Ang tusong si Fan Flying Bandit ay nagbayad gamit ang kanyang isang braso at siya ay lubhang sugatan noong tumakas siya.
Ang mga salita ng Water Moon Pirate ay tila naririnig niya muli, "Tandaan niyong huwag siyang kalabanin. Kung gusto niyo, maari kayong maging tagapaglingkod niya. Ito ang aking nais at payo."
Sa sandaling ito ang babaeng naka bulak-laking bestida ay puno ng pagsisisi.
Kahit na patay na ang Water Moon Pirate, siya ay maalamat na tao ilang daang taon na ang nakalilipas at ang kanyang huling mga salita ay hindi dapat minamaliit.
"Master, kung ikaw ay buhay pa, palagi akong nakikinig sa iyong mga sinasabi. Gayunpaman, ngayon na namatay ka na, gagawa ako ng sariling desisyon. Maging alipin niya? Hahaha…. Anong klaseng biro yan!"
Kahit na mabigo ang Fan Flying Bandit, hindi siya nagsisi sa kanyang desisyon.