webnovel

CHAPTER 1

I sighed. It's already 3:54 in the morning. It happened again. Nagising na naman ako sa panaginip kong iyon. Muli na namang ito'y naulit.

I don't know why and what's the reason about those dreams of mine. I always kept on asking my Dad about it but he just always shrugged his shoulders on me. And kept telling me that it was just a dream and there's nothing about it.

But I know myself too well. And for me that is not just a dream. Or maybe it's a sign.

--------

After what happened earlier I just chose not to over think about for now because I have a work to do. I already did my morning routine and now I'm heading to our dining area.

At nasa loob na ng dining ang akin ama na busy na naman sa kaniyang trabaho habang nakaharap sa laptop at isinasabay ang pagkain. Tsk. He's always like that. Making himself being slaved by our business.

Kung sabagay hindi ko naman siya masisisi kung mas pinili niya na lang magpagka-busy sa trabaho dahil na rin siguro sa wala naman siyang pinagkakaabalahan pang iba.

"Dad" I called his attention.

"Yes? Do you need anything?" he said.

"It happened again." I replied and started eating my breakfast.

"Oh honey. How many times do I have to tell you na wala lang yon? Na it's just your pure imagination?" he said avoiding my gaze.

And I know there is something more he wanted to say but chose not to. I sighed and just continue what I've started. "But Dad now it's different there's this little creature flying and it shocked me that at my dream I am also flying like him. He has color black hair and have wings and he said to me that I should go with him. And-" hindi ko pa man natatapos ang nais kong sabihin ng bigla na lamang siyang tumayo na tila ba nagmamadali at sabay tingin sa kaniyang wristwatch. "Oh sweetheart I'm sorry but I really need to go." and kissed me on my forehead just like the old times. And just like that, he leaves me without saying anything about the creature I saw.

Pagkatapos kong mag-agahan dumiretso na ako papuntang opisina para pumasok sa trabaho.

Habang nagmamaneho papuntang opisina ay tumunog ang aking telepono hudyat na may tumatawag sa akin. Kaya naman dali-dali kong kinuha sa aking bag ang aking cellphone. At ng sa wakas ay nakita ko na dali-dali ko itong sinagot ng makitang ang aking sekretarya pala ang tumatawag.

"Hello Judith?"

"Ma'am saan na po kayo?"

"Malapit na ako sa opisina. Bakit?"

"Opisina?" sagot naman niya.

"Oo opisina"

"Naku Ma'am Elettra! Mukhang nalimutan ninyo pa po yata ang business meeting ninyo kay Mr. Jackson" natatarantang sabi nito.

"Mr. Jackson? Who the hell is he?" Jackson? The hell I don't even know him.

"Hala Ma'am nalimutan ninyo nga po. He's the famous bachelor and he owns all of the branch of Veela Hotel all around the world Ma'am. At kapag na-close ninyo po ang deal malaking break ito para sa inyo at para sa kompanya. Kaya Ma'am 'wag na po kayong magpatumpiktumpik pa boom karakaraka na!"

"Holy sh*t!" I exclaimed. "Ngayon ba yon?! I thought the meeting was for next day?" gulat kong sabi. Tinamaan naman ng lintik oh.

"Ma'am 'diba nga po pinaalala ko na sa inyo yun kahapon para hindi ninyo makalimutan. Matagal na pong naka-schedule ang meeting ninyong ito kaya dalian ninyo na Ma'am!"

Haist maybe I was so pre-occupied yesterday. Pati trabaho ko nadadamay pa.

"Okay, sorry. Tell me where to meet Mr. Jackson. Oh I wish he won't be mad at me. Anong oras ba ang meeting?"

"8:30 A.M and you'll meet him on his office Ma'am. Nakausap ko po kasi ang secretary niya at gusto po niya ay sa opisina na lamang niya pag-usapan ang tungkol sa negosyo."

Okay off to Veela Hotel it is.

When I finally got there pinagmasdan ko ang napakataas na building ng Veela Hotel. Mula sa kinatatayuan ko ay makikita ko na agad dito ang kagandahan ng hotel at talagang itsurang mamahalin at pangmayaman talaga. "Hmm no wonder kung bakit isa ito sa mga sikat na hotel. Ang ganda eh." mahina kong sabi sa sarili. Pumasok na ako agad lalo na't late na ako sa oras ng meeting namin. Tinanong muna ako ng guard kung anong kailangan ko don kaya naman sinabi kong may meeting kami ni Mr. Jackson. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa lobby para magtanong sa receptionist.

