webnovel

Chapter 26

"Paige, ready na ang surprise para kay Charles." Bungad ni Tita Gina kay Paige.

Kakagising lang niya dahil sa tawag nito. "Thanks so much, Tita. I owe you a lot." Na-ta-touch siya sa ginawang effort ng mga ito para mapasaya ang kaarawan ni Charles.

"Wala kang dapat ipagpasalamat sa amin. Napakabait ng batang iyan sa amin kaya gusto din namin siyang mapasaya."

Pagbaba ni Tita Gina sa cellphone ay agad niyang ginising si Charles. "Charles, wake up."

Nagmulat naman agad ito ng mga mata at saka ngumiti sa kanya. "Good morning, Paige."

"Happy birthday, Charles." She gave him a surprise kissed on his lips.

Gulat na gulat ito.

"Bakit parang gulat na gulat ka? September 1 na! Don't tell me you forgot your own birthday."

Natigilan ito. "Of course not," Agad na nag-iba ang timpla ng mukha nito at ngumiti. "Thank you. Naaalala mo pa pala."

"Syempre naman,�� tumayo siya. "Halika na,"

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong nito.

"Basta," hinila niya ang kamay nito.

Nang makarating sila ng bahay nito ay tahimik. Mukhang nagtago ang mga bisita para sorpresahin ito. Pagbukas nila ng pinto ay gulat na gulat sila ng lumabas ang mga ito at sumigaw ng "Happy Birthday". Lalo siyang na-touch ng makita ang effort ng mga ito na madisenyuhan ang buong bahay niya. Magtataka kasi si Charles kung basta na lang silang mag-i-invade sa bahay nito. Madami-dami din ang mga pagkaing naluto ng mga ito.

But there is something wrong with Charles' reaction. He was smiling ang thanking everyone. Pero hindi ganoon matuwa si Charles. Parang pilit o may something sa ngiti nito. Parang peke iyon. Hindi ba nito nagustuhan ang surprise na ginawa nila para dito?

"Maraming-maraming salamat po sa surprise na ito. This means a lot to me." Pero mababanaag naman sa tinig nito na bukal sa loob ang pasasalamat nito at na-appreciate nito iyon.

Pero bakit parang may mali?

"Mabait ka sa amin kaya maliit na bagay lang ito, Charles." Sabi ni Tita Gina. Nagtanguan din ang iilang bisita na naging malapit kay Charles. "At pasalamatan mo iyang magandang babae sa tabi mo. Siya ang nakaisip ng lahat ng ito."

"Thank you, Paige." Agad siyang niyakap nito ng mahigpit. "You don't have to this. But I appreciate it." Bulong nito habang yakap-yakap siya.

"Kainan na." sigaw ng mga tao.

Tumunog ang cellphone niya.

Si Anne ang tumatawag. Nagtataka man ay sinagot niya iyon. "Couz, what the f—"

Nagulat siya sa reaksiyon nito. Excited na excited ang tono ng boses nito kaya napapamura ito. "Couz, anong nangyayari sa iyo?"

Humagalpak ito ng tawa. "Ako? Tinatanong mo kung anong nangyayari sa akin? Ikaw ang dapat kong tinatanong ng ganyan. Bakit hindi mo sinasabi sa akin?"

"Ang alin?" naguguluhang tanong niya.

"Huwag kang magpa-humble effect diyan." Natatawang sabi nito.

"A-Ano?" Wala siyang idea sa sinasabi nito.

"Na napasayo na si Kaden Cordel. Hindi ako makapaniwala, couz na magkakatotoo ang pinapangarap mo. Paano mo nagawa iyan? Anong nangyari? Magkwento ka naman. Sinabi ba sa iyo ni Kaden na isikreto ninyo ang relasyon ninyo?"

She was shookt. Parang hindi nagsi-sink in ang ibang sinabi nito.

"Sikat ka na, couz. Kasama mo ba si Kaden ngayon?"

"S-Sikat?"

"Yes," excited pa rin na sabi nito. "Look at your social—"

"Tatawagan kita mamaya, couz." Agad niyang pinatay ang cellphone at binuksan ang data. Medyo mabagal ang internet pero sunod-sunod ang mga notif niya. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari o ang mga sinasabi ni Anne pero kinakabahan siya.

She opened the twitter at trending si Kaden at ang diumano'y girlfriend nito. Muntik na niyang malaglag ang cellphone ng makita niya ang sarili sa picture na kumakalat. Larawan niya iyon at ni Charles sa beach kagabi lang. At may caption iyon na 'This is the woman Kaden Cordel is dating. She is Paige Fonseca, the only daughter of one of the famous pharmaceutical owners in the Philippines. She's one heck lucky girl'.

