webnovel

Immortal Destroyer: Green Valley [Volume 5]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
94 Chs

Chapter 64

Nakita naman ng batang si Li Xiaolong kung paano magngitngit sa galit ang nasabing panay na anak ng hari ng Sky Ice Kingdom na si Prince Levi dahil sa mga sinabi niya na siyang ikinatuwa niya.

"Hindi ko naman alam na ang tabil din ng dila mo. Kahit gawin mo ay ako pa rin susunod na hari ng Sky Ice Kingdom. Kay bago-bago mo rito ay hindi mo alam kung saan ka lang dapat lumugar hmmp!" Puno ng galit na pagkakasambit ni Prinsipe Levi. Who knows kung ano na naman ang kabalbalan ang gagawin ng pesteng nilalang na ito dito. He must secure the items he wants to pbtain here.

"Talaga ba? Wag mo kong pagbuntunan ng galit mo. Akala mo ay maiisahan mo ako? Hindi mo lang gustong nandirito ako. Hindi mo ako mapapaalis sa lugar na hindi mo pagmamay-ari." Prangkang saad ng batang si Li Xiaolong. He may be a kid but hindi siya isang uto-uto na maloloko lamang ng isang katulad ng nilalang na ito kagaya ni Prinsipe Levi. Hindi niya kasalanan kung pareho sila ng layunin sa pagpunta rito at hind siya magpapaapi sa sinuman kahit na sa  mismong mga prinsipe ng dalawang pesteng kahariang ito na parang hindi magkakasundo kailanman. Kung wala sigurong treaty na nangyayari o anumang kasunduan ay baka dumafanak ang dugo sa dalawang kaharian na hindi niya rin gustong mangyari.

Mas umalab ang galit na nararamdaman ni Prinsipe Levi. Kilala siya sa may pinakamaliit ang pasensya sa kanilang magkakapatid kaya nga halos hindi niya makasundo ang sinuman sa kahariang kinabibilangan nito. Labis na galit at poot ang namutawi sa kaniya. Lumaki sila sa karahasan at sobrang pagpapahirap sa kanila. Sumabak sila sa matitinding pag-ensayo kaya nga naging isa na siyang prinsipeng hinulma ng kahariang humubog sa kaniyang pagkatao. Hindi niya hahayaang ang lahat ng ginawa niya ay mauuwi lamang sa wala lalo na ang ipinunta niyang mga Thunder Type Dragon Veins dito.

Akala nga niya ay iisa lamang ngunit napakaswerte niya at apat palang thunder type na dragon vein ang natagpuan niya rito. Kung hindi lang umepal ang nilalang na nasa hindi kalayuan mula sa kaniya ay sana ay nakuha niya na ang ipinunta niya rito. Kung minamalas nga naman siya at may insekto pang napunta sa lugar na ito.

"Nagdadahilan ka pang hayop ka. Bibigyan kita ng pagkakataon upang umatras at lumayo sa lugar na ito. Alam mong sa akin pa rin ang bagsak ng mga Thunder Type Dragon Veins at hindi sa isang katulad mong isang hamak na Houtian Realm Expert!" Seryosong wika ni Prinsipe Levi na mahihimigan ang labis na pagbabanta at babala. Hindi siya tanga upang di malaman ang parehong layunin ng nilalang na ito at iyon ay ang kunin ang bagay na gusto niya ring makuha. Hindi niya gugustuhing mapunta ito sa iba, kaya nga mabilis siyang lumabas sa seklusyon niya na  ginawa niya dahil dito. Kung makikita niya lamang na iba ang makikinabang ng noo'y plano niyang makakuha nitong pambihirang bagay para matustusan ang Cultivation niya ay hindi siya makakapayag.

"Paano kung sabihin kong hindi ko susundin ang sinasabi mo. Sino ka ba para utusan ako sa mga gagawin ko? Isa ka pa ring hamak na nilalang na magiging stepping stone ko lamang upang lumakas." Sarkastikong pagkakasambit ng batang si Li Xiaolong pero kung paano ito tumingin ay halatang hindi ito nagbibiro na hindi ito aatras.

"Kung gayon ay nakapili ka na pala ng daang tatahakin mo. Tutuparin ko ang hiling mo hehehe!" Seryosong saad ng prinsipe habang mala-demonyo pa itong ngumisi.

Lumitaw ang isang napakahabang espada sa kamay nj Prinsipeng Levi kung saan ay makikita kung paano ito kuminang at kitang-kita kung paano ito nag-reflect ng mukha ng prinsipe sa mismong espadang hawak nito.

Shhh!

Nakita pa ng batang si Li Xiaolong kung paano ito bihasang tinutok sa kaniya ang nasabing sandata at tumunog pa ito ng napakatinis.

Ang pares ng mga mata ng Li Xiaolong ay bigla na lanang nagulat ngunit mabilis na kumurba ng paitaas ang pares ng mga labi nito na wari'y mayroon itong naiisip na kung anuman.

