LUNA'S POV
"Mamaya na nga may klase pa ako." Papunta na ako sa may building namin pero panay naman ang kulit sa'kin nitong si Azine. Gusto niya kasi na puntahan muna namin si Maxine kaya lang ay may klase na ako.
"Sige na naman, Luna pumunta na tayo kay Maxine. Alalahanin mo nangako ka sa'kin kagabi."
"Oo nga pero may mamaya pa naman eh." Naglakad na ako ulit at pinabayaan siya.
"Sige na hindi na talaga kita kukulitin basta dalhin mo lang ako sa kaniya." Napahinto ako at hinarap siya.
"Promise." Napahinga ako ng malalim.
"Sige na nga."
"Thank you, Luna." Tiningnan ko ang oras sa phone ko at tingin ko ay mali-late ako sa first class. Pagbigyan ko na nga 'to nakakaawa naman eh. Pumunta na kami sa SBM building at hinanap si Maxine. Nakasalubong ko naman si Elay dito sa may hallway.
"Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Alam mo ba kung nasa'n si Maxine ngayon?" Tumabi kami ni Elay dahil may mga dumadaang students.
"Si Maxine Panganiban?"
"Oo."
"Bakit mo siya hinahanap?"
"May kailangan lang ako sa kaniya."
"Ah. Sandali. Huy, Aldrin." Napatingin din ako sa tinawag niya.
"Bakit?" Lumapit ito sa'min. Halatang Tourism student ito dahil sa suot niyang uniform.
"Alam mo ba kung nasa'n si Maxine ngayon?" Sandali itong nag-isip.
"May class sila sa Research Prod ngayon."
"Ah sige salamat." Umalis na rin ito.
"Nasa Research Prod daw."
"Salamat. Alis na muna ako."
"Sige. Sige." Nakasunod lang sa'kin si Azine.
"Ano'ng gagawin mo kapag nakita mo na siya?"
"Hindi ko alam."
"Hindi ka naman niya makikita eh."
"Andyan ka naman eh."
"Ako? Ano'ng gagawin ko?"
"Basta." Pagdating namin sa may Research Prod sinilip ko ang room at may mga Tourism student nga dito. Ito nga palang Research Prod ay dito sa may Mini Forrest matatagpuan. Papalapit na ako sa room nang tawagin ni Azine ang pangalan ko.
"Luna." Tiningnan ko siya.
"Bakit?"
" 'W-Wag na lang muna kaya."
"Huh? Bakit? Nandito na tayo eh. Akala ko ba gustong-gusto mo ng makita ang girlfriend mo? Halika na sumunod ka na sa'kin." Nauna na ulit akong maglakad. Pagdating ko sa may pinto ng room nakita ko kaagad si Maxine na nakaupo habang kausap ang classmate niya.
"Excuse me." Tawag-pansin ko sa babaeng classmate ni Maxine na papasok sa room. Tiningnan naman niya ako.
"Bakit?"
"Pwede bang pakitawag si Maxine Panganiban may sasabihin lang ako sa kaniya."
"Ah okay wait lang." Pumasok na siya sa room.
"Maxine may naghahanap sa'yo sa labas."
"Sino?"
"Hindi ko kilala eh."
"Okay." Napatayo na lang si Maxine at lumabas.
"Ikaw ba 'yong naghahanap sa'kin?" Wow! Ang ganda niya pala talaga. Tiningnan ko si Azine na tuwang-tuwa at biglang niyakap si Maxine pero hindi naman niya ito mahawakan.
"Max! Hey, I'm here. Max! Sa wakas nakita din kita." Sabi ni Azine sa girlfriend niya na hindi naman nito nalalaman.
"Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?" Napalingon muna siya sa classroom nila saka ako muling tiningnan.
"Sige, pero sandali lang ha kasi may klase pa ako." Nagpunta kami sa likod kung saan kunti lang naman ang estudyante dito.
"Sino ka nga pala?"
"Maria Luna Del Mundo."
"Ah, I'm Maxine Panganiban."
"Oo kilala na kita."
"Gano'n ba? Ano nga pala'ng kailangan mo?" Tiningnan ko muna ulit si Azine na wala ng imik.
"Ahm... kasi may gustong kumausap sa'yo eh."
