webnovel

HYEORAEK

What will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalypse? Will they help each other to fight the undead or will their personalities clash once they find out who they are? Seven men, along with four have women, different perspectives and identities. Will they be able to succeed in these catastrophes? "They're the real zombies, infected by a pestilential disease." -Erros

BernSooyah · Ciencia y ficción
Sin suficientes valoraciones
10 Chs

CHAPTER 04

Pipikit na sana ako para tanggapin ang kahihinatnan ko pero wala pang isang segundo ng isa-isang natumba ang mga Zombie's na papalapit pa lang sa 'kin. May bumabaril sa kanila galing sa likod ko kaya napalingon ako roon.

And to my surprise, nandito na agad ang tatlo sa tabi ko habang pinapaputukan pa rin ang mga magtatangkang lumapit sa amin.

Are they... protecting me?

What the hell?

"What the hell are you still doing here?" irita kong tanong sa kanila.

Gusto kong isigaw sa kanila na kaya ko namang mag-isang lumaban, pero wala ng lumabas pa na kahit anong salita sa bibig ko bukod sa tanong ko na iyon kaya iginala ko na lamang ang mga mata ko sa mga tao at zombies na nagkakagulo.

I swear, kahit sinong tao na mapupunta sa posisyon ko ngayon ay mapapatakbo na lang talaga sa takot.

"Ikaw ba naman ang hindi nag-iisip at bigla-bigla na lang tatakbo pasalubong sa mga kalaban, sa tingin mo makakaya ng konsensya namin hayaan ka lang?" rinig kong pagrarason ni Xavier kaya naman ay napayuko ako, he's right. Hindi nga ako nag-iisip.

"At hindi kami pinalaki ng mga magulang namin na pabayaan lang na mapahamak ang isang tao, kung meron naman kaming alam na paraan para mailigtas ito," ang piloto 'kuno' naman namin na si Matt ang nagsalita.

Makokonsensya na sana ako ng biglang magsalita ang taong nasa unang listahan ng kinaiinisan ko.

"'Wag ka kasing tatanga-tanga, Miss," 'Yun lang ang sinabi ng lalaking kakikilala ko pa lang na si Ali na may halong pang-aasar pa. Sasabihin ko na sana sa kanya kung ano ulit ang pangalan ko.

Like the heck? My name is Alice and not Miss!

But I immediately interrupted-

"Saan ka pupunta at dadalhin ka namin doon!" sigaw sa 'kin ni Xavier dahil palaki na nang palaki ang ingay na ginagawa ng tao at mga sumusugod sa kanila.

God! How I hate this scene now.

Ang makita ang mga tao na nagkakagulo, nagkakasakitan dahil sa pag-aagawan ng mga sasakyan na hindi ko alam kung sino ang may-ari, just made me so sick.

Sobrang gulo ng mga tao at zombies.

May nagkakabanggaan na at kung sino ang matutumba ay siya ang maaabutan ng mga zombies. Natatakot at

nagpapanic, iyan ang emosyong nakikita ko ngayon sa mga mata ng mga tao.

Gustong gusto ko tumulong pero hindi ko alam kung papaano, pero napahinga ako ng maluwag ng makita kong sinusubukan din ng tatlong kasama ko na tulungan na mapabagsak ang kay daming zombies na susugod sa kung sino man.

At bago ko pa makalimutan ang tanong ni Xavier ay itinuro ko na kaagad ang kinaroroonan ng kapatid ko, na hanggang ngayon hindi pa rin ako mapansin dahil able pa rin ito sa pagpatay ng mga zombies na hindi na yata nauubos kakasugod sa kanya.

"Ok. Pupuntahan natin siya,"

sabi naman ni Ali na nakakatakot na ngayon ang aura na bumabalot sa kanya.

Hindi ko alam pero ngayon lang ako natakot sa isang tao maliban na lang sa mga zombies.

Kanina naman para lang siyang bata na nagsusumbong sa mga magulang niya, pero ngayon ay bigla na lang nag-iba ang timpla ng mukha niya.

Split personality?

Tumango lang ako bilang sagot, kahit alam ko namang 'di nila makikita pa iyon dahil nasa unahan na 'yung dalawa--si Matt at Xavier. Nasa likod ko naman si Ali na natalikod rin sa 'kin habang nagpapakawala nang malalakas na putok ng baril na hawak niya.

