Vince cooper Louren
Point if view
"Happy birthday baby" masayang bati saakin nina mommy at daddy habang hawak-hawak ang maliit na cake na may sinding kandila.
Agad akong nagkusot ng mata at agad silang yinakap habang nakangiti silang nakatingin saakin.
"thankyou mommy,thankyou daddy" masayang bati ko sa kanila.
Maya-maya pay muli nanaman akong na alimpungatan nang may biglang tumatapik at yumuyog-yog sa balikat ko.
"Vince!, gising na mamaya paginitan ka na naman ni mommy." saad ni Drake habang tinatapik ang balikat ko.
"Vince!, gumising ka na jan!, nandito na tayo ayokong pinapainit mo nanaman ang ulo ko!" saad naman ni tita Carol habang abala sya sa pagkalikot ng bag nya.
Kahit antok na antok pa ako wala na akong nagawa kundi ang bumangon. halos mag aalas kwatro na ng hapon nang makarating kami dito sa bago naming tirahan.
Muli ko na naman kasing napanaginipan sina mommy at daddy. Tuwing malapit sumapit ang kaarawan ko, palagi kong napapanaginipan ang pinakamasayang araw ng buhay ko.
Pero ngayon, ako nalang yata ang nakaka-alala kung kailan ang araw na 'yun. Inayos ko ang jacket ko at sling bag na dala ko saka agad lumabas ng sasakyan.
Naka kulong si daddy ngayon dahil pinag-bintangan s'ya na ninakaw daw n'ya yung pera ng company kahit na hindi naman totoo, kaya wala s'yang malay kung anong nangyayari sa amin lalong-lalo na sa akin.
Mag ta-tatlong b'wan nang nasa kulungan si daddy, sa kadahilanang Nalugi ang company na pinag tra-trabahwan ni daddy.
Isa s'yang CEO sa company na yun since bata pa ako bago mawala si mommy.
5yrs ago namatay si mommy dahil naman sa lung cancer. Genetically or nasa genes ng mother side ko ang pagkakaroon ng lung cancer kaya pina check na din ako ni daddy noon kung na mana ko rin daw ba? but hopefully maliit naman daw ang possibility na ma-mana ko yun kay mommy.
Kahit sobrang sakit kinailangan kong tanggapin kasi sabi saakin ni mommy I have to be strong at all times kaya eto sinusunod parin kung anong bilin n'ya sa akin.
Hanggang sa magdesidido si daddy na mag asawa ulit dahil sa wala akong kasama tuwing may award akong tatangapin sa school at sa tuwing may meeting walang parent na pumupunta kaya nag decide si papa na magasawa ulit para saakin.
Nung una mabait naman si tita lalong lalo na si Drake dahil tinuring nya akong tunay na kuya. Pero nung makulong si papa at mapagbintangan na ninakaw ang pera ng company, naging malayo na ang loob nya saakin kaya ganun nalamang n'ya ako paginitan, pero Rinerespeto ko parin s'ya bilang pangalawang mommy ko.
"Vince tulungan mo si manong bitbitin mga gamit natin jan nang may maitulong ka naman" masungit na saad ni tita Carol, tinutukoy nya yung mga bagahe namin sa likod ng trunk.
"pero po tita mabibigat po lahat ng nasa carrier di ko po kaya 'yun" saad ko dahil totoo naman apat na malalaking travel bag o maleta yung bubuhatin ko na puro mabibigat pa ang laman at isa pa di naman ako masyadong nagbubuhat ng mabigat.
"kung ganyan palagi yang rason mo mamamtay ka magisa. simula ngayon wala na tayong katulong di tulad sa dati nating bahay, wala nang pampasweldo kaya simula ngayon dapat matutunan mo kung paano maglinis at magtrabaho sa loob ng bahay, at isa pa dahil matalino ka naman mag apply ka ng scholarship sa bago mong school, di na tayo mayaman ngayon di tulad ng dati na kaya pang mabayaran lahat ng expenses mo sa private school" wika nito habang patuloy parin sya sa panenermon sa akin.
"Ngayon kung di mo kayang gawin lahat ng yan ewan ko nalang sayo, kelan ka pa matututong maging independent kung palagi kang nakadepende sa magulang mo!" Dag-dag pang ani ni tita habang nakapamewang.
