na palad ay bumasag sa puting liwanag ng ilaw at winasak ito

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay naging masaya kasabay ng mabilis niyang paghawak sa sira-sirang balabal.

Ayon sa kaalaman ni Zhao Feng, ang array ay dahan-dahang gagaling kahit ito ay tuluyan ng nasira. Sinuri ni Zhao Feng ang kulay abong balabal at pinasok niya ang kanyang True Force sa loob upang suriin ito. Nang nilagay niya ang maliit na halaga ng True Force, ang balabal ay mas lalong naging malinaw.

Naglagay pa si Zhao Feng ng maraming True Force sa balabal at ilang kapangyarihan ng kanyang bloodline. Biglang isang hindi makitang aura ang bumalot sa buong katawan ni Zhao Feng, na nagbigay sa kanya ng pakiramdam na siya ay parang hangin. Sa pag susuri ng kanyang kaliwang mata, napagtanto niya na ang ilaw na dumadating sa kanya ay baluktot, na nakakaapekto sa paningin ng iba.

"Invisibility?" Kumislap ang mata ni Zhao Feng at sinabi ito.

Sa mata ng ibang tao, si Zhao Feng ay isang hangin. Hindi niya inaasahan na ang balabal ay may ganitong kakaibang abilidad. Maliban dito, naramdaman ni Zhao Feng na naging kasing gaan siya ng balahibo.

Shua!

Ang makamultong pigura ay kumislap ilang yarda mula sa tesoreria. Naramdaman ni Zhao Feng ang kanyang liksi at bilis ay malaki ang tinaas. Sa pagsusuri niyang ito, napagtanto ni Zhao Feng na ang balabal ay may kakayahang invisibility at magpabilis. Ngunit kapag ginamit lamang niya ang kanyang True Force, walang mangyayari. Kailangan niyang ilagay din ang kanyang bloodline power upang lumabas ang epekto.

"Marahil ito ay dahil ang balabal ay bahagyang sira na."

Hindi na ito masyadong inisip pa ni Zhao Feng. Kinalkula niya ang oras at inestima na ang black metal monsters ay magsisimula silang habulin sa loob ng ilang oras. Walang makahaharap sa mga atake ng True Spirit Realm.

Tiningnan ni Zhao Feng ang tesoreria at bahagyang bumuntong-hininga bago naglakad paalis. Ang lamig ng yelong burol ay malaki ang binaba. Nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng habang tinitignan ito.

Lightning Wind Palm!

Nilagay ni Zhao Feng ang kanyang buong kalakasan sa kanyang palad at binasag niya ito yelong burol.

Craaaaack!

Ang yelong burol ay nagka pira-piraso at ang mga nagyeyelong guwardiya ay nawasak. Gayunpaman, walang kahit ano sa gitna ng yelong burol.

Naglaho si Quan Chen.

"Ang Floating Crest Trial ay sobrang bait. Sa sandaling ang isang tao ay haharap na sa kamatayan, ang Floating Crest Token sa loob ay dadalhin sila sa labas.

Kumislap ang mata ni Zhao Feng sa kanyang hinuha. Ang bawat kasapi ay may Floating Crest Token. Kung gayon, maari lamang pumatay ang isang tao kung may kalakasan at kakayahan sila na mabilisan utong patayin bago sila ilabas ng token.

Sa loob ng ilang araw, patuloy na inaatake ni Zhao Feng ang array habang pini-perpekto niya ang kanyang Lightning Wind Palm. Hindi niya alam kung ano ang nangyari o kung paano nawala si Quan Chen.

"Oh buweno, si Quan Chen ay lamok lamang na maari kong patayin gamit ang kalakasan ko ngayon."

Ang pigura ni Zhao Feng ay kumislap habang naglalakad siya sa labas.

Hu!

Isang queer power ang bumalik sa kanyang katawan kasabay ng paglagay niya sa balabal. Mabilis lamang, naging imbisibol si Zhao Feng at ang mga guwardya sa paligid ng gusali ay hindi siya makita.

Ang gulanit na balabal ay maaring makapag imbisibol kay Zhao Feng at kung mabilis siyang kikilos ay magkakaroon ng alon. Sa sandaling ito, ang bilis ni Zhao Feng ay maikukumpara sa sa 5th Sky. Ang pinaka mahalaga, kailangan lamang niyang ilagay ang kanyang bloodline power nang isang beses - maari niyang patuloy na gamitin gamit ang kanyang True Force.

"Haha, tawagin natin itong 'Yin Shadow Cloak'."

