webnovel

TWO-ZERO

Isang madilim ang sumalubong kay Samarra. Nang maimulat ang mata, napasapo siya sa kaniyang ulo. Napapikit siya at hinilot-hilot niya ang kaniyang sentido. Nang makaramdam siya ng kaunting ginhawa. Dumapa siya at kinapa-kapa niya ang kaniyang cellphone para tingnan ang oras. Agad niya iminulat ang isang talukap ng kaniyang mata. At pasimpleng tiningnan ang oras sa cellphone. It's fifteen minutes past seven. Pinikit niya uli ang mata para ituloy ang kaniyang pagtulog. Nang may biglang maalala.

Napabalikwas siya sa kaniyang higaan. At muling tiningnan ang cellphone. It's seven twenty o' clock. What the hell! I'm dead! At mabilis na tumayo para magtungo sa banyo. Ngunit nawalan siya ng panimbang kaya napaupo uli siya. At napasapo sa kaniyang ulo. Ilang minuto muna ang kaniyang pinalipas bago napagpasyahan na tumayong muli.

Mabilis ang ginawa niyang paliligo. Pagkalabas agad siyang dumiretso sa kaniyang maleta na hindi pa naayos simula ng dumating siya kanina. Binuksan niya 'yon at hinugot mula sa pagkakasalansa, ang isang black haltered dress na above the knee. At, kumuha ng isang pares na black sandals, sinuklayan niya lang ang kaniyang buhok at mabilis na hinablot ang cellphone at keycard na nakalagay sa kaniyang kama, tuloy-tuloy ang kaniyang paglalakad patungo sa private elevator na sa may living room.

Mabilis siyang nakababa sa thirtieth floor at lumipat ng ibang elevator patungo sa twenty-fifth-floor kung saan ang roof deck bar and restaurant ay naroon sa nasabing floor.

Dahil ang private elevator sa penthouse ni Ezekiel ay diretso lang hanggang lobby at basement II. Kaya kung may gusto siyang puntahan kailangan niyang lumipat ng ibang elevator.

Nakarinig si Samarra ng pagtikhim sa kaniyang likuran. "Kapag mamalasin ka nga naman mukhang, pervert pa ang nasa likuran ko." anang niya sa kaniyang isip.

Hindi niya pinansin 'yon at huminga nang malalim. Pilit niyang ini-ignore ang tao sa kaniyang likuran. Pero sadyang makulit 'yon. Kinalabit siya nito sa balikat.

"Excuse me, Miss. Is this your keycard?" baritonong boses nito.

Napahugot siya ng kaniyang hininga bago lingunin ang tao sa kaniyang likuran. Nakahanda na ang maganda niyang ngiti. Na, unti-unting nawala ng mapasino ang tao sa kaniyang likuran. What the...

"Y-you!!" halos panabay ang kanilang pagbigkas na nakaturo ang kanilang hintuturo sa isa't isa. Nanlalaki pareho ang kanilang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.

Ito 'yong herodes na lalake sa mall na walang pakundagan na banggain siya. Tapos, makapal ang mukha, dahil hindi magawang mag-sorry. Tss. Akala mo pag-aari ang mall kung makaasta.

Naunang nakabawi si Samarra sa pagkabigla. At, mabilis niyang hinablot ang keycard na hawak nito. Napangisi siya nang mapansin ang pagkakatulala nito. Mukhang hindi ito makapaniwala sa nakikita. Dahil ilang beses niyang nakita ang paglunok nito. Naiiling siya at iniladlad niya ang keycard sa harapan nang mukha nito. Nang hindi ito kumilos, pinili na lang niya na tumalikod. Napaigtad siya sa kaniyang pagkakatayo. Nang maramdaman niya ang tinig nito na nasa puno ng tainga niya.

"Hey!! How did you get that keycard?" may panggigil na bulong nito.

Mabilis siyang napalingon at napakunot ang kaniyang noo. Nang makita niya ang salubong na kilay nito, habang matalim na nakatingin sa kaniya. Tsk, problema niya? Ang keycard na hawak niya ay, pagmamay-ari ni Ezekiel. Ibinigay 'yon sa kaniya kanina bago siya iwan sa penthouse. Hindi na siya nakapag-registered ng kaniyang finger prints kanina. Para sana ma-access niya ang penthouse kahit walang keycard.

Napangiwi at napaigik si Samarra. Nang maramdaman niya ang mga daliri nito ay unti-unting bumabaon sa kaniyang braso. Napalunok siya. Kahit na nakakaramdam na siya ng kaba, sa ikinikilos nito. Ay, sinusubukan niya pa rin maging matapang.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Do, I need to explain it to you?" Pilit na pinatatag ang kaniyang boses kahit ang totoo. Parang bibigay na ang kaniyang tuhod.

