Nanatiling tahimik is Zhao Feng, pero damang-dama niya ang pagnanasang makapatay at pagkamuhi ni Yu Luo.
Hindi niya mapigilang mapailing na lamang.
Ano naman ang masasabi niya? Wala naman siyang ginawa o sinabi man lang para maging kaugnay ni Zhuang Wan'er.
Subalit, kahit na, mayroong isang tao na nagsimulang mainis sa kanya at ang taong ito ay nasa True Lord Rank. Talaga nga namang 'inosente' ang maituturing sa kanya.
Syempre, wala namang pakialam si Zhao Feng rito. Hindi naman talaga pinapansin ni Yu Luo si Zhao Feng, pero pinapansin nga rin ba siya ni Zhao Feng?
Sa pagkakataong iyon, sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er, ang dalawang pinili ng kalangitan ay nagsimula nang pag-usapan kung paano nila kakalabanin ang Towering Tree Yao.
"Kabuuang bilang ng anim na True Lords. Napakalakas nga ng pwersang ito. Kahit ang Thirteen Countries ay wala ni isa."
Napabuntong hininga na lamang si Zhao Feng sa kanyang puso.