Nang makita naman ng prinsipeng si Levi na tila walang reaksyon ang kalaban niya ay gumuhit ang labis na inis sa kaniyang sariling isipan.

Agad na tumakbo ng mabilis si Prinsipe Levi patungo sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong na siyang kalaban niya sa kasalukuyan. Makikitang hindi na natutuwa si Prinsipe Levi sa mga nangyayaring ito. Hindi na siya makapagtimping kitilan na ng buhay ang nasabing sumira ng araw niya maging ng kaniyang sariling confidence sa sarili niya.

Agad na nagpadala ng dalawang malalakas na sword waves si Prinsipe Levi para mahuli niya ang kalaban niya upang hindi na ito makapaglaban pa.

Ngunit kasabay ng atake niya ay siya ring paglitaw ng dalawang naglalakihang sibat sa gawi ng batang si Li Xiaolong na siyang kalaban nito. Talagang nakita niya kung paano nito kinontrol ng mabilis ang nasabing mga sibat patungo sa paparating rin nitong atake.

BANG! BANG!

Malakas na pagsabog ang naganap na siyang ikinainit ng ulo niya ngunit nagulat na lamang siya ng may dalawang naglalakihang sibat ang patungo sa direksyon niya.

Tch!

Naiwasang mabuti ni Prinsipe Levi ang mga atake ng batang si Li Xiaolong lalo na ang dalawang naglalakihang sibat ngunit hindi niya inaasahan ang isa pang sibat na lumusot patungo sa direksyon niya na siyang nagresulta ng pagkakaroon niya ng daplis sa mukha.

Napahinto siya sa ere kung saan siya nakalutang ngayon. Hindi siya makapaniwala sa pangyayaring ito.

Makikitang dumugo ang bandang kaliwang bahagi ng pisngi nito matapos ang hindi inaasahan nitong atake mula sa kalaban nitong si Li Xiaolong na hindi pa nito kilala dahil nakatago ang mukha nito at balot na balot din ang buong katawan nito.

Mabilis na hinawakan ni Prinsipe Levi ang kaliwang pisngi nito na ngayon ay tila umalpas ang sariwang dugo niya mula rito.

Agad niyang pinunasan ito at malademonyo pa itong ngumisi.

"Alam mo ba kong ano'ng ginagawa mo estranghero? Ang lakas ng loob mong sugatan ako hmmp!" Puno ng galit na sambit ni Prinsipe Levi habang madilim ang mukha nitong nakatingin sa gawi ng batang si Li Xiaolong.

Agad na ibinato ni Prinsipe Levi ang kaniyang espada sa himpapawid. Animo'y parang may buhay ang espada nitong bumulusok paitaas kagaya ng isang buwitre.

Pansin ng batang si Li Xiaolong kung paanong tumipon ang mga ulap sa direksyon nila at dumilim ang paligid niya na para bang may nagbabadyamg panganib sa lugar nila lalo na sa kaniya.

"Masama ang kutob ko rito. Napakatuso ng panganay na prinsipe ng Sky Ice Kingdom. Kanina pa pala ito nakahanda sa gagawin nitong Killing skill sa akin." Puno ng pangambang turan ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang habang nakakunot ang noo nito. Bakas ang pag-aalala niya.

Pinili niya na lamang lumapas sa kalupaan dahil hindi din siya komportableng

*RUMBLE *RUMBLE *RUMBLE

Nakita ng batang si Li Xiaolong kung paano kumislap ang kaulapan tandang tinitipon nito ang nasabing maliliit na kidlat pero iyon ang pagkakamali niya nang biglang umalpas ang sunod-sunod at naglalakasang boltahe ng mga kidlat sa ere na siyang nagpalaki sa pares ng mga mata ng batang si Li Xiaolong.

BANG! BANG! BANG!

Nabalot ng nakabibinging pagsabog ang buong lugar sa parteng kalupaang kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong. Napakalabo ng lugar at napakabilis  ng pangyayari. Wala sigurong makakapag-react kaagad sa pangyayaring ito lalo na kung paanong napakabrutal at napakatusong atake ang pinalasap ng masamang prinsipe.

Kahit sino'ng tanungin ay masasabing hindi makakaligtas ang sinuman sa isinagawang atake ni Prinsipe Levi.

"Binigyan kita ng pagkakataon upang lisanin ang lugar na ito. Houtian Realm ka lamang ngunit umalpas ata ang confidence mo sa sarili mo porket nalabanan mo ang Xiantian Realm Expert ngunit isa akong Middle Purple Blood Realm Expert hahahaha malas mo lang." Puno ng panghahamak na sambit ni Prinsipe Levi at mabilis na lumipad paatas ng Thunder Tree. Napaslang na niya ang kutong lupang kalaban niya kaya wala na siyang dahilan upang tumunganga lamang.