webnovel

Two

~2~

* Happiest place on earth*

SEIGE

I know how depressing this past few months for her kaya nag-iisip ako ng mga paraan kung paano ko mapapagaan ang bigat na nararamdaman niya. Magmula ng nawala si Ydric ay hindi ko na ulit nakita ang mga kinang sa mata niya. Ang makitang magnining muli ang mga ito kasabay ng pagbalik ng sigla niya ang ninanais kong maibalik ngayon. Hindi ko man maibalik agad 'yon pero sana kahit paunti-unti ay ok na. Miss ko na kasing makita siyang nakangiti, mga ngiting totoo at walang kalungkutan na kasama. I want to see her smile again, a genuine one. Ang mga ngiti niya kasi ang dahilan kung bakit ako mas nahulog sa kanya.

Kagabi pa lumilipad ang isip ko kung paano ko siya mapapasaya kahit papaano. I know how she loves theme parks dahil minsan na niyang naikwento sa akin ang fascination niya sa mga ito at kung paano napapagaan ng masayang lugar na 'to ang pakiramdam niya.

Noong una, theme park ang una kong naisip na maaaring pagdalan ko sa kanya ngayong araw pero hindi rin lingid sa akin na sa isang theme park din nabasag ng husto ang puso niya. Alam kong traumatizing pa para sa kanya ang bumalik sa lugar na 'yon o kahit saan mang theme park dahil maaalala lang niya tiyak si Ydric at ang mga nagyari doon.

They say theme parks are the happiest place on earth. Tawanan at mga halakhak lang ang tangi mong maririnig kapag nagpunta ka dito. Mga mukhang may ngiti ang tanging makikita dahil sa kasiyahan na dulot ng mga tanawin, mga palaro at mga rides na makikita dito. Ako din naman para sa akin kasiyahan ang definition ng theme parks, hinding-hindi ka pupweding hindi mag-enjoy kapag pumasok ka dito.

Pero ng gabing 'yon alam kong hindi siya masaya. Ang defintion ng theme park para sa akin ay hindi applicable para sa kanya ng gabing 'yon. Her heart shattered into pieces sa gitna ng theme park na ang lahat ng taong nasa paligid ay nagtatawanan at may ngiti sa mga labi.

Hinding-hindi ko malilimutan ang eksenang 'yon. Yung kung paano ko siya nakitang magmaka-awa at maging desperada 'wag lang iwan ng gagong Ydric na 'yon tatlong buwan na ang nakakaraan.

flashback 3 months ago...

"Kuya kelan po kami pwede sakay dun?", tanong sa akin ni Tommy sabay nguso dun sa Space Shuttle.

"Saka na pag-malaki na kayo"

"Gaano kalaki Kuya, ganto?", sabay stretch ng kanang kamay ni Tommy pataas.

"Oo... kaya kayo ni Tobby patangkad kayo, imbis kasi na lumaki kayo ng paganito", ako naman ang nag stretch ng kamay ko pataas "nagiging paganito", at saka ko naman inistretch ang kamay ko sa magkabilang side. Napangiti nalang ako dahil sa mga facial expression ng mga kapatid ko ang cu-cute talaga, syempre nasa dugo yan eh!

Pagkatapos nun kumain muna kami. Gusto daw kasi nila ng pizza kaya dumiretso kami sa food court at umorder ako ng isang box ng Pepperoni Pizza sa Pizza Hut at apat na mineral water, pagkatapos naglakad-lakad nalang ulit kami, medyo pagod na yata yung dalawa kaya ayaw ng sumakay sa mga rides nagpabili nalang sila ng mga souvenirs. Mga stuff toys, si Eldar.

7:45 pm na ng tumingin ako sa relo ko, madilim na din saka parang naubusan na ng energy yung dalawa kaya nag-aya na akong umuwi. "Tommy, Tobby tara let's go na!".