"Sino? Hindi ba ikaw 'yon?"
"Hindi eh."
"Sino?"
"Bago ko sabihin may itatanong lang muna sana ako sayo."
"Go ahead."
"M-May kilala ka bang Azine Vergara?" Napansin ko na nagtaka at nagulat si Maxine pero mas nakita ko na nalungkot siya.
"Azine Vergara? Paano mo siya nakilala?"
"Luna." Tiningnan ko si Azine.
"Sabihin mo sa kaniya na nandito ako at nakikita ko siya."
"Accidentally ko lang siyang nakilala at marami kong alam tungkol sa inyo pero hindi ako stalker ha." Pagtatama ko kaagad.
"Luna, sabihin mong nandito ako."
"Ah. Ha-ha! Okay." Ang cute niyang tumawa kahit tipid lang.
"Boyfriend mo siya, 'di ba?" Sandaling natigilan si Maxine.
"Yeah. Hindi ko alam kung paano mo siya nakilala pero sorry ha ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa kaniya." Napatingin siya sa may room nila at saktong padating na rin 'yong prof.
"I have to go may klase na ako eh."
"Sige." Nginitian niya ako at umalis na rin.
"Bakit hindi mo sinabi sa kaniya? Luna naman eh." Naiinis pang turan ni Azine.
"Hindi ito 'yong oras para sabihin sa kaniya ang tungkol sa'yo, Azine."
"Anong hindi? Ngayon na 'yon eh kaya bakit hindi mo pa sinabi?"
"Sa tingin mo paniniwalaan ako ni Maxine kapag sinabi ko na nandito ka at isa ka lang kaluluwa? Hindi siya maniniwala at sa halip pagtatawanan niya lang ako."
"Hindi mo naman sinubukan kaya paano mo nalaman na pagtatawanan ka lang niya? Nakakainis naman."
"Ikaw pa talaga 'yong naiinis? Ayoko lang masabihan ulit na nababaliw na." Natahimik siya sa sinabi ko. Umalis na lang ako at iniwan siya do'n. Bahala ka sa buhay mo diyan.
"Luna." Tawag sa'kin ni Sir Barumbado matapos ang klase namin. Lumapit ako sa kaniya habang palabas na 'yong mga kaklase ko maliban kay Jedda na hinihintay ako.
"Yes, sir?" May iniaaabot siyang envelope sa'kin.
"Pakisuyo naman nito sa Admin Building kay Doctor Liway." Kinuha ko ito sa kaniya.
"Okay sir. Tara na Je."
"Salamat." Lumabas na rin kami ni Jedda at naglakad na papunta sa Admin Building.
"Luna." Napatingin ako kay Chendy. Naglalakad na kami ngayon.
"Bakit?"
"Okay ka lang ba?" Napansin niya yata na kanina pa ako walang imik.
"Si Azine kasi eh." Nangunot ang noo niya.
"Sino'ng Azine?"
" 'Yong nakakainis na multo." Napalapit siya ng kaunti sa'kin.
"Multo na naman? Kasama ba natin siya ngayon?"
"Wala sila dito." Nakahinga naman siya ng maluwag.
"Mabuti naman. Eh, ano'ng problema mo?" Napahinto muna ako sa paglalakad at hinarap si Jedda.
"Tingin mo Je nababaliw na ba ako?" Nangunot ang noo niya sa tanong ko.
"Anong klaseng tanong 'yan?" Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Feeling ko kasi nababaliw na ako dahil sa mga multong sumusunod sa'kin. Kapag kinakausap ko sila akala nang mga nakakakita sa'kin nababaliw na ako."
"Natural lang naman na isipin nila 'yon eh kasi hindi ka nila naiintindihan at hindi nila alam na may third eye ka. Alam mo 'wag mo na lang isipin 'yan ang mabuti pa eh isipin mo na lang na blessing 'yang kakaibang kakayahan mo na 'yan. No nega na friend ha dapat happy lang tayo."
"Oo nga."
Pagkatapos naming maibigay 'yong folder papunta naman kami sa Seng 2 na room kasi doon ang next class namin pero meron pa naman kaming 30 minutes. Ang room na 'yon nga pala ay nasa likod ng Old School of Engineering papunta sa may field kaya medyo malayo.
