webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · Historia
Sin suficientes valoraciones
39 Chs

26 Propose?

Bahagyang naging dismayado si Kimmy sa papuri ni Ramses kay Antonia. Tanga ba siya? Totoo nga siguro ang mga sinasabi ng mga babae na tangang pumili ang mga lalaki.

"Antonia." tinawag ni Ramses si Antonia para lumapit sa kanya.

Tuwang tuwa naman si Antonia at nang madaanan si Kimmy ay bumulong ito ng "Kay Enzo tapos kay Ramses." nginitian niya ito bago nagpatuloy sa paglalakad papunta kay Ramses na parang nagmamaliit sa kanya

"Sayong sayong sayo na sila." bulong ni Kimmy na hindi na umabot marinig ni Antonia.

Bakit pa? Para sa kanya ngayon, Ang lalaking madaling makuha ay hindi karapat dapat sa kanya. Kahit Medyo dismayado ito sa pagpili ni Ramses, wala naman silang relasyon nito para masaktan at higit sa lahat, bago paman naging siya si Katarina ng nakaraang panahon ay naging masama na ang tingin nito sa kanya.

"Dahil sa ipinakitang angking galing sa pagluluto ni Antonia. Siya ang magiging personal ninyong tagapagluto." sabi nito sakanila.

"Ella sera tu chef." sabi ng translator na ikinagulat ng mga dayuhan. Halata naman na mas nasarapan sila sa mga inihain ni Kimmy kasya kay Antonia na isang higop lang ng sabaw ang natikman.

Nagulat at napangiti ng konting konti si Kimmy. Pakiramdam niya ay naisahan na niya si Antonia nito. Makakaiwas na ito sa gulo makakaiwas pa sa manyak na yon. Ngunit bakit ginawa iyon ni Ramses?

"Pinuno." nagtaka si Antonia sa pabuya niya. Bakit naging tagapagluto ito ng mga dayuhan imbis na tagapagluto niya?

"Quiero a esa senyora." sabi ng poging dayuhan na mainitin ang ulo. Gusto nitong makuha si Kimmy at siya ang itinuro ng mga daliri niya.

"De ninguna manera, Te mostrare el camino.Descansemos en mi casa." sabad ni Enzo,di pinahintulutan ang dayuhan na makuhang tagapagluto nila si Kimmy tsaka niya niyaya na agad silang sumama sakanya para makapagpahinga na sa kanilang bahay at hindi na makatanggi pa.

"Enzo." tawag ni Antonia kay Enzo. "Anong sinabi mo sa kanila?" tanong niya. Gusto niyang malaman kung ipinagtatanggol siya nito sa kanila na wag isama.Gusto niyang malaman na pinoprotektahan parin siya nito tulad noong bestfriend pa sila ni Kimmy at boyfriend niya ito. Pinoprotektahan din siya nito sa mga masasamang tao tulad ng pagprotekta nito kay Kimmy kaya siya na inlove dito.

"Nais nilang makasama si Kimmy dahil hindi daw nila makain ang niluto mong sinigang." sagot ni Enzo para insultuhin si Antonia sa pagiging pakialamera niya.

"...." nagulat at hindi nakasagot si Antonia sa kanya. Nanatili ito sa pagkakatayo at hindi makagalaw.

"Madilim na. Matulog kana Antonia." sabay talikod ni Ramses sa kanya.

"Paalam." sabi ni Kimmy na tatakas na sana sa eksena. Masaya itong malaman na hindi kagaya ng ibang tangang lalaki si Ramses. Tama si Alopesia, matalino ang Pinuno at walang maikukubli sa kanya. Pero teka bat masaya ito na malamang hindi tanga si Ramses? Hmmnn.

"Kimmy samahan mo ako sa aking silid. Masakit ang ulo ko." pagtawag ni Ramses kay Kimmy habang papasok sa kwarto nito at hindi man lang lumingon muli sa kanya.

"Tch." gigil na sumunod si Kimmy sa Pinuno at nang madaanan si Antonia. "Kay Enzo tapos kay Ramses. hahahaha" inulit nito ang sinabi niya kanina na ikinagalit naman ni Antonia ngayon.

"Kimmy.." gigil na sabi ni Antonia habang nakatitig ng matalim sa kanya habang papasok ito kwarto ni Ramses,pasara na ang pinto nang biglang lumabas muli ito at tumingin sa kanya ngumiti ito ng nakakaloko tsaka pumasok ulit sa kwarto.