Habang naglalakad patungong lobby pinagmasdan ko ang paligid ko. Napakaganda ng itsura nito. Kung kanina ay namangha ako sa laki ng lugar at ganda ng panlabas na anyo ng hotel ay wala na akong iba pang masasabi dahil talagang hindi nakakapagtakang isa ito sa kilalang sikat na hotel sa buong mundo. Nang nasa harap na ako ng receptionist ay agad akong nagtanong dito.

"Excuse me Miss?" panimula ko.

"Yes Ma'am?" aniya.

"I'm here to talk to Mr. Jackson."

"Ah you're from Ma-Mo Company Ma'am?"

"Yes. I'm Elettra Anderson COO of Ma-Mo Company."

"I'll show you the way to his office Ma'am."

I'm now inside the elevator. At patungo na ako sa opisina ni Mr. Jackson. Sa 39th floor ang office niya at ang sabi pa ni Ate Girl receptionist kanina ay buong 39th floor ay opisina nito at paglabas ko pa lang ng elevator ay makikita ko agad ang sekretarya nito sa labas ng opisina nito.

Sa tanang buhay ko hindi ko man lang kilala si Mr. Jackson. Surname niya lang ang alam ko at yun ay 'Jackson' ni pangalan niya hindi ko alam.

Oh well wish me luck. I'm looking forward to close the deal.

------

It's been three days since my last conversation with Dad. Now he's abroad to manage some business stuffs. And also it's been three days and up until now yun pa rin ang bumabagabag sa akin ang pagpapakita ng isang nilalang sa panaginip ko at isa pa don ang tungkol sa meeting namin ni Mr. Jackson.

Mag-isa ako ngayon papuntang convenient store para bumili ng makakain. Tulog na ang mga kasambahay namin kaya minabuti ko na lamang umalis at dumiretso dito kaysa naman sa maistorbo ko pa ang pagtulog nila para lamang magpaluto. Malapit lang din naman ito sa village namin kaya hindi naman siguro delikado. 15 mins. drive kaya ayos lang.

Hindi kasi ako makatulog dahil sa bumabagabag sa akin sa mga nakalipas na araw kaya idadaan ko na laman muna sa kain.

I get out off my car and go straight to the store and head straight to the aisle of chips and chocolates.

Habang naglalakad sa aisle ng mga junk foods para bang may nagmamasid sa akin at para bang may sumusunod sa akin. Pero sa tuwing lilingon ako ay wala naman akong makita.

"Ma'am"

"Ay putang*na!"

"Ay sorry Po Ma'am kung nagulat ko ho kayo nakita ko lang ho kasing nahulog iyong kwintas ninyo."

"Sige salamat. Sorry din"

Kainis yun ah. Pero teka kwintas ko daw? Sa pagkakatanda ko wala akong kwintas ah.

Sigh. Sa bahay ko na lamang ito titignan.

Pagkatapos kong makuha lahat ng pagkaing gusto kong kainin ay dumiretso na ako sa counter para magbayad at pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa sasakyan ko. But before I get in my car my phone started ringing. I stopped what I'm doing and answered the incoming call of my friend Luisa.

"Hello?" I said.

"Hello Elettra! God buti naman sinagot mo Na yung tawag ko. Ilang araw din tayong 'di nagkikita at nagkakausap puro na lang sa telepono."

"Oh at least nagkakausap pa tayo diba. Saka I'm busy sorting things about my stupid dreams." sabi ko naman habang pumapasok ng sasakyan.

"My ghaaaad girl! Di ka pa rin ba titigil diyan sa kakahanap ng sagot diyan sa panaginip mo eh malamang sa malamang imagination mo lang yon." sabi niya. Always nagging eh.

"Kilala mo naman ako Luisa hindi ako basta titigil lang ng ganun lalo pa't-" she cutted me off.

"Ano? Lalo pa't may tinatago ang Daddy mo sa'yo?! Girl!!!! Wake Up!" sigaw niya pa sa telepono kaya naman inilayo ko ito sa aking tenga. "Gising-gising naman diyan friend aba alam mo dinadagdagan mo lang stress ko sa buhay. Paulit-ulit na lang tayo diyan sa lintik na panaginip mong yan na ano? May lalaking maliit na lumilipad na parang si Tinkerbell. Hoy bruha ka umamin ka nga naka-drugs ka ba? Nakatira ng shabu? Aba ngayon pa lang friend itigil mo Na yang masamang bisyo mo at nagha-hallucinate ka na diyan!"