Paliko na sana kami papunta sa room nang mahagilap ng mata ko si Mike na nasa taas no'ng ginagawang building na katabi ng Allied Medicine Building malapit na sa may field. Ano'ng ginagawa niya do'n?
"Luna." Tawag sa'kin ni Jedda na hindi ko naman pinansin. Lumakad pa ako para mas makita kung sino ang tinitingnan niya sa ibaba. Sinundan ko ang tinitingnan niya sa ibaba nga at nakita ko si professor Carlito na nakatayo doon. Si professor Carlito ay Dean ng school at bali-balita na medyo istrikto daw ito.
"Ano'ng gagawin niya?" Napansin kong pinagalaw niya 'yong bakal na nakasabit at pumasok agad sa isip ko ang balak niyang gawin. Naalala ko 'yong napag-usapan namin ni Mike.
**********
Flashback
"Dahil sa isang taong kumuha ng kinabukasan ko ten years ago. Dahil sa kaniya hindi ako naka-graduate. Namatay din 'yong tatay ko dahil sa nangyari kasi hindi niya matanggap na ang anak niyang Dean's Lister ay hindi makakaakyat ng stage."
"...Hinding-hindi ko napapatawad ang professor na 'yon na sumira sa buhay ko."
"Sinong professor ang tinutukoy mo, Mike? Nasa MSU pa rin ba siya hanggang ngayon?"
***********
"Si Dean ba ang tinutukoy ni Mike na nagbagsak sa kaniya kaya hindi siya naka-graduate?"
"Diyos ko! Si Dean mababagsakan ng..." Dinig kong usal ni Jedda na nakalapit na pala sa'kin. Marahil ay tiningnan niya rin ang tinitingnan ko. Nakatuon pa rin ang atensyon ko kay Mike. Napalapit pa ako.
"MIKE, ITIGIL MO 'YAN." Sigaw ko sa kaniya. Napatingin siya sakin pero hindi niya ako pinakinggan. Nakuha ko na rin ang atensyon ni Sir Carlito saka ng mga estudyante dahil sa pagsigaw ko pero wala silang alam sa nangyayari.
"SIR, UMALIS PO KAYO DIYAN." Hindi niya yata ako masyadong naintindihan dahil bukod sa matanda na ito ay medyo malayo-layo pa ako sa kaniya. Naituro ko na lang 'yong bakal na babagsak sa kaniya. Nakuha na rin naman ng mga estudyante ang nangyayari kaya napatingin na rin sila kay Dean. Nagsilabasan na 'yong mga nasa classroom at naki-isyuso. Napahinto na rin 'yong mga dumadaan.
"Luna, dito ka lang." Natatarantang sabi sa'kin ni Jedda. Hindi ko siya pinansin.
"MIKE 'WAG!" Medyo nakalapit na ako kay Dean pero bago pa man siya tuluyang makaalis ay binagsak na ni Mike 'yong bakal. Halos mangatog ang katawan ko dahil sa dugong tumalsik sa uniform at mukha ko. Nataranta't nagkagulo na rin 'yong mga estudyante at ilang teachers na narito. Biglang lumitaw si Mike sa tabi ko at pinagmasdan din si Dean.
"Ano'ng ginawa mo, Mike? Pinatay mo si Dean." Wala siyang emosyon at tila nagngangalit pa rin ito sa galit.
"Dapat lang siyang mamatay. Matatahimik na ako ngayon, Luna."
" Tumawag kayo ng ambulance." Nagpa-panic na sabi no'ng isang teacher. Pinagmasdan ko si Dean na puno na rin ng dugo at wala ng buhay. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kung shocked sila mas shocked ako ngayon. Tiningnan ko si Je na hindi rin makagalaw sa kinatatayuan niya habang nakatabon ang kamay sa bibig. Napatingin ulit ako kay Dean. Nakita ko 'yong kaluluwa niya na humiwalay na sa kaniyang katawan. Pinagmasdan niya 'yong katawan niya saka tiningnan ang nagkakagulong paligid. Lumapit na ako kay Dean.
"S-Sir Carlito." Tawag-pansin ko sa kaniya. Nanginginig pa rin ang buo kong katawan. Nilingon naman niya ako.
"Nakikita mo ba 'ko, ija?" Tanging pagtango lang ang naisagot ko sa kaniya.
