webnovel

Chapter 1

Nakakalugaw ng utak kakaisip ng sagot dito sa exam na ito, andami andami kong iniisip bukod dito iniisip ko pa kung paano ko mababayaran yung bills dun sa apartment na tintirahan ko ngayon.. JUSQ LORD!! paano na ito? sign naba ito ng depression? wag naman po

"...AAAAAAA!" tanging sigaw ko sa isipan ko at hindi inaasahang nasipa ko yung kaklase kong tahimik na nagsasagot ng exam sa aking harapan

" Lunaaa! ano kaba naman?! kita mong nagfofocus ako dito e kung wala kang masagot ipasa mo na lamang yan. " sambit ni Celine sabay umirap at bumalik na sa kanyang pagsasagot

At eto na nga nagsalita na yung pabida kong kaklase na akala mo matalino pero nanghihingi lang naman ng sagot sa kanyang katabi

".. Really? nahihirapan kana niyan? well goodluck Luna baka sa susunod last section na bagsak mo.." sambit niya sabay umirap sakin

Okay, OKAY fine atleast hindi ako nanunulad diba di ako cheater! HMMMP!!! malapit na kong mapuno talaga magwawalk out ako.

" Mama, Papa bakit? bakit naman ganito po.."

tumayo ako sa inuupuan ko at nagpunta sa basurahan at tinapon ang test paper

pero hindi ko ginawa iyon. 

nagpunta ako sa cr upang maghilamos, napatingin ako bigla sa salamin, ang haggard pala ng itsura ko kanina pa, buti nalang uwian na makakapagbeauty rest na rin ako. 

matapos non bumalik ako sa classroom at tinapos nalang yung test.

*BELL RINGS*

Uwian na sa wakas, hindi ko na rin inisip kung anong magiging score ko dun sa exam dahil paniguradong panigurado bagsak ako don

Tumayo na lamang ako at kinuha ang bag ko, biglang tumunog yung phone kong kanina pa pala nag iinit at nakabuhay pala data ko

Nag message si Sol

[ From: ulol ]

Luna usap tayo? sa park 4pm. Ha? sana pumunta ka :)

Siyanga naman no, akala ko magiging masama ang tulog ko mamaya e mukhang mas sasama pa pala

At ano naman kayang naisip nito at inaya akong makipagkita sakanya?  break na naman kami. Pero bakit mukhang balak niyang makipag-balikan saakin?

Ayokong umasa o mag-expect pero

 sana nga

Pupunta ba ko?

---

Sumakay na ko ng jeep at isinaksak ang earphone sa tenga ko at nagpatugtog na lamang,  ni-shuffle ko yung tugtog at

TANG-- parang shunga naman talaga eh noh, sa dami ng music ko eto pa

itutulog na lang

ang lungkot na nadarama

itutulog na lang

bigat na dinadala ..

Gabi-gabi

Hindi mapakali

Hinahanap-hanap ang iyong lambing

Hinahanap-hanap ka sa 'king tabi. . . .

ang sakit sobra, ang hirap tiisin ang lungkot ng paligid. 

para akong pinapatay ng paulit ulit

Ang bigat... 

Kinalma ko ang sarili ko at umupo nalang ng maayos.

Pagka-uwi ko, magshower lang ako saglit at nagpalit ng maayos na damit. Lumabas na rin ako sa apartment at tiningnan ang oras sa phone ko 4:05 na pala. Pupunta ba talaga ako? tama ba itong gagawin kong desisyon?

Naglakad ako papunta roon sa may park, at pasimpleng nagtago sa mga naka park na kotse sa gilid.

Nakikita ko na siya, nakatalikod nakaupo sa swing mukhang nag-aantay. Maaga siya ngayon a? pero. Paano to? paano ako magpapakita sakanya? '

At bakit paba ko pumunta rito? Eh sa andito na ko eh, wala na kong magagawa kung dito na ko dinala ng paa ko

Lumakad na ko papalit sakanya at umupo sa katabi niyang swing, ramdam kong tumingin siya saakin' at nagulat na andito na ko.

"Akala ko hindi kana pupunta.." sambit niya habang nakayuko at nakatingin sa kawalan

" Luna.." nanlalambot ako kapag tinatawag niya ko sa pangalan ko.. bakit ka ganyan?

Bigla niyang kinuha ang kamay ko at lumuhod siya sa akin.

" Sorry-yy.. lu-uuna.. sa lahat.." my tears started to flow, nang marinig kong umiiyak siya sa harap ko, ang sakit marinig ... pero bakit ngayon lang? bakit ngayon ka lang humihingi ng tawad saakin?

"Sol, bakit? bakit ngayon ka lang nag-s sorry eh matagal na noong nangyari yon? sabi ko nalang at umiwas ng tingin sakanya

" Oo, gago ako naduduwag akong lumapit sayo dahil hindi ko alam kung paano ako haharap sa'yo. Luna hindi kita pinagpalit sa iba "

"Pero bakit? bakit mo ako iniwan? andami kong tanong sa sarili ko kung anong nagkulang... kung san ba ko nagkulang? Kitang kita naman natin na meron kang ibang nagustuhan nung meron pang tayo.. sa tingin mo ba naniniwala pa ako sa'yo?" pinunasan ko ang luha ko at binawi ang kamay ko sakanya at tumayo sa kinauupuan ko

" So ano nalang yon? kakalimutan nalang natin tapos anong mangyayari? parang hindi nalang nangyari lahat ng yon? Sa tingin mo ganon nalang kadali gawin yon?.. Ang--hirap lang k-kase na porke alam mong mahal pa kita bigla mo naalang ako guguluhin ngayon?.. Bakit Sol? nas-satisfied kabang nasasaktan mo'ko? masaya kaba? .."

hindi ko na napigilan ang luha ko at umiyak sa harap niya kahit ayoko.. ayokong makita mokong ganito, na dati iniisip ko na kapag magkikita ta'yo hindi na ako ganito. Dapat hindi na ko tanga sayo

Sa nakikita ko ngayon, panahon na siguro para umalis na ko dito mukha namang wala nang patutunguhan itong pag-uusap namin, wala ring magbabago.

" Mahal pa rin kita, Luna.. alam kong sa ngayon ay hindi mo parin ako mapapat