webnovel

Chapter: 41

Nang matapos nang kumain ang ang dalawa ay agad na tumayo si eloisa at humakbang ito papalapit sa bukana ng terrace.

Tumayo siya dito at iniyakap sa kanyang sarili ang kanyang mga kamay. Naka-ngiti niyang pinag-mamasdan ang mga bituing nag-kikislapan sa kalawakan. Ipinikit niya pa ang kanyang dalawang mata at tsaka suminghot ito ng hangin. Nililipad pa ang mahaba nitong buhok habang naka-tanaw sa kalawakan.

Habang ang binatang si jordan naman ay matiim itong naka-tunghay sa dalagang si eloisa. Buong pag-suyo niyang tinitigan ang buong ka-anyuhan ni eloisa. Hindi siya maka-paniwalang kasama niya na ngayon ang babaeng hindi niya nakita ng ilang buwan at tanging sa pag tawag lamang niya sa cellphone naririnig ang tinig nito.

Nang hindi na matiis ng binata na patuloy nalang itong titigan ay tumayo siya at nag-lakad patungo sa kina-tatayuan ng dalaga.

Walang pasintabi niyang iniyapos sa maliit na bewang nito ang dalawang mahahaba niyang mga braso dito.

Bahagya pang nagulat ang dalaga sa ginawa niya. Nang maramdaman niyang wala namang pag-tutol na ginawa ang dalaga sa kanyang ginawang pag-yapos dito ay isiniksik niya pa ang kanyang mukha sa leeg nito habang naka-yakap parin sa likuran nito.

Amoy na amoy niya ang mabangong pa bango ng dalaga bahagya niya pang sininghot singhot ang bahagi ng leeg nito.

" Jordan ano ba.. Nakikiliti ako sa ginagawa mo!.." reaksiyon ng dalaga sa ginawa niya.

Hindi naman umimik si jordan sa sinabi ng dalaga sa kanya. Bagkus kinalas niya sa pagkaka-yakap ang kanyang mga braso dito at dahan dahan niyang inikot paharap sa kanya ang dalaga. Nang tuluyan na itong nakaharap sa kanya ay Ngumiti siya dito ng ubod tamis.

Tinitigan niya ng buong pag-suyo ang mga mata nito. Sinalubong naman ng dalaga ang kanyang mga tingin dito. May mga ilang segundo rin silang nag-titigan. Ngumiti siya muli dito at hinawakan ang dalawa nitong kamay bago nag-salita.

" baby may sasabihin ako sayo.. Sana kapag sinabi ko ito sayo ay bigyan mo na ako ng pagkaka-taong mahalin ka.."

Saad ng binata sa medyo paos na boses. Walang reaksyong mababa-naag sa magandang mukha ng dalaga patuloy lang itong naka-titig sa kanya at waring nag-hihintay ng susunod niya pang sasabihin.

" wala na kami ni roxxane baby.. Malaya na akong mahalin ka.."

Muling saad ng binata sa dalaga.

Bahagyang kumunot ang noo ng dalaga sa sinabi ni jordan dito.

" wala na kayo? Paano nangyari yun.. Ang alam ko mahal ka niya.. Paano mo siyang napa-payag? Don't tell me jordan may ginawa kang masama sa kanya huh! Baka pinilit mo lang siyang hiwalayan ka!.."

Reaksiyon ng dalaga sa sinabi ni jordan at kumawala pa ito sa pagkaka-hawak niya sa kamay nito.

Nag-buntong hininga muna si jordan bago muling nag-salita.

" ganun ba talaga ang pagkaka-kilala mo sa akin.. Na kaya kung manakit talaga ng babae... Ganun ba ako kasama sa paningin mo baby?.." tugon ni jordan dito.

Ngunit walang naging reaksiyon ang dalaga sa kanyang sinabi. Iniwas lang nito ang paningin sa kanya. Muling nag salita si jordan.