"Patay na ako, 'di ba?"
"Sir-"
"Masaya akong patay ka na Carlito." Napatingin kami kay Mike. Pinagmasdan ni Dean si Mike at inalala.
"M-Mike Alejandro?"
"Matagal kong hinintay ang araw na 'to at sa wakas nagawa rin kitang patayin. Sampung taon Carlito, sampung taon kitang hinintay na mamatay."
"Patawarin mo ako Mike dahil sa nangyari sa'yo. Naging bulag at bingi ako noon sa'yo dahil hindi ko nakita ang dahilan mo at hindi kita pinakinggan. Patawarin mo sana ako, Mike."
"HINDI KITA MAPAPATAWAD." Biglang nagbago ang itsura ni Mike.
"Tama na, Mike." Parang hindi niya ako narinig kaya susunggaban na sana niya si Dean nang biglang may itim na parang usok ang pumaikot sa kaniyang dalawang paa. Hindi siya makagalaw dahil doon. Biglang may lumitaw ulit na makapal na itim na usok at sandali pa ay naging tao ito. Nakasuot siya ng fully black na outfit. Nakamasid lang ako sa nangyayari kahit natatakot na rin ako ng sobra.
"Grim Reaper?" Mahinang usal ko. Parang nakukuha ko na ang susunod na mangyayari. Kadalasan sa napapanood ko may lumalabas na Grim Reaper at sila 'yong kukuha sa mga kaluluwa.
"Papatayin kita." Galit pang sabi ni Mike na hindi pa rin nagbabago ang itsura. Lumapit sa kaniya ang Grim Ripper na may dala-dalang naka-fold na itim na papel na may kahoy sa gilid. Basta gano'n 'yong itsura. Binuksan niya ito at binasa sa harap ni Mike.
"Mike Alejandro, 33 years old. Born on October 12, 1986. Date and time of Death, April 28, 2009, 1:13 AM." Biglang naglaho 'yong papel. Akala ko magka-age lang kami ni Mike. Nagbago na ang itsura niya at hindi na nakakatakot.
"Pumatay ka ng may buhay kaya kailangang pagbayaran ito ng kaluluwa mo." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Sa-Sandali." Napatingin siya sa'kin.
" 'Wag mong papatayin ang kaluluwa ni Mike nagawa niya lang naman 'yon dahil sa galit eh pero kaya niyang magbago."
"May batas akong sinusunod at nagkasala siya sa batas ng mga patay kaya dapat niyang pagbayaran 'yon."
"Hindi." Tinalikuran niya na ako at hinarap si Mike.
"Handa na akong umalis dahil nagawa ko na ang gusto kong gawin."
"Mike." Tiningnan ako ni Mike at nginitian.
"Luna, salamat sa'yo." Napailing ako. Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa pisngi ko dahil hindi ko na mapigilang maawa kay Mike. Mas lumapit pa ang Grim Ripper kay Mike.
"Wala na akong oras may susunduin pa ako kaya kailangan na kitang hatulan."
"San-Sandali lang." Itinapat niya ang dalawang daliri sa may noo ni Mike at mula doon ay may lumabas na itim na usok. Dumami nang dumami ito hanggang sa unti-unti kinain na si Mike ng usok na 'yon. Wala akong nagawa maliban sa pagmasdan lang siya hanggang sa maglaho.
"Mike." Usal ko.
"Sumunod ka sa'kin." Utos ng Grim Ripper kay Dean na sumilip lang sandali sa kaniyang katawan at umalis na rin.
"Luna, are you okay? Bakit ka umiiyak?"
"Mike."
"Luna." Pinaharap niya ako sa kaniya.
"Arif."
"Umiiyak ka ba? Ayos ka lang ba?"
"Luna." Tawag ni Jedda na nakalapit na rin sa'kin.
"Kailangan ng makapagpalit ng kaibigan mo." Sabi ni Arif kay Je. May mga pulis kaagad na dumating at kasunod ay ang ambulance.
"Tara na Luna." Aya sa'kin ni Jedda na inilayo na rin ako sa lugar na 'yon.