Nagsalubong ang mga kilay nito at lalong nagdilim ang mukha. "Answer me!! Are you selling your body?" Dumagundong sa apat na sulok ang tinig nito.

Napamaang siya sa tanong nito at tiningnan niya ng mabuti ang mukha nito. Kitang-kita niya ang pagngangalit ng bagang at masamang tingin na ipinupukol sa kaniya. What? Selling?

She shrugged. "Mind your own business, Devil's monkey," anya at kinagat ang kamay nito, na mahigpit pa rin nakahawak sa kaniyang braso. Mas lalo niyang idiniinan ang pagkakagat kaya unti-unti ang pagluwag ng pagkakahawak nito sa kaniya.

Nang masulyapan niya sa kaniyang peripheral view ang digital number sa taas ng elevator. Nasa twenty-fifth floor. Mabilis niya itong tinuhod ang harap.

Napaigik ito sa sakit at napauklo habang hawak muli ang harap, mabilis siyang nakatalikod at naglakad palabas ng elevator bago sumara humarap siyang muli at nginisihan ito.

"Two-zero." She mouthed.

Nang tuluyan magsara ang pintuan ng elevator saka lang nakakilos si Harken sa pagkakauklo, tumayo siya ng tuwid at Tumalon-talon ng bahagya. Napailing siya habang iniisip ang babae na kakaalis lang sa elevator. Dalawang beses niya pa lang nakikita pero dalawang beses na rin siyang natutuhod nito.

Nakakaramdam siya ng inis nang makita niya ang keycard na hawak nito. Obvious na sa penthouse ito ni Kuya Zeke nanunuluyan at mukhang espesyal ito, knowing Kuya Zeke, hindi ito nagdadala ng babae sa penthouse o kahit saang pag-aari nito.

"Harken ano naman ang pakialam mo kung doon man 'yon nanunuluyan? Selos ka ba?" susog ng kaniyang isip.

Kung hindi siya nagkakamali baka isa rin ito sa mga babaing nahuhumaling kay Kuya Zeke.

"My little monkey witch, magkikita pa tayong muli. At sa ating pagkikita, hindi na uubra sa akin 'yang pagtuhod mo. Tsk, magiging two vs one na tayo." Napangiti si Harken sa kaniyang naiisip.

Hindi niya namalayan na bumukas ang elevator sa lobby. Agad nangunot ang kaniyang noo nang mapansin ang dalawang pares na papasok sa lobby. Si Enzo at Katarina Smith.

Nakilala niya si Katarina Smith. Nang minsan na isinama ito ni Claudel na girlfriend naman ni Zach, sa party ng Daddy Ken niya. Alam niya pareho itong nasa modeling industry at iisa rin ang agency na pinapasukan ng mga ito.

Ipinasya ni Harken na huwag magpakita kay Enzo baka asarin lang siya ng mokong 'yon, at tanungin kung ano ang ginagawa niya sa hotel. Knowing Enzo iisipin na nag-check-in siya at may kasamang babae. Lumabas siya sa kaniyang pinagtataguan ng masiguro na niyang wala na ang mga ito.

Mabilis niyang binili ang mga kailangan ng mag-anak na galing sa San Rafael, ngayon lang niya nakita at nakausap ang mga ito. Hindi rin niya alam na may kakilala pala ang kaniyang ama sa San Rafael. Bitbit niya sa magkabilang kamay ang pinamili pabalik sa hotel. Nang nagkasalubong sila ng babae na tinutulungan ng kaniyang ama. Ewan, niya pero hindi niya gusto ang closeness nito sa kaniyang ama.

"Jazz!!" tawag ni Harken sa babaeng kakalabas lang sa elevator.

Mabilis na lumingon-lingon ito na nakakunot noo. "Sir, ikaw po pala," mahinang sagot nito na may iba pang sinabi na hindi na naintindihan ni Harken.

"Here," anya sabay abot ng mga pinamili. "Sa inyo 'yan, dalhin mo na."

"Sala-"

Itinaas ni Harken ang isang kamay para hindi matuloy ni Jazz ang mga sasabihin. "Huwag kang magpasalamat sa akin, kay Dad," pasupladong wika niya at mabilis na tumalikod sa babae.

Habang naglalakad papuntang parking si Harken, hindi na niya nakita ang nakakunot-noo ni Jazz habang sinusundan siya ng tingin.