webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · Historia
Sin suficientes valoraciones
39 Chs

11 Galit ng Bathala?

"Sa mga nagnanais malaman ang epekto nito.Mangyari po lamang na magtakip kayo ng ilong at wag na wag kayong pipikit." pagkasabi nito ni Kimmy ay nagtakip siya ng ilong gamit ang kanyang ginawang panyo tsaka sinindihan ang pipa.

Nagtakip ng ilong ang lahat maliban sa manggagamot. Napapaurong ito sa bawat hakbang na palapit si Kimmy sa kanya.

"Huwag kang lalapit!" banta ng matandang manggagamot.

Nagtaka ang lahat sa reaksyon ng matanda. bakit iniiwasan niya ito.

"Bakit ka umiiwas tanda? natatakot ka ba? Alam mo ba kung ano ang halamang gamot na ito?" pang aasar pa ni Kimmy habang pinapa swing swing ang pipa sa matanda.

"Hindi yan halamang gamot! Isang halamang nakakasira ng ulo yan!!!" sagot ng matanda.

Tinignan siya ng madla ng may pagkadismaya.Kanina lamang ay malinaw na sinasabi niyang hindi niya alam ang halamang yaon. Ngunit ngayong ibinibigay na sakanya ay iniiwasan niya ito na parang papatayin siya nito. 'Isang Sinungaling' titig ng mga tao sa kanya.

"Nga..ngayon ko lang naalala ang itsura ng halamang ito." paliwanang ng matanda ng maintindihan ang biglang pagbabago ng madla sa pagtingin sa kanya.

"Ngayon lang,?..... Kung kailan sunog na?" painosenteng tanong ni Kimmy. Umupo ito sa isang upuan at Hinithit ni Kimmy ng isang beses ang pipa. Iniabot nya ito sa isang alipin para hawakan.

"Ah" nagulat ang mga tao kung bakit niya ginawa iyon kung iyon ay nakakasira ng ulo.

"Ang Marijuana ay isang halamang gamot para sa mga taong may matinding kalungkutan, nakakapagpasaya ito ng damdamin. Ngunit kung ikaw ay may ibang intensyon, ang paghithit ng usok nito ay nakaka adik, at kapag na adik kana makakaramdam ka ng pagka irita, pagka dismaya, minsan hirap huminga, nasusuka, maganang kumain at Pamumula ng mga mata" habang pinapaliwanag nito ang epekto ay tinuturo nito ang mga biktima. Napatingin si Kimmy kay Ramses na hinithit ng isang beses ang pipa at balak pa nyang sundan ito ng isa pang hithit.

"Bukod sa mga iyon, ang pinaka epekto nito ay mawawalan ka ng ganang makipagtalik." tinignan ni Kimmy si Ramses.

Pagkarinig ni Ramses sa huling pahayag ni Kimmy ay nasamid ito sa usok at naubo ng naubo kasama ng ilan pang alipin na nakihithit din dito at sinusubukang ilabas ang lahat ng nahithit nilang usok.

Natawa si Kimmy sa reaksyon nila at lalong natuwa ito ng makita niya ang masamang tingin sakanya ni Ramses.

"Samakatuwid, ang mga taong ito ay hindi sinumpa ng Bathala at hindi sila inaalihan kundi biktima ng taong ito!" Pandidiin ni Kimmy at sinipa nito ang pamangkin ng matandang manggagamot na nakatali sa upuan.

"Patawad! Patawad! Hindi ko na ulit gagawin!" biglang amin ng lalaki, ang lalaking nagsisisigaw ng laban sa pinuno kanina.

"Sabihin mo kung sino ang nag utos sa iyo!" inapakan ni Kimmy ang paa nito at padiin ng padiin.

"Ahhh! Siya! Siya! Gusto niyang maging kahalili ng pinuno! Inutusan nya lang ako wala akong magagawa! Patawad!" sagot nito habang tinuturo ang matandang manggagamot.

Sinampal ni Kimmy ang lalaki at tinuro ang mga pamilya ng mga nabiktima nila. Ang mga bata ay nagsisi iyak.Biglang naging seryoso ito na parang hindi siya ang babaeng ngumingiti palamang kanina. "Walang kapatawaran ang ginawa mo. Labing dalawang pamilya ang nadamay, Sino ang maghahanap buhay para sakanila!? Ang mga Tatay ng mga batang ito ay maaring hindi na maging katulad ng dati! Inalisan mo sila ng mabuting Ama! Wala kang kwentang tao!" Sinampal ulit nito sa kabilang pisngi.

