Chapter 10
"Bakit parang nalugi ka?" nanlulumong tumingin sa'kin si Ysa. Kanina ko pa talaga napapansin na walang imik 'tong babaeng 'to. Kanina kasi, pagdating namin sa classroom ni Mitch, hindi niya man lang kami tinapunan ng tingin.
"Ayaw ko sabihin. Tatawanan mo 'ko eh." tsaka siya tumingin sa daan na nilalakaran namin. Kasalukuyan kasi kaming papunta sa Music Room para magrehearse. Nagtaka nga ako kung bakit ayaw ni Ysa na sumama sa'kin. Pinilit ko nga siya kaya sumama na rin siya kahit na labag sa loob niya. Nakakaulol ng utak.
"Anong gusto mo? Batukan o tawanan?" nakanguso siyang tumingin ulit sa'kin. Ew, akala mo naman bagay niya. Mukha namang pato, pfft.
"Eh kasi,.." tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Nakanguso pa rin siya kaya nakakaasiwA siyang tingnan. Medyo nakakadiri kasi.
"UmaminakokayXamnagustokosiya." tsaka siya tumakbo palayo sa'kin. Kahit na mabilis yung pagkakasabi ni Ysa, naintindihan ko pa rin kaya hindi ako tumigil sa kakatawa. Kung hindi pa nga ako nakita ni Mitch na muntik ng magpagulong-gulong sa kakatawa, hindi ako titigil eh. Nasabihan pa 'kong tanga kaya ang sarap niyang sipain sa sword of the glory niya.
"Bakit mag-isa ka lang? Nasaan si Ysa?" tanong niya nang maka-recover ako sa pagtawa. Tumingin ako sakanya. Umamin si Ysa kay Xam na gusto niya siya. Ano kayang ini-react ni Xam? Paano si Mitch? Ano ba 'tong gulo na napasok ko. Mukha tuloy akong match maker. Ew, hindi bagay sa'kin yun. Ako dapat ang im-match, at gusto ko kay Raine, kung sakali man ehehe.
"Tumakbo siya eh. Hindi ko alam kung saan nagpunta yung leche na yun." sambit ko kaya tumahimik na siya hanggang sa makarating kami sa Music Room. Nakita ko agad si Ysa na tahimik lang na nakaupo habang nagc-cellphone kaya lumapit ako sakanya. Dito pala siya dumiretso.
"Hoy, bakit mo 'ko iniwan?" nagkibit-balikat lang siya. Bumuntong hininga ako. Hindi ko na siya pinansin. Nilapag ko yung bag ko sa tabi niya at lumapit kina Mitch.
"Let's start." ani Alex. Tumango kaming tatlo nila Xam. Syempre, as expected kay Raine, hindi niya na kailangan pang utusan kasi alam niya yung gagawin niya. Pinag-stay muna ako ni Alex sa baba ng stage para alam ko daw kung kailan ako lalabas ng backstage.. Una, hindi muna daw ako magpapakita kaya sa backstage muna ako mags-stay kapag magp-perform na kami sa acquaintance party. Wala namang problema kila Mitch, Xam at Alex kasi sila lang naman ang tutugtog ng instruments. Tiningnan ko sila isa-isa, ang g-gwapo talaga ng mga 'to. Syempre, nangingibabaw talaga yung kagwapuhan ni Raine ehehe. Nagsimula nang mag-strum ng gitara si Xam. Napasulyap ako kay Ysa. Tutok na tutok yung mga mata niya kay Xam. Ano kayang nangyari? Napabalik yung tingin ko sa stage nang magsimulang kumanta si Raine. Ang gwapo na nga niya, ang galing niya pa kumanta. 'Kinikilig ako, OMG!' Hindi kinanta ni Raine yung sa part ko kaya mabilis lang silang natapos. Pinapunta na rin ako sa backstage para i-rehearse na kung paano yung gagawin namin kapag magp-perform na kami. Si Ysa daw yung magsisilbing judge namin kaya sasapakin ko talaga siya kapag nilait niya yung pagp-perform ko. Narinig ko nang nag-strum ang gitara kaya mula dito sa backstage, tiningnan ko ulit na mag-perform si Raine. Ganun pa rin naman yung emosyon niya. Yung oh-so-famous-look, emotionless. Minsan kaya, try kong sapakin si Raine. Paano kaya yung emosyon niya? Wala pa rin? Aishhh, parang ang pangit naman kung ganun yung emosyon niya. Masyadong creepy. Unless, manhid siya? Nang marinig kong malapit na sa part ko para kumanta, nag-ayos muna 'ko.