Kuya!

Gusto kong tawagin si Kuya pero ayoko ng makatawag pa ng pansin ng mas maraming zombie dahil sa katangahan ko. Katulad na lang kanina, twice is enough at ayoko ng maulit pa iyon.

Bago ko pa matawag si kuya Erros, naunahan na niya ako agad dahil nahagip na rin ng mata niya ang kinaroroonan namin.

"AC!" sigaw niya sabay takbo papunta sa direksiyon ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ako sa kanya.

Thank god he's still alive.

"Aww tol! meron na pala siya eh. I pity you tol hahaha"

"Ire-ready ko na ang libing mo mamaya bro. Double kill!"

"Ulol!"

Rinig kong bulungan ng tatlo.

"Hey, are you okay? I thought you were in the hospital. May sakit ka pa ba?" alalang tanong sa 'kin ni kuya Erros.

"Ayos lang ako, Kuya," sagot ko sa kanya para hindi na siya mag-alala pa.

Narinig ko naman ang pagsinghap ng tatlo ko pang kasama.

"Mga baliw! Kuya pala niya yan ehh.."

"Yes bro! May pag-asa ka pa haha"

"Oo nga no? They look alike."

Hindi ko na pinansin pa ang bulungan ng tatlo ng sipatin pa muli ako ni Kuya at parang hindi pa rin makapaniwalang magaling na ako.

Kahit ako ay hindi rin akalain na gagaling ako agad. Kahapon ng gabi ko lang tinawagan si Kuya para ipaalam na may sakit ako at ngayon ay pa rang bigla na lang nawala ang parang nalalanta kong katawan kahapon.

I got easily recovered unexpectedly.

Kuya Erros diverted him and gazed at the three people when he heard their voices and who whispering secretly behind my back.

"Sino ang mga ito, AC?" he immediately asked.

"Mga nakilala ko habang papunta ako rito. Sila rin ang nagligtas sa 'kin at tumulong para makapunta ako rito. He is Xavier, Matt, and Ali."

Habang pinapakilala ko sila sa kay kuya ay patuloy naman sila sa pagpapaputok ng mga papalapit na mga zombie kaya panay tango, kaway at hi lang ang pagbati nila.

Hindi naman na kasi kailangan ng pormal na pagpapakilala kung ganitong delubyo na ang nangyayari sa paligid mo, tinanguan lang ito ni kuya ang mga ito.

"I'm Erros Gordon. Alice big brother," pakilala rin ni kuya.

"Kuya.. our family?"

"Hush, AC. They're perfectly fine, before I go down to the ground I called them immediately and quickly warned them about the strange happening here. This outbreak was only happening here in Manila, which means that Albay is not yet prone to this commotion," ani niya at napatingin pa sa paligid saka nagpatuloy sa sasabihin, "I already told them to go to the safest place as much as possible. We'll go to them together, so we need to survive, alright?"

Tumango lang ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano pang mararamdaman ko, pag mag-isa naman ako nagiging malakas ako at nakakayanan kong lumaban. Pero pag may nakapaligid na sa 'kin lalo na ang pamilya ko, bigla na lang akong nanghihina at nagmumukhang walang kalaban-laban.

And I hate that feeling.

"Sorry to interrupt your drama, pero kailangan na nating umalis dito kung hindi niyo kayang ubusin itong mababahong nilalang na ito na panay sugod sa atin!"

Sabay naming nilingon si Ali na parang wala lang sa kanya ang pagbaril sa mga zombies. Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay inirapan lang ako nito.

"Meron kaming Helicopter roon. Sumama kayo sa amin para matulungan namin kayong maihatid sa kung saang lugar man kayo pupunta," sabi ni Matt samin.

At sabay turo niya sa Helicopter na sinakyan namin kanina na ang layo na pala sa amin. Mabuti na lang at walang nakakapansin at nagtatangkang magnakaw nito.

Sabay-sabay kaming tumakbo papunta roon pero napatigil nga lang kami sa pagtakbo ng mayroong nagkabanggan na isang SUV at kotse sa harapan namin.

