webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
129 Chs

SORRY

Nadismaya si Gabriel sa ginagawang tahasang pag iwas sa kanya ni Yen. Ngayon lang siya bakatagpo ng babaeng mahirap sungkitin. Marami na ang babaeng nagdaan sa buhay niya,at bawat matipuhan niya ay nakukuha niya. Subalit si Yen ay mailap. At napakahirap pamuin.

Si Yen naman ay hindi kagandahan. Wala naman ito sa kalingkingan ng mga babaeng naikama niya sa unang pagkikita palang. Madalas ay babae ang humahabol sa kanya. May asawa man o wala. Pero Yen ay iba.

Hindi niya din maintindihan subalit habang patuloy itong umiiwas ay lalo lamang siyang nagkakaroon ng interes. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng tahasang tumanggi sa kanya. Ngayon lang siya nakatagpo ng walang takot kung makapag sungit. Kaya naman ilang gabi na niya itong iniisip.

Alam niya na may Jason ito.

Pero hindi pa naman sila kasal.

At sa estado ng relasyon nito ngayon mukhang malabo na itong magkabalikan. At gagawin niya ang lahat. Para lang mahadlangan iyon. Sa kanya si Yen at naniniwala siya na siya lamang ang karapat dapat para dito.

" hello" sagot ni Gabriel nang tumunog ang kanyang cellphone.

" sir confirm. Nasa bahay ni Rico si Yen. "

" ok subaybayan mo siya. Bantayan mo at huwag na huwag mong hahayaan na makalapit sa kanya si Jason."

" yes boss."

Sa Bahay ni Yen.

Di magkamayaw si Jason sa kalilinis.

Araw araw niya itong ginagawa at lagi niyang ihinahanda ang bahay na yon sa pagdating ng kanyang mag ina.

Sa totoo lang ay hirap na siya sa kanyang sitwasyon. Maraming beses na niyang sinubukang hanapin si Yen ngunit di niya ito matyempohan. Alam niya na nasa Amerika ito ngayon. Kanina niya pa pinag iisipan kung susunod ba siya o hihintayin na lamang ito.

Namataan ni Jason ang kanyang laptop.

Binuksan iyon at binisita ang kanyang FB account.

Sinilip ang FB ni Yen. Wala siyang nakita ni isang picture ni Jesrael.

Binuksan ang messenger.

Walang message.

Tinitigan niya ito nang matagal pagkatapos ay nag type.

SORRY...

ALAM KONG HINDI SAPAT ANG SORRY LANG SA SAKIT NA IDINULOT KO.

ALAM KO NA NABALEWALA KITA PERO HINDI KO NA KAYA. 😭

MISS NA MISS KO NA KAYO. 😭😭

SANA LANG AY MABIGYAN MO PA AKO NG CHANCE.

SANA LANG AY MAPATAWAD MO PA AKO.

HINDI KITA MASISISI.

DAHIL TOTOONG TANGA AKO. 🙁

PERO MAGHIHINTAY AKO.

SANA KAUSAPIN MO AKO.

I LOVE YOU.

MISS KO NA SI JES. 🙁 PATI IKAW.

KAUSAPIN MO NAMAN AKO. 😢

Hindi online si Yen.

Alam ni Jason na halos wala itong oras magbuklat ng FB account niya. Pero umaasa pa din siya na sana ay makita at mabasa nito ang message niya.

Naisubsob ni Jason ang kanyang ulo sa lamesang kinapapatungan ng laptop. Gusto niya sumunod sa Amerika pero wala naman siyang pera. Hindi siya katulad ni Yen na may malaking kompanya. Hindi niya magagawang sumunod kay Yen ng ganun ganun na lamang.

Napabuntong hininga ai Jason.

Nakaramdam siya nang pag aalangan.

Sino nga ba naman siya kay Yen.

Isang lalaking minahal pero hindi marunong magpahalaga. Lalaking mahina at wala namang maipagmamalaki. Ni hindi niya nga kaya tapatan si Yen.

Bakit nga ba magsasayang ng oras sa kanya ang babae? Isa siyang hamak na mekaniko, empleyado ng kanyang ama at wala pang napapatunayan sa buhay. Simpleng pag de-disiyon ay hindi niya nagawa ng tama. Simpleng pagpapahalaga ay hindi niya nga nagawa.

