Aliyah's Point of View
NAGULAT ako sa presensya ng taong nabungaran ko sa gate ng University. Hindi ko ine-expect na siya ang susundo sa akin gaya ng sinabi ni daddy kanina.Dahil sa sobrang busy ko sa pag-aaral, sa bagong mundong ginagalawan ko at sa mga bagong kaibigan, tila nakalimutan ko ng kumustahin man lang ang isang ito.Aminin ko, nakaligtaan ko talaga siya at hindi rin naman kasi sya nagparamdam this past few weeks.
" What are you doing here? I mean... kailan ka dumating? " natataranta kong tanong. He chuckled, tila aliw na aliw sa pagkagulat ko sa presensya nya.
" OMG! Ang gwapo!" dinig ko pa ang pagtili ng kadarating lang na si Gen mula sa parking lot at ang pagsinghap ng mga kaibigan ko na nasa likuran ko lang.
" Hey sweetie pie! Nakakatampo ka naman! Hindi mo ba ako na-miss? Hindi mo man lang ba na-miss ang gwapong best friend mo?" nakanguso pa ang hudyo na akala mo batang maliit.Ang cute lang, in fairness.
" Sira ka! Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka, ni hindi ka nga nagparamdam ng ilang weeks!" singhal ko sa kanya.
Napahagalpak na sya ng tawa sa inasta ko.Alam naman nya kung paano ako maasar.
" Sorry, I just want to surprise you." sagot nya na nakangisi pa rin.
" Boyfriend mo Liyah?" singit ni Derrick.
" Excuse me Roderrick Ethan Larson, this one hell of an asshole guy is not my boyfriend, he is my bestfriend, unfortunately."
" Ang mean mo sa akin sweetie pie.Why don't you introduce me to your friends instead." turan ng damuho.
" Alright! guys this is my asshole bestfriend James Harry Villegas.He went home from Canada, I just don't know when." pakilala ko sa kanya sa mga kaibigan ko.Inirapan ko sya ng lingunin nya ako.Dumating kasi ng walang pasabi.Kaloka sya.
" Hey, I came back just yesterday at sa Sto.Cristo agad ako pumunta para bisitahin sila lolo. Pumunta ako kila lolo Franz at sinabing nakaluwas na nga kayo.Asshole pa rin ba ako nun? Bawiin mo yung sinabi mo kundi wala kang pasalubong sa akin." nakalabi nyang turan.
" Huh! May sinabi ba ako kanina? Wala naman ah! Ang bait mo talaga besty." hinawakan ko sya sa braso at medyo niyugyog. Naks, ang tigas ng braso.Alaga siguro to sa gym.
" Hayun, pagdating sa pasalubong dun ka talaga magaling." he smirked.
" Haha..sorry na po.By the way besty, these are my friends, Roderrick Ethan Larson, Prince Harvey Mariano, Geneva Micaela Madela,Yuan Angelo Miller and Savannah Marie Llanes ang apo ng President nitong University."
" Oh you have a good looking friends here, just like you. Nice to meet you guys!" bati ni Harry sa mga kaibigan ko.
" Of course,of course, birds with the same feather flock together." hirit naman ni Yuan.
" Yeah right. Anyway, are you guys free today?" tanong ni Harry sa amin.
" Actually, we have a celebration to make. Mataas yung grade namin sa project kanina so we decided to celebrate it somewhere." sagot ni Savannah.Napansin kong napatingin si Harry sa kanya at hindi nakaligtas sa akin ang tingin nya rito na may halong paghanga. Oh I know him so well.
" Pwede ba akong sumama? Don't worry it's on me, tutal kadarating ko lang at parang blow-out ko na rin sa best friend ko kasama kayo."
" Whoa! Ayos yan dude medyo makakatipid kaming tatlo, malakas pa naman kumain yang mga babaeng yan." asar ni Prince.
" Hoy Prince kami pa talaga ha? Eh kayo ngang tatlo ang taga-ubos ng tira namin." Gen scolded Prince.
" Whatever Geneva Micaela!" Prince just rolled his eyes on Gen.
" Okay guys let's go para hindi tayo masyadong gabihin. Dito na kaming mga girls sa car ni Harry sunod na lang kayo sa amin-- Derrick." untag ko sa kanila at nilingon ko si Derrick.
" Okay Liyah, sa may North Edsa na lang tayo para malapit lang sa ating lahat." tugon ni Derrick.
" Sige mabuti pa nga."
Pinauna muna namin makasakay si Sav at Gen sa back seat bago kami lumulan ni Harry sa harap. Yung tatlo namang boys ay naka ready na sa likod at hinihintay na lang kaming umusad para makasunod sila.Inaalalayan ako ni Harry na sumakay sa shot gun ng mamataan ko sa di kalayuan si Greta na matamang nagmamasid sa amin. Nginitian ko lang sya at kinawayan saka lumulan na ako sa loob ng sasakyan.
Dinala kami ni Harry sa isang Filipino restaurant na nasa SM North. Na-miss daw kasi nya ng husto ang mga Filipino foods.Ayos din lang naman sa aming magkakaibigan dahil masarap ang mga pagkaing sine-serve ng resto.
Madali nyang nakasundo ang mga kaibigan ko.Sabagay mabait naman talaga si Harry, malambing at generous pa medyo may kakulitan nga lang, isang ugali na nadala nya simula pa nung bata kami.
Tapos na kaming kumain at hinihintay na lang ang bill sa resto ng mag-vibrate ang cellphone ko. Napangiti ako ng lihim ng tingnan ko kung kanino galing ang text.Si Onemig.
Beb❤ : Hi sweetie! Are you home?
Mabilis akong nagtipa ng reply ko.