Nagtakbuhan naman yung dalawa palapit sa akin at humawak sa magkabila kong mga kamay. "Kuya! Punta tayo sa Jabee before tayo uwi ha!", sabi ni Tobby sabay pout.

"Ok sige...", nagtalunan naman yung dalawa parang biglang nacharge eh!.

Naglalakad na kami palabas ng Enchanted Kingdom ng may mahagip ang mga mata ko, Para kasing nakita ko sya. Agad ko namang sinundan ng tingin at hindi nga ako nagkamali, sya nga!

"Ahhh... Ate Aleng pede po ba munang pakibantayan tong kambal?, magcCR lang po muna ako", pagdadahilan ko.

"Ok sige Seige", agad naman nyang kinapitan yung dalawa.

"Both of you! Behave kayo ha?, pag kayo naglikot hindi tayo pupunta kay Jollibee"

"Opo Kuya!", sabay na sabi ng kambal.

"Ate Aleng paupuin nyo na po muna yang dalawa, saglit lang po ako", hindi ko na inintay ang sasabihin niya at dali-dali akong nanakbo sa direksyon kung saan ko siya nakitang pumunta.

Lingon sa kaliwa.... WALA.... Lingon sa kanan.... WALA DIN.... tapos lingon pa ulit.

"Nasan na yun?". Pero hindi din naman nagtagal ay nakita ko siya. Naroon siya sa may Swan Lake. Gustong gusto nya talagang pumunta dito. Sabi niya nga sakin noon kapag daw pumupunta sya sa mga theme parks ay gumagaan ang pakiramdam nya. Miss na miss ko na talaga siya. Sa totoo lang nakikita ko pa naman talaga siya sa school pero hindi ako nagpapakita. Alam ko kasi masaya na siya kaya ayoko ng makialam at ayoko naring masaktan.

'Masaktan? May karapatan ka ba? Ni hindi mo nga nasabi sa kanyang mahal mo siya diba?'

Lintik na isip to sabat ng sabat eh! Ang daming sinasabi hindi naman hinihingi ang opinyon. Pero aaminin ko umaasa parin ako hanggang ngayon.

Nakatayo lang siya doon, tahimik at parang ang lungkot niya, malayong malayo sa kilala kong Frielle na sobrang masayahin. Lalapitan ko na sana siya ng may isang lalaking lumapit sa kanya at pumuwesto sa kanyang likuran. Wala parin siyang kaalam-alam na may taong nakatayo sa likuran niya, para bang wala siya sa wisyo.

"Frielle", narinig kong tawag nung lalaki sa kanya at agad namang parang natauhan siya at hinarap ang taong nasa likuran niya.

"Ydric!", kitang kita ko sa mukha niya ang saya sa pagkakita niya kay Ydric. "I'm glad pumunta ka", sabay yakap niya rito.

"Frielle.."

"Akala ko hindi ka na pupunta"

"Frielle, itigil mo na 'to". Ano daw?

"Ayoko!", nakayakap parin si Frielle kay Ydric at tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang pag labas ng mga luha sa mata ng babaeng pinakamamahal ko.

"Pareho lang tayong mahihirapan sa ginagawa mo Frielle"

"Ok lang na mahirapan ako, but please huwag naman ganito Ydric."

Hindi na kumibo pa si Ydric at kumalas na siya sa pagkakayakap kay Frielle. "Sorry", sabi niya at tinalikuran si Frielle. "Sorry Frielle", pagkasabi niya nun ay naglakad na siya palayo at iniwan si Frielle mag-isa sa kinatatayuan nito.

Gusto kong habulin si Ydric para basagin ang mukha niya. Bakit? Bakit kailangan niyang saktan at iwanan nalang ng ganito si Frielle? Sana kung alam ko lang na ganito ang gagawin niya kay Frielle, sana noon pa lang gumawa na ako ng paraan para maagaw ko si Frielle sa kanya.

