webnovel

JUDA, The Rebel Warrior(Completed)

Sa kagustuhang iligtas ang pinsan mula sa mapanganib na nilalang, napunta siya sa lugar kung saan nagmumura ang mga butiki at nakilala ang lalaking hindi uubra ang beauty niya. Makakauwi pa kaya siya? Subaybayan ang nakakaenjoy na journey ng kikay at pabebeng si Lily Rose at ang nakakatakot at nakakakilig niyang prince charming! We'll be posting the english version, soon!

AuraRued · Ciencia y ficción
Sin suficientes valoraciones
30 Chs

Part 5

"ILANG beses ko nang sinasabi sa iyo na huwag basta-bastang gumawa ng desisyon nang hindi ko inaaprobahan! Bakit ba lagi mo nalang sinusuway ang patakaran ko, Juda?!" Dumadagundong ang boses ng ama niya sa buong opisina. Galit ito dahil nakipaglaban na naman siya sa mga gagamba nang walang pahintulot mula dito.

"Ama, alam kong nagkaroon tayo at ang planetang Aranae ng kasunduan na hindi magsisimula ng digmaan, pero palihim na kinuha ng mga walang kwentang gagamba na iyon ang mga sandata mula sa mga ibon na dapat ay nakalaan para sa atin! Ano ang inaasahan mong gawin ko? Magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan? Ngayon na nalasap na nila ang pait ng pagkataob, hindi na sila mangangahas na manlamang sa atin."

"Paano kung hindi kayo nagwagi? Anong mangyayari sa hukbo? Sa iyo? Hindi ako basta-basta makakapunta doon dahil wala man lang akong alam! Hindi parin nawawala ang pabigla-bigla mong desisyon, at dahil diyan posibleng maraming buhay ang maglaho. Kung hindi man ngayon, maarahil ay sa susunod."

"Ama, wala ba kayong tiwala sa kakayahan kong mamuno?" kariringgan ng hinanakit ang ngayomng mababa nang boses ni Juda

Bahagya namang kumalma si Silvio, "Hindi kita inilagay sa posisyong iyan kung wala akong tiwala sa iyo, Juda, alam mo iyan. Kailangan mo lang bawasan ang pagkamainitin ng ulo mo."

The prodigal son, iyon ang bansag sa kanya ng nakararami. Dahil lagi silang nakukompara ni Gavin, siya ang laging nasa ibaba, laging masama at mali. Si Gavin, matanda sa kanya ng dalawang taon, kalma, mabait at malumanay habang siya ay ang kabaliktaran.

Aminado siyang may pagka mainitin ang ulo niya, o, sige, mainitin talaga ang ulo niya dahil mababa ang pasensiya niya lalo sa mga mahihina. Ang Sauro ang planeta ng mga elitistang mandirigma, tinitingala sa buong kalawakan kaya walang puwang sa kanila ang mga papatay-patay na nilalang. He wants thrill, excitement, kumukulo ang dugo niya sa tuwing nakikipagbakbakan siya. Nabubuhay ang kanyang sistema kapag nakaamoy ng dugo ng kalaban at dahil diyan ay naging bihasa siya sa pakikidigma. Nagkalaon, nang mapatunayan ng ama niya ang kakayahan, inatasan siya nitong mamuno sa buong army ng Sauros kasunod nito.

"Kagaya ni Gavin."

"Hindi ko kayo kinukompara ng kapatid mo, magkaiba kayo. Kaya huwag mo na siyang isali sa usapang ito. Sumasakit ang ulo ko sainyong dalawa." anang matanda at minasahe ang sintido.

"Bakit ninyo siya pinayagang kupkupin ang taong iyon, ama?"

Napabuntong hininga si Silvio, "Wala akong kakayahang labanan ang pusong umiibig."

Malakas na napahalakhak si Juda. "Pag-ibig? Katunog mo na si Gavin ngayon. Naniniwala po pala kayo diyan ama? Isa lang iyang kabaliwan at nababaliw na ang kapatid ko, ginagawa siyang mahina ng nilalang na iyon."

"Sa buhay Juda, darating ang panahon na mararamdaman mo ang bagay na iyan."

"Not me, I tell you, not me." sagot niyang natatawa parin. "Hindi ko kailangan iyan para mabuhay. Nasa akin na ang lahat ng gusto ko! Nakalinya ang mga babaeng naghihintay na gusto akong makasama kahit sa ilang saglit lang. Kung kailangan ko ng lahi, mas lalong hindi ko kailangan iyan. Si Gavin, hindi na siya nakikipagtalik sa mga babaeng Sauro mula noong makilala niya ang taong iyon, isang kahangalan!"

