After ng paghahanap ng trabaho nakahanap din ako kaso office based siya pero puro teachers kami kaya alined paren sa course ko medyo mataas lang posisyon at the same time mataas din sweldo pero titignan natin kung kaya ba na mag stay to para masabing di nako babalik ng New York ulit. Ilang buwan nadin ako dito kaya pwede kong masabi na medyo okay naman yung place, yung mga co-officemates ko okay din sa sweldo pwede na. Habang nagta trabaho ako biglang nag vibrate yung phone ko kaya tinignan ko sino yung nag text, Si Cas pala.
"Hoy Tep. Anong oras out mo?" Tanong niya
"Mga 5 baket?" Reply ko tas typing siya
"Pwede bang pasundo dito sa may Taft?" Tanong niya
"Sige. Text ako pag otw nako." Sabi ko
"Sige, update kita kung saan exact location ko ah." Sabi niya tas nag reply ako ng GIF na thumbs up
Nagmeeting kami for incoming school year tas marami din kaming office works that time pero buti nalang di naman ganun kabigat, nakakamiss din mag work pero gusto ko din magkaron ng business kaso di ko pa alam anong klase chaka if keri ba ng budget ko, para naman umikot yung pera namin. After 2 hours uwian na kaya tinext ko si Cas na papunta nakong Taft, nag out nako tas nag drive na papunta sa tinext na location ni Cas nung magkasama na kami bigla siyang nagsalita.
"Pwede bang samahan moko sa Manila Hotel?" Tanong niya tas tinignan ko siya saglit
"Bakit? May meeting kayo?" Tanong ko tas umiling siya
"Meron kasi akong ka meet na Business Man na bet ako, gusto kong sumama ng may kasama alam mo na para safe." Sabi niya tas pinagisipan ko muna
"Sige. Ikaw naman kase magmi meet pa kayo sa hotel? Manila Hotel to be exact pano pag dinala ka na niya sa kwarto? ano pang laban mo? Ingat ka din sa mga ka eyeball mo Casyo ba." Sabi ko tas huminga siya ng malalim
"Opo ma..." Sabi niya ramdam ko din yung eyeroll niya "Si papa kasi sine set up ako sa ganito eh." Sabi niya tas natawa ako
"Hirap maging mayaman ano?" Sabi ko tas tumango siya at nag pout
"Sinabi mo pa, kaya minsan nga parang mas magandang humiwalay nako ng bahay kina papa kasi nagiging puppet ako dun." Sabi niya tas tumango ako
"It's time na din naman na maging independent ka, may trabaho ka naman eh chaka ipon use it for something better." Sabi ko tas ang tahimik niya
"Parang gusto ko ngang magtayo ng business eh." Sabi niya tas tinignan ko siya at napanganga ako
"Hala, ako din may naiisip ka ba?" Tanong ko tas umiling siya
"Wala pa eh." Sagot niya tas napasandal ako
"Ako din eh, what if maging mag partner tayo sa business?" Offer ko
"Aba g ako dyan." Sagot niya ang bilis mag desisyon ah
"Kaso isipin natin ano munang business." Sabi ko tas tumango siya
Sa buong byahe namin, nag iisip kami anong klaseng business ang magandang gawin, tutal traffic naman at matagal ang byahe, after ng ilang oras nakarating nadin kami sa Manila Hotel, pina vallet parking yung sasakyan ko kababa namin agad tinanong ni Cas san yung room ata nung nakikipag meet sakanya tas kinabahan ako kaya nung papunta kami sa elevator kinausap ko siya.
