webnovel

Chapter 26: Trio

"F*ck. Anong ginagawa niyo?" tanong ni Edrian.

"Niyo? Humarang ako ng kusa, kasama ang kaluluwa ko hindi sa lalaking 'to." angas na saad ni Scott.

"Jennifer, want me to-

"Stop it! Ako ang maghahatid kay Jennifer kaya tumigil ka."

"Let Jennifer decide first."

"Pumayag na sakin si Jennifer kanina palibhasa hindi mo narinig. Kaya huwag kang humarang."

"Whooopss! Stop this already. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito. Hindi ba kayo nahihiya?"

"Hindi naman nakakahiya." sagot ni Sir sabay hila sa kamay ko. Pero pinigilan ito ni Scott this time.

"Take off your hands." sambit ni Scott.

"Why would I? One more thing. Humawak ka rin sa kamay ko. Take your hands off."

"Bakla. Yan lang, hihimatayin kana."

Napatingin ako sa tatlo, may galit talaga sila sa isa't isa. Like, I mean si Edrian galit kay Scott tas' si Sir galit rin kay Scott. So ang kalaban nila rito si Scott?

"Huminto na nga kayo!" galit kung sigaw sa kanila kaya tumingin sila sakin.

"Palagi nalang kayo nag aaway! Ano ba pinag aawayan niyo?"

Nag tinginan ang tatlo sa isa't isa. Oo nga sino ba kasi pinag aawayan nila? Hindi naman ako sa pangit kung 'to bakit naman kailangan pag awayan.

"Ikaw." [sabay sabi ng tatlo]

"Ako?? Bakit naman?" tanong ko.

"Because we like you." nakakabiglang wika ni Scott.

"Right we like you Jennifer." saad ni Edrian.

"No." ikiling sabi ni Sir.

As expected, pero wait. Itong dalawa na 'to. Totoo ba sila sa sinasabi nila?

Magsasalita sana ako kaso nagsalita pa si Sir.

"I don't like you because I already in love on you so...." lumapit ito sa akin at hinawakan ang mukha. "I love you Jennifer." bigla niyang hinalikan ang pisngi ko ng matapos 'yun ay sinuntok ito ni Edrian.

"How could you...." gulat na gulat si Edrian sa nangyari hindi niya kinaya at tumakbo ito papalayo sa kanila.

Habang si Scott ay natawa sa pangyayari.

"Ang galing mo talaga." sabay palakpak.

"Manloko." dugtong nito.

Nakatingin lang si Jennifer sa kanila habang nagsasagutan, dahil halata sa expression ng mukha ni Jennifer ang gulat.

"Anong panloloko ang sinasabi mo?" inis na tanong ni Sir.

"Well, think about it first. I mean think carefully big bro?"

"Bullsh*t."

"Maiwan ko na kayo, basta Jennifer feel free na sabihin mo sa'kin ang mga problema mo. Tutulungan kita."

Umalis na ito at ako ay kumaway sa kanya mabuti talagang tao si Scott. Malaki ang pinagbago niya.

Katahimikan ang bumalot sa amin ni Sir.

Aalis nalang ako total, biro naman 'yun lahat I've used of it.

"Hold on." yumakap ito sakin.

But my expression to him, is actually different nawawalan nako ng gana sa kanya.

"Anything you want?" tanong ko.

"Jennifer."

"Ano?"

"Jennifer."

"Ano nga!"

"Jennifer..."

"F*ck ano bang kailangan mo?!"

"Jennifer." mas hinigpitan niya ang yakap niya sa'kin this time.

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at humarap.

"Alam mo sawang sawa na'ko sayo! Panay tawag ka na lang sa pangalan ko. Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo hindi 'yung sinasayang mo 'yung oras ko!"

"Tapos palagi mo'kong pinapagalitan kung ano ano, kahit wala akong ginawang masama sayo! Alam ko namang bobo akong tao pero 'wag mo naman sana ipadamdam sa iba. Mas lalong nakakahiya!" dugtong nito.

I didn't notice, na unting-unting tumutulo ang mga luha ko. Nagsasalita ako habang may mga patak ng luha na nahuhulog.

"Ano hindi ka makasagot? Totoo naman sinasabi ko-

"Para tumigil ka." bago niya ito sabihin ay hinalikan na niya ito.

Gulat itong nakatingin kay Sir. Napahawak ito sa kanyang mga labi.

Hinalikan ulit ito ni Sir.

"Ano ba!?!?? Napaka bastos mong tao! May sinabi ba'kong halikan mo'ko? Pwede kitang ipakulong dahil sa ginagawa mo. Minamaliit mo na talaga ang mga babaeng kagaya ko."