"Huwag mo nang guluhin ang kapatid mo sa bagay na iyan, dahil wala na tayong magagawa. Mas lalong magiging magulo kung sasalungatin mo siya. Tanggapin natin ang taong iyon, dahil siguradong magiging kapamilya na natin siya."

Napabuga ng hangin si Juda. "Whatever, ama. Makakaalis napo ba ako? Hinihintay na ako ng mabait kong kapatid sa shuttle."

"Hmn, mag-iingat kayo."

AABOT sa limang oras ang byahe nila patungong Piscis. Si Gavin ang kumukontrol ng shuttle kaya maya-maya ay pumupunta ito sa control room habang ang tatlo ay nasa kani-kanilang cabin.

Gamit ang communication device na nakakabit sa braso ni Juda ay palihim siyang nakipag-usap sa sekretarya ng defense department ng planetang Anguis, isa sa kalaban nilang lugar. May hologram ng katawan ng kausap na taong ahas ang lumalabas mula doon. Hindi na mabilang sa kamay ang digmaan na nagyari sa pagitan nila. Bakit siya nakikipag-usap dito? Dahil may sarili silang transaksyon. Mas malaki ang supply ng materyales na napupunta sa Sauros kumpara sa Anguis kaya mataas ang demand doon. Paano nga naman makakalaban ang mga ito sa digmaan kung kulang ang mga sandata? Kaya pumupuslit siya ng mga iyon patungo sa Anguis nang lingid sa kaalaman ng lahat. Siyempre, sa malaking halaga. Sa katunayan, nagbigay ang Anguis ng malaking halaga ng paunang bayad sa kanya. Ngunit, sa kasamaang palad, nitong nakaraang panahon ay nagkukulang ang supply na nabibigay ng Piscis sa Sauros kaya hindi pa niya naibibigay ang mga utang niyang materyales sa Anguis.

"Juda, hindi ko na siguro kailangang sabihin sa iyo kung bakit ako napatawag ngayon." saad ni Elko, isang ahas. Ang katawan nito ay natatakpan ng kulay itim na kaliskis, matingkad na dilaw ang mga mata, kung ikukumpara sa tindig ng mga Sauro ay maliit ang mga ahas pero kilala ang mga ito sa angking talino.

"Elko, magandang umaga. Siyempre, hindi ko nakakalimutan iyon. In fact, pinaprioritized ko ang pagbigay ng materyales ninyo, pero kailangan n'yo pa akong bigyan ng kaunting panahon."

"Ilang beses na naming natanggap ang salitang iyan galing sa'yo, Juda. Mukhang hindi mangyayari ang pinapangako mo."

"Magtiwala lang kayo sa akin, tatawag ako kapag maipadala ko na. Kailangan ko nang putulin ang tawag, may paparating." pagsisinungaling niya at pinatay ang aparato.

Saan siya kukuha ng ibibigay sa Anguis? Kaunti lang ang makukuha nila sa Piscis.

NARATING nila ang planetang Piscis nang bandang hapon. Dumiretso ang apat sa laboratory para kausapin ang head Scientist doon.

Namangha si Lily sa hitsura ng paligid ng Piscis. Ang buong planeta ay napapalibutan ng tubig. Ang mga gusali na nakatayo sa itaas ng animoy malawak na karagatan ay hugis corals. Iba-iba ang kulay niyon, may puti, yellow, pink, at green. May mga lumilipad na sasakyan sa paligid na hugis bula. At ang mga nilalang doon ay iba-iba ang hitsura pero ang mas nakakaaliw ay ang mga bilog na parang helmet na suot ng mga ito.

"Wow, Ara gold fish! Yung isa mukhang aruana. May galunggong din! Ang ku-cuuute! Ang colorful! May sarili silang aquarium sa ulo!" bulalas niya habang hawak ang cellphone at kinukuhanan ng picture ang mga nakikita.

"Lily, halika na, bumaba na tayo." Sa tuwa niya ay hindi niya napansin na naglanding na pala ang shuttle nila sa harap ng isang laboratory.

"Kagaya ng sinaad ko sa email, iyon lang ang maibibigay naming materyales sa ngayon, kasi may ibang lugar din ang kumuha. Kailangan naming pagkasyahin kung ano ang nagawa ng laboratoryo." sabi ni Dr. Polim, ang anyong isda na head ng Laboratory. Nakasuot ito ng lab coat at may nakapatong na eyeglasses sa ilong.

"Naiintindihan namin, Dr. Polim." saad ni Gavin. "Tungkol nga pala sa nabanggit ninyong bagong invention, maaari ba naming makita ang samples niyon?"

"Oo Gavin, siyempre, hali kayo." giniya sila ng doktor sa loob ng isa sa mga kwarto ng laboratory. Nakasunod lang sina Juda at ang dalawang babae.

Katabi ng kwarto na pinasukan ng apat ay may nakabukas na pintuan. Nasilip ni Lily na may katawan ng tao na nakalagay sa isang malaking glass tube na may tubig, kalbo at nakahubad. Abala ang mga kasama niya na nakasunod kay Dr. Polim kaya maingat siyang pumuslit sa kabilang kwarto at nilapitan ang nakitang tao.

'Babae? Taga Earth to eh! Bakit nandito siya?' may nakakabit na mga tubo sa palapulsuhan ng babae, gayun din sa paa at may parang oxygen mask sa mukha. Namumutla ito, hinawakan ni Lily ang salamin at marahang kinatok iyon.

"Ate, helloww? Ate, buhay ka pa ba?" Hindi kumikilos o tumutugon ang babae, nanatili lang nakapikit.

'Anong ginagawa nila sa kanya?'

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan?! Umalis ka diyan!" sigaw ng isa sa mga staff ng laboratory. Nabigla si Lily kaya natabig niya ang test tubes na may lamang yellow na likido.

"Ay! Juice colored!" Marahas niyang naitakip ang kamay sa bibig nang makita ang nabasag na gamit. "Hala! Oh My Gosh! Sorry po! Hindi ko sinasadya!" Sinubukan niyang pulutin ang mga nabasag na test tubes pero nahiwa ang kamay niya.

"Ouch!"

"Anong ginawa mo?!" sigaw ng staff na mukhang hindi makapaniwala sa nangyari.

Siya namang pagdating ng mga kasamahan niya at ni Dr. Polim dahil narinig ng mga ito ang pagsigaw ng staff.

"Anong nangyari?" tanong ni Juda

"Iyang kasama n'yo! Binasag lahat ang specimen!" turo nito kay Lily." Dr Polim! Ang fertility specimen, naubos lahat!"

"Ano?!" sigaw ng doctor

"H-hindi ko sinasadya! Sumigaw kasi siya kaya nabigla ako. Natabig ko ang test tubes!" anang babae na nilapitan ni Ara.

"Nasaktan ka ba, Lily?" tanong ng pinsan.

"Nasugatan lang."

"Doctor, anong gagawin natin?" tila maiiyak na ang staff

"Ipagpaumanhin po ninyo ang nagawa ng kasama namin. Babayaran nalang namin ang mga nasira." saad ni Gavin

"Malaking halaga ang kapalit niyon, Gavin." sabi ni Dr. Polim

"Naiintindihan ko. Idagdag niyo nalang ang bayarin ng mga nasira sa magiging bill ng mga kinuha naming supply ngayon."

"Pero doctor, hindi ganoon kadali ang kumuha ng specimen na iyon!" saad ng staff

"Makakagawa pa ba kayo ulit ng ganoon, doctor?" tanong ni Juda

"O-oo siyempre. Siyempre, Juda." sagot ni Dr. Polim

"Mabuti kung ganoon. Hihintayin namin ang listahan ng buong bayarin."

GINAMOT ni Ara ang sugat sa kamay ni Lily pagbalik nila ng shuttle. Doon sila maglalagi habang hinihintay ang ibibigay na materyales na kinuha sa laboratory.

"Medyo malalim pala ang sugat mo, Lily. Masakit ba?"

"Medyo." aniyang napangiwi

"Mabuti at may hinanda akong first aid kit dito." kasalukuyang binibendahan na ng pinsan ang kamay niya.

"Hindi kaya ipapa-execute ako ng mga isdang iyon sa nagawa ko? Mukhang napakahalaga ng mga nabasag ko."

"Sa tingin ko hindi. Nakita mo ang reaksyon ng doctor kay Juda, halatang takot sila sa lalaki."

Sana nga dahil hindi niya matatanggap na sa labas ng sariling mundo siya mamamatay.

"Sige, magpahinga ka muna diyan, pupuntahan ko lang si Gavin sa control room."

"Okay, sige." aniyang nahiga.