webnovel

Yakap sa Dilim, Orange and Lemons [Part 2 of 2]

***

SA lahat ng nagyari ng nagdaang magdamag, ni isang pikit para makatulog indi niya nagawa.

She maybe a veteran in this kind of work, pero hindi pa din niya maiwasang maawa sa sarili. She is considered first-class, but she is still low as mud.

Nilingon niya ang lalaking nakasama niya ng biong magdamag. He is peacefully sleeping beside her. Dahan dahan niyang inangat ang sarili para payapang patitigan ang mukha nito.

"Ang guwapo mo." Bulong niya. "Ang swerte ng mapapangasawa mo. Ang swerte niya dahil guwapo ka na, mayaman, tapos mukha ka pang mabait."

Pinakatitigan niya ito. Mula sa mahahaba nitong pilikmata, he is a meztiso. Narinig niya mula kay mammy Tommy na mula ito sa angkan ng mga politiko. His aura and features screams dominance. Like the Zobels and Ayalas.

Binigyan siya nito ng isang alaala na dadalbin niya habang buhay. Sa buong magdamag na nagdaan sa pagitan nilang dalawa, ramdam na ramdam niya ang respeto nito sa kanya.

"Ano kayang pakiramdam ang mahalin ng kagaya mo?" Nag-umpisa na siyang mag-daydream ng mga bagay bagay. Iyon na lang kasi ang kaya niyang gawin, ang mag-daydream.

Agad naman niyang tinampal ang sarili. Masyado na siyang nagiging ambisyosa! Anak lang siya ni Grasya disgrasyada, isang babaeng nagbebenta ng laman may maipantustos lang sa bisyo niya. Kagaya niya…pero hindi siya nagbebenta ng laman para sa bisyo. Ginagawa niya ito para buhayin silang mag-ina.

"Tama na! Nagiging ilusyonada na ako masyado sa'yo. Kasalanan mo din naman kasi pogi!" Marahan niyang tinapik ang pisngi nito. "Kung di mo ako binigyan ng full performance kagabi, edi sana madali kitang malilimutan. Di bale! Mga 1 week lang ito, tapos back to regular programming na ako ulit."

Tinitigan pa niya ito muli bago napagdesisyunang magbihis at umalis na. Siguradong hinihintay na siya ng anak, at hindi rin maganda kung madadatnan pa siya nitong nandito.

Maingat din niyang inayos ang kama. Some scenes flashed back into her. Ito ang pangalawang beses na nadala siya ng emosyon at hindi nakagamit ng proteksyon. Mukang wala naman itong sakit. Ang problema, ang huling beses na hindi siya gumamit ng proteksyon ay nabuo si Robin. You can't blame her, it is her first time doing the job. She was considered a pro on this pero hindi niya alam kung bakit hindi niya nasabihan ang binata na gumamit. Sana lang ay hindi maulit ang nagyari noon.

Msakit pa ang buo niyang katawan, lalo na ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Pero hindi na lang niya ito masyadong ininda. Kumbaga, ang sakit na ito ay parte ng kanyang trabaho.

Medyo malaki ang binayad at tip na natanggap niya mula sa kaibigan ng gwapong vice-mayor. Mapapagamot na niya si Robin at may maibabayad na siya sa landlady niya.

Malaki ang kitaan as magiging Angels sa Route '77. Kung wala lang siyang anak na binubuhay na buwan buwan at ay nasa ospital. Di bale, pangako naman ni Ronnie ay mag-aaral ito ng mabuti para hindi na siya magtrabaho sa gabi.

Pagbaba pa lang niya sa tricycle ay rinig na niya ang bunganga ng kanyang lanlady. Galit na galit ito sa mga batang nagkakalat sa tapat ng kanyang tindahan sa bungad ng kanyang apartment-compound.

"Aba, Bianca! Inumaga ka nanaman! Ano? Madami ka bang parokyano kagabi?" May ngisi pa itong nakakaloko. Hindi man nito sabihin ay alam niyang iniinsulto nito ang pagkatao niya dahil sa kanyang trabaho.

"Sakto lang ho, Aling Karla." Pagbabalewala niya sa sinabi nitong insulto.

Sa ganitong larangan, kailangan ay matapang din ang sikmura mo sa pag-aalipusta ng mga taong wala namang ambag sa buhay mo. Kaya kailangan mong huwag silang intindihin, hindi ka naman mabubusog kung bibigyan mo sila ng puwang sa buhay mo.

"Ah Aling Karla, ito nga po pala." Inilabas niya ang envelope na pinaglalagyan ng kinita niya sa pag take home. Sinadya niya ito para inisin ang landlady. Binilang niya sa harap nito ang pera. "Ito nga po pala, bayad ko sa upa ng dalawang buwan. Advance na din po iyan ng isang buwan." Pagkaabot ng pera ay tinalikuran niya na ito.

Nakita na niyang lumuwa ang mata ng kanyang mahaderang landlady, solve na siya sa pang-iinis dito ngayong araw.

"Ano kayang gustong agahan ni Robin?" Tanong niya sa sarili habang papunta sa kanilang apartment.

Thank you so much for giving time to my story! Appreciated! Will work hard more for your reads :) Please do leave a rating/comment! I am reading them :)

Comments? Reactions? Feel free to comment on them down below :) You can use the #TheWritersRomance

Follow me on my social media platforms!

Facebook Page: RNL Stories

https://www.facebook.com/RNLStories

Twitter: @RomanceNovelist

Instagram: @romancenovelist_wp

e-mail: romancenovelistlady@gmail.com

RomanceNovelistcreators' thoughts