webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · Historia
Sin suficientes valoraciones
39 Chs

2 - Narra

"Patay!" sabay pukpok ng kamay nya sa sarili nyang noo. Kakamutin nya sana ang kanyang buhok ng maramdaman nya bigla sa kanyang mga palad ang parang steel wool na hibla ng kanyang buhok. Kinapa nya ng kinapa hanggang tignan niya ang buo nyang katawan hanggang sa kulay ng mga kamay nya.

"WTH! Ang jitim jitim ko!" tumingin sya kay Sol. "May salamin na ba tayo?"

"Mayroon po Sanse, teka kukunin ko po"

nagtatakang lumabas sa kwarto ng kanyang ate at kinuha ang salamin na bagong bili ng mama niya.

Pahaba ito at may wooden frame nakasabit sa dingding ng kanilang sala. Ang sala ay may sawali din na dingding at ang sahig ay mga bato bato na naging flat nalang sa kakaapak nila.

"Nagising naba ang sanse mo Soledad?" tanong ng ina nilang nakaupo sa kawayan nilang upuan na nag aalala.

"Opo. pinapakuha nya nga po ang salamin, heto nga po't dadalhin kona sakanya." paliwanag niya sa ina.

"Kumusta siya anak?" pag aalala niya na baka magising siya na kung anu ano nanaman ang kanyang binibigkas.

"Sinabi ko na po sainyo ina. Nagpapanggap lang po si Ate, inamin po niya sa akin."

pagmamataas nya na tama ang kaniyang hinala sa ate. "Wag na po kayong mag alala ina. Naaalala nya po ako, pati po ang lagi niyang ginagawa saakin. Hinawakan nya pa po ako tulad ng dati."

Napabuntong hininga ang ina sa sinabi ng anak. Sa takot na inaalihan nga ang kaniyang anak ng masamang espirito walang oras syang di nagdadasal. Naramdaman niya ang pagbabago ng personalidad nito bilang isang ina kilalang kilala niya ang kniyang mga anak.

"Sige na Soledad. Balikan mo na ang ate mo at magpipikit lang ako sandali ng aking mga mata."

"Sige po ina." paalis na sya ng lumingon siyang muli " Ano ho pala ang ibig sabihin ng Jitim Jitim ina?"

"huh?" nakahiga na ang ina sa mahabang upuan at mukhang pagod na pagod ito sa nangyari sa anak. halata sa bagsak ng kanyang katawan.

"Wala po ina, Matulog na po kayo." sagot ng anak ng makitang bagsak na katawan ng ina sa upuan sala at di na pumasok pa sa kwarto nila para doon na humiga.

Sa loob ng Kwarto ni Katarina.

"Ate heto po." ibinigay ang salamin sa ate ng paharap sa kanya.

Nakita ni Kimmy ang kaniyang pagmumukha sa salamin, ang kanang kamay niya na aabot sana sa salamin ay nanginig nalang bigla.

"Sino!? Sino ang pangit na yan??"

Maitim na pagmumukha, makapal na kilay, buhok na parang steel brush sa tigas at labing crack-crack.

Matapos insultuhin ang sarili sa salamin at matapos makaipon ng sapat na lakas ng loob para harapin ang katotohanan inabot niya din ito mula sa kapatid.

"Impakta kaba?" tanong nya sa repleksyon nya sa salamin.

"Pft!" nagpigil ng tawa ang kapatid.

"Sige, tawa pa. Pag ako gumanda, Hu u ka sakin." ininspekyonan ang sarili sa salamin hanggang sa mga butas ng ilong at sa tartar ng ngipin nya at sa kabutihang palad. Puting puti mga ngipin niya dahil minamaintain ito ng sinaunang Katarina. lagi siyang nagmumumog ng asin sa bawat pagkatapos niyang kumain.

"haha ano po iyon ate?" tawang tawa siya sa ate niya na napapangitan sa sarili niya.

"wala. sabi ko mayroon ba tayong puno ng narra dito? at coconut oil?" seryosong tanong ni Kimmy kay Sol.

"Mayroon po tayong puno ng Narra noon pero pinutol na po para mapatayo ang bahay nila kuya. Ano po ang coconut oil?"

"Ah ang ibig kong sabihin ay Langis. may langis ba tayo ng niyog?" bawi nito sa coconut oil.

"Ah.Marami po."