"Hindi mo naman sinabi na pupuntahan mo sa room niya mismo." Sabi ko
"Baka kasi di kana sumama pag sinabi ko na sa kwarto magkikita." Bulong niya
"Shunga, mas sasama ako papabayaan ba kita na mag isa. Pano pag na rape ka? Kala ko panaman dyan lang sa lobby yung meet up niyo, nawiwindang ako sa mga nangyayare ah Casyo." Sabi ko sabay hawak sa ulo ko
"Sorry na. Saglit lang to." Sabi niya
"Dapat lang." Sabi ko tas sumakay na kami ng Elevator
Kasakay namin ng elevator bumaba na kami sa 5th floor tas hinahanap niya yung room number na tinanungan niya tas tumigil siya sa tapat ng room number na nakita niya tas ginesture niya ko na pumunta dun at bilisan.
"Oh anong gagawin ko niyan?" Tanong ko
"Ikaw unang pumasok." Sabi niya tas nanlaki mata ko
"Tanga ka ba? Uso kumatok bat papasukin naten?" Sabi ko tas nag eyeroll siya at kumatok
"Okay na? Happy?" Sabi niya tas nag cross arms ako
"Plano mo to tas ako papaunahin mo." Sabi ko tas humarap sa pinto
"Sige na ngayon lang Tep, pleaseeeee." Pagmamakaawa niya
"Sige na sige na." Sabi ko tas biglang bumukas yung pinto
Pero nakakapagtaka na bumukas lang ng kaunti pero di totally na bumukas tas ang dilim sa kabilang side lalo tuloy ako natakot kase baka mamaya may mumu o kaya biglang kapasok namin hatakin kami tas pagchop choppin diba? pero sinet aside ko yung thought na yun at binuksan yung pinto shet ang dilim parang pumapasok kami sa blackhole.
"Hello?" Sabi ko tas walang sumasagot
"Papasok na po kami." Sabi ko tas nag lakad ako at kinapa yung switch ng ilaw
Naririnig ko yung footsteps namin ni Cas yung heels na nagki click sa marble na flooring, habang kinakapa ko yung ilaw nahawakan ko yung edge nung rectangle kaya alam ko eto na yun nung pipindutin ko na sana may kamay na nakapatong kaya nagulat ako.
"MAY KAMAY MAMAAAAAA!!!!" Sigaw ko sabay lakad paatras
Biglang bumukas yung mga ilaw tas lumantad na ang daming tao, and decorations na nakadikit sa walls and ceilings kahit yung flooring may mga balloons and confetti tas pinaprocess ko pa yung nangyayare tinignan ko sino yung mga tao tas mga kaclose ko pala tas may dala silang cakes, yes may s kasi di lang siya isa o dalawa eh, tas sinara ni Cas yung pinto sa likod namin tas tinignan ko siya naka smile siya sakin
"Happy Birthday Tepiterio." Bati niya tas naglakad papunta dun sa mga tao
Tas feeling ko nakanganga lang ako the whole time, nakalimutan ko yung birthday ko, di ko man naalala sa sobrang daming ginagawa at ganap sa buhay di ko naalala yung araw ko ngayon, tas bigla silang kumanta ng Happy birthday, shet nahihiya ako at the same time naiiyak walangya, nasurprise ako ng bongga shet, first time at clueless ako myghad.
