webnovel

Mga Luha ng Isang Sirena

Editor: LiberReverieGroup

Muling inayos ni Zhao Feng ang kanyang mga hukbo sapagkat nawalan siya ng napakarami sa laban ngayon.

Ang kabuuang bilang ng kanyang pwersa na napatumba ay hindi naman hihigit sa isang libo, wala naman siyang paki doon, kung kaya hindi rin siya nagmamadali na palitan sila.

Habang lumalalim ang pagsuong niya sa Purple Smoke Lake, lalong dumarami ang malalakas na halimaw na kanyang nakakaharap.

"Ang sumunod na hakbang ay tumungo sa Mermaid Kingdom. Kahit gaano pa karami ang aking hukbo, hindi ito sapat para labanan ang Mermaid Kingdom, kung kaya kailangan kong piliin ang daan ng mga elites."

Kalmado lamang ang ekspresyon ni Zhao Feng.

Sa halip na paramihin lalo ang bilang ng kanyang mga kawal, pinalitan niya lamang ito ng mga mas malakakas pa na halimaw.

Gusto lamang ni Zhao Feng na magkaroon ng 300-500 na mga tagasunod. Kapag mas marami ang kanyang hukbo, mas makukuha nito ang atensyon ng mga nakatataas ng Mermaid Kingdom.