Marahil ay gayon ang iniisip ni Yen kaya hindi na ito muling nagparamdam.

Natural. Dahil sa bibig niya mismo nagmula ang pagtataboy dito.

Hindi niya din alam kung bakit niya nasabi iyon.

Hindi niya rin alam kung bakit mas oinaboran niya si Angeline kesa kay Yen na kasama niya noon.

Ang tanga niya! Ang tanga tanga!

Gusto niyang isisi kay Angeline ang lahat.

Subalit para ano? Kung sapat ang pagmamahal niya sa kanyang mag ina ay hindi sila mabubuwag ng kahit na sino. Kung sapat ang tiwala nila sa isat isa ay hindi sila aabot sa ganito.

Anong mali?

Sinong mali?

Siya ba na napaikot ni Angeline?

O si Yen na sumuko agad??

Tama bang maghiwalay sila?

O deserve nila ng another chance?

Ilalaban niya pa ba?

O hahayaan na lang?

Nilamukos ni Jason ang mukha at nag dial sa kanyang cellphone.

" Gusto ko sundan si Yen sa Amerika."

" Kailan? "

" Ngayon na sana " sagot ni Jason.

" Ok papabook ako ng flight. "

" salamat papa."

"ok bye."

Nabuhayan si Jason ng loob.

Agad siyang naghanda at nag isip kung anong gagawin pag nagkita sila. Kinakabahan siya pero it's now or never.

Kailangan niyang gumawa ng paraan. O yung kahit na malinaw niya kay Yen kung sila pa ba o bibitaw na siya. At kung sakali man na magdesisyon ito na tuluyan siyang bitawan, ay igagalang niya ang pasya ng asawa. Hindi na niya haharangan pa kung saan ito magiging masaya.

Naisip ni Yen na sa kanyang pagbabalik ay haharapin niya na si Jason. Sa totoo lang ay sobrang miss na niya ito. Gusto na niyang makulong muli sa mga bisig nito. Labis na ang kanyang pangungulila. At walang araw na hindi ito sumasagi sa kanyang isipan.

Alam niya na wala itong tigil sa kakahanap sa kanya. Alam niya kung gaano ito kamesirable habang wala siya. Pero kinailangan niya itong tikisin para ipaintindi dito kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal at pagpapahalaga.

Ang sabi nila, malalaman mo ang halaga ng isang tao kapag wala ito sa tabi mo. At umaasa si Yen na sa dulo ng lahat ng ito ay sila ni Jesrael pa rin ang pipiliin ni Jason.

Totoo...

Walang panama si Jason kay Gabriel sa estado ng pamumuhay. Pero si Jason ang lalaking kanyang oiniling mahalin. At mamahalin anuman ang maging estado nito.

Bulag ang pag ibig?

Siguro.... dahil hindi nito nakikita ang kapintasan ng taong mahal mo. Ang nangingibabaw ay pagmamahal. Pagmamahal at pagtanggap sa kung sino at kung ano ka, maging ang iyong kahinaan, at kakulangan. At kahit na magkamali ka man, pagmamahal pa rin ang mangingibabaw kaya kahit na nasaktan ay bukal pa rin sa loob ang pagpapatawad.

Dahil mahal mo...

Dahil wala kang ibang gusto at alam mo na siya lamang ang magpapasaya at kukompleto sa buhay mo.

----------------------------------------------------

Buhay pa ho ako. 😁 niyahaha!

Kainis ang online class di na tayo maka gawa ng ibang gawain.

Sana matapos na itong pandemic at magbalik na sa normal ang lahat.

Ang hirap maging teacher nanay at all around atchay sa bahay. 😂

Sino relate?

Ako lang ba??

Gayunpaman marami pong salamat sa pag aabang at sa pag unawa sa mga kamalian ng abang author na trying hard. 😂😅😅

My goodness ang pag update po ay pahirapan lalo pa ang ang pag edit. 😁😁

Salamat sa comments at sa power stones.

Sana magkita na sina Yen at Jason. ♥