webnovel

Ang Pagtatagumpay ng Mata (1)

Editor: LiberReverieGroup

Dapithapon na, ang liwanag ng palubog na araw ay masisilayan mula sa nakakatulalang kulay asul na kristal ng yelo.

Mayroong apat na anyo na nakakulong sa yelo. Pero wala kahit alin sa isa ang gumagalaw.

Ang sitwasyong ito ay nagtagal sa loob ng isang oras.

Sou Sou Sou~~~~

Higit pa sa ilang dosenang anyo ang lumipad patungo roon.

"Tandang Su, tignan mo~~~!"

Isang kabataan ang tumuro sa isang yelo at bumulalas.

Katabi ng kabataang nasa yelo ay isang magandang binibini nan aka-asul. Mayroon itong elegante at kalmadong aura.

"Ang Kapatid na Zhao ay nasa loob ng yelo!"

Talagang nagbago ang ekspreyon ng magandang binibini.

"Jin'ere, huwag kang masyadong lumapit!"

Pinigilan ni Tandang Su ang pangkat na ito.

Isang nakapangatog na lamig ang ibinibuga ng maliit na bundok ng yelo na ito, at may mga malalamig na bayo ng hangin na siyang umiihip sa loob ng isang milyang paikot na tila matatalim na kutsilyo.