Luisa's Side
Nasaan na ba 'yon si besty? 'Yung isang 'yon sinama-sama ako dito tapos iiwan rin naman pala ako doon sa kwarto namin! Hays. Kaya bumaba na lang muna ako para maglakad-lakad.
Nasa bandang event place ako nang bigla kong makakasalubong ang grupo ng mga malas.
"Biruin mo nga naman." sabi ko nang makita ko sila at makita nila ako. I crossed my arms. "Pati dito sinusundan ako ng malas." Tumaas ang kilay nila sa akin. "Bakit kayo nandito aber? Don't tell me sinusundan niyo na naman si Richard Lee ha?"
"Excuse me? Hindi pa ba nakukwento sa 'yo ni Ayra?" sabi ni Jully sa akin. "Pinsan namin si Sheena, yung pinakamaganda sa department nila."
Ni-head to foot ko naman 'yung Sheena na sinasabi nila. Ah-huh, ito yung nakalaban ni besty sa Miss Entrep, akala niya hindi ko siya kilala.
"Ah, Sheena... hmm, I know you, you're quite famous huh. Ikaw pala si Sheena." natuwa naman agad ang mukha ng tanga.
"Yes, I'm that Sheena." proud niyang sinabi. Tanga-tanga talaga 'to.
"Nice to meet you. Well, I--" Nilahad ko pa 'yung kamay ko sa kanya na parang magpapakilala, pero noong aabutin niya e bigla kong iniwas at saka ako nagflip ng buhok "--don't care." sabay walk out.
"Hoy Luisa! Bastos ka ah!"
Napangisi na lang ako at hindi na sila nilingon pa. Pero pagtingin ko sa harapan ko ay naging mabagal ang paglakad ko, bumilis ang tibok ng puso ko at parang biglang may kumurot sa dibdib ko.
Pinigilan ko ang sarili ko para hindi titigan si Suho habang naglalakad siya papunta sa direksyon ko. Nakatingin siya sa akin gamit ang pares ng mga mata na hindi na katulad noon...
Malamig...
Walang salamin...
Gusto ko sanang umiwas... pero mukha hindi naman na kailangan dahil hindi naman ako ang pakay niya. Nilagpasan niya lang ako at hindi talaga ako ang pupuntahan niya.
"Suho!" narinig kong sigaw ni Zhien.
T*ngina.
Hindi ko alam kung bakit naiirita ako.
Eh ano naman? Anong pakialam ko? Edi mangbabae siya hangga't gusto niya. Siguro ganyan naman talaga siya dati pa lang. Ngayon niya lang ipinakita 'yang ganyan niyang side. Literal na natanggal 'yong maskara niyang salamin na nagsasabing good boy at nerd siya.
"Guys! Guys!" aalis na sana ako pero napalingon ako sa isang random student na mukhang may dalang tsismis sa mga kaibigan niya. Magpapatuloy na sana ako sa paglakad palayo kung hindi lang dahil sa sunod niyang sinabi. "Grabe may nalunod d'on sa pool. Naalala niyo 'yung Miss Entrep? Si Ayra?"
Agad na naghabulan ang tibok ng puso ko. Agad akong napalingon dito.
"Sino?!" halos magulantang sila nang bigla akong magpunta sa harap nila.
"Ha? Eh yung nanalong Miss Entrep dati. Si Ayrade--" hindi pa siya tapos magsalita ay pinutol ko na.
"Saan banda dito ang pool?!"
Nangangatal sa gulat na tinuro nila ang direksyon. Mabilis na tumakbo agad ako papunta doon. Halos lumabas sa dibdib ko ang puso ko. Paanong nalunod? Bakit siya nalunod?
T*ngina!
Pagdating ko sa pool ay halos manlambot ang tuhod ko sa nakita ko....
Si besty....
Nakahiga siya sa tiles habang sinisimulan na siyang i-CPR ni Richard Lee. Hinawi ko ang kumpol ng mga tao sa harap nila at agad akong lumuhod sa tabi ni besty.
"B-besty...." naramdaman ko ang mainit na luha sa pisngi ko. "Besty... Oh my God, no, please!" halos bulong na lang ang naidasal ko. Si Richard Lee naman ay natataranta na rin sa pag-CPR kay besty. "T-tulong! Tulong! Humingi kayo ng tulong p-please?" Nanginginig man ang kamay ko ay nagawa kong kuhanin ang cellphone ko para humingi ng tulong.