"Thank you guys." Sabi ko katapos nilang bumati lahat
"Pa speech ka naman dyan." Sabi ni Cas tas natawa ako
"Whut?! Pero eto nga nakalimutan ko na birthday ko pala ngayon, kanina ko lang naalala nung nakita ko kayo." Sabi ko "Pero thank you na surprise niyo ko ng bongga, kahit naasar ako sa mga pinaggagawa ni Cas at natakot kanina sa pagkapa dun sa switch, Thank you. HEHEHE." Sabi ko natatawa ako sa mga pinaggagawa ko
"Magsikain na tayo." Sigaw ni Cas tas natawa lang kami sa ginawa niya
"Sino pala may plano nito?" Tanong ko tas lahat sila tinuro si Ken
"Hala, andyan ka pala di kita napansin." Sabi ko tas tumawa siya
"Happy Birthday." Sabi niya tas niyakap ko siya
"Thank you Ken." Sabi ko tas nirub niya yung likod ko
"You're welcome." Sabi niya tas nagsmile ako at bumitaw sa yakap
"Kain na tayo." Aya ko
So lahat kami kumain na nagtawanan, nagkwentuhan at nagbiruan ang saya lang ng araw na yun, tas napunta na kami sa opening of gifts isa isa nilang binigay yung gifts nila sakin tas inexplain pa nila bakit yun yung binigay tas isa isa kong binuksan, natatawa ako kasi yung iba walang sense or pang biro ganun, yung isa nagbigay ng lingerie para daw ready ako pag kinasal na in the future, yung iba damit ng baby isa isa na daw nilang ibibigay needs ng baby para di na daw ako gumastos which natawa ako ng bongga kasi parang timang yung mga binigay nila pero still I appreciate them, yung iba naman na touch ako kasi kahit simple grabe yung thought niya at bakit niya niregalo yun. Yung iba naman napa wow nalang ako sa sobrang mahal na speechless ako sa niregalo pero overall naman kahit simple, mura o mahal yung niregalo na appreciate ko ng bongga kasi pinagisipan nila yun at may meaning lahat, ang saya lang kasi kahit puro kalokohan memorable siya para sakin.
"Oh Ken, regalo mo ibigay mo na." Sabi ni Cas tas tinignan ko siya
"Di pa ba itong surprise na to yung gift niya?" Tanong ko tas umiling si Ken at tumalikod at may kinuha na malaking box tas nilapag sa harap ko
"Eto gift ko." Sabi niya tas tinignan ko yung box, hanggang tuhod ko yung box, malaki na yun para sa isang gift wag kayo! tas kulay red, tas ang laki nung ribbon sa taas, napanganga lang ako.
"Ano to?" Tanong ko sakanya sabay luhod sa harap nung box
"Buksan mo." Sabi niya tas pinakinggan ko kung ano yung nasa loob
"Parang may kumakaluskos?" Sabi ko tas tinaggal ko yung takip
"Hala bomba ata yan." Sabi ni Cas tas tumawa ako
"Kumakaluskos ang layo ng kaluskos sa tunog ng bomba ah." Sabi ko tas tumawa kami
"Hala ang daming papel." Sabi ni Cas
"Baka kakatanggal ko ng mga papel na to mapunta ako sa Narnia ah." Sabi ko tas tumawa kami ulit
"Hoyyyyy!!!!!!!" Sigaw ko pagkakita ko sa regalo ni Ken
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya
Tumakbo ako sakanya tas niyakap ko siya ng mahigpit tas biglang nagka TB ata yung mga tao na kasama ko kasi lahat inubo, kaya bumitaw nako bago pa maging cancer yung sakit nila.
"Thank you Ken~" Sabi ko tas pinuntahan ko yung gift niya tas kinuha ko at kinarga
"Hoy ang kyut! Kailan moko reregaluhan ng ganyan Ken?" Tanong ni Cas
"After 200 years Cas sige." Sagot ni Ken tas tumawa ako
"Sana all!!!!!" Sigaw ni Cas tas tumawa kami
"Hoy thank you sa bulldog Ken." Sabi ko ulit ina admire ko lang yung aso na regalo shet
"Anong magiging pangalan niyan?" Tanong ni Ken
"Pinagiisipan ko pa." Sabi ko
So after nung gift giving umalis na yung iba kaya konti nalang natira dito sa kwarto, nagsiligpit na kami ng basura at inayos yung mga gamit. Katapos namin magligpit, at linisin yung mga kalat na naiwan at itabi yung ibang pagkain, umupo na kami.
