Para kay Yen ang napipintong pagkikita nina Jason at Angeline ay hindi tama. Hindi niya gusto at karapatan niyang tumutol dito. Subalit hindi niya maintindihan si Jason kung bakit ipinipilit nito iyon. Wala namang problema sa kanya kung may mga babaeng kaibigan ito. Marami siyang kababatang babae, mga kaibigan na kaibigan na din ni Yen pero walang ganon at hindi naman katulad ni Angeline.
Naisip niya na hindi sila kasal. Pag nagkatotoo ang hinala ni Yen kay Angeline ay maaring maloko nga si Jason. Mapikot ito at maaring siya ang lumabas na kabit. Hindi niya yon mapapayagan.
" wala kang tiwala saken. Kahit kailan, hindi mo ako pinagkakatiwalaan. May hinahanap kang tao sa akin. Hindi ako yon Yen. Hindi ako ang taong hinahanap mo. Hindi ako pwede maging sa kung anu at sino mo ako gustong maging. "
Kumunot ang noo ni Yen. Hindi ba siya dapat ang magsabi non? Parang may mali. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Angeline kay Jason. Hindi niya alam kung anong meron si Angeline para pahalagahan nito ng ganon.
Hindi pa natatapos ang kanyang pagmumuni nang muling magsalita si Jason.
" Hindi mo ako kayang tanggapin bilang ako. Lumayas ka na. Kalimutan mo na ako. Kung hindi mo matatanggap ang kaibigan ko kailimutan mo na ako."
Ganon ba kahalaga ang Angeline na yon? Handa siyang bitawan silang mag ina? Muli ay napalingon si Yen kay Jesrael na abala manood ng cartoons. Nangingilid ang luha niya na bunaling kay Jason.
" Sa tingin ko ay ginawa ko na ang parte ko. Binigay ko sayo ang sarili ko, ang buhay ko, pangarap ko. Pero hindi mo yon nakikita. Mas pipiliin mo ang sarili mong kaligayahan, kung saan at kung kanino ka masaya....sana lang, hindi mo ito pagsisihan."
Dahan dahan niyang niligpit ang mga gamit nilang mag-ina. Nasa bahay pa sila ni Jason dahil kakatapos lang party ni Jesrael at humiling si Miguel na manatili pa sila ng ilang araw pa. Walang sali-salita na inipon ni Yen ang mga gamit nilang mag-ina. Umaasa siya na sana ay magising si Jason agad pero malabo dahil pagkatapos nilang magkomprontahan ay agad itong lumabas.
Pinagpatuloy ni Yen ang pag iimpake. Katulong niya si Manang Doray magbitbit ng mga gamit. Pagkasakay nila sa kotse ay muli niyang nilingon ang bahay ni Jason. Marahil ay ito na ang huling araw na makakatapak siya doon. Muli niya itong minasdan sandali at pumuwesto na sa driver's seat at umibis paalis.
Mabigat ang kanyang loob. Parang napakahirap tangapin na sa ganoon sila mauuwi. Ang kanya pang kinaiinis ay bakit? Sa dinami dami ng babaeng maganda at mas bata sa babaeng iyon pa?
Call center agent si Angeline. Liberated ito at sanay sa modernong pamumuhay. May dalawang anak na itinataguyod mag-isa. Ayon sa kwento nito sa mga chats kay Jason, hindi daw nagbibigay ng sustento ang ama ng anak nito. Anong rason? Para manira ito ng pamilya ng iba? Dahil kailangan niya ng katuwang? Hindi niya maintindihan pero talagang sumusulak ang kanyang dugo tuwing maaalala niya ang chats ni Angeline kah Jason.
Hindi akalain ni Jason na talagang aalis si Yen. Sinabi niya lang yon dahil sa inis. Naiinis siya dahil masyado itong mapanghusga. Wala naman siyang gusto kay Angeline. Talagang kaibigan lang ang tingin niya dito. Kaya bakit kailangan ni Yen mag isip nang kung anu-ano? Kaya niya nga ikwenento si Angeline kay Yen para hindi na ito maghinala pa. Subalit nagkamali siya. Lalo itong naging mapaghinala. Kahit wala naman talaga siyang ginagawa. Wala ito sa kanyang tiwala.
Ang akala ni Jason ay wala siyang ginagawa. Pero sa mga pinakita at pinaramdam niya kay Yen ay hayagang pambabalewala. Sa kanya ay walang malisya eh kay Angeline kaya?
Nakangiti si Angeline nang mabasa ang mga chats ni Jason. Sabi nito ay lumayas na daw si Yen. Nangingislap ang mga mata nitong inulit ulit iyon. Pagkatapos ay napahagikhik. Kailangan matuloy ang pagkikita nila ni Jason. Sa araw na iyon ay kailangan na matuloy ang kanyang balak.