" ganito kasi yun baby.. Pumunta ako sa hotel na tinutuluyan ni roxxane.. Nang oras na yun ay handa na akong mag-sabi sa kanya na makikipag-hiwalay na ako.. Pero ng dumating ako doon sa unit niya ay walang tao.

Tatawagan ko na sana siya nun para sabihin sa kanya na nandun ako sa labas ng unit niya. Kaso nakita ko sila ng lalake niya na nag-haharutan papalapit sa unit niya. Nang napansin ko na hindi niya ako nakilala ay agad akong lumayo sa unit niya.. Nakita ko silang sabay na pumasok ng kanyang unit.. Nang pasukin ko sila ay pareho silang nakahubad. Baby niloko ako ni roxanne.. Nakikipag-talik siya sa iba habang kami at palagay ko matagal niya na akong niloloko..

Sa tingin mo baby anong magiging reaksiyon ko sa nakita ko?! " mahabang paliwanag ni jordan kay eloisa.

Nang hindi parin nag-sasalita si eloisa ay muling nag-salita si jordan.

" sa palagay mo ba ay babaliwalain ko lang yung mga nakita ko na yun.. Siya na mismo ang gumawa ng dahilan para tuluyan kaming magka-hiwalay."

" anong sinabi niya ng sinabi mong hihiwalayan mo na siya?"

Tanong ni eloisa kay jordan.

" ayaw niya pumayag at gusto niya daw mag-paliwanag sa akin. Pero para saan pa diba. Nakita mismo ng dalawa kung mga mata. Malinaw na nag taksil siya sa akin.. "

Pagka-sabi niyon ni jordan ay hinawakan nito ng magka-bilaan niyang kamay ang mukha ni eloisa at tumitig dito.

" loisa baby ikaw ang mahal ko.. Bago ka pa man dumating sa buhay ko ay nagkaka-labuan na talaga kami ni Roxanne... Maniwala ka naman sa akin loisa.. Ngayon malaya na akong mahalin ka.. Sana payagan mo ako baby.. Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako... "

Pagsu-sumamo ni jordan kay eloisa. Hindi nag-salita si eloisa ngunit ngumiti ito sa kanya.

" ibig bang sabihin niyan loisa pumapayag ka nang mahalin kita?.. "

Tanong ni jordan kay eloisa. Tumango naman ang dalaga dito ng may ngiti sa labi.

Agad itong niyakap ng mahigpit ni jordan at hinalikan ito sa noo.

" salamat baby.. Pangako hindi kita sasaktan.. " saad pa ni jordan dito.

Nang marinig ni eloisa ang pangakong salita na iyon ni jordan sa kanya ay nag-angat siya ng mukha dito at nag-tama ang kanilang mga paningin.

Hindi na mapigilan ni jordan ang kanyang sarili at pinag-hahalikan nito sa buong mukha ang dalagang si eloisa. Natatawa naman si eloisa sa ginawa sa kanya ni jordan.

Nang makita ni jordan na tumatawa sa kanyang ginawa si eloisa ay hindi na siya nakapag-pigil pa at hinalikan niya ito sa labi. Nang walang maramdamang pag-tutol mula dito si jordan ay unti-unti niyang iginalaw ang kanyang mga labi. Nang makaramdam siya ng kaunting awang sa labi ng dalaga ay kinuha niya itong pagkaka-taon na makapasok ang mahaba niyang dila dito. Sinip-sip niya ang labi nito ng marahan sa una ay Hindi tumutugon sa kanyang halik ang dalaga. Ngunit kalaunan ay sumusunod na ito sa bawat pag-galaw ng kanyang labi.

Hanggang sa palalim ng palalim na ang kanilang pinag-sasaluhang halik. Unti-unting inalis ni Jordan ang kanyang mga palad sa pag kakahawak sa mukha ng dalaga at ipinulupot niya ito sa bewang nito. Magka-yakap nilang pinag-saluhan ang kanilang unang halik.