"Iihi lang ako maglinis ka na diyan." Dinala niya ako sa restroom. Nakatulala lang ako sa harap ng half-length mirror na narito. Walang ibang estudyante dito baka nakiki-isyuso doon sa labas. Kasalanan ko ang nangyari kay Mike dahil hindi ko sineryoso ang misyon. Hindi siya nakaakyat sa langit dahil sa'kin.
DORM. Nasa may hagdan pa lang ako dinig ko na mula dito ang pag-uusap ng mga ka-boardmates ko pati sina Paulo tungkol sa nangyari kanina. Nagpa-late talaga ako ng uwi dahil nawalan ako ng gana kahit ang maglakad lang. Napahinga na lang ako ng malalim at tumuloy na. Natigilan sina Paulo sa pag-uusap at tiningnan ako.
"Luna maupo ka muna dito, bakit gabi ka na umuwi wala ka namang night class ah? Kumain ka na dito." Hindi ko pinansin si Paulo at nagtuloy na agad ako sa kwarto.
"Ano'ng nangyari do'n?" Tanong ni Aliya sa mga kasama. Nangibit-balikat na lang ang mga ito.
Ibinaba ko na lang ang bag ko at naupo sa kama. Maya-maya nahanap ko na lang ang sarili ko na umiiyak dahil sa nangyari. Walang ibang may kasalanan kung hindi ako. Kasalanan ko. Nakamasid lang kay Luna ang matanda, sina Melissa, Princess at Aling Emilda na awang-awa sa kaniya pero wala rin naman silang magawa. Umalis na lang muna silang lahat at hinayaang makapag-isa si Luna.
PAULO'S POV
Pinuntahan ko si Luna sa kwarto para ayain na sana siyang kumain kaya lang pagbukas ko ng pinto nasilip ko kaagad na humahagulhol siya ng iyak. Ano'ng nangyayari sa kaniya? Gusto ko sanang pumasok at lapitan si Luna para kahit papaano ay madamayan ko siya kung anuman ang iniiyak niya kaya lang na-feel ko na parang kailangan muna niyang mag-isa. Sinaraduhan ko na lang ulit ang pinto at bumalik sa kanila.
"Nasa'n na si Luna?" Tanong ni Aliya. Naupo muna ako bago siya sagutin.
"Ano kaya'ng problema ni Luna kasi umiiyak siya pagpunta ko sa kwarto." Nagtaka din sila.
"Sabi na eh may problema si Luna alam ko kaagad pagpasok pa lang." Sabi ni Elay na nangalumbaba pa.
"Huy! Nasa harap tayo ng pagkain nangalumbaba ka pa diyan." Saway ko dito na inalis naman kaagad ang kamay sa baba.
"Ay, sorry."
"For sure hindi 'yon kakain." Sabat ni Chendy.
"Hayaan na lang muna natin siya kasi ikikwento niya rin naman 'yon sa'kin pagkatapos. Kumain na tayo."
AZINE'S POV
Pagsulpot ko dito sa kwarto ni Luna naabutan ko siyang umiiyak. Huli na nang malaman ko ang nangyari dahil sinundan ko si Max sa bahay nila.
"Luna." Hindi niya ako pinansin sa halip patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Lumapit na ako sa harap niya.
"Sorry na-late ako ng dating kasi si Max-"
"Bumalik ka na sa girlfriend mo ayos lang naman ako." Pinunasan niya ang luha sa pisngi at tumayo para ayusin ang kama.
"Luna." Hinarap niya ako.
"Iwanan mo muna ako, Azine." Sa halip na sundin ko siya lumapit na lang ako sa kaniya at niyakap siya. Ramdam ko na malungkot si Luna dahil sa nangyari kay Mike.
"Hindi ako aalis." Sabi ko sa kaniya habang yakap pa rin siya.
Pinagmasdan ko ang nahihimbing sa tulog na si Luna. Nakaupo ako sa may tabi niya.
"I'm sorry, Luna. Alam kong nagalit ka sa'kin kanina dahil pinipilit kitang sabihin kay Maxine ang tungkol sa'kin, hindi ko man lang naisip ang side mo. I'm sorry." Napabaling ng higa si Luna paharap sa'kin.
"Matulog ka lang kailangan mo ng pahinga. Promise, hindi ako aalis. Goodnight, Luna."
__________________________________________________
Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙
Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.
Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.
MARAMING SALAMAT! ☺️