Me : Not yet beb, I'm with my friends in a resto here in SM North. Ikaw, nasan ka?
Beb❤ : house na.I'll call you later baby pag nsa house kna, may ttapusin din akong assignment. I love you.
Napangiti ako sa sagot nya.Gosh,nami-miss ko na sya.May internet na kaya sila sa bahay para makapag-Skype naman kami.
Me : okay beb.I love you more.
" Hoy besty sino yang ka-text mo? Lawak ng ngiti ah." tanong ni Harry, napansin nya nga na para akong sira na nakangiti ng malapad. Pero napawi rin ng maalala ko na hindi ko pala nasabi kay Onemig na kasama rin namin si Harry.
I heaved a sigh. Kailangan ko pa bang sabihin kay Onemig na kasama namin si Harry? Nag-aalala ako na baka mag-away lang kami dahil sa lahat ng tao, kay Harry sya nagseselos ng husto. Ayoko namang maglihim sa kanya, at si Harry? Hindi ko pa rin nababanggit sa kanya na boyfriend ko na si Onemig.Kung totoo yung hinala ni Onemig na may gusto si Harry sa akin, masasabi ko ba sa kanya ang tungkol sa amin ni Onemig? Baka magalit naman sya at masira ang pagiging mag bestfriend namin.
Ay ano ba yan? Ganda problems lang teh? Paano kung mali yung hinala ni Onemig? Naku kailangang sabihin ko na kay Harry mamaya pag nasa bahay na kami. Bahala na kung ano ang mangyari.
" Ah wala medyo natawa lang ako sa joke ng isang friend ko." sabi ko na lang para wala ng tanong.Buti naman dumating na yung bill at doon na natuon ang pansin nya.
Naghiwa-hiwalay na kami pauwi, si Gen na lang ang kasama namin dahil pareho ang way namin.Ihahatid na namin sya ni Harry.Yung apat ay iisa rin ang way, puro taga Katipunan sila malapit sa school namin.
Nang maihatid na namin si Gen ay dumiretso na kami sa bahay. Tatambay muna daw sya sa amin at ng maibigay na rin daw nya yung pasalubong nya sa aming lahat.Hindi nya naibigay kila dad kanina dahil nagmamadali sya sa pagsundo sa akin.
" Good evening po tito Nhel, tita Laine.Pasensya na po at medyo ginabi kami, kumain po kasi kami kasama mga friends ni Liyah sa school." hinging paumanhin nya kila mommy pagkapasok pa lang namin ng bahay.Sabay din kaming nagmano sa kanila.
" Wala yun Harry, kadarating mo lang galing Canada kaya natural lang na mag-bonding kayo ni Liyah." sabi ni dad.
" Salamat po.Heto nga po pala yung pasalubong ko sa inyo,may mga pangalan na po yan.Pagpasensyahan nyo na po." turan ni Harry habang inaabot ang malaking plastic bag ng duty free kay mommy.
" Naku nag-abala ka pa pero maraming salamat sa mga ito.Kung gusto nyong kumain may pagkain sa dining room." sambit ni mommy.
" Naku busog na po kami,next time na lang po siguro." sagot ni Harry sa paanyaya ni mommy. Tumango lang si mommy at bumalik na sila sa panonood ng telenovela.
" Besty dyan ka muna,magpapalit lang ako ng damit." paalam ko sa kanya.
" Okay, I'll just wait here."
Makalipas ang ilang sandali ay bumaba na rin ako. Nagsuot lang ako ng pambahay na cotton short na kulay pink at white t-shirt.Nadatnan ko si Harry na nakikinuod ng telenovela kila mommy. Pinapanood din daw nila yun sa Canada sa Filipino channel. Nakiupo na rin ako at ng mapanood yung karugtong nung serye kahapon.
All of a sudden, nag-ring ang cellphone ko. Mukha ni Onemig ang rumehistro sa screen.At dahil magkatabi kami ni Harry, nadungawan nya ang screen ng phone ko.
May pagtataka syang tumingin sa akin. Tila nagtatanong ang kanyang mga mata na nakatutok sa akin.
" Sweetie bakit hindi mo pa sagutin?Si Onemig ba yan?" tanong ni daddy, tila minamadali ako na sagutin ko na yung phone dahil maingay at naiistorbo sila sa panonood.
Tumayo ako at ni-swipe yung phone ko. Sinagot ko yung tawag habang papunta ako sa labas, sa may garden.
Medyo matagal kami nag-usap ni Onemig. Sa halos araw-araw na pagtawag nya, parang hindi yata kami nawawalan ng pag-uusapan. Siguro ganoon talaga kapag mahal nyo ang isat-isa at kumportable kayo. You can talk anything under the sun. Parang palaging bitin sa oras.
Natapos kaming mag-usap kasabay ng pagtatapos nung telenovela nila mommy na pinapanood. Nakita kong lumabas si Harry para puntahan ako sa garden. Nagkatinginan kami nung makalapit na sya.His eyes bore into me and I saw both sorrow and disappointment in it.Para saan naman kaya yon? I secretly wish na yun ay dahil sa naglihim ako sa kanya hindi dahil sa kung ano pa man.
Sinenyasan ko syang maupo sa garden chair sa tabi ko ngunit umiiling lamang sya kaya ako na ang medyo lumapit sa kanya. Gusto ko ng sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Onemig kaya lang sa nababasa ko ngayon sa kanyang mga mata parang nahihirapan akong kumapa ng mga tamang salita para mag-umpisa.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita pero naunahan na nya ako.
" What's with the two of you? Are you two together? Why you didn't bother to tell me? I'm your f*cking bestfriend Liyah---your. best.friend." sorrow was evident in his voice.
Napasinghap na lang ako sa sinabi nya.
OMG! What have I done?