webnovel

HYEORAEK

What will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalypse? Will they help each other to fight the undead or will their personalities clash once they find out who they are? Seven men, along with four have women, different perspectives and identities. Will they be able to succeed in these catastrophes? "They're the real zombies, infected by a pestilential disease." -Erros

BernSooyah · Ciencia y ficción
Sin suficientes valoraciones
10 Chs

Chapter 06

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na narinig ko. Pagkabukas ng mata ko ay wala na akong nadatnan sa apat kong mga kasama. Nagpanic ako kaya napabalikwas ako ng wala sa oras, nakahiga na pala ako at may nakitang unan at kumot na nakasuporta sa ulo at katawan ko.

Kaya pala kahit malamig ay nakatulog pa rin ako nang mahimbing.

Tumayo ako at agad na yumuko ng makitang umaga na pala at sa sobrang liwanag ng araw.

Nilibot ko ang tingin ko kahit na nanlalabo pa rin ang paningin ko.

Sobrang laki nga nitong mall na ito, marami pa lang mga poster na nakadikit sa glass barrier ng mall. Lahat sila ay hindi ko kilala pero nasisiguro kong mga sikat na model 'yun. Sa laki at haba ng mga poster na nakapaskil ay halos hindi na kami makita rito sa loob, pero 'yung hindi namin kagabe nakikita na mga zombies ay ngayon kitang-kita ko na and sh*t they're too many!

"Gising kana pala. Doon tayo sa kabila dahil makikita daw tayo rito ng mga zombies sabi ng kapatid mong bakla," It's Ali.

Nagulat man ako sa nagsalita sa likod ko ay sinundan ko na lang ito. Mukhang kakagising lang rin niya at parang may hangover pa dahil magulo pa ang buhok niya at papikit pikit pa 'yung mga mata niya.

Naglakad siya habang pasuray-suray na parang lasing. Tsk. Hindi naman kaya siya pa ang maging dahilan namin para makita kami ng mga nasa labas?

Panay ang gulo niya sa dati nang magulo niyang buhok at kung ano-anong binubulong sa sarili.

"Bakit kasi ako pa ang pinagising sa kanya!?"

"Kita nang natutulog pa ako eh!"

"Pwede naman kasi ang Kuya nalang niyang bakla tapos magsabunutan sila kapag 'di siya gumising--"

Ilan lang 'yan sa binubulong niya na rinig na rinig ko. Yumuko pa ako lalo ng makitang napalingon rito ilang mga zombies na nasa labas kaya agad ko namang hinila ang manggas ng damit ni Ali para mapayuko rin siya.

Napalingon siya sa 'kin at magsasalita na sana pero pinanlakihan ko siya ng mga mata at nilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko.

"They will hear us if you complained again," I seriously warned him. Nanatili ang tingin niya sa 'kin at kalaunan ay napairap na lang.

Binitawan ko na siya kaya nagsimula na ulit siyang maglakad. Ilang hakbang lang ang ginawa namin dahil nasa kabila lang pala nakapwesto ang iba pa naming mga kasama.

Nakaupo sila palibot sa mga backpacks, flashlights, canned goods and magazines?Don't tell me na hanggang ngayon ay pinapairal pa rin nila ang pagkalalaki nila?

Hindi ko na maitago pa ang pagkangiwi ko at napailing na lang.

Nakaupo na ako at si Ali. Ako sa tabi ni kuya Erros habang busy ito sa pagbabasa ng magazine, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na tignan ito dahil baka kung ano lang ang mahagip ng mga mata ko.

Ali seated beside he's beloved friend, Matt. Nakipag fist bump pa nga si Xavier kay Ali na tinanguan lang nito. Natawa na lang ito at ginulo lang ang buhok ni Ali na ngayon ay nakapikit na at nakasandal na sa balikat ni Matt, at mukhang matutulog pa ata.

Sleepyhead.

"Put this magazines in your two arms, AC," sabi ni kuya sa 'kin at inabot ang isang medyo makapal na magazine at malaking tape.

God Alice! Your mind is being polluted of green thingy. Tsk.

"Just follow what we're doing," kuya instructed me.

Tumango lang ako bilang sagot. Hindi na ulit ako nakipag-eye contact sa kanila dahil sa pag-aakusa ko sa kanila ng maling bagay.

Bakit nga naman nila pag-aaksayahan ng oras ang pagtingin sa loob ng magazine kung buhay na namin ang nakataya rito. I'm being paranoid and overreacting now!

"What's the use of this, kuya?" I asked him.

Hindi ko na napigilan ang pagtanong ko sa kanya habang ginagaya ang pag-ikot niya sa braso gamit ang magazine at tape.

"I just remembered it from the movie that I'd watched. World war Z is the title," he responded while rolling the magazine into his pale skin.

"Oh! I remember that! 'yung si Brad Pitt ang bida. Bro idol ko 'yun," Xavier said at proud pa na ipangalandakan ang pagkahumaling niya sa isang actor na hindi ko kilala.

Nakipag-high five pa siya kay kuya na agad naman nitong tinugunan.

"Same for me. So as I was saying, based on my observation from that movie, zombies tend to bite the arms of their victim including the neck to spread the virus. So it's important to have a shield and defense from their perilous teeth," my brother continued and then raise his one arm that was covered now of magazine.

I nodded and feel a little bit regret that I wasn't able to watch a zombie movies in my 25 years existence in this world, even once!

Hindi ko naman trip ang mga zombie movies na nakakaadikan na ng kapatid kong isa pang lalaki.

I gave a glimpse of that kind of movie, but not to the point that I would watch it till the end. I have so many priorities and I forget those kind of things.

Like hell! How would zombie exist in our world? And who the hell invented that word? And the faces of those dirty zombie? I can't find the purpose of making those imaginary thing into a real one. And now I can't believe that this character in movies will ever exist in this earth.

Sana ngayon ay may nai-apply na akong information na pwedeng makatulong sa pakikipaglaban namin sa mga zombies. Hindi ko naman alam na mangyayari pala ito.

****

Pagkatapos ng paghahanda, lahat kami may kanya-kanya ng dala na gamit habang nakatago sa magkabilang shelves ng mga foods and goods.

Baseball bat ang hawak ni kuya at Xavier, Si Matt ay dalawang arnis, habang ako naman ay isang bow at arrow.

My favorite.

My brother give it to me. Of course he knows what kind of weapon I want kaya ng makita ko 'yun ay hindi ko maitago ang pagningning ng mga mata ko. It's been a while since the last time I hold a bow and arrow.

"Pusang gala?!" I heard Xavier exclaimed.

Napalingon kami kay Xavier na parang hindi makapaniwala sa nakikita kaya sinundan ko 'yung tinitignan niya at agad na napangiwi. Naliligaw yata itong taong 'to dahil sa dala niya.

Lahat kami nakatingin na ngayon kay Ali, kingina. Why is he holding a water gun? What kind of mind does he have?

"Ano 'yang dala mo, Ali?" tanong ni Xavier ulit na hindi ko alam kung naiinis ba o natatawa. But I'm certainly sure that I just heard my brother laugh.

"Gusto ko ng baril. Kaya ito na lang dinala ko," aniya na proud pa ata sa pinili niyang armas.

"Seriously?!" bulong ko sa sarili. What the? Ano namang maitutulong ng water gun sa kanya?

"And then what? You're gonna shoot them with that gun of yours? Are you really that idiot or literally a fool?" kuya mocked him with a frown of his face. Bigla namang napahawak si Xavier sa puso niya at nagkunwaring nasaktan sa sinabi ng kapatid ko.

"Foul 'yun, dude!" he impart.

Napalapit si kuya kay Ali at tinapik pa nang marahan ang pisngi nito na parang ginigising lang. Nainsulto yata si Ali kaya binaril niya si kuya ng water gun niya.

"F*ck! Stop that!" sigaw ni kuya sabay takbo sa likod ko at nagtago, tsk.

Nagpapasalamat talaga ako at soundproof ang mall na ito kaya hindi maririnig ang ingay na ginagawa ng dalawa ngayon. Kanina pa rin ako nagtataka kung bakit parang hindi kami nila nakikita, nakaangat lang ang ulo nila tapos tatabingi nang kaunti and then vise versa. They are weird actually, ganito pala ang zombie's?

Tumakbo bigla si Ali palapit sa amin at balak na sana kaming barilin ng water gun niya nang tinignan ko siya ng masama habang hawak pa rin ang pana ko.

Tumigil siya sa pagtakbo palapit sa amin at humaba ang nguso niya habang nakatitig pa rin sa 'kin.

Napangisi ako dahil doon.

"Miss umalis ka riyan!Babarilin ko 'yang bakla mong kapatid!" he said to me but I composed myself and look directly on his eyes.

"I have a name, Mister," sagot ko sa kanya. Miss siya ng miss.

My name is Alice, for god sake!

Mas humaba pa 'yung nguso niya dahil sa sagot ko.

"Edi tatawagin na lang kitang misis--" I cut his words quickly.

"Wag mong itutuloy ang sasabihin mo kung ayaw mong ipakain kita ng buhay sa mga zombies sa labas," Banta ko sa kanya.

Siya naman ngayon ang napangisi. And he's also weird.

"Misis," naghahamon pa niyang sabi. Parang walang epekto yung banta ko sa kanya. Tsk.

"Woah AC. Did you just give a threat to him? You gave treath, AC? Am I dreaming?!" hindi makapaniwalang pahayag ng duwag kong katabi na nasa likuran ko pa rin.

Tsk.

Huminga ako ng malalim.

Mababaliw nga yata talaga ako dahil sa takbo ng utak ng dalawang to. Peste!

Itinuon ko na lang ang atensyon sa dalawa pa naming kasama na tumatawa at napapailing. Si Xavier na tumatawa at si Matt na napapailing na lang habang nakangiti. Ganito na lang yata ang palagi kong masisilayan sa mga mukha nila. Si Xavier 'pandak' na ang hilig tumawa kaya nawawala ang mga mata niya, at si Matt na napapangiti lang.

"Matt! Xavier! C'mon!" tawag ko sa kanila at tumalikod na para pumunta sa labas.

"Yes Ma'am!" sagot naman ni Xavier na sinundan pa ng tawa niya.

Wala na rin kaming magagawa kung ayaw ni Ali magpalit ng weapon. Let's see kung ano ang magagawa ng water gun niya sa mga zombies mamaya.

Nauuna si kuya sa amin kasunod niya ako habang nasa likod ko naman ang tatlo.

"Diba dapat nasa hulihan si Misis?! Gaya ng napapanuod ko, lahat ng lalaki ay nasa likod para protektahan ang baba---"

"Oh cmon Ali. Andyan ka naman sa pagiging childish mo."

-Matt

"And besides. Her name is Alice, ilang taon na naman ba ang kailangan para makatanda ka ng mga pangalan nila?"

-Xavier

"Ewan ko sayo Xavier. May pangalan naman siya eh si Misis nga diba?"-Ali

"Ano ba! Ang gulo ninyo! Ambot sa iyo!"-Matt

"Luh Matt, nag ni-nihonggo ka naman diyan. Baka minumura mo na kami ah!"

Isa lang talaga ang masasabi ko sa kanila. Sobra nilang ingay na kahit bulong nila ay rinig na rinig ko pa rin.

"Kuya!" I called Erros for some reason.

Agad naman akong nilingon ni kuya. Nasa pintuan na kami at kinakalas na ni kuya 'yung mahabang metal na nakapulupot sa glass door holder. Lahat kami nakayuko at kanya-kanyang tago para hindi makita ng mga zombies sa labas.

"Yes, lil sis?" baling ni kapatid ko sa 'kin.

Mas lumapit pa ako sa kanya at sinabi ang pakay ko.

"Ako na ang mauna," saad ko na tinaggihan naman niya kaagad. Oh, come on!

"No! Baka kung mapano ka. Ako na ang--"

"Now!" putol ko sa sasabihin niya.

Napairap na lang siya dahil siguro nahalata niyang seryoso ako. Kailan ba ako nagbiro?

Tumabi na siya at hinayaan akong mapunta sa unahan. At bago pa ako mapunta sa pintuan ay nilingon ko muna ang tatlo na napapatingin sa paligid at sa labas.

They're alerted too, but I'm more way alerted.

"And by the way. Next time na magbubulungan kayo make sure na wala ako sa unahan ninyo,"

I give my last word to them.

Iniwan ko silang tulala, lalo na si Ali. Bago pa ako makalapit sa glass door ay narinig ko pa ang huling sinabi ni Ali na parang nagpapanic lang, at si kuya na mukhang balak na naman awayin ang isip bata.

"Hala! Narinig tayo ni Misis!" pasigaw na sabi ni Ali.

"Anong ginawa ninyo sa kanya?" tanong ni kuya rito.

Binuksan ko ang pinto ng dahan dahan at pinagmasdan ang paligid. Kailangan maging alerto, Alice.

Kita ko ang rami nila mapa-loob o labas ng building, they are scattered all on the road at konting ingay lang ay maaalerto na agad sila. Their hearing sense is so alerting.