webnovel

Pinakamalakas

Editor: LiberReverieGroup

"Simple lamang…"

Ang tono at kilos ni Zhao Feng ay kaswal habang kaharap ang Core disciple na si Yuan Zhi at ang 3 Elders.

Bahagyang nagulat ang lahat at ang 3 Elders, Elder Xue at Unang Elder ay nagpakita nang maliit na interes. Gaano na katagal simula nang may disipulong sobrang kalmado habang kaharap sila?

Ang mga mata ng tatlong Elders ay tila apoy na susunog sa mga kabulaanan.

"Zhao Feng, ikaw ay kahina-hinala. Kung may tinatago kang kahit ano, mahirap pa rin iyong makatakas sa aming mga mata." Walang ekspresyong saad ni Hai Yun Master kasabay nang paglitaw nang malaking presyur mula sa kanya.

Totoo nga, kahina-hinala si Zhao Feng. Siya ay nasa 1st Sky ng Ascended Realm pa lamang, ngunit isa siya sa mga pumwersa na bumalik ang Protector. Siya lamang ang nakakita nang buong proseso.

Sa sandaling ito, ang kuweba ay sobrang tahimik, na tila nanigas ang hangin.

Nag-aantay silang lahat sa sagot ni Zhao Feng.

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com