Ang kulit talaga nito. Laging ang dami-daming sinasabi di naman totoo. Tsk.

"Tsk. Dami mong satsat diyan. Sige na uuwi pa ako" inis kong sabi habang inilalagay sa passenger seat ang supot kong dala at mula roon ay nahulog ang kwintas ko kuno na naihulog ko sabi ni Kuya. Tsk. Pinulot ko na lamang ito. Dagdag pa 'to sa isipin ko. Wala naman akong kwintas tapos ngayon meron na. Saka kung meron dapat ramdam ko kung nalaglag ko ba iyon o hindi.

"Sige bye friend! Basta tandaan ang bisyo tigilan na ha? Nakakasira ng buhay! Tapos mag-ingat ka ha? Ha? Ha? Hehehehe Bye-bye!"

I stared at the necklace for a couple of seconds now. At alam ko nang hindi ko ito pagmamay-ari. It looks so beautiful. Ang Ganda ng pagkakagawa. Kulay pilak ito. At sa itsura pa lang malalaman mo na agad na ito'y pasadya ang pagkakagawa dahil wala pa akong nakikitang ganitong Uri ng kwintas at mamahalin pa. Ang yaman siguro ng may-ari nito.

Habang nagmamaneho pauwi naalala ko na naman ang nangyari sa panaginip ko. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon. I think it was just my pure imagination or what.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay para ba akong lumilipad.

"Oh my God!" I startled.

"Who are you? And what am I doing here?" I asked the very tiny creature in front of me. "What?!" I asked again, this time a little bit angry. He looks like talking but I don't actually understand what he's trying to tell me. Hawak niya lang naman ang kamay ko habang lumilipad.

Wait? Ano? Lumilipad?!

"Hoy lintik kang nilalang ka bitawan mo ako!" gigil kong sigaw sa kaniya.

And surprisingly he disappears in front of me.

"Aaaaahhh tulong!!!"

Lintik ng. Bitawan ba naman ako!

"Hala?! Paano nangyari yun?! Hoy Sino ka ba ha? Akala mo matatakot ako sa'yo dahil bigla ka na lang nawala sa harap ko? Hoy nilalang lumabas ka diyan. Di ako nakikipaglaro sa'yo!" halos mawalan ako ng boses sa lakas ng sigaw ko para lang magpakita sa akin yung maliit na engkantong yon.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko ng pakiramdam ko ay malipit na akong bumagsak.

Ayan na malapit na.

Konting-konti na lang.

At yun ang akala ko. Pagmulat ko ng mga mata ko buhat-buhat na ako ng isang lalaking hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko. Hindi katulad ng kanina niyang itsura na sobrang liit na para bang kasing liit ni Tinkerbell ngayon ay itsurang Tao na siya.

May matitipunong pangangatawan. Itim na itim ang kaniyang buhok. May matangos na ilong at mapupulang labi. At oy wag ka wala siyang pangitaas na damit kaya naman ramdam na ramdam ko ang kahubadan niya.

"My God Elettra stop fantasising him." sa isip-isip kong sabi sa sarili.

Anong klasing nilalang kaya siya. Kung titignan ay Para naman siyang normal lang na Tao kagaya ko. Para siyang modelo. At naku po! Ramdam ko ang matigas niyang tiyan. May abs si Kuya. Hihihihi. Oops. Stop Elettra masyado ka ng nasobrahan sa kire.

Patuloy lang siyang lumilipad pataas. At di ko maiwasang mamangha sa mga tanawin kong nakikita. Ang itsura ng ulap na para bang Kay lambot hawakan. At ang langit na punong-puno ng mga bituin. "It's so beautiful" I murmured to myself.

"Psst! Kuya! Sino ka ba? Kanina lang maliit ka na may pakpak at may nagliliwanag kang mata na para bang bumbilya. At ngayon naman wala kang Pakpak at itim na itim naman ang mga mata mo. Na-engkanto ka ba?" inosente kong tanong.

Naiinis na ako sa paulit-ulit kong tanong pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuhang sagot mula sa kaniya.

Pero kahit na ganon ay tanong lang ng tanong. Saka bakit siya nasa panaginip ko eh 'di ko naman siya kilala at kaano-ano.

He stared at me first before putting me down.

And said " I am Holt and I am the Prince of Ilmatar, first born of King Fabius and Queen Jarrah. I'm here to tell you that you need to come with me."