Matagal na niyang gusto si Jason. Matagal na matagal na. Subalit nawalan sila ng kumunikasyon. Bigla itong nawala at hindi na siya nakabalita nang kahit ano dito. Sobramg tuwa niya nang mahanap niya ito sa social media. Nadismaya nga lang siya nang malaman na may asawa na ito ngunit nagkaron ng pag asa nang malaman na hindi pa naman pala ito naikakasal. Marahil ay hindi pa ganoon katibay ang samahan nila at mabilis lang ito matibag. At hindi siya nagkamali. Ilang araw niya lang kinukulit si Jaaon at ang Yen na yon ay naramdaman niya na agad ang tagumpay.
Sa larangan ng pag-ibig kailangan mong gawin ang lahat para maging masaya lang. Kailangan ay matibay ang itong loob at hindi papatay patay. Mabuti nalang ay hiwalay na siya sa kanyang asawa bago pa sila nagkitang muli.
Nagulantang si Yen sa kanyang bisita.
" Gerald!!" tinapik niya ito sa balikat at kinurot.
" Aray naman ganyan ba dapat ang salubong sa bisita?" nakatawang tanong ni Gerald.
" Wala kang pasabi na darating ka. May sa daga ka talaga. Pano mo ko natunton? "
" I have my source. Well sa tagal ng panahon na hindi mo konokontak the moment na naalala mo ako, alam ko nang may hindi magandang nangyari sayo. Now tell me. "
Malakas ang radar ni Gerald. Gwapo ito at pinagkakaguluhan ng mga babae. Ang imahe nito ay pang artista. Matipuno at may ngiting nakakabighani. Maraming babae ang nagkakandarapa dito. Maging si Yen noon ay crush na crush ito. Isa ito sa mga naging kaibigan ni Yen sa college. Kasama sa banda. Kasama sa mga raket. Ngayon ay isa na din itong ganap na engineer. Kung titingnan mo ito ay lalaking lalaki. Pero ang puso nito ay binabae. At si Yen lamang ang nakaka alam.
Naikwento ni Yen ang dinanas niya kay Jason. Dismayado itong nakikinig sa kanyang mga kwento. Inis na inis ito kay Angeline at niresearch pa ang where about nito. Nang malaman niya ang back ground ay lalo siyang nadismaya.
" anu ba sister? itong mukhang frog na ito?? papatalo ka dito? "
" sa kanya hindi. Pero kay Jason....wala na akong lugar para lumaban pa. Siya mismo ang nagtaboy saken palayo."
" shunga din naman kase itong boylet. Hindi niya alam ang worth mo day. Hindi ka niya kilala at baka hindi ka nga niya talaga mahal."
" aray naman ateng." ani Yen pero naisip niya na may punto din naman si Gerald.
Kung talagang mahal siya ni Jason ay isasa-alang alang nito ang mararamdaman niya. Iri-respeto nito ang saloobin niya at hindi ito gagawa ng maaring ikasira nila. Madali lang naman gawin ang hindi pakikipag kita. Isa pa, hindi pa naman niya ito nami-meet. Marami siyang panahon na imeet ito noong wala pang " sila", noong hindi pa sila nagkakakilala pero hindi nito ginawa. Ngayon na may anak na siya saka siya makakaisip makipag eyeball wow ah.
" anong balak mo inday? " tanong ni Gerald.
" gusto ko na mag swap tayo ng bahay."
" what?! seryoso ka? feeling mo hahanapin ka niya? nag aassume ka lang yata. Kung talagang ayaw niya na mawala ka hindi ka niya papalayasin in thw first place. Kung sakali mang nabigla siya eh sana the moment na umalis ka ay kasunod mo na siya para habulin ka gaga. Ilang araw na kayo umalis doon mag ina? "
" three days." sagot ni Yen
" one is enough bebe. so why bother? "
" dahil gusto ko lumayo. "
" then go abroad." sagot ni Gerald
" at ang business ko? "
" bakasyon lang te hindi for good. " tumitirik ang mata ni Gerald habang nagsasalita.
Bakit nga ba hindi balang niya bisitahin si Rico? Matutuwa yon pag nalaman na papasyal sila doon mag ina.
" pagbalik mo girl saka natin i-fulfill yung wish mo na magswap ng house. Aayusin ko pa bahay ko. Di pede bata sa ayos ng bahay ko ngayon. Give me time to prepare. " nakangisi si Gerald na iniikot ang kabuuan ng kanyang bahay.
" you did this right? "
Ngumiti si Yen. Ang taong ito ang bukod tanging nakaka alam ng likaw ng kanyang bituka. Kahit hindi siya magsalita ay alam nito kung ok siya o hindi. Kung bakit siya ganon ay hindi rin alam ni Yen. Basta itong taong ito ang nag iisang kaibigan niyang mapatalikod man siya o mapaharap ay sigurado siyang tunay. Kung hindi nga lang ito bakla ay baka niligawan niya nga ito talaga. Napakagwapo. Sayang.