"Pagsisisihan mo na ginawa mo yan." panunumpa ni Antonia kay Kimmy. "Aray!" napahawak ito sa ulo. Pakiramdam nito ay may bumunot ng hibla ng buhok niya. Pero ng magtingin tingin ito sa paligid ay wala namang taong malapit sa kanya. Ang mga alipin ay busy sa paglilinis at pagliligpit ng kalat habang si Adlaw naman ay palabas na ng pintuan ng lingunin niya.

Sa loob ng silid ni Ramses.

Nasa banig si Kimmy at nakahiga habang hawak hawak ni Ramses ang mga kamay nito na nakataas sa ulo niya. "May pagtingin ka ba kay Enzo?" seryosong tanong nito.

"Ha?" pagtataka ni Kimmy kung bakit bigla siya nitong ipinailalim sa katawan niya.

"O sa dayuhan?" tanong ulit ni Ramses. "Sumagot ka." utos nito habang ipinasok ang kaliwang kamay nito sa loob ng damit niya.

"Wala! wala akong pagtingin sa kanila." sagot agad agad ni Kimmy ng maramdaman niya ang palad ni Ramses sa nakalapat sa tagiliran niya at pataas ng pataas ngunit huminto ito sa pagtaas nang sumagot si Kimmy.

Tinitigan ng matalim ni Ramses si Kimmy ngunit hindi humarap si Kimmy sa kanya na parang nahihiya sa posisyon nila. Napansin ito ni Ramses at nakapagpagaan ng loob niya. "Pakasalan mo ako." sabi niya.

"Ha?" biglang napatingin si Kimmy sa kanya. Nagpopropose ba siya? sa ganitong posisyon?. "Hindi pwede. Ayoko." sagot nito.

Pano nalamang ang mga pangarap niya? At hinding hinding hindi siya makikihati sa ibang babae sa iisang lalaki! "Hindi pwede!"

Naging madilim nanaman ang awra ni Ramses at itinaas niya ang kanyang palad nasa loob ng damit niya't nakalapat sa katawan niya hanggang sa ilalim na bahagi ng kanyang hinaharap. Nangangapa ng dahan dahan ang mga daliri nito na parang inaalam kung ano at paano aalisin ang bra na nakaharang.

"Ugh." naungol ito sa kiliti at init ng sensasyong gustong bumalot sa kanya.

"Pakasalan mo ako." sabi ulit ni Ramses na parang hindi nagtatanong kundi nag uutos ng mapansin ang sensitibong reaksyon ni Kimmy sa ginagawa niya.

"Hindi. Ugh!" napapikit ito sa ginagawang panghahaplos ni Ramses sa katawan niya.

"Hindi ano?" tanong ni Ramses habang nasa tuktok na ang hintuturo nito na naghihintay ng signal para magpatuloy.

"Ugh. Wag sandali pinuno." pagpigil nito kay Ramses habang nagpipigil din ito sa sarili.

"Mali." naubusan ng pasensya si Ramses at inilihis nito ang bra ni Kimmy at nilaro ng mga daliri niya ang kanyang dalawang hinaharap.

"Ughhhh...Huwag." napapikit ito at napaungol pa. Muli nitong naalala ang gabing una silang nagkasama sa higaan .

"wag?" tanong ni Ramses kay Kimmy habang nilalaro parin ang hinaharap niya. "Pakasalan mo ako."

"Tsk!Wag mo kong sisisihin. Ginusto mo ito ha." banta ni Kimmy na nakapungay parin ang mga mata, at hinawak bigla ang nakatagong alaga ng Pinuno. Sa ikalawang pagkakataon. Nabinyagang muli si Kimmy at sa ikalawang pagkakataon, tumakas ulit ito pagkatapos nila nang makatulog ulit si Ramses.

Sa Sala nang gabing iyon ay nanatili pa ng bahagya si Antonia. Dinig na dinig niya, ang pangangalampag ng dalawa. Nangigigil ito sa galit at poot. Lahat ng nangyari pati na ang mga nangyari noon sa kanila sa modernong panahon ay naipon. Naalala nito ang pinakahuling pangyayari ng iwan siya ni Enzo kahit pa nabuntis niya ito. Sa sobrang kabaliwan nito sa kanya ay nakagawa ito ng masama kaya silang tatlo ay napadpad sa iisang panahon. "Nagawa ko noon... Kimmy . magagawa ko ulit iyon." panunumpa ni Antonia at bumalik na sa sariling bahay.