After nung nangyare nung birthday ko, nagkaron ulit ng meaning yung word na 'Kami' saming dalawa ni Ken, well, oo binabalik ni Ken yung tiwala ko sakanya at binigyan ko pa siya ng another chance, actually, sa loob ng five years na di ko siya nakikita and all, di mawawala yung namiss ko siya at iniisip, di mo maalis sakin yun, first love ko eh, unang boyfriend ko, tapos ganun yung nangyare, totoo yung sinasabi nila na time heals all the wound. Gumana yung wala kaming pagkikita, or pag-uusap, except nalang sa pagpapagawa nung bahay namin, well more on professional ang ginawa namin and all the time si mama kausap niya madalang ko lang siyang kausapin dahil sa nangyare. Pero kahit masakit yung nangyare naging lesson at naging matured ako lalo na karating namin dito sinantabi ko yung sakit kasi naka move on nako at ready nakong kausapin ulit siya, pero si Ken hinahabol paden ng lahat ng nangyare at naawa ako, at dahil nga mahal ko parin, willing akong tumulong sakanya sa pinagdadaanan niya at maging listener niya.
Kakarating ko lang sa office nilagay ko sa table ko yung bag ko tas yung coat ko sa likod ng upuan ko, halos wala pang tao napaaga ata ako kaya inayos ko muna yung table ko di ko kasi naligpit nung umalis ako kahapon, medyo maraming ginawa hanggang sa nawalan nako ng time maglinis ng table ampotek.
"Good Morning Stephanie." Bati nung co-officemate ko
"Good Morning din." Balik ko
"Ang aga mo ah." Sabi niya tas ngumiti ako
"Napaaga hahaha." Sabi ko tas tumawa din siya
"Ngayon dating ng bago nating ka officemate, ano?" Tanong niya sakin tas tinignan ko siya
"Ah talaga?" Tanong ko tas tumango siya
"Yes, di ko lang sure saan yung table niya nyan." Sabi niya tas bumalik nako sa ginagawa ko
"Baka dito sa tabi ko, kahapon pa to chine check at nililinis eh." Sabi ko tas nag-isip siya
"Siguro nga." Sabi niya
"May alam ka pa tungkol sakanya?" Tanong ko
"May lahi daw na Chinese yun, tas mabait daw, tas galing siyang China kasi nga nagmove na daw family nila dito, so ayun." Kwento niya tas tumango ako
"Wow, feeling ko mayaman din yan." Sabi ko tas tumango siya
"Oo, sigurado na yun, Chinese eh." Sabi niya
"Alam mo pangalan?" Tanong ko tas umiling siya
"Hindi eh, pero babae daw." Sabi niya tas tumango ako at bumalik na sa mga ginagawa namin
Bali katapos kong mag ligpit, nag encode nako nung mga naiwan ko kahapon, tas nadagdagan nanaman ng strategic plan ng team namin, busy na busy kaming mag encode at mag brainstorm for the strategic plan namin, tas gumagawa din ako ng outline ng documents namin tas sa presentation so medyo naiistress na ang ate mo. Biglang umingay yung paligid kasi may nagtu tour para yan sa mga bagong pasok, I've been there kaya alam ko yung nangyayare kahit hindi ako nakatingin.
"So dito ang main office natin." Sabi nung boss namin
"Tapos yung mga napuntahan natin, for meeting and kailangan ng iba, kumpleto naman tayo sa mga pangangailangan and rooms so napakita ko na lahat, yung pwesto niyo nalang niyan yung ibibigay ko." Sabi niya pero focused padin ako sa ginagawa ko
"So dito yung magiging table mo Ms. Woo." Sabi nung boss ko at narinig ko yung footsteps nila na nagstop lagpas sakin
"Thank you po, Sir." Sabi nung kausap ni Boss tas may nagpatong ng bag sa katabi kong table kaya tinignan ko na sino
"Osya, iwan na kita Ms. Woo, looking forward na ako na makatrabaho kayo." Sabi niya tas ngumiti sila sa isa't-isa
Umalis na yung boss namin, tinignan ko kung ano yung itsura nung bagong dating, may maikli siyang buhok na hanggang leeg level ganun, tas kulay brown with highlights yung buhok niya, may malalaki siyang mata kaya nagtataka ako kung may lahi ba talaga siyang Chinese, diba dapat singkit siya? tas may matangos na ilong at pouty lips. Ang sexy niya infairness nahiya katawan ko sakanya ah, body goals tong babaeng to, sana all. Maganda din yung ngiti niya at mahinhin kumilos pati boses. Umupo na siya sa chair niya at inayos yung mga nasa table niya.
"Hi." Bati niya sakin napansin niya sigurong tinitignan ko siya
"Ay... Hello." Bati ko pabalik
"Kamusta?" Tanong niya nagulat ako sa bungad niya
"Uhm, okay lang naman, eh ikaw?" Tanong ko
"Okay lang din." Sagot ko
"Matagal ka ng nagwo work dito?" Tanong niya tas umiling ako
"Ay hindi man, mga ilang buwan palang, mga 3 months." Sagot ko tas tumango siya
"Ahhh bago lang, anong previous work mo?" Tanong niya
"Teacher sa isang school sa New York." Sagot ko tas napa 'Wow' siya
"Wow, malaki sahod dun balita ko." Sabi niya tas tumawa ako
"Oo? Eh ikaw?" Di ko sure na sagot pero still totoo naman kase, tas tinanong ko din siya
"Ako teacher ako sa China, sa isang University din dun, more on English major ko, lumipat na ako dito sa Pilipinas kasi yung family ko gusto na tumira dito, at the same time yung boyfriend ko taga dito." Sabi niya tas napa 'Ahh' ako
"Ay napasarap yung kwentuhan naten di na tayo nakapag pakilala sa isa't-isa. Ako nga pala si Stephanie an Cruz but you can call me Tep." Introduce ko sabay offer ng kamay ko sakanya
"Ay oo nga, Sean pala, Sean Woo." Introduce niya din tas nagshake kami ng hands
"Nice to meet you." Sabi ko tas natawa pako
"Nice to meet you too." Sabi niya natawa din siya para kaming timang
Magaan naman yung loob ko sakanya, feel ko di siya toxic na ka officemate, or di siya mahirap pakibagayan, kasi ang simple niya lang na tao eh. Simple gusto, simple lahat. Mukhang di kami mahihirapan sa isa't-isa no need to adjust kumbaga.
Sino kaya si Sean? alam niyo kaya anong magiging role niya? Stay tuned!