"Ah mabuti naman. Meron pa bang puno ng Narra sa mga Kapitbahay?"

"Meron po. Sa bahay ng mga Marapao marami."

"Marapao? Ramses Marapao?" Sa bahay ng mga Marapao, sa bahay ng lalaking pinagnanasaan ng unang Katarina at ang lalaking di sumang ayon sa pagkakasundo na ipakasal sila ng kanilang mga magulang dahil sa tumatanda na ito.

Ngunit blurred ang mukha nito sa mga alaala ng unang Katarina. "Hindi ko naman siya masisi, mukhang impaktita ang itsura natin bes, pero wag kang mag alala. Paaawrahin ko ang looks natin bes!"

"Ate..." gustong sabihin ni Sol na kakaiba ang mga sinasabi nyang salita pero parang naiintindihan naman nya ang mga ito base sa mga facial expressions na pinapakita nito.

"Ang ibig kong sabihin Sol, isang buwan. Isang buwan lang ang kailangan ko para gumanda ulit ang lola mo." determinado na siya na pagagandahin ang kanyang bagong sinaunang katawan, sa ngalan ng dati niyang kagandahan ay papaglalawayin ang mga makikilala niyang mga Oppa sa panahong ito, KUNG meron man.

"Hindi kita lola sanse" nagtatakang saway ni Sol sa ate sa pagtawag na lola sa sarili niya.

napapakamot nalang siya lahi sa ulo.

"Alam ko, Pwede pa ba akong lumabas?"

mabilis na pagchange topic niya.

"Hindi na po maaari, tulog na po ang mga tao sa buong baryo, Ano po gagawin ninyo sa labas? Hindi rin po nararapat na lumalabas pa ng bahay ang isang dalaga sa disoras ng gabi.Ano na lamang po sasabihin nila sa inyo?"

"Natanong ko lang naman Sol. Sige matulog kana. bukas samahan mo ako sa labas ha?

sige na. oras na matulog kana." magiliw na pagpapalayas niya sa kapatid nya sa kwarto matapos nitong mautusan ay pinagtutulakan nya sa pintuan ngayon.

Habang tulog na tulog ang mga tao. Si Kimmy naman ay abalang sinusukat ang Bra at Panty na tinahi ng sarili nyang mga kamay. Tsaka ito nagbihis ng tinahi nyang itim na short at itim na spaghetti strap, hindi na siya makikita ng mga nagbabantay ng malaking bahay dahil maitim din ang balat niya.

"Hihingi lng naman ako ng dahon at kahoy ng puno ng Narra. Pinakamalala na siguro yung mahuli ako, wala naman sigurong nakukulong sa pagkuha ng dahon di ba?" sabay takip niya sa kanyang mukha ng itim na bandana.

Lumundag siya mula sa bintana at patagong tumungo sa malaking bahay sa dulo.

Pagdating sa harapan ng bahay nagmasid muna ito kung nasaan ang mga puno ng narra. "sa likuran ng bahay." magandang buhok at magandang balat. here I come!.

Dumaan ito ng patagilid sa mga gumamela nakatanim sa gilid bakod. Malalaki at mapula ang mga bulaklak nitong parang dugo sa gabi.

Hanggang sa makarating ito sa mga puno ng Narra.

Sa isang silid ng malaking bahay. Patay ang mga ilaw pero gising ang mga tao sa loob nito. May isang lalaking may matipunong pangangatawan, matangkad,morena at may mahaba't itim at malambot na buhok. Nakasuot ito ng damit na pangtribo ngunit mas mukha itong elegante kapag nakasuot sa kanya. Makikita sa bawat gilid ng damit niya ang mga matipuno nitong mga muscles at abs sa katawan. Dahil sa seryoso nitong itsura mukha siyang isang Model ng Magazine. Magasin ng mga natitigang na babae. Nakaupo ito ng tahimik at nakadungaw sa bintana.

"Panginoon" mahinang nakayukong bati ng lalaking bagong pasok palang sa silid.

"Hindi po nakabalik ang mensahero sa ikalawang araw."

Tumango lang ito ng bahagya.

"Saan pumunta ang taong nakapasok?"

walang expression nitong tanong sa alipin.

"Sino po panginoon?" nagtatakang tanong ng alipin dahil maraming bantay ang nasa paligid ng bakuran ngunit tanging ang Panginoon nila sa loob ang nakakita.