Nang pareho na silang manawa sa pag-halik sa isa't-isa ay doon lamang sila tumigil. Muli silang nagtitigan at nag-yakap.

" i love you loisa.." saad pa ni Jordan sa dalaga habang nakatitig parin dito.

Matapos sabihin iyon ni jordan kay eloisa ay niyaya niya itong umupo ulit at binuksan niya ang red wine na naka-patong sa lamesang pinag-kainan nila kanina.

" diba umi-inom ka naman nito baby? " tanong ni jordan kay eloisa.

" ahmm.. Oo pero konti lang ha.. Baka malasing ako.." tugon ni eloisa dito tsaka tumawa.

" huwag kang mag-alala baby hindi naman kita lalasingin.. Basta ako ang kasama mo safe ka.. Huwag ka lang i-inom kapag ibang lalaki kasama mo ha.. Mahirap na baka pag-nasaan nila ang eloisa ko.. "

Tawa naman ng tawa si eloisa sa sinabi ni jordan. Mag-damag silang nag-kuwentohan ng gabing iyon.

Nang mag-uumaga na ay tsaka lang silang tumigil at na-isipang matulog na. Hindi na pina-uwi ni jordan si eloisa dahil alanganing oras na. Natulog silang magka-tabi at mag-kayakap sa isa't-isa.

Kinabukasan alas singko palang ng umaga ay nagising na si jordan. Nilingon niya ang dalagang si eloisa na kasalukuyan paring natu-tulog.

Hinimas niya ang pisngi nito gamit ang kanyang daliri at naka-ngiti niyang tinitigan ito sa mukha ng buong pag-suyo.

" mahal kita eloisa.. Mahal na mahal.. Walang ibang makaka-agaw sayo mula sa akin.."

bulong niya sa dalagang hindi man lang guma-galaw at mahimbing parin sa pag-kakatulog.

Hindi pa makuntento ang binata ay pa-dampi pa niyang hinalikan ito sa labi. At muling tinitigan ito.

Nang mapag-sawa na ni jordan ang kanyang mga mata sa pag-titig sa magandang mukha ng dalaga ay nag-pasya na itong bumangon at maligo.

May tatlumpung minuto din ang ginugol nito sa pag-ligo at ng pag-labas nito ng banyo ay nakita niya ang dalagang si eloisa na gising na at naka-upo na sa gilid ng kama.

Nang mapansin ni eloisa si jordan na lumabas na ng banyo ay binati niya ito.

" good morning jordan...bakit hindi mo ako ginising..? "

Bungad ng dalaga kay jordan. Tumingin lang ito sandali kay jordan nang mapansin niyang naka-tapis lang ito ng towel sa pang-ibabang bahagi ng katawan nito ay agad nitong ibinaling sa ibang lugar ang kaniyang paningin.

" good morning din baby!.. Sorry hindi na kita ginising ang sarap kasi ng tulog mo. Alam kong na puyat kita kagabi.."

Agad na tugon ng binata dito.

Akma sana itong lalapit kay eloisa ngunit biglang tumayo ang dalaga nang hindi tumitingin sa gawi ni jordan.

" Where are you going baby? " tanong ni jordan dito.

" ah-- eh.. Mag-babanyo sana ako.."

Dahil sa bilis na pag-hakbang na ginawa ni jordan ay naabutan niya si eloisa. Nang maabutan niya ito ay kaagad niyang niyakap ito sa bewang.

" ano ba jordan! Naiihi na ako.. Bitiwan mo ako.. " agad na reaksiyon ni eloisa sa ginawang pag-yakap sa kanya ni jordan.

Hindi naman umimik si jordan dito. Bagkus ay hinalikan niya ito sa labi ng mabilis.

" gusto mo samahan kita sa pag-ihi mo baby?.. "

Tugon ni jordan kay eloisa na suot ang malapad na ngiti sa kanyang labi.