"Tatlong rooms yung kinuha ko ah." Sabi ni Ken tas nagulat ako
"Tatlo?!" Sabi ko tas tumango siya
"Yung isa kina mama mo at papa mo." Sabi niya
"Tas dun ka sa isa?" Tanong ko tas tumango siya
"Eh ikaw Cas uwi kana ba niyan?" Tanong ko
"Nope. Lasing nako eh." Sabi niya tas natawa ako
"Ginawa mo ba naman na tubig yang mga alcohol na nakadisplay." Sabi ko tas tumawa siya
"We need to stay hydrated, bijj." Sabi niya tas natawa kami lasing na nga
"Dito kana sa tabi ko." Sabi ko tas umiling siya
"Ayoko nga. Dun nalang ako sa kwarto ni Ken." Sabi niya tas di ko alam sasabihin that time
"Tabi kayo?" Tanong ko tas lumaki mata niya
"Lalong hindi! Tabi kayo dyan." Sabi niya sabay turo sa kama
"Edi wow." Sagot ko
"Bye guys!" Sabi niya at agad lumabas ng kwarto
"Siraulo talaga yun minsan." Sabi ko
"Minsan lang ba?" Tanong ni Ken
"Okay, madalas kase." Sabi ko tas tumawa siya
May silence sa buong kwarto, medyo naging awkward yung atmosphere. Di ko alam anong magandang itopic, di ko alam sino ba dapat unang mag salita.
"Thank you pala. Ang dami ko ng utang sayo." Sabi ko tas tumingin siya sakin
"Wala yun. Ako nga maraming atraso sayo eh." Sabi niya
"Potpot." Sabi ko tas tinignan niyako na parang timang
"Potpot?" Tanong niya
"Potpot pangalang niya." Sabi ko tas napa 'Ahh' siya
"Bakit Potpot?" Sabay kain ng grapes
"Kasi ang taba niya, tas mukha siyang potato, kaya Potpot the Potato." Sabi ko tas tumango siya
"Ayos yung pangalan ah." Sabi niya tas natawa siya
"Pinagisipan ko yun wag ka!" Sabi ko tas tinaas niya yung dalawa niyang kamay
"Wala naman akong sinabi na di mo pinagisipan." Dipensa niya
"Bakit mo ginagawa lahat to?" Tanong ko sakanya habang hinahawakan si Potpot
"Kasi Birthday mo." Sabi niya tas tumango ako
"Tulog na tayo." Aya ko tas naghilamos nako
Kahilamos ko sumunod si Ken, pinwesto ko si Potpot sa flooring tas nilock ko yung pinto namin, mahirap na baka madekwat pa si Potpot or baka mamaya biglang may mamali ng room at kung ano pang mangyare, pinagpag ko yung kama tas sinara ko yung kurtina, tas humiga nako at pinatay yung mga ilaw except yung sa lamp sa side kung saan hihiga si Ken, natapos nadin si Ken sa paghihilamos tas humiga na siya, inaantok nako nung time na yun nung narinig kong parang bumubulong si Ken, humarap si Ken sakin tas chineck kung gising pako, pero umarte na ako na kunyare tulog at nakapikit tas bigla siyang huminga ng malalim at humarap na sa kabilang side at binukas ko yung mata ko.
"Wala tulog na." Bulong niya
"Alam mo Tep?" Bulong niya nakikinig lang ako sakanya.