Vocal chords, check!
Mabangong hininga, check!
Ayos ng tindig, check!
Maganda sa paningin ni Raine, uhh c-check?
'OMG! Ayan na!'
Dahan-dahan akong lumabas sa backstage habang may hawak na microphone. Patuloy lang sa pagtugtog ng instruments sina Alex kaya kahit kinakabahan, pinilit kong makapunta sa tabi ni Raine. Paano pa kaya kapag acquaintance party na? Nang makalapit ako, tumingin sa'kin si Raine kaya muntik na 'kong mapatigil sa pagkanta. Buti nalang talaga nag-iwas ng siya ng tingin kaya naayos ko yung pagkanta ko. May mga part na sumasabay siya sa'kin sa pagkanta gaya ng ni-rehearse namin. Nang chorus na yung kakantahin namin, inalis niya yung microphone niya sa mic stand at hinawakan yung kamay ko at tsaka siya humarap sa'kin kaya napaharap din ako sakanya. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang hawakan niya yung kamay ko. Part din pala 'to ng plano, nakakaulol sa kilig. Hanggang sa matapos ang kanta, nararamdaman ko pa rin yung kilig kanina nung hinawakan ni Raine yung kamay ko. Bumaba na kami ng stage at nagpulong-pulong.
"You have a great voice, Blaire." puri sa'kin ni Alex kaya pinasalamatan ko siya. Sumingit naman si Mitch.
"Pumiyok nga kanina 'yan nung hinawakan ni—" hindi na naituloy ni Mitch yung sasabihin niya nang lumapit si Ysa sa tabi niya pero yung mukha ni Ysa, naka I-don't-care-bitch-look. Anyayare?
"Hey, Ysabelle. How's our performance?" ngiting ngiting tanong ni Xam. Si Ysa naman hindi makatingin sakanya kasi palipat-lipat siya ng tinitingnan.
"Ayos lang." unti-unting nawala yung ngiti sa mukha ni Xam sa sinagot sakanya ni Ysa. Seriously, what the heck is happening? Nag-usap usap lang kami ulit hanggang sa pinauwi na kami ni Alex kaya dali-dali akong nagpunta sa pwesto ni Ysa.
"Ysa?" tumingin siya sa'kin ng hindi man lang nagbabago yung emosyon niya. Takte, hindi ako sanay na ganito 'tong babaeng 'to. "Tapos na yung rehearsal, alis na tayo." hindi niya 'ko pinansin. Kinuha niya lang yung bag niya at tsaka siya naunang lumabas sa Music Room. "Hoy Ysa, hintaaayyyyy~." 'hindi na naman namin masusundan si Raine, huahua.' Instead na tumigil siya, tuloy tuloy lang siya sa paglalakad na parang walang narinig. Hanggang sa magkatabi na kaming naglalakad, hindi man lang niya ko tinapunan ng tingin. Kanina ko pa talaga siya tinatawag pero seryoso lang siyang nakatingin sa daan. 'O-kay?' "Hoy!" napatigil siya sa paglalakad at gulat siyang napatingin sa'kin.
"Bakit?!" gulat pa rin yung reaksyon niya. Nung ilang beses kong tinawag yung pangalan niya, hindi siya nagulat.
"Kanina pa kita tinatawag, impakta ka." iniwas niya yung tingin niya sa'kin at tsaka siya ulit nagpatuloy sa paglalakad. "Jusko, Ysa! Ano bang problema mo?" nawawalan ng pag-asa'ng sambit ko. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan yung likod niyang naglalakad palayo sa'kin pero hindi rin nagtagal, tumigil din siya sa paglalakad at naluluhang tumingin sa'kin. Wtf? Nagitla ako nang magsimula siyang humagulgol at ipunas yung uniform niya sa uhog niya, Ew, kadiri. Dali-dali akong lumapit sakanya. "Hoy? Ano bang nangyari?" mahinahon ako'ng nagtanong sa kan'ya. Tumigil siya sa pagpupunas ng uhog niya sa uniform niya at tumingin sa'kin habang sumisinghot pa. The eff?
"Kasi,.."
"Kasi ano? Leche 'to, pa-thrill pa eh." inirapan niya lang ako at tsaka siya yumuko.
."Kasi,.." bumuntong hininga siya bago ulit magsalita.
"--kasi, ni-reject ako ni Xam."