Tumawa si Zhao Feng habang lumabas siya sa kastilyo. Sa sandaling ginawa niya ito, nakaramdam siya ng presyur, na parang ikinulong siya ng kasindak-sindak na tao.

Kasabay nito.

Sila Yang Gan, Bei Moi at Rab Xiaoyuan… lahat ng kasali na nasa iba't-ibang lokasyon ng Sky Boundary Island ay nakaramdam ng presyur. Ang presyur na ito ay naging dahilan upang lumaktaw ang pintig ng kanilang puso.

Magsisimula na ba ang paghabol?

Bulong nj Zhao Feng kasabay nang pagsusuri sa kanyang kapaligiran gamit ang kanyang kaliwang mata.

Biglaan.

Mula sa sampung yarda, ang alon at maka wasak na aura ang lumitaw na naging dahilan upang mahirapan siyang huminga.

Weng!

Ang nagliliwanag na puting pintuan ang lumitaw sa lugar at mula dito isang malabong pigura ang lumabas. Ito ay isang metal monster na mayroong pares ng pakpak, tatlong palapag ang taas na mayroong berdeng mata. Isang berdeng liwanag ang nakapalibot dito at naglalabas ng aura - gumagawa ng alon ng hangin na tumutulak sa lahat ng direksyon.

"Takbo!"

Ang ekspreyon ni Zhao Feng ay nagbago habang mabilis siyang yumungo sa ibang direksyon. Ang itim na metal monster ay naglabas ng makanginig-kaluluwang alulong, na naging dahilan upang lumktaw ang pintig ng puso ni Zhao Feng.

Huhu!

Ang pares ng pakpak ay umalon sa hangin kasabay ng paglipad ng itim na metal monster tungo kay Zhao Feng.

Pagtugis!

Isang True Spirit Realm ang humahabol sa kanya! Nanlamig ang mga buto ni Zhao Feng kasabay ng pagiging malabong pigura niya dahil sa kanyang bilis na lumayo. Mabuti na lamang, ang bilis ng halimaw ay maikukumpara lamang sa 2nd Sky, mas mabilis lamang nang kaunti sa unang yugto

"Phew, mabuti at hindi ito mabilis."

Huminga nang malalim si Zhao Feng.

Kung mabilis ang itim na metal monster o kaparehas ng bilis ng mga cultivators, walang magtatagal ng isang araw. Ito ay dahil nasa True Spirit Realm na ito, na nagangahulugan na ang True Force nito ay maaring sampu o dalawampung beses na masukal sa mga nasa Ascended Realm at maari nitong habulin ng ilang buwan nang walang problema.

Nakalayo na nang bahagya si Zhao Feng sa halimaw, ngunit agad itong makalalapit kung magpapahinga si Zhao Feng.

Ang mas nakakatakot pa ay dahan-dahang bumibilis ang itim na metal monster habang tumatagal.

"Habang mas tumatagal, mas nagiging kasindak-sindak ang pagtugis. Ito ay nangangahulugan na sa huli, maari talagang umabot ang bilis ng itim na metal monster kagaya nang sa True Spirit Realm.

Huminga nang malalim si Zhao Feng.

Maaring may malaking gantimpala sa Sky Boundary bIsland, ngunit ang paglilitis ay hindi hahayaang mahanap mo ito ng hindi ka naghihirap. Kasabay nito, lahat ng ibang disipulo ay humaharap sa pagtugis na ito.

Sa antigong forgotten garden.

"Sa kasamaang-palad, oras na…"

Umalis si Bei Moi mula sa berdeng palasyo at tumakbo pa ikot sa hardin. Sa kanyang likod, sinusundan siya nang itim na metal monster at ang kasindak-sindak nitong aura ay naging dahilan upang ang mga halimaw na malapit ay lumayo sa takot.

Ang Bei Moi sa sandaling ito ay mas malakas na - nakalagpas na siya sa 4th Sky dalawang araw na ang nakalilipas, ngunit kailangan niya pa ring tumakbo.

Ang mataas na tower forest.

Si Yang Gan na nasa half-step 6th Sky ay tanging pagtakas lamang rin ang nagawa.

Sa pagharap sa True Spirit Realm, hindi mahalaga kung ikaw ay nasa ikaapat o 6th Sky dahil kayo ay parehas n mapa-patay sa isang atake lamang! Lahat ng kasaling disipulo ay tumatakbo."

"Habang mas tumatagal ang isang tao sa paglilitis, mas mataas ang kanyang iskor."

\---- Nagsimula na ang huling yugto.