webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · Historia
Sin suficientes valoraciones
39 Chs

37 Mahal ko

Mukhang totohanang tinataihan sa ulo si Ramses ng isa nitong babae. 'Bagay sa kanya. Babae pa more!' wika nito sa isip niya. "O syaa sige. Maaari na kayong lumabas. Ipapatawag ko nalang kayo ulit." nag isip muna ito ng paraan kung paano niya malalaman ang nasa isip ng mga kalaban ni Ramses.

Lumabas ang dalawa at nagka ngitian na parang kumikinang na ginto ang kanilang mga mata. Akala nila ito na ang simula ng pagyaman nila.

Sa isang bayan, kung saan may isa pang pag aaring bahay ang mga Marapao. Tanging sila lamang ng kaniyang Ama at Dayuhang nakasama nito noong namasyal sa baryo. Pinatuloy ito ng kaniyang Ama sa isa sa kwarto ng bahay. Tanging siya lamang ang nandoon habang ang dalawa ay naiwan sa baryo. Pinapatiktikan naman ito ni Ramses sa kanyang mga magagaling na alipin. Mukha lang itong nagbabakasyon sa kanilang bahay pero naroon siya para siguraduhin ang kaligtasan ng mga tao doon. Karamihan sa mga tindahan doon ay pag aari niya ng lingid sa kaalaman ng lahat.

"Pinuno." lumapit ang isang alipin kay Ramses, na habang nakatayo sa bakuran nila ay nakamasid sa mga iba't ibang kulay ng gumamela. "Ang may ari ng gulayan at mga pampalasa ay ang binibining manggagamot." bulong nito sa Pinuno.

Bahagyang nagulat ang Pinuno sa narinig. Hindi nito lubos maisip na ang may pinakamalaking kinikita ngayon ay walang iba kundi si Kimmy. Napangiti ito ng bahagya, 'Ano pang mga sikreto ang meron sa kanya?' tanong nito sa isip. Napansin naman niya na hindi pa rin umaalis ang aliping bantay nito. Tinignan niya ito na parang may gustong sabihin sa kanya. "Sabihin mo na."

"Hindi ko alam kung dapat ko pa hong sabihin." nagdadalawang isip pa ito ngunit bakit pa eh nabanggit narin niya ay sasabihin narin niya. Alangan naman umurong pa siya ng dila eh parehas lang ang kahihinatnan nito. Magagalit sa kanya ang Pinuno pero atleast naireport niya ito. "Ang Ginang.. Si Ginang Antonia.." tinitignan pa nito ang ekspresyon ng mukha ni Ramses sa pagbabanggit nito ng pangalan ng kanyang babae.

"Hayaan ninyo siya." tipid na sagot ni Ramses na parang walang pakialam ito kung taihan man siya nito sa ulo niya.

"Pero.." kokontra pa sana ito hindi lang dahil sa paninira nito sa reputasyon ng kanilang Pinuno kundi dahil pwede pa itong maging butas ng mga kalaban niya sa baryo. Kundi lang sa kakayahan niya ay matagal na itong napalitan. Matalino ang Pinuno nila kaya't sa pag iisip niyang ito ay napalagay ang loob niya. "Masusunod po Pinuno." tsaka na ito lumabas ng bakuran nila.

Nilapitan ni Ramses ang mga gumamela tinignan nito ang Pinaka pula at naalala nito ang mga labi ni Kimmy. Naalala nito ang mukha niya, ang amoy niya at ang mga pagtawa't pagiging sarkastiko nito sa kanya.

Sa di kalayuan ay nakikita ni Kimmy si Enzo mula sa bintana ng kaniyang bagong gawang secondfloor. Nasa harapan ito ng unang bahaykubo sa mga bahay na nakahilera para sa mga babae ng Pinuno. Lumabas sa bahay na iyon ang isang magandang babae na kahit medyo maitim ang balat nito ay di nawawala ang natural na kagandahan nito. "Diwa?" naalala nito ang isa pang babae ni Ramses na nakakulong sa sariling bahay niya na ngayon ay lumabas kasama si Enzo. "Hah. Anong aasahan mo sa manloloko? Natural. Manloloko." inis na sabi ni Kimmy habang minamasdan silang palayo sa lugar. Napatingin ito sa secondfloor ng bahay ni Ramses, kung saan unang beses siya nitong pinagsamantalahan. Haha. Siya ang nagsamantala dito. Namumula ito sa naaalala at nangingiting nahihiya sa sarili. Naalala kasi nito ang mga ginawa niyang parang pagtututor nito sa kanya kung pano gawin ang di karapat dapat gawin ng hindi magkakilalang tao. "Nakakainis." Nagtakip ito ng mukha gamit ang dalawa nitong palad. Namimi miss nya ito pero tinatanggi pa niya ito sa sarili,parang tanga.

