webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
129 Chs

HINDI KO KAILANGAN NG GIRLFRIEND PARA MAGING MASAYA.

Nahulog sa malalim na pag iisip si Yen. Hindi niya malasahan ang kanyang pagkain.

[ may problema ba tayo? ]

[ wala naman ] sagot ni Jason

[ sabi ko naman sayo, pag ayaw mo na magsabi ka. wag mo akong gagawing tanga.]

[ ano kase....parang hinahanap ko lang ang sarili ko. ] sagot ni Jason

Parang umakyat ang dugo ni Yen sa ulo niya. May kung anong damdamin na nanulay sa kanyang buong pagkatao. Sari-sari ang emosyon na nararamdaman niya. Napaglaruan, inagawan ng kendi, hindi niya matukoy pero unti-unting sumisikip ang kanyang dibdib. Hindi niya alam.

So ito na yon? Totoo pala yon? Yung pakiramdam na para kang unti-unting dinudurog. Masakit... Unti-unti ay namuo ang luha ni Yen sa kanyang mga mata. Pero dahil nasa harap siya ng pagkain at maraming tao sa paligid niya, pinigil niya iyon . Huminga siya nang malalim at sumubo ng kanin. Hindi niya yon malasahan pero sinunod sunod niya hanggang maubos ang pagkain sa plato niya.

[ ok lang siguro kung cool off muna tayo? ]

[ cool off? anu yon? anung pinagkaiba non sa break? ]

Alam na ni Yen.

Malinaw na malinaw sa kanya ang nais nitong sabihin. Hindi naman siya ipinanganak kahapon para hindi ito maunawaan.

[ narealize ko lang lately na hindi ko pala kailangan ng girlfriend para maging masaya.]

Boom! Aray.... di man lang dinahan dahan... T.T

[ ok got it. ] tanging sagot ni Yen.

HINDI KO KAILANGAN NG GIRLFRIEND PARA MAGING MASAYA. Parang kidlat na gumuhit ang kirot sa kanyang dibdib. Masikip...nahirapan siyang huminga...Hindi siya makapag react dahil nasa gitna siya ng lamesa. Kung saan kumakain din ang mga kasama niya. Kaya huminga siya ng malalim at agad tumayo at nagpaalam para pumunta sa banyo.

Lakad takbo siya patungong C.R para lang ilabas ang sasabog nang sama ng loob. Nagbabadya na ang luha sa kanyang mga mata. Hindi siya pwedeng magpakita nang ganoon sa mga kasama niya. Nagkulong siya sa cubicle. Para lang mapag isa.

Sunod sunod ang text ni Jason pagkatapos niyang sumagot.

[ yun lang? ]

[ wala ka bang ibang sasabihin? ]

[ wala kang reaksiyon? ]

[ hindi ka ba magagalit? ]

[ ok ka lang ba? ]

Nangunot ang noo niya sa mga nabasa.

[ kung magwawala ba ako, kung sasabihin ko bang ayaw ko, magbabago ba isip mo? ] reply ni Yen dito.

[ kung mumurahin ba kita o magagalit ako sayo mababawasan ba non yong sakit sa dibdib ko? ]

[ may magbabago ba? ] tanong pa ni Yen.

[ sorry...] Sagot ni Jason.

At tuluyan na ngang pumatak ang kanyang mga luha. Sorry lang? pagkatapos niya makuha ang kanyang dangal?

Sorry lang kapalit ng pagmamahal niya? Sorry?? Mababalik ba ng sorry ang dati??

Pagkatapos siyang basagin, sorry lang??

T.T

" sorry" inulit ni Yen sa sarili.

Pagkatapos niyon ay hindi na sumagot pa si Yen. Wala naman na siyang maisip isagot. Hindi siya galit. sigurado siya don. Wala talaga siyang maisip na sabihin pa. Kaya inayos ang sarili at bumalik sa trabaho na parang walang nangyari.

Nakangiti pero wasak ang puso

Humahalakhak pero malungkot.

Ganoon ang naging buhay ni Yen sa mga sumunod na araw. Ayaw niyang mapag isa. Dahil mag iisip siya. Kaya inabala niya ang sarili sa trabaho at pagsama sa mga gala ng mga bagong kaibigan. Nadalas ang paglabas labas niya at pag sama sa mga gimik. Madalas siyang umuuwing lasing matutulog at magtatrabaho ulit. Trabaho-Gala-Uwi .