Parang nagtayuan lahat ng balahibo niya sa katawan. Si Kaden at si Charles ay iisang tao lang. Hindi siya makagalaw o makapag-isip ng maayos dahil sa nalaman. Hindi rin niya alam kung anong klaseng emosyon ang mararamdaman niya.

"Paige, are you okay?" lumapit si Charles o Kaden sa kanya. "Kumain ka na."

Napanganga siya ng mapagmasdan ang mukha nito. Ngayon lang niya narealize na si Kaden nga ito. Kaden na may bahagyang bigote at balbas. At kahit na hindi magshaved ito ay makikita mo ang itsura ng sikat na singer sa mukhang iyon. Bakit hindi niya narealize iyon? Bakit ang tanga-tanga niyang nagpauto dito? Ganoon na ba siya kabobo at katanga sa pag-ibig? Is love could make a person blind? Bakit hindi niya narealize na magkaboses ito at si Kaden? Na magkaheight ang dalawa? Na magkasingkatawan ang mga ito? They both have the same smile, same dimple.

"Paige, okey ka lang?" lumapit ito sa kanya at hinawakan ang mukha niya.

Tears shed down her face.

"Paige?"

Her heart is about to burst. Nagagalit siya pero hindi niya alam paano ilalabas. Wala na siyang pakialam ngayon kung si Kaden man ito na masyadong mataas o si Charles na akala niya kaya niyang abutin. Ang malinaw lang sa kanya ngayon ay ang ginawang panloloko nito sa kanya. Pakiramdam niya ay pinaikot siya nito sa mga palad nito at pinaglaruan. Hindi ito ang lalaking dapat niyang minahal. Pulos kasinungalingan ang mga sinabi nito. Kaya pala one-week lang ang hinihingi nito dahil pagkatapos niyon ay babalik na ito sa pagiging Kaden nito. Ibig sabihin, kakalimutan na siya nito ng tuluyan dahil mawawala na si Charles.

Umatras siya ng lalapit ito.

"Paige,"

"Huwag kang lalapit."

"Paige?" nagtatakang sabi nito.

"Kaden's birthday is October 13."

"S-So?" nagmamaang-maangan na sabi nito.

"Ibig sabihin ay hindi mo birthday ngayon dahil ikaw si Kaden." Saka na sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya.

"B-Bakit mo nagawa sa akin ito?"

Nakita niyang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi nito inaasahan na malalaman niya ang totoo. "P-Paige,"

"Huwag ka ng magsasalita dahil ayoko ng makarinig ng kasinungalingan. Please,"

Umiling-iling ito. "N-No. I'm gonna tell you the truth. Please, listen to me." Narinig niya ang paggaralgal sa tinig nito.

Umiling uli siya. "How could you do this to me? Pinaglaruan mo ako. B-Bakit—Argh—" At that point, she doesn't know what to say or what to do dahil pakiramdam niya ay hindi ito ang lalaking mahal na mahal niya. Hindi rin siya natutuwa na malaman na si Kaden ito, ang lalaking matagal na niyang pinapangarap. She felt like her world crashed. Hindi ganoon ang love story na pinangarap niya. She felt like a toy. A toy that a kid could play with and be happy. And could ditched it after he had fun with it. Dahil ganoon ang gagawin ni Charles o ni Kaden sa kanya. He even knew how much she adores and idolized him and yet he did that to her. Anong klaseng lalaki ito?

Lumapit ito at pilit na hinahawakan ang kamay niya. "Paige, I will explain."

Umiling siya. Ayaw niyang marinig ang mga sasabihin nito. Kung aaminin nito na totoo ang lahat ng iyon ay lalo lang siyang masasaktan. Kaya mas gugustuhin na lang niyang huwag ng makinig dito. Dahil wala na rin namang magbabago. Kailangan pa rin nilang kalimutan ang isa't-isa. Hindi niya pwedeng mahalin ito. Hindi dahil hindi si Charles ito kundi dahil si Kaden ito.

Tumunog ang cellphone niya. It was her dad. Maawtoridad ang tono ng boses nito. "Paige, you need to go home. You lost the project." Lalo yatang gumuho ang mundo niya. She felt useless again. "At ano itong nababalita sa tv na—"

Siguradong papagalitan siya ng daddy niya dahil sa nalaman tungkol sa kanya at Kaden. "D-Dad, it hurts." Sumbong niya sa daddy niya.

"P-Paige, are you okay? Nasaan ka? Susunduin kita."

At that moment, alam niyang nawala na ang galit ng daddy niya. All he cares now was her.

"Paige, makinig ka muna sa akin." Agaw ni Charles sa atensiyon niya pagbaba niya sa cellphone.

"Tita, I need to go." Sa wakas ay napigilan niya ang pagluha.

Tumango lang ito.

She walked out.

"Charles, hayaan mo na si Paige."

Iyon ang huling narinig niyang sinabi ni Tita Gina.