Ganon talaga di ba? Pag napaso na, natatakot na humawak ulit, traumatized. Iyan ang laging dahilan ni Kimmy sa sarili niya kung bakit pinipigilan niya ang sarili.

"Apat na Buwan na." mahinang sabi nito habang nakadungaw parin sa bintana.

Nasilipan naman ng aliping yaya nito ang mga nakakatuwang reaksyon ni Kimmy ng mag ida habang naka tingin sa kawalan. Halata namang may iniisip itong tao. Napangiti ito at hinayaang mangarap ng gising ang binibini.

Nakaupo si Diwa sa isang sulok at tinitignan ang bulaklak ng sitsirita. "Napakaganda ng mga bulaklak na ito..."

Napatingin si Enzo sa bulaklak na tinutukoy nito.

Nakangiti ng hindi ngiti si Diwa. Parang may mas malalim itong kahulugan. "Kahit na mumunting ganda ay nakakamatay parin.." Nagdududa parin ito sa biglaang pagpapalaya ni Enzo kay Diwa. Bakit niya ito papalayain sa panahong wala ang Pinuno?. Na kay Enzo ngayon ang pagpapasiya sa mga preso at desisyong pangkatahimikan ngayon. Noon, madalas ang desisyon nito ay siyamnapu't siyam na katulad ng desisyon ni Ramses. Ngayon lamang nya ito ginawa pero anong balak nito sa kanya, sa kanila.

Lumapit si Enzo ng may malumanay na ngiti. Pumitas ito ng isa sa mga bulaklak. "Nakakamatay kung nahulog ito sa kamay ng manlalaglag. Ngunit nakakagaling sa kamay ng may mabuting puso..."

Nagtaka si Diwa napatitig ito sa makinis na mukha ni Enzo hanggang sa maalala niya na isang henyo nga pala ito sa panggagamot. "Matalino ka Ginoong Lorenzo, Alam mo kung anong ibig kong sabihin." muling naging seryoso ito sa pananalita.

Tumingin ito sa kanya ng may pagtataka sa sinasabi nito. "Ikaw na ang nagsabi Diwa, matalino ako. Kaya kong gawin ang mga bagay na hindi kayang gawin ng karamihan. Magagawa ko kahit ako lang." pagkatapos nito ay nginitian nya ito ng mahinhin.

"Anong i..ibig mong sssabihin?" may nararamdaman itong magkahalong pagdududa at pag asa. Pag asa na maging tulong siya sa kanila at pagdududa na baka isa lang itong bitag.

Dinala nito ang dahon ng sitsirita sa kinatatayuan niya kanina habang minamasdan niya si Diwa na tinitignan ang mga bulaklak na iyon.

Walang tao na mga dumadaan sa oras na iyon. Papunta sana sila sa may dalampasigan para mag usap ngunit hindi na nito pinahantong pa doon tutal busy ang mga tao na magluto sa oras na iyon sa kani kanilang bahay.

Dumadampi ang kaunting sinag ng araw sa mukha ni Enzo na nagbibigay sa kanya ng liwanag na parang isang mukha ng isang Babaylan. "Kaya kong gawing lunas ito ng iba't ibang sakit. Kaya kong gawin lahat ng gustuhin nito. Kahit na maging malaya at maghari sa kanyang sariling lupa." tsaka niya pinagpipitas ang mga petals nito at binubod sa lupa sa ilalim ng puno malayo sa dating puno.

Nagulat si Diwa at di ito nakapagsalita. Hindi nito alam ang sasabihin. Kailangan niyang itanong sa Ama ang desisyon. At ang una niyang dapat isipin ay kung ano ang isasagot nito kay Enzo. Pano kung bitag lang ito? pero paano naman kung hindi? Malaki ang magagawang tulong ni Enzo sakanila dahil ito ang katiwala ni Ramses sa tuwing wala ito. "Pero bakit?" bulong na tanong nito.

Napayuko si Enzo sa tanong nito. "Mahal ko." tsaka na ito tumalikod sa kanya. "May isang linggo kapa't isang buwan nalang ay babalik na siya."