Unti-unti ay nasasanay si Yen sa bago niyang mundo. Kahit may mga pagkakataon na naiisip pa rin niya si Jason, hanggang doon na lamang iyon. Wala na...tapos na. Isa na lamang iyong alaala. Masayang alaala.

Binabalikan ni Yen ang mga conversations nila. Para hindi na siya masaktan at makalimot ng tuluyan, isa-isa niya itong binura. Simula sa umpisa hanggang sa sinabi nitong "hindi niya kailangan ng girlfriend para maging masaya." Lahat pati pangalan nito na nakasave sa phonebook, binura niya.

Hindi siya uusad kung patuloy siyang magbabalik sa nakaraan. Kahit na kausapin niya ito ay wala na rin namang magyayari. At ayaw niya isiksik ang sarili niya dito. Tama lang naman na bigyan niya ng konting pride ang kanyang sarili. Sapat na ang minsan na nagpahiwatig itong ayaw niya na.

Binisita din ni Yen ang FB nito. Saglit niya lang sinilip ang account nito. Tiningnan kung nabura na ang pictures ni Trixie doon. Walang nagbago. Buo pa rin. Nandoon pa rin iyon. Hinanap niya ang picture nila ni Jason na ginawa nitong cover nung i-upload niya. Wala na ito. Pinalitan ng picture nila ng kapatid niya. Hinanap niya sa album burado na din. Pero ang pictures ni Trixie, andoon pa rin. May bahagyang kurot nanaman sa kanyang dibdib. T.T Malaya niyang pinakawalan ang kanyang luha. Totoo pala talaga ang panakip butas. Nasa kwarto siya at nag iisa. Kaya malaya siyang tumangis hanggat gusto niya.

Iisang picture na magkasama sila.

Ginawang cover ni Jason pansamantala.

Pagkatapos nitong makipagbreak, sandali lang nabura na.

Walang kabakas bakas.

Pero ang pictures ni Trixie. T.T

Hindi niya mapigil ang kanyang luha. Gayunpaman ay hindi siya pwedeng manatiling ganoon. Kailangan niya magpatuloy. Kailangan niya harapin ang buhay nang may sapat siyang tapang at lakas. Tama na ang minsang pag aray. Ang sugat naman sa katagalan ay gumalaling din naman. Ganun din ang kanyang nararamdaman. Kung kelan mawawala ang sakit nang tuluyan, yun ang hindi niya alam.

Nagdesisyon si Yen na i-unfriend na lamang ito.

Malaking tulong kase pag wala siyang makikitang post nito sa feed niya. Balak na din niya umalis sa lugar na iyon. Dahil bawat sulok non ay maaalala niya si Jason. Desidido na siyang bitawan ang lahat ng makapag papa-alala nito sa kanya. Nais na lamang niyang ibilang si Jason sa isa sa kanyang panaginip. Magandang panaginip na nauwi sa bangungot.

Maraming araw at buwan ang lumipas. Sumapit ang araw ng pagtatapos. Nakamit ni Yen ang pinangarap na diploma. Habang may regular na din siyang trabaho. All in. Masaya siya. Masaya para sa sarili niya.

Nagseryoso si Yen sa pangangarap. Nag umpisa mag invest ng sarili niyang bahay. Nag ipon... Sa isip niya ay hindi na siya pabata. Hindi na din siya umaasa na makakatagpo pa siya ng prinsipe. Tama na ang paniniwala sa fairy tale at happy ever after. Hindi na niya naiisip na magtiwala at umibig ulit. Sapat nang naranasan na niya ang mga bagay na iyon. Salamat kay Jason.

Siguro ay hindi na siya hahanap pa ng mapapangasawa. Bibili siya ng bahay, papagandahin at mag aampon nalang siya ng bata para palakihin at ituring na anak. Pero naisip niya din na gumawa ng sarili niyang anak. Yung siya mismo ang magluluwal. Baka humanap na lamang siya nang kung sinong marangal na taong mapagkakatiwalaan na magbibigay sa kanya non.

