webnovel

Impossible (Completed)

(A Filipino Novel) Celia Beatrix Montemayor was just an ordinary girl until she met a stranger that changed her life. She fell inlove. She regrets the fall. This was the first time she have fallen inlove, and it was the wrong fall. A love that's impossible. (a/n: this is unedited and a bit weird, lmao. Read at your own risk.)

Cami_Ada · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
31 Chs

Not A Kiss

Imbyernang-imbyerna si Dawn sa kalagayan nya, kanina lang ay maganda na ang panaginip nya sa pagtulog nya pero naudlot ito ng magising sya sa sobrang ngalay. Nakatulog din si Bea at umunan sa kanyang braso.

Inayos naman ni Dawn si Bea ngunit malikot ito matulog, muli itong sumandal sa kanya at niyakap pa sya. Biglang napalunok si Dawn ng maramdam nya ang dibdib ni Bea na sobrang dikit sa kanyang braso. "Pasalamat ka't mabait akong lalaki." Bulong niya at inilayo muli si Bea sa kanya.

Kinuha niya ang kanyang bag at nilagay sa lap nya, then dahan-dahan nyang hinila si Bea at ipinwesto ang ulo nito sa bag nya. Napangiti sya ng maisip nya na parang sya ang mas nakakatanda na nag-aalaga sa babaeng ito.

Muling nainip si Dawn kaya't pinagdiskitahan nya na lang ang buhok ni Bea, nadismaya pa sya ng hawakan nya ang buhok ni Bea. Masyadong dry, di nakakatuwang hawakan. Napabuntong hininga na lang sya at napatingin na lang sa labas ng bintana.

Maya-maya ay napahikab na si Dawn at napa-stretch ng kaniyang mga braso. Napansin nya naman ang itim na kung anu sa ilalim ng tainga ni Bea, napalapit sya rito para pagmasdan ito ng maigi. Pero biglang napasubsob si Dawn sa pisngi ni Bea ng biglaang huminto ang bus, may nangyari yatang aksidente.

Agad napalayo si Dawn at napahawak sa labi nya, "F-F*ck!..." taranta nyang bulong.

Di ko sinasadya, di ko sinasadya! Pa-ulit-ulit nyang sinasabi sa isip nya, at ramdam nyang uminit ang mukha nya.

Nagising naman si Bea at napa-unat-unat pa. Pagkatingin nito kay Dawn ay nagtaka ito sa hitsura nito, "Anyare sayo?"

Napa-iling na lang si Dawn at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana. Inirapan lang sya ni Bea. Nagsalita naman ang driver ng bus. "Pasensya po sa nangyari, may nagkabanggaan lang sa harap!"

Nagpatuloy lang ang byahe nila at pagdating ng oras ng lunch ay nag-stop over muna sila sa isang lugar. "Balik po kayo after 30 minutes!" Paalala ng driver ng makababa na ang mga pasahero.

Pumunta naman sa karinderya sina Bea at Dawn, "Okay ka lang?" Tanong ni Bea sa kasama.

"Oo, mukha bang hindi?" Nagulat sya sa nasabi ni Dawn.

"Nagtatanong lang ako."

"Okay, whatever." Parehas silang napa-irap sa isa't isa.

Nang maka-order na sila ng kakainin nila ay pumwesto na sila sa isang lamesa. Tahimik lang ang dalawa at medyo naiilang si Bea dahil nakatingin sa kanya si Dawn.

"May tanong ako." Biglang sabi ni Dawn.

"Oh? Ano yon?"

"Considered bang kiss yung nasubsob ang labi sa pisngi?"

Napa-isip si Bea ng sagot, pero bago nya ito sagutin ay napataas ang kilay nya.

"At bakit ganyan ang tanong mo?"

"Wala lang, sagutin mo na."

"Hmm, hindi, kasi parang aksidente lang yun."

Parang nakahinga naman ng maluwag si Dawn sa narinig. "Ah okay."

"Bakit mo nga tinatanong?"

"Kasi nasubsob ako sayo ka----" napatakip kagad si Dawn sa kaniyang bibig dahil nadulas sya.

Nanlaki mata ni Bea. "What the heck Dawn! Manyak ka!" Pinaghahamapas naman nya si Dawn, wala syang pake kung pagtingnan pa sila ng iba, gusto nya talagang masapak si Dawn sa ginawa nito sa kanya.

"Aray! Aray! Sorry naaaa!"

"Mamatay ka naaa!"

"Ouch, Bea stop! Aksidente nga lang yon e, sorry na nga sabi diba! Aray!"

"Hmph! Kainis kaaa!"

Nahinto din si Bea sa panghahampas kay Dawn ng dumating na ang pagkain nila. "Bwisit ka, ikaw magbayad nito." Sabi ni Bea, inis na inis pa rin.

"Malamang, bakit may pambayad ka ba?" Inis ding sagot ni Dawn.

Nagkatinginan silang parehas ng masama, bigla din silang nadistract ng marinig nilang tumawa yung dalawang babae na nakatingin sa kanila. "Ang cute ng couple na yun oh, sana all."

"Hahaha! Oo nga, sana all."

Parehas namula ang dalawa at napatingin sa isa't isa, pero nag-irapan lang sila ulit.