May mga dumating na rin na mga tauhan ng resort para dalhin si Ayra sa ospital. Lumuluhang dinial ko ang numero nila tita Myra at tito Robert.
...
Napahilamos na lang ako sa mukha habang naghihintay sa labas ng kwarto kung saan ipinasok si besty. Maging si Richard, Suho at itong mga kaklase ni Ayra ay wala ring nagawa kundi ang lumuha at magalala sa tapat ng pintuan. Tinignan ko si Richard na gulo-gulo ang buhok at polo at halatang wala na siyang pakialam sa kahit ano.
Walang anu-ano'y naglakbay ang isip ko sa kung paano nangyari ito. Paano siyang nalunod? Nalaglag lang ba siya o mayroon na namang nagtangka sa kanya?
Sina Jully!
"Luisa! Saan ka pupunta?!" tumindig ang balahibo ko sa tumawag sa akin. Tumigil ako saglit para sagutin siya.
"Wala kang pakialam!" saka na ako tumakbo palabas nitong ospital.
Nagmamadaling pumara ako ng taxi. Pagkasakay ko ay namalayan ko na lang na may lalaking tumabi sa akin.
Wala na akong pakialam sa presensya niya kaya naman hindi ko na siya pinansin pa.
"Kuya sa Manuela Resort." matigas ang tinig na sabi ko.
"What do you think are you going to do?" ani ng katabi ko.
"Hindi ba't sinabi ko kanina pa na wala kang pakialam?" sagot ko. "Magbabayad ang gumawa nito kay Ayra. Iyang Jully na 'yan, sigurado akong pakana na naman nila 'to. Tuwing nandyan sila may nangyayaring masama kay Ayra!"
"We will never be sure hangga't wala tayong ebidensya! Hindi natin sila pwedeng pagbintangan na lang!"
I looked at him na nagbabaga ang mata. "Why? Because of Zhien?" hindi ko alam kung bakit puno ng bitterness ang tinig ko. "Because you like her kaya mo sila dinidepensahan?"
Kumunot ang noo niya habang tinititigan ang mukha ko ng malapitan. Ako na ang unang umiwas ng tingin.
"What are you saying?" bulong niya na hindi ko na lang sinagot. Inutusan ko pa yung driver na bilisan ang pagdadrive para makarating agad kami pabalik ng resort. Pagkarating namin doon ay agad kong hinanap sa dagat ng mga tao ang magpipinsan.
"Luisa!" hinahabol pa rin ako ni Suho.
"Get your nose out of here Suho!" sabi ko habang hinahawi ang braso niya. Nang makita ko ang magpipinsan sa hindi kalayuan ay hindi na ako nagaksaya ng oras. I use my strength para itulak sila sa kung saan, I don't care kung saan pa sila bumagsak o kung maraming tao ang nanonood sa amin ngayon. "Mga walanghiya kayo! Hanggang ngayon hindi pa rin ka o tumitigil! Kayo ba ang may kagagawan nito kay Ayra? Kung bakit siya nalunod?!"
"Dati ka pa ha!" tinulak ako pabalik ni Jully, mabuti na lang ay nasalo agad ako ni Suho. "Bakit ka ba namimintang?! Hindi kami ang may gawa n'on kay Ayradel!"
Bumangon ako para sabunutan siya lero nahawakan ng walanghiyang Suho ang braso ko.
"Nananahimik kami dahil takot kami kay Richard Lee! Kahit dati hindi kami yung naglaglag ng vase sa ulo niya!" natikom ang bibig ko sa huli niyang sinabi. Natigilan akong ilang sandali. "Mataray kami, oo. Pero sa tingin mo talaga kaya namin gawin 'yung ganyang kaseryosong bagay sa isang tao?!"
Ayaw kong maniwala pero kung titignan sa mukha nila ay parang totoo lahat ng sinasabi nila. Hindi ako nagsalita, hinayaan ko sila na umalis sa harapan ko samantalang napasandal naman ako sa braso ni Suho dahil sa panghihina.
"Luisa..." aniya.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan...
dahil kung hindi sina Jully, sino? May iba pa bang gagawa sa kanya nito?