Wala na ang iniingatan niyang karalangan para sa makakasama niya sa buhay. Nakuha na ni Jason ang kanyang pagkababae. Ginusto niya naman iyon at wala naman siyang pinagsisisihan doon. Wala na siyang maipagmamalaki. Pero baon niya pa rin ang masasayang ala-ala ni Jason.Pero desidido na siya na hindi na siya aasa pang muli.

Tahimik niyang tinipa ang isang tugtugin.

DI NA KO AASA

Introvoys

Ilang gabi na akong lito

'Di ko maisip kung bakit nagkalayo

Mahal kita ngunit mahal mo siya

Ang hinihiling ko lamang mahalin ka niya

Eto yung mga kantang naririnig ni Yen na madalas patugtugin ni Jason. Pag magkasama sila. Pamilyar siya sa kantang ito dahil paborito niya ito noon. Relate dito si Jason noon, at relate siya dito ngayon.

'Di na 'ko aasa pang muli

Kung ikaw ay babalik

Tsaka na lamang ngingiti

Tandaan mong mahal kang talaga

Tanging ikaw lamang nasa aking ala-ala

Naglalakad hawak-kamay

Tila ba'ng ligaya niyo'y walang katapusan

Ang nakaraan nating dalawa

'Di ko na makita sa yong mga mata

Parang isang pelikulang nagbalik sa kanyang balintataw ang mga araw na magkasama sila. Masaya lang.

'Di na 'ko aasa pang muli

Kung ikaw ay babalik

Tsaka na lamang ngingiti

Tandaan mong mahal kang talaga

Tanging ikaw lamang ang nasa aking ala-ala

Sa iyo sana'y maghihintay

Ikaw ang gusto ko sa habang buhay, ngunit...

'Di na 'ko aasa pang muli

Kung ikaw ay babalik

Tsaka na lamang ngingiti

Tandaan mong mahal kang talaga

Tanging ikaw lamang ang nasa aking ala-ala

'Di na 'ko aasa pang muli

Kung ikaw ay babalik

Tsaka na lamang ngingiti

Tandaan mong mahal kang talaga

Tanging ikaw lamang ang nasa aking ala-ala

'Di na 'ko aasa pang muli

Kung ikaw ay babalik sa 'king piling

Tsaka na lamang ngingiti

Tandaan mo mahal kang talaga sa akin giliw

Tanging ikaw lamang nasa aking alaala

'Di na 'ko, 'di na 'ko

'Di na 'ko aasa pang muli

Kung ikaw ay babalik sa aking piling

'Di na 'ko, 'di na 'ko

Di na 'ko aasa pa

Sa 'yo...

Napangiti si Yen.

Parang iginuhit ang kanyang kapalaran.

Parang sinadya na maramdaman niya ang eksaktong pakiramdam ni Jason noong iniwan si ni Trixie.

Parang ganon. Ultimo ang pagbura ng pictures sa gallery niya. Nanghihinayang pa siya. Ganoon din si Jason diba?? Nagawa nitong ipadama sa kanya ang eksaktong dinanas niya.

Simula nang sinabihan siya nito na huwag matakot masaktan.

Yung pina-unawa at ipinadama sa kanya na masarap magmahal at mahalin.

Yung kung papano dadalhin ang sakit pagkatapos heart break...

At kung papano magpatuloy ngumiti sa kabila ng pusong bigo.

Perfect!

Mas lubos na niyang nauunawaan si Jason ngayon.

Malinaw na malinaw niyang naririnig ang tinig ni Jason habang sinasabi nitong huwag siyang masyadong mahalin.

Siguro nga ay may mga taong dumarating sa buhay natin hindi para maging kasama habang buhay. Hindi para maging kaibigan, Hindi para saktan lang tayo kundi para turuan tayo ng maraming bagay. Mga bagay na hindi natutunan sa eskwelahan mga bagay na hindi mo malalaman kung hindi mo nasusubukan. Mag tuturo sayo at maglalabas ng tunay ikaw. Experience is the best teacher ika nga nila.

Masasaktan ka, matututo ka.

At sa susunod na mararanasan mo itong muli, alam mo na, natuto ka na. May stand point ka na. At magiging mas maingat ka.

lahat un-edited sorry sa typo's

nicolycahcreators' thoughts