"Shhh. I know you're doing this para ideny mong may gusto ka parin sakin." dahan dahan itong naglakad papunta sa'kin at sinandal ako sa semento.

Umuwi na ang lahat ng estudyante maliban sa amin ni Sir.

"Tayong dalawa na lang nandito." sabay ngiti.

"Anong pinaplano mo-

Hinalikan na naman niya'ko hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil parang nais ng katawan ko na gawin niya 'yun. Pero tinulak ko siya at galit ko siyang tinignan.

"Porket may gusto ako sayo, aabosohin mo na!" padabog akong naglakad palayo sa kanya.

Sasakay ako ng taxi, pero hinabol niya'ko.

"Jennifer!" tawag niya sa aking pangalan.

"Tang*na mong taxi ka magpakita kayo! Napaka importante nito sakin!"

"Jennifet!" palapit na siya sakin bilisan niyo!

"Saan po kayo Ma'am?" tanong ng driver.

"Kahit ano kahit saan basta bilisan niyo 'yung pag drive." agad akong pumasok at kumatok na bilisan ang pagmaniho.

Nasa backseat ako para makita ko siya ng mas klaro sa likuran ko kung papunta na ba.

Nakahinga ako ng mas na una kami sa kanya, hingal itong huminto ng maabotan niyang wala na'ko r'on.

Pero rinig ko parin ang sigaw niya tumingin ako sa salamin for the last time umiyak ito habang nakaluhod.

Unting-unting tumulo ang mga luha ko ulit, masakit tignan siya ng ganyan pero kailangan kung lumayo sa kanya. Mas nadurog pa ng makita kung umalis itong umiiyak.

Pero agad ko ng inalis ang tingin ko. Focus on your own life from now on. Sa buong buhay ko ngayon ko pa siya nakitang umiyak ng ganoon.

"Sino po 'yun? Boyfriend niyo po ba? Kawawa naman."

"Tumahimik ka! Walang kami!" galit kung sagot.

"Ang sungit, pasensya na po hindi na po ako magtatanong."

"Buti't alam mo."

Sa bintana ay napatingin ako, iniisip ang possibilidad. Forget it. Forget it. Kailangan ko na yatang humanap ng boyfriend. Gaya ng sinabi ni Scott willing siyang magpagamit sakin. At least itry ko.

Nakauwi nako sa bahay, kaya pumasok na'ko.

Nakakagulat si Scott 'yun diba? Sa pagkaka alam ko may earings ito sa tenga.

Halatang masaya si Mama at Papa ng makita si Scott. Matagal na ring hindi nila nakikita si Scott, simula nag grade three ako umalis na sila.

"Anak, pasok ka. Narito si Scott para bumisita satin."

Ngumiti ako na parang walang nangyari kanina.

"Talaga ba. Miss ka na talaga ni Scott at pinuntahan ka rito na hindi ako sinama." sabay tawa.

"Huwag mo ng asarin anak, bago lang namin siya nakita dapat hindi masungit ang mukha ng batang 'to."

"Honey. Hayaan mo sila ganyan na talaga sila noon pa."

"Ikaw talaga Ronald hindi mo kinukosente ang anak mo."

"Ganyan talaga basta mataba." parinig ni Ate baka gusto mong sabihin ko sa kanila ang sekreto mo.

"Isa ka pa diyan Lorine nang aaway ka na naman." sabi ni Mama.

"Pasensya sa kanila Scott ganito talaga sila palaging nag aaway."

"Ayos lang po Tita."

"Anong Tita. Just try to call me Mommy okay?"

"M-mommy? Sure!"

"Sige po mauna na'ko, pinapa uwi nako ni Mom. I have to go na sayo rin Jennifer see you tomorrow."

Hinatid ko ito sa labas bago siya umalis ay sinabi ko ang gusto kung sabihin sa kanya.

"Let's try it Scott."

"Ang alin?"

"Mag date tayo. Gusto kung subukan mula sayo."

"Are you sure? Hindi mo ba pagsisihan?"

"Nope. I'm interested."

"That's good to hear. I will dm you check your phone always!" sabay maniho.

I smiled. Siguro ipublic nalang.

Bumalik nako sa loob, pero pagpasok ko mayroon na namang bisita.

Nakaupo ito sa sofa sabay higop ng kape.

"Sir!?!?"

Bakit siya pumunta rito? Sh*t ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

Nag usap sila ng parents ko, pero parang umiba 'yung timpla nila Mom at Dad may sinabi ba siyang ikakagalit nila sakin?