Kahit nasasaktan ako sa mga sinasabi nya mas pinili ko nalang yumuko at sumang-ayon.
Kahit mabigat binuhat ko nalang yung isa saka ipinasok sa bagong titirhan namin. Kahit mas malaki at mas maganda yung dati naming bahay ayos narin ako dito basta ang mahalaga makapagtapos ako ng pagaaral para matulungan ko si daddy dahil naniniwala parin akong makakalabas sya.
Nang makapasok na ako sa loob agad akong linapitan ni Drake.
"Vince inakyat ko na yung ibang gamit mo sa taas para di ka na mahirapan, pagpasensyahan mo na si Mommy sadyang masakit lang loob nya na di na tayo sa katulad ng dati" pampalubag loob na wika ni Drake.
Nginitian ko nalang sya saka nagpasalamat.
"ayos Lang naman ako, siguro tama nga si tita dahil wala naman talaga akong alam lalo na sa mga gawaing bahay" malungkot kong saad.
Hindi naman talaga ako marunong sa mga gawaing bahay dahil ni minsan hindi ako pinayagang magtrabaho sa loob ng bahay.
Palagi nalang nila akong sinusubsob sa pag aaral kesa ang makipaglaro sa mga batang nasa kapitbahay namin.
"naku! wag kang mag alala tutulungan kita basta ikaw bahala sa mga assigments ko alam ko naman dun ka magaling eh," nakangiting saad nya sabay akbay saakin.
Nag ngitian nalang kaming dalawa at nagtawanan hanggang sa muli nanaman akong tinawag ni tita.
"bukas may darating dito kaya pagkatapos n'yong mag enroll ni Drake deretso ka agad sa bus terminal, mag grocery ka narin para may pagkaing maiiwan dito sa bahay," saad ni tita saakin. Kahit di ko alam mag grocery pumayag nalang ako sa mga gustong iutos ni tita, kesa magreklamo ako at makakarinig lang nanaman ng mga sermon.
Tinulungan kong mag ayos ng kwarto si Drake pero halos ako lang din naman ang naglinis dahil naglaro lang s'ya sa cellphone nya.
Mabuti nalang hanggang second floor 'tong bahay at may tig'isa kaming kwarto yung ibang gamit naman na di namin naililigpit pa tinambak namin ni Drake sa kwarto na nasa pagitan namin, wala kasing CR yun kaya mas pinili ni kim na dun nalang sya sa kabilang side para di na sya mapagod maglabas pasok tuwing magbabanyo at maliligo sya.
Inihanda ko narin yung mga ka-kailanganin para sa enrollment namin ni Drake bukas.
Nung grade 10 ako gustong gusto ko talagang maging accountant pero sa estado namin ngayon kailangan kong maging practical kaya susubukan kong mag HM kahit wala akong hilig o alam sa pagluluto at paglilinis ng bahay, para kapag grumaduate na ako ng college madali lang akong makakhanap ng trabaho at nang sa ganun matulungan ko si daddy na mabayaran lahat ng utang nya sa kumpanya.
Pangarap ni daddy na ako ang magtutuloy sa kumpanya namin pero unfortunately dahil sa nangyari mukhang malabo nang matupad yun.
Tatlong linggo nalang ang hihintayin ko bago ako mag 17, kaya kailangan ko ring magmatured sa lahat ng bagay.
Dahil simula ngayon magsasariling sikap na ako at gagawin ko ang best ko para hindi maging pabigat sa pamilya na to.
Muli kong chineck yung cellphone ko para tingnan kung anong oras na pero mag a-alas dyes na pala ng gabi. Nahiga na ako sa malambot kong kama, tumitig lang ako sa kisame habang iniisip na naman si daddy. Gustong-gusto ko na syang makita pero hindi ko alam kung p'ano ako makakapunta sa kanya.
Bumuntong hininga nalang ako at tumagilid ng higa habang yakap-yakap yung malambot kong unan hanggang sa tuluyan na akong dalawin ng antok.
...
A/n
Hi thankyou for reading this chapter hope y'all like the story.