"Alam mo, sa loob ng 5 years hinintay kita, di ko alam anong gagawin ko sa limang taon na yun, pabalikbalik ako sa New York para hanapin yung taong mahal ko, hanggang sa nakita kita one time sa New York pero natatakot akong i approach ka kasi baka mamaya itaboy mo ko, simula nun pabisi bisita ako sa New York para makita kita kung ano ng ginagawa mo, di ako makalapit sa taong mahal ko at mahirap yun to be honest, pero isa lang kinakatakutan ko nung time na yun, na baka makalimutan moko, o baka mamaya may mahanap ka na iba dun, 4 years kitang hinahanap pero tatlong sulyap lang nagawa ko bago ka umuwi dito. Tas kauwi mo nakita ko nga na may kasama kang iba at may bata pa nung oras na yun sabi ko yung kinakatakutan ko, nagkatotoo, di ko alam kung bakit sobrang sakit, siguro kasi bumalik na yung mahal ko, ano? tas biglang may mahal na palang iba. Pero nilinaw mo naman na hindi sayo yun kaya sumaya na ulit ako." Kwento niya tas may pause sa kwento niya kasi huminga siya ng malalim
"Pero mas masakit yung ang lapit na sayo pero di ko pa makuha o mabalik yung mahal ko. Ang hirap, kasi sinasabi ng isip ko na ayaw mo na sakin dahil sa mga pinaggagawa ko sayo. Pero yung puso ko isa lang sinasabi, ikaw padin. Ikaw lang yung babaeng kahit napakasungit at pilosopo I enjoy the moment na kausap ka. Di ko alam anong dapat kong gawin para makabawi, kasi kahit anong gawin ko feeling ko kulang parin, di ko kayang bawiin yung mahal ko sa gamit lang na mga ganito, ang hirap bawiin ng trust mo, yan yung iniisip ko, natatakot ako na biglang may kumuha sayo. Ang bagal kong kumilos, kase nga natatakot ako na baka mamaya pag nakuha na ulit kita di mo na pala ako mahal o kunin ka ng iba. Natatakot ako Tep, natatakot akong isipin to, at sabihin sayo. Di ko alam sinong pwedeng tumulong. Nalulunod nako sa mga di magagandang pag iisip na to, di ko na alam sinong sasabihan, sinong pupuntahan o anong gagawin para mawala tong mga to." Pag amin niya naririnig ko yung lungkot sa boses niya at the same time humagulgol na siya
Nung humagulgol na siya di ko mapigilang maiyak din, first time kong marinig yung side ni Ken kasi nga di siya mahilig mag sabi kung anong naiisip niya o nararamdaman niya. Naiiyak ako kasi finally narinig ko yung saloobin niya, na ako yung gusto niyang kausapin kaso wala siyang courage para lapitan ako, ang saya ko na sa lahat ng kilala niya ako yung gusto niyang sabihan ng lahat lahat ng nangyayare sa buhay niya, at ako padin yung nasa puso niya.
"Tep, kaya mo pa kaya akong tanggapin?" Tanong niya habang humahagulgol di ko alam kung naramdaman niyang gising ako o what
"Ay tulog ka nga pala." Bulong niya tas huminga siya ng malalim
"I love you, kahit di mo na ako Love." Bulong niya
Nasaktan ako dun sa sinabi niya, Did I made this Ken? Dulot ko ba tong Ken na ganito magsalita? Did I let out the Ken na sobrang nagtago ng sobrang tagal? Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, kasi kahit anong isipin niyang negative at masasakit na bagay isa lang yung sure ako, nabasag man ng ilang milyon yung puso ko, pero si Ken padin gusto ko, at si Ken lang din ang gusto kong bumasag nito ulit. Kaya umupo ako at niyakap ko si Ken, pinatong ko yung ulo ko sa ulo niya at niyakap ko siya ng sobrang higpet, namiss ko siyang yakapin ng ganito, yung kulang na nararamdaman ko simula nung naghiwalay kami ngayon lang ulit nabuo, kasi sa yakap na to, napaka pure, may love at walang halong iba. Ang tagal kong hinanap at ngayon hawak ko na ulit, hawak ko na yung Taong willing akong basagin yung puso ko ulit if ever.
"Wag kang mag isip ng ganyan." Bulong ko tas lalong umiyak si Ken naiiyak naden ako
"Shhh." Patahan ko sakanya
Iniscoop ko yung pisnge ni Ken gamit yung ride hand ko, tas kiniss ko yung noo niya.
"I love you paden." Sabi ko tas umiyak kaming dalawa pero niyakap ko siya ng mahigpit
"Ikaw padin hanggang sa dulo." Sabi ko