Kung titignan, wala ni-isang tao dito ang malungkot. Lahat ng nandito masaya, nageenjoy at nakangiti. Sino nga ba ang makakapagsabi na sa masayang lugar na to ay may isang babaeng umiiyak, nasasaktan. Kitang kita ko sa mukha niya kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. Bigla nalang siyang napaluhod at patuloy parin sa pag-iyak, parang hindi na nga iyak yun hagulgol na.

Hindi ko alam pero parang nagkusa ang paa ko at naglakad palapit sa kanya. Ayokong-ayoko ng ganito, ayokong nakikita siyang nagkakaganito. Nang makarating na ko sa kinaroroonan nya ay agad naman akong lumuhod sa harapan niya. Nakatungo parin siya.

"Don't cry", sabi ko sa kanya na hindi parin alintana na may tao sa harapan nya. "Alam mo bang mas nasasaktan ako kapag nakikita kitang naiyak". Agad niyang inangat ang mukha niya ng marinig akong magsalita.

"SEIGE?!", gulat niyang sabi sa akin na parang hindi makapaniwala na nasa harapan niya ko. Nang mahimas masan siguro siya ay agad niya akong niyakap at nagpatuloy parin sa pag-iyak, sa balikat ko.

end of flashback....

Hindi lang si Frielle ang clueless sa dahilan ng pag-alis ni Ydric. Isama niyo na diyan ang lahat ng nakakakilala sa kanya, mga kaibigan niya, mga taong naghihinayang sa relasyon nila, pati narin ako. Walang ibang nakakaalam ng dahilan niya, pero ang sa akin lang, Tangina niya!

I almost give up on her, kasi nakikita ko na masaya siya. Nakuntento nalang ako na mahalin siya sa malayo. Kung alam ko lang talaga na ganito ang mangyayari? Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba! Agawan na kung agawan ng girlfriend.

FRIELLE

I look wasted. Yung mga mata ko, namamaga na naman. Iniyakan ko na naman siya kagabi. Ilang mga gabi na nga ba ang iniyakan ko ng dahil sa kanya?

Iniwan niya 'ko at ang pinaka-masakit? Umalis siya ng walang malinaw na dahilan. Halos mabaliw ako sa kakaisip kung anong mali. Kung may nagawa ba ako? Kung nagkulang pa ba ako? Nagkulang ba ako?

He's my first boyfriend at ang akala ko nga siya narin ang magiging last. Nakakalungkot lang talaga, na yung halos five years na kami nauwi nalang sa wala. Kaya siguro ganito ako, ang hirap lang kasing tanggapin. Bakit ba kasi Ydric?

Ilang buwan narin ang lumipas, simula nung araw na huli kaming nagkita. I begged him to stay, pero nagmatigas siya. Tama nga ang sabi nila gagawin mo ang lahat huwag lang mawala ang taong mahal mo.

Ginawa ko ang lahat. Paulit-ulit ko siyang kinukulit, nagmamaka-awa, lumuhod, umiyak at kung ano-ano pa. Lahat ng yun ginawa ko just to save our relationship at nung gabing yun sa theme park that was the last time na nagkita kami. Ano pa nga ba ang ginawa ko? Nagmaka-awa for the nth time. And days after, nalaman ko nalang na umalis na siya ng bansa. Kasama ang buong pamilya niya.

Knowing Ydric, alam ko na may mabigat na dahilan kung bakit niya ginawa sa akin yun. I know he loves me, at alam kong may napakalaking dahilan kung bakit niya ako iniwan.

Hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako, na nakita ko sa mga mata niya na ayaw niya talaga ang gagawin niyang pag-iwan sa akin at mas nag-padagdag yun sa pag-asa ako. Umaasa akong babalik siya. Babalik pa siya.