Napaatras ako nang merong lumabas na mga infected mula sa loob at nagsimulang sumugod samin. Agad akong pinatabi ni kuya sa likod niya habang magkakasabay nilang pinapatumba ang mga zombies.

Ginala ko naman ulit ang paningin ko at sakto namang nahagip ng aking paningin ang kinaroroonan ng mag-iina na medyo may kalayuan sa pwesto namin. Isang Nanay, at dalawang bata na panay ang iyak, mabilis silang tumatakbo dahil mayroon rin sa kanilang humahabol.

Sh*t!

Bat parang wala akong magawa? Tutunganga na lang ba ako rito?

Dahil sa frustration ay balak ko na sanang guluhin ang buhok kong nakalugay ng napansin kong may hawak-hawak akong matigas na bagay.

A gun?

The hell? Bakit ngayon ko lang to napansin?!

At doon ko naalala na may inabot pala sa 'ken si Ali na isang baril habang nasa helicopter kami kanina. Hindi ko namalayan na hinawakan ko na pala 'yun at nadala kanina pa at ang malala pa ay hindi ko manlang ito napansin!

God, Alice!

You're so stupid!

Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon at mabilis kong sinilip ang tatlo at si Kuya na pare-parehong abala sa mga sumusugod sa kanila. That's good.

Nang malamang hindi sila nakatingin sa 'kin ay agad kong tinutok ang baril na hawak ko sa tatlong zombies na humahabol sa mag-iina.

I stay focused on them and quickly pulled the trigger.

Natamaan ko ang isa.

1 down,

Pinukos ko ulit ang baril sa isa pa at agad na kinalabit ang gatilyo.

2 down,

Sana lang talaga tama ang hinala ko na hindi lang dalawa ang bala nitong baril na binigay sa 'kin noong baklang Ali na iyon. Kung hindi ay ipu-pokpok ko talaga itong baril sa ulo niya. Isa na lang.. isa na lang...

Halos mapatalon ako sa tuwa nang natamaan ko silang lahat.

Agad nagawi sa pwesto ko ang paningin ng mag-iina.

Binigyan ako ng pagod na ngiti ng kanilang ina, I nodded to her then mouthed to her 'Go'.

"What the f*ck?" Nilingon ko si kuya dahil sa sigaw niyang iyon. Muntik na akong mapairap nang malaman na ako pala ang sinigawan niya.

"Where the hell did you learn that!" he hysterically asked.

Gusto ko siyang irapan o makipagtalo sa kanya at sabihin na hindi na ako bata at kaya ko ng humawak ng bumaril pero, nasa realidad ako ngayon, kung saan gulong-gulo na ang lahat at pati mga tao na nasa paligid namin ay hindi magkumahog sa kakatakbo.

"I'll explain it to you later," tugon ko na lang sa kanya.

At muli, may narinig naman akong sumigaw na mas nangingibabaw sa mga sigaw ng mga tao.

"Hey! Amin 'yan!" I heard Matt shout.

"F*ck," sinundan naman ni Ali ng malutong na mura.

Nakatingin sila sa direksiyon ng helicopter na pupuntahan na sana namin. Tinignan ko rin 'yun at nakita ko ang isang lalaki na hindi nalalayo ang edad samin. Nasa loob na ito ng sasakyang himpapawid at natataranta ito habang kinakalikot niya ang mga buttons sa loob ng Helicopter.

Wait...

Sh*t!

Ngayon ko lang napagtanto ang balak niya.

He was trying to steal the aircraft from us!

Sh*t!

Balak ko na rin sanang sugudin iyon pero napatigil ako pati na rin ang iba dahil sa pagpigil ni kuya samin.

"Don't! Just let him. I know him and he's a psycho man who was my co-trainer back then. He killed one of our officemates for an unknown reason and he became worst. He just released this day and just a piece of advice, he will not think twice to end your life if you step in on his side," Kuya stated.

Nanindig ang mga balahibo ko sa mga sinabi ni kuya may nag i-exist pa lang ganung tao. Mga walang puso at maitim ang budhi.

Wala na kaming nagawa pa at pinagmasdan na lang ang lalaking baliw na unti-unting umaangat sa lupa habang nagpapakawala ng malalakas na halakhak. Para siyang demonyo na nagwagi sa kanyang masamang balak, at kahit ngayon ko lang iyon narinig ay parang gusto ko na lang takpan ang mga tenga ko.

Habang paangat siya sa lupa unti-unti rin kaming nawawalan ng pag-asa para makatakas pa sa mga zombies.

'Yun ang akala namin...

Nang may mabilis na sumabit na isang zombies sa mga paanan ng helicopter at sinundan pa ito ng isa habang nakahawak sa mga paa nito, hanggang sa rumami na ito at hindi namin alam na iyon na rin pala ang magiging katapusan niya.

Expect the unexpected ika-nga dahil sa bigat na dala ng kay raming nilalang na nakakapit sa helicopter, nag pagewang gewang ito hanggang sa hindi na nito nakayanan at tuluyan na itong nawalan ng kontrol.

"AC, get down!"

"Sh*t! Sh*t!"

"Babagsak siya rito, d*mn."

Sh*t! namalayan ko na lang ang sarili ko na nakadapa at narinig ang malakas na pagsabog mula sa baba.

It was too late to cover my ears since I already heard the loud explosion of the crashed aircraft.

Para akong nabingi dahil doon pero may naramdaman akong mainit na kamay sa balikat ko, nang lingunin ko kung sino iyon ay nanlaki ang mga mata ko, si A-Ali.

I never expected him to be at my side.

Ang lakas ng tambol ng puso ko at hindi ko alam kung bakit, hindi ito katulad kanina na sa sobra kong takot, it's different right now.

Agad kong inaalis ang isiping iyon nang mabilis niya akong hinila papalapit kay Xavier at Matt na napalayo na pala sa amin. Nasaan si kuya?

Nilibot ko ang paningin ko dahil nawawala si kuya.

Pabilis na pabilis ang pagtakbo namin dahil parami na rin ang humahabol sa aming mga zombies.

"He's on our back!" narinig kong sigaw ni Ali.

Kahit hindi ako sigurado kung sino ang sinabihan ni Ali noon, ay kaagad kong nilingon ang likod ko at doon nakita si kuya na patuloy pa ring binabaril ang mga humahabol samin.

What now?

"Bro, wala na akong bala!" sigaw ni Xavier kay Ali.

"Wala na rin akong bala," I heard Matt complained too.

"Run. Doon tayo sa SUV kanina!" sigaw naman ni kuya sa amin.

Hinanap ko 'yung SUV na nabangga ng isang kotse kanina. Madali ko lang itong nahanap dahil hindi pa kami nakakalayo mula rito.

Mabilis kaming tumakbo papalapit doon.

"Sit in the front seat, AC. I'll drive," Erros ordered me.

I nodded to him and opened the passenger door.

Nang makapasok na ako ay isinuksok ko muna sa bulsa ko ang baril na hawak ko. Naramdaman kong sumakay na rin ang tatlo pa naming kasama.

"F*ck! What are those things?!" natatarantang tanong ni kuya habang ini-start na ang engine ng sasakyan.

"Wala rin kaming idea," sagot naman ni Matt na nasa gitna na ni Xavier at Ali.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang oras.

It's 6 pm already at madilim na rin pero hanggang ngayon ay kitang-kita pa rin ang gulo sa labas ng SUV na ito.

Umuusok na ang bawat gusali dahil sa apoy may kaunti pa ring liwanag dahil sa buwan, patuloy pa ring nagkakagulo ang mga tao at mga zombies, at ngayon ay hindi pa rin nawawala ang ka bang nararamdaman ko.

Hindi ko na kailangan itanong kung ano nga ba ang mga sumusugod sa amin dahil sinabi na naman sa 'kin ni Ali na mga zombies iyon.

Ang dalawang tanong na lang na bumabagabag sa 'kin ay saan nagmula ang mga ito? at paano nagkaroon ng mga ganun sa maynila or should I say, sa Pilipinas?

Nabura kaagad ang pagtatanong ko ng tumunog na ang engine ng SUV. Madilim sa loob ng sasakyan, nasira siguro ang ilaw sa loob nito pero maayos pa naman ang bawat salamin sa mga bintana.

Sasandal na sana ako sa backrest ng sasakyan pero

nagulat ako ng may biglang kumalampag sa tabi ko--