Nagulat ang lahat sa pagbabago ng ugali ni Kimmy. Ang dating mahinhin at mahina lang mag isip o tanga ay nakatindig ngayon para sa mga biktima. Ang katapangan niya ay nagsilbing hustisya para sa mga tao sa baryo. Kung hindi dahil sa kanya ay mabubuhay sila sa kasinungalingan ng matanda. Naguilty naman ang iba sa mabilis nilang paniniwala na nagalit ang Bathala sa Pinuno.

"Hulihin ang Matandang Manggagamot at bitayin ang pamangkin nito!" Ang huling desisyon ay nasa Pinuno.

"Panginoon! Pinuno! Ako nalamang ang inyong bitayin! Ako'y walang pamilyang mag aalala sa akin at ako rin ang nag utos sa batang ito! Ako ang dapat bitayin!" pagmamakaawa ng matandang manggagamot. Alam nitong isasalba parin siya ng mga matatanda sa baryo dahil siya lamang ang tanging manggagamot doon. At gagamitin niya ang sarili para maisalba ang pamangkin. Ito nalamang ang pag asa nya na magtutuloy ng kanilang mithiin.

"Isama siya sa mga bibitayin!" sigaw ni Kimmy

Nagulat si Ramses at ang mga matatanda sa baryo.

"Ngunit Ginang, Ang matandang manggagamot na ito ay ang nag iisang manggagamot sa baryo." sagot ng isa sa mga matatanda.

'Ginang?' sinakmal ni Kimmy ang sariling kamao na parang nagpipigil na masuntok ang matandang tumawag ulit sa kanya ng Ginang.

"Bukod doon, marami na siyang napagaling sa atin." sagot pa ng isa na isa isang sinang ayunan ng iba pa.

"Ngunit ako'y nagkasala, Kung bibitayin ang aking pamangkin ay isama na ninyo ako!" pagpapanggap ng matanda na kaya nyang isakripisyo ang sarili para sa pamangkin.

"Sigurado ka?" tanong ni Kimmy sa matanda na ikinagulat ng matanda. "Isama nyo na siya bakit pa ninyo pahihirapan ang matanda, gustong gusto na niyang mauna." pagsasarkastiko ni Kimmy.

"Ngunit..." may sasagot pa sana pero pinutulan siya ni Kimmy.

"Ngunit siya ay hindi dapat maging manggagamot! Ang bagong halamang ito na bago niyang natuklasan ay sinubukan na niya sa inyo! Hindi ko maisip kung ilang tao na ang naisakripisyo niya sa bawat matutuklasan niyang gamot!" sigaw ni Kimmy sa lahat na nagpatanto ng kanilang kaisipan. Na may mga namatay na rin dahil sa pagpapagamot sa kanya ngunit ang tangi nyang dahilan ay nahuli na sila ng dating sa manggagamot.

Isa isang naglantaran ang nakakadudang panggagamot ng matanda. Tulad ng isang Ina na namatayan ng anak dahil sa mga pagsubok niya sa mga bagong halamang gamot. Nung unang nilalagnat ito ng mataas ay sinabihan niyang may mas mabisa itong gamot. Ngunit nagdumi ito ng nagdumi at namatay dahil sa katuyuan. Sinabihan niya sila na may malubha na itong sakit kaya hindi ito naisalba ng bago niyang gamot. Ngunit ng makita nya ang anak ng kaibigan nya na nahirapan sa pagtae nakita niya ang gamot na binigay ng matanda ay katulad ng ibinigay nya sa kanyang anak.

Hindi napigilan ng mga biktima ang sarili at pinambabato ang matandang mangagamot habang dinadala ito sa bitayan. Pupugutan nila ito ng ulo ng magkasama. Kinumpiska nila ang mga sinulat nitong gamot at ibinigay sa Pinuno.

"Ang magiging pansamantala muna ninyong manggagamot ay si Katarina." Pagkasabi nito ay inihagis nito ang mga 'research' ng matanda sa mga kamay ni Kimmy.

Tinignan ni Kimmy ang mga nakasulat ngunit kahit may iilan itong nababasa gamit ang mga alaala ng unang Katarina ay Hindi parin niya ito maiintindihan! 'Hay nako, Di bale na. Tutal may alam naman na ako ng konte sa mga herbal medicine, atleast di na sila magdudududa kung bakit may nalalaman ako.' patango tango ito sa sarili.

"Kimmy."

Napalingon si Katarina sa likuran niya dahil sa pagtawag sa kanya ngunit wala siyang nakitang tao na naghihintay.

"Katarina!" tawag ni Ramses ng makita niyang huminto sa paglakad si Kimmy at parang may hinahanap.

Napalingon muli si Kimmy ng maalala na wala pang tumatawag sa kanya na Kimmy sa panahong ito kundi ang kanyang kapatid na si Sol pa lamang. At sa mga oras na yon ay tulog na ito. 'Guni guni ko lang siguro'.