Ngayong araw, mas tumataas ang pag-asa ko. Today is our 5th anniversary, and I'm hoping na sana bumalik siya at ngayon ako itong si tanga, ditched my today's class. Papunta ako ngayon sa Tagaytay, sa Sky Ranch. Doon ko siya sinagot at sa t'wing anniversary namin pumupunta kami dito. Hoping na this year would be the same.

Sana talaga dumating siya. Alam ko medyo imposible pero malay naman natin straight from US ay bumalik siya at pumunta dito. *crossfingers

Hindi alam nila Lola Lori, Lola Mori at Vielle ang gagawin ko. Panigurado nagtataka narin si Steff kung bakit hindi ako pumasok ngayon, pati narin si Seige.

Alam ko papagalitan ako ng mga 'yon pero gusto kong mag-take ng chance. Baka bumalik siya. Baka puntahan niya ako dito. Tatanggapin ko nalang lahat ng sermon nila pero ayokong baliwalain ang pagkakataon na to. Sana talaga bumalik siya.

Iniisip ko palang kung paano ako papagalitan ni Lola Lori at Lola Mori. Si Vielle, sesermonan din ako nun na may kasama pang pag-irak ng mga mata. Akala mo siya ang Ate eh! Masyadong feeling panganay. Si Steff, babatukan ako nun at si Seige, sigurado ako nag-aalala narin 'yon. Hindi naman ako manhid. Nakikita at nararamdaman ko naman lahat ng efforts nila para pagaanin ang loob ko. Sila Lola, si Vielle, si Steff at lalong lalo na si Seige pero kailangan ko talagang gawin 'to! Hanggang hindi siya bumabalik, hanggat hindi ko naririnig ang paliwanag niya ay hinding-hindi ako bibitaw sa aming dalawa. Patuloy akong aasa na babalik siya.

Alas-sais na ng hapon at nilamon na ng dilim si haring araw. Nakaupo lang ako ngayon dito sa bench, tanaw ko dito sa pwesto ko ang Taal. Napakaganda lang talaga ng view dito. Dati katabi ko si Ydric dito sa same spot kung saan ako nakaupo ngayon. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang tinititigan ang Taal.

Magtatagal lang kami ng ganun tapos kwentuhan, saka magrereminisce ng mga nangyari sa amin. Ang saya lang. Sana maibalik yun. Bumalik ka na kasi Ydric, please!

Maghihintay ako hangga't hindi magsasara 'to hindi ako aalis. Babalik siya, alam ko. Tapos sasakay kami sa Sky Eye, katulad ng ginagawa namin noon at saka lang kami makukuntento at uuwi.

8:30 pm

Naghihintay na nga lang ba ako sa wala?

Bwisit ka naman Ydric ih! Sasapakin talaga kita pagbalik mo!

Mukhang tanga na ako dito tapos umiiyak pa ko buti nalang talaga at mahaba ang buhok ko at wala masyadong nakakapansin. Hindi ko kasi mapigilang umiyak. Ydric kasi ih!

Binuksan ko naman ang bag ko para kumuha ng panyo ng biglang umilaw ang cellphone ko. Naka-silent kasi ito at simula kanina ay hindi ko ito binubuksan. Hindi naman ako nag-taka ng kunin ko 'to. 278 messages at 359 na missed calls. Nag-aalala na sila. Tinignan ko naman ang mga messages, galing kay Vielle, Steff at kay Seige. Halos paulit-ulit lang pero halata mo sa mga message nila ang pag-aalala. Lalo na kay Seige. Tinignan ko naman ung mga missed calls, sila parin naman pero karamihan doon ay kay Seige.

Inilagay ko nalang ulit sa bag ang cellphone ko. Mamaya nalang ako magpapaliwanag sa kanila. Hihintayin ko muna siya. Babalik siya. Sana talaga bumalik siya.

SEIGE

Papasok na ako ngayon sa school at hiniram ko ang Ranger ni Dad. Napag-isipan ko kasi na sa SM Calamba ko nalang dadalin si Frielle para manuod ng sine at magliwaliw narin mamaya.

Alas-nuwebe ng umaga ang start ng klase ko at Alas-diyes naman kay Frielle. Tapos Alas-tres ng hapon naman ang awas niya samantalang ako naman Alas-dos. Ok 'yon medyo matagal-tagal din kami sa SM mamaya, kaya lang huwag lang sana kaming ma-traffic sa Los Banos. Pero ok lang din, kasama ko naman siya ih! *smile

Ilang saglit lang ay nakarating na ako dito sa University na pinapasukan namin ni Frielle. Agad ko namang ipinarada yung kotse ni Dad at saka dali-daling pumunta sa classroom namin. Medyo malapit na kasing mag-time at ayokong malate.

Thanks god at hindi naman ako nalate, ang katunayan nga niyan ay yung instructor namin ang late. Mabilis lang nagdaan ang oras at yung one hour na klase namin ay agad na natapos. Agad naman kaming lumipat sa next room na assigned kung saan kami magka-klase at wala pa si Arch. De Silva, yung next instructor namin. Kaya itong mga kaklase ko, mga nagkukwentuhan pa.

"Pre, nakapag-review ka na ba sa quiz natin mamaya kay Maam Rellado mamaya?", si Marco classmate ko.

"Oo pre, nakapag-review naman kahit papaano"

"Good! Sisimplehan ko ng tingin yung sagot mo mamaya ha!", maloko namang sabi niya.

"Baliw ka! Baka mahuli ka ni maam"

"Nako hindi yun! Haha"

Magsasalita pa sana ako, kaya lang biglang pumasok sa room si Arch. De Silva at agad naman na nagsi-ayos ng upo ang mga kaklase ko.

Pangarap ko talagang maging isang Architect. Bata palang ako kapag tinatanong ako kung anong gusto kong maging paglaki ko, isa lang palagi ang sinasagot ko "Gusto ko pong maging Architect". Kaya sobrang dedicated ako, pangarap ko to eh! At saglit na saglit nalang malapit na ako sa katotohanan.

Palagi akong nagsu-summer para mag-advance class. Kaya ayon sa computation ko baka 1st sem next year makumpleto ko na ang lahat ng units ko. Malapit ko ng matapos ang kurso ko. Yehey!

Nasa kalagitnaan ako ng klase ng maramdaman kong magba-vibrate ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha ito at pasimpleng tinignan kung sino ang natxt.

"Seige, kasama mo ba si Frielle? Wala kasi siya dito sa klase namin eh!"

Si Steff ang nagtxt. Bakit kaya hindi pumasok si Frielle.

"Hindi Steff, may klase din ako ngayon eh!"

Agad ko namang sinend ito at hindi rin nagtagal ay nag-reply na siya.

"Kakatanggap ko lang ng text kay Vielle ngayon. Kanina pa raw umalis si Frielle"

Bigla naman akong kinabahan. Saan naman naman kaya pumunta yun?

"Tinawagan mo na ba? Try kong tawagan"

Dinial ko naman agad ang number ni Frielle, pero nagri-ring lang ito. Hindi siya sumasagot sa tawag ko.

Gusto ko ng lumabas ng room para hanapin siya, kaya lang may ilang minuto pa kami bago mag-time.

Bakit kanina parang ang bilis ng oras, pero ngayon parang nananadya. Ang bagal! Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagpabalik-tingin sa relo ko. Bakit ang tagal matapos ng klase ko. Nakakaasar!

Nang na-dismiss na ang klase ay agad akong lumabas ng classroom at agad hinanap si Frielle. Sinimulan ko muna siyang hanapin dito sa University. Lahat ng pwede niyang puntahan at tambayan ay pinuntahan ko. Kung sino-sino narin ang pinagtanungan ko, pero wala parin.

Paulit-ulit ko rin siyang tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.

Wala siya dito sa school. Pumunta ako kaagad sa parking area para kunin ang kotse ni Dad.

Hindi na ako papasok sa next class ko. Bahala na kahit may quiz kami ngayon. Ang mahalaga ay mahanap ko siya.

Pinuntahan ko ang lahat ng pwedeng puntahan ni Frielle dito sa amin. Sa simbahan, sa park, kung saan-saan na ako nakarating pero hindi ko talaga siya makita. Hindi parin siya sumasagot sa mga tawag ko. Nasaan ka ba Frielle?

VIELLE

Nakakaloka naman 'tong si Ate. Nawiwindang kaming lahat dahil sa kanya. Maaga siyang umalis pero hindi naman siya pumasok.

Nakakailang tawag na nga sa akin si Ate Steff, lalo na si Kuya Seige. Tsine-check nila kung nakauwi na raw si Ate Frielle. Pero wala! MIA parin yung lukaret kong Ate.

Lahat kami hinahanap siya, except kay Lola Lori at Lola Mori. Hindi ko na kasi pinaalam kila Lola, ayoko na silang mag-alala. Buti nalang talaga wala akong pasok ngayon, kaya nakaka-tulong ako sa paghahanap. Pumunta ako sa bahay ng mga kamag-anak namin at sini-simplehang itanong at tignan kung naroon si Ate. Buti nalang talaga magaling akong magpalusot.

Nang mapuntahan ko na ang lahat ng naiisip kong pwede niyang puntahan ay bumalik na ako sa bahay namin.

Agad naman akong dumiretso sa kwarto namin ni Ate at tinignan ko baka may mga clues dito na pwedeng magpaturo kung nasaan si Ate. Taray! Daig ko pa ang imbestigador.

Mahihila ko talaga ang buhok ng babaeng yun, pag nakita ko eh!

Mag aalas-sais na ng gabi pero wala parin si Ate. At ako, ito naghahalungkat parin. Bahala siya! Siya mag-ayos at maglilinis ng mga to mamaya pag-uwi niya.

Nang makaramdam naman ako ng pagod ay naupo ako sa gilid ng kama ni Ate. Grabe Ate! Nasaan ka ba?

Ilang minuto rin akong nanatiling naka-upo doon at nag-iisip ng mga lugar, kung saan pwedeng naroon siya.

Bakit naman kasi ganon ma-inlove ang Ate ko. Yung pagka-tanga niya, next na sa pagiging luka-luka.

Grabe kasi yang Ydric nayan eh! Sisipain ko talaga siya sa bayag, kapag nakita ko siya. Kaimbiyerna! Imbis na natutulog ako ngayon. Kaasar.

Nag-angat naman ako ng tingin at nilibot ng mga mata ko ang buong kwarto namin, at napukaw ng pansin ko ang kalendaryo namin dito sa kwarto. May bilog kasi yung number 18.

18? July 18? Ano nga bang meron sa July 18?

Patuloy parin ako sa pag-iisip kung anong meron sa araw na ito, nang mahagip ng mata ko ang collage ng mga pictures ni Ate sa pader. Agad namang napukaw ang mga mata ko ng picture nila ni Ydric. Pareho silang naka-ngiti dito at background ang Sky Eye ng Sky Ranch sa Tagaytay.

Agad namang nanlaki ang mga mata ko ng may biglang pumasok sa isip ko. Shocks! Bakit hindi ko agad naisip yun. Tanga mo talaga Vielle! Pero witty ka parin. Pede ka na sa SOCO.

Anniversary ngayon nila Ate Frielle at Ydric. At tuwing Anniversary nila nagpupunta sila sa Sky Ranch. Agad ko naman kinuha ang cellphone ko at saka dinial ang number ni Kuya Seige. Agad naman niyang sinagot ito.

"Kuya Seige, mukhang alam ko na kung nasaan si Ate."

SEIGE

"Kuya Seige, mukhang alam ko na kung nasaan si Ate"

Pambungad na salita ni Vielle, pagka-sagot na pagka-sagot ko pa lang ng tawag niya.

"Talaga! Saan?", medyo aligagang tanong ko naman sa kanya. Gustong-gusto ko na talagang makita si Frielle.

"Mukhang nasa Tagaytay siya Kuya. Sa Sky Ranch. Ngayon kasi ang Anniversary nila ni Ydric at palagi silang napunta dun." Tagaytay? Ano ka ba naman Frielle. Pwede ka namang magpasama sa akin. "Pero hindi ko rin sigurado Kuya, pero sa tingin ko isa yon sa pwede niyang puntahan", dagdag pa niya.

"Ok lang, pupunta ako doon ngayon. Hindi naman masamang magbakasakali. Baka nandoon talaga ang Ate mo" Pinilit kong maging mahinahon. Kanina ko pa nga tinatry maging mahinahon, pero sa loob-loob ko nagpa-panic na ako. Nangangamba ako na baka may masamang mangyari sa kanya, mag-isa pa naman siya."Sila Lola Lori at Lola Mori, kamusta?"

"Walang alam sila Lola, Kuya. Hindi ko narin sinabi, kasi ayoko silang mag-alala"

"Ok sige, kapag hinanap nila Lola ang Ate mo, sabihin mo kasama ko"

"Ok Kuya, Salamat sa paghahanap kay Ate"

"Wala yon. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita"

"Ok Kuya, salamat talaga!"

Pagkasabi non ni Vielle ay agad kong in-end yung tawag. Nagpatuloy lang ako ngayon sa pagmamaneho. Now, I'm on my way to Tagaytay.

Sangkatutak na traffic ang sinuong ko. Sa Los Banos palang at saka sa Calamba, katakot-takot na pasensya ang nailabas ko. Bakit kung kailan meron kang isang bagay na kailangang gawin, saka naglalabasan ang mga hadlang.

Umabot din ako ng ilang oras dahil sa lintik na traffic na yan, at ngayon binabaybay ko na ang SLEX.

Alam ko walang kasiguraduhan ito pero hindi naman masamang magbaka sakali diba? Sana naroon siya...sana talaga! Hanggang ngayon kasi, ayaw niya paring sumagot sa mga tawag ko.

Nakakaramdam narin ako ng pagod. Si Mom, nagtetxt narin sa akin at tinatanong kung nasan na raw ako. Ayokong mag-sinungaling kay Mom, kaya sinabi ko sa kanya ang totoo. Nag-aalala din siya at sinabing mag-ingat daw ako lalo na't may dala akong kotse.

Akala ko magiging smooth lang ang araw na to. Pupunta kami sa SM, manunuod ng movie, tapos kakain. Hindi ko naman akalain na isang nakakapagod na hanapan ang mangyayari ngayong araw.

Bakit ba kasi kailangang humantong sa ganito? Ang sarap manisi. Pero wala namang magagawa yun diba? Kahit sisihin ko si Ydric ng paulit-ulit, hindi naman nun mahahanap si Frielle.

Makita ko lang talaga si Frielle ngayong gabi. Ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat, makalimutan niya lang ang gagong yun. Aaminin ko na sa kanya ang nararamdaman ko.

Alas nuwebe medya ng makarating ako dito sa Sky Ranch. Agad naman akong nagbayad ng entrance at nagmamadaling pumasok dito. Kailangan kong magmadali dahil 10 pm ang closing nila.

Nilibot ko ang buong Sky Ranch, kahit nga sa CR ng babae pasimple akong pumasok. Buti nalang talaga at medyo kakaunti na ang tao dahil magsasara na to.

Patuloy parin ako sa paghahanap pero hindi ko parin siya makita. Nag aalisan narin ang mga tao. Mukhang wala sya dito. Nasaan ka ba talaga Frielle?

Hingal na hingal naman akong lumabas ng Sky Ranch. Lakad-takbo kasi ang ginawa ko, makita lang siya. Kumbinsido na talaga akong wala siya dito. Halos wala ng mga tao, mga nagsisiuwian na. Nang makalabas naman ako ng Sky Ranch ay agad naman akong dumiretso sa kotse ni Dad.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng driver seat ng mahagip ng mga mata ko ang isang babaeng kakalabas pa lang ng Sky Ranch.

Natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha. Mabagal ang paglakad na ginagawa niya, parang ambigat ng mga hakbang niya.

Hindi ko na itinuloy ang gagawin ko, at tinitigan ko nalang ang babaeng naglalakad sa malayo. Agad naman akong nanakbo papalapit sa babaeng iyon, sa kanya. Siguradong-sigurado ako siya to, si Frielle to.

Nandito nga siya. Bakit hindi ko siya makita kanina sa loob. Pero baliwala na yon, ang mahalaga nakita ko na siya.

Parang nawala ang pagod ko. Yung kaba, yung pag-aalala ko parang bulang nawala. Ang gusto ko nalang gawin ngayon ay ang yakapin siya. Yakapin ng sobrang higpit.

Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang niyakap. Sobrang higpit ng pagka-yakap ko sa kanya. Hindi na talaga kita papakawalan.

"Bakit ka umalis? Bakit hindi ka man lang nag-paalam", sabi ko habang nakayakap parin sa kanya. Medyo mataas ang boses ko ng sabihin ko iyon sa kanya. "Pwede ka namang magpa-sama sa akin. Alam mo ba kung gaano mo kami pinag-alala?", dagdag ko pang sabi sabay kalas ko ng pag-kayakap ko sa kanya at hinawakan ang mga balikat niya. Tinitigan ko naman ang mukha niya, pero nakatungo siya.

Tahimik lang siya pero nakatungo parin. Nakita ko naman ang pagtulo ng mala-kristal na likido mula sa mga mata niya. Agad ko namang hinawakan ang baba niya at inangat ang tingin niya sa akin.

Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya, at mas tinutok ito sa mga mata niya. Hindi parin niya ako tintignan. Iniiwas niya ang tingin niya sa akin. Ayaw niya akong tignan.

"Tumingin ka sa akin", ma-awtoridad kong sabi sa kanya. Gusto ko namang magmatigas sa kanya ngayon, kasi once na magtama ang mga mata namin at marinig ko na naman ang boses niya, lalambot na naman ako.

Nasindak siguro siya sakin at kaagad na tumingin, diretso sa mga mata ko. Sabi na eh! Titiklop talaga ako, magtama lang ang mga mata namin.

Hindi na ako ulit nagsalita pa. Pinunasan ko nalang ang bakas ng luha sa mga pisngi niya gamit ang mga daliri ko. Ngayon, ako naman ang nag-iwas ng tingin at siya naman ang nakatitig sa akin. Why can't I resist her? Bakit ba kasi siya ang kahinaan ko?

"Uwi na tayo!" Hinawakan ko ang kamay niya at saka nagsimulang maglakad. Sumunod nalang siya sa akin at saka kami naglakad papunta sa dala kong kotse.

"Umasa ako. Akala ko babalik siya" napatigil naman ako ng nagsalita siya. Agad ko naman siyang tinignan pero nakatungo ulit siya. "Importante kasi sa amin ang araw na to. Akala ko kasi talaga. Aka-la―"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya. Mas lalong lumala ang iyak niya. Binawi naman niya sa mga kamay ko ang kanang kamay niya at ngayon ay takip na ng dalawang palad niya ang mukha niya, habang umiiyak.

Ayoko talagang nakikita siyang nagkakaganito. Letse talaga!

Tinanggal ko naman ang dalawang kamay niya sa pagkakatakip sa mukha niya at saka siya niyakap. