webnovel

Joey, Lorence and Miguel

[Under Revision and still on going] "Kung hindi ba sya nangako, pwede pa maging tayo?"- Lorence

Dhalia_Piandiong · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
7 Chs

Two

#Wasted

KAAALIS lang nila Miguel kahapon pero parang ilang araw na ang nakalipas.

Gusto ko sana siyang itext kanina bago umalis ng bahay gamit yung cellphone ni nanay kaso baka matanong pa ako noon ng kung anu-ano.

"Joey!"

Gusto ko din sanang pumikit at hilingin na hindi makita ang isang ito, kaso nakita na nya ako! nakakainis.

"Ano na naman Lorence!?" kahit kailan napaka epal nito.

"Ang aga-aga mong mag-sungit Joey Nicole"

Awtomatik syang naunang maglakad dahil sa ginawa nya.

Bakit ba nya ako laging tinatawag sa buo kong pangalan?! Si Miguel lang dapat yun e.

Hahabulin ko na sana si Lorence ng bigla na namang may tumawag sa akin. Si Mari at Anne pala.

"Ginulo ka na naman ba ni kuya?" Ani Mari kahit hindi pa nila ako gaanong naaabutan.

"Ano ba! tumahimik ka nga. Ang lakas ng boses mo e, para kang siga" saway ni Anne. Isa din naman sya.

Medyo binilisan pa nila ang kanilang paglakad.

"Joey, nakaalis na nga sila Miguel kahapon?" tanong ni Anne.

Halos magkakalapit lang kami ng bahay pero paniguradong tulog sila maghapon kahapon kaya hindi nila namalayan ang pag-alis nina Miguel.

Matapos ko syang sagutin ay niyaya ko na silang maglakad pa ng mas mabilis dahil maryoon nalang kaming 10 minutes bago malate sa unang klase.

***

Halos tumakbo na kaming tatlo kanina para lang hindi malate sa klase ni Sir Atienza pero siya pala itong late.

Medyo inaantok na ako.

"may nagpapa-abot" bigla akong siniko ng kaklase ko at inabot sa akin ang isang papel na nakatupi.

awtomatik akong napalingon kay Lorence na naka-upo sa may likuran ng mabasa ang nakasulat na 'Pwedeng manligaw?' 

Kahit hindi nakasulat kung kanino ito nang-galing ay mukhang alam ko na kung sino ang sumulat nito.

Kahit kailan napaka papansin nitong si Lorence.

Magsusulat palang din sana ako sa kaparehong papel kaso bigla namang dumating itong si Sir Atienza.

"Pasensya na dahil nahuli ako. Bukas na tayo mag klase, ipapamigay ko lang itong resulta ng quiz nyo last week…."

Ilang sandali lang din ay umalis na din si Sir Atienza matapos iutos sa class president ang pamimigay ng mga papel.

"Anong gusto mong sabihin?"  Halos masampal ko sya dahil sa gulat ko.

Basta ba naman syang umupo sa tabi ko at medyo idinikit pa sa akin ang mukha nya.

"Tigilan mo nga ako" bahagya kong isinampal sa mukha nya ang ibinigay nyang papel.

"Arte nito. Bakit naman? buti nga ay may nagkakagusto sayo e"

Aba! so kailangan kong magpasalamat?

"Tigilan mo 'ko. Wala akong panahon at hindi ako nanlilimos ng atensyon" 

Kinuha ko nalang ang notebook ko mula sa bag dahil ayoko ng dugtungan pa itong si Lorence dahil panigurado akong pipikunin lang na naman nya ako at sasabihan ng mga birong kahit bata ay hindi matatawa.

"Pero gusto kitang pagtuunan ng pansin"

Napabuntong hininga nalang ako. Sobrang kulit nya. Hindi naman sya ganyan dati. Simula lang nung nalaman nyang mag tatransfer na sa Maynila sila Miguel ay saka naman nya ginulo ang buhay ko.

Hindi ko na sya pinansin at pilit ko nalang na inintindi ang mga nakasulat sa notebook. Pero hindi pa din sya umaalis.

Paaalisin ko na sana sya pero sakto namang dumating ang kasunod naming teacher. Kaya agad syang umalis at bumalik sa dating upuan. Mahigpit kasi sa sitting arrangement ang teacher na ito kaya kahit ang mga makukulit at sisiga-siga dito sa klase at napapabalik nya sa sariling upuan kahit hindi sya nag-sasalita.

"Get your own 1/4 sheet of paper. Hindi ko na kayo bibigyan ng oras para mag review ano, dahil lunes naman ngayon at may weekend namang dumaan"

Halos lahat ng kaklase ko ay umangal. Napaka! hindi ba namin sya ka-barangay para ganito 'tong si ma'am?

Oo nga na may weekend na dumaan at nung friday pa nya ito ibinigay sa amin pero! ang sama nya. Patay kami ngayon!  As if naman may oras

kaming mag-aral sa dalawang araw na dumaan. Alam naman nyang abalang-abala ang mga tao nun dahil fiesta.

"Tigilan nyo ko.. hindi kayo nakapag-aral? e halos lahat ko nga kayong nakita dun sa tatlong gabing sayawan e, kaya wag kayong maarte"

Nakapamewang habang nagsasalita si Ma'am Joy at nakataas pa ang kabila nitong kilay. Kaya wala ng nagawa ang mga nagrereklamo kong kaklase at kumuha nalang ng kanya-kanyang papel. Tsk. Maski din naman sya ay nag-enjoy lang nun.

Palibhasa kasi hindi nakasayaw ng kuratsa? kaya ganito sya ngayon?

Kahit na anong angal naming lahat dito kay Ma'am Joy ay hindi nya kami pinapansin kaya naman nag-umpisa na syang magkabit ng ilang Manila paper sa blackboard.

'nakakainis'

Ang halos naririnig ko sa mga katabi ko dahil wala kaming maisagot. Pasimple naman akong pinapasilip ni Mari sa mga sagot nya kaso sobrang liit naman ng mga sulat nya!

Sigurado naman akong nasabihan ko sila dati na malabo ang mga mata ko.

napaka.

***

"Nasagutan mo ba ng ayos yung quiz kanina?" agad kong sinimangutan ang nasa tabi kong si Mari.

Maaga kaming pinauwi dahil sa biglaang meeting ng mga teacher, at dahil wala naman kaming ibang gagawin sa school ay nagpasya nalang kaming umuwi.

Kailangan ko din kasing abangan ang tawag ni ninang. Wala pa kaming cellphone pareho ni Miguel kaya tanging ang mga magulang lang namin ang way namin ngayon.

"bakit?!" natatawa nyang tanong.

Ugh! magkapatid nga sila ni Lorence!

"Wala"

Sagot ko nalang at nauna ng maglakad. Kailangan ko ng makalimutan ang bwisit na quiz na yun.

Napakawalang konsiderasyon ng teacher na yun! kahit sya din naman ay nakita naming nakikipag-inuman pa nun.

Kapag ako maging titser, hindi ko hahayaang mahirapan ang mga estudyante ko dahil paniguradong papatayin lang nila ako sa mga isip nila. Tulad ng ginagawa ko ngayon.

"Joey!"

Agad akong napangiti ng makitang tinatawag ako ni nanay na nakatayo ngayon sa tapat ng gate ng bahay namin.

Para syang may kausap mula sa cellphone nyang pinaglumaan na ng panahon, kaya agad akong tumakbo at iniwan na si Mari. Lalo kong binilisan ang takbo ko dahil igurado akong si Miguel na yun.

Habang nasa gitna ako ng pagtakbo ay agad namang ikunumpas ni nanay ang kamay nya na parang lalo pa nya akong pinagmamadali.

Wait lang Miguel!

"Halika dali" excited na inabot ni nanay sa akin ang cellphone na agad ko ding tinanggap.

Hindi ako nauuhaw pero gusto kong uminom muna ng madaming tubig. Lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.

Ganito na ang nararamdaman ko kay Miguel ngayon, e paano kung maging boyfriend ko na talaga sya?! Paano kung kapag magkita uli kami after years ay lalo syang maging attractive? paano na 'tong puso ko?

"Hi"

Sinadya kong gawing lalong mahinhin ang boses ko. Naalala ko kasi ang sinabi ni Miguel dati na ang ganda daw ng boses ko.

"Hi pamangkin" Ha! si tita Malou pala. "kamusta ka na?"

"Ayos lang naman po tita…uhm tita ibabalik ko po muna itong cellphone kay nanay. Naiihi na po kasi ako. Bye po, mag ingat po kayo" pagsisinungaling ko. Akala ko pa naman si Miguel na.

Agad kong inabot ang cellphone kay nanay at hinawakan ang puson ko at nagkunyaring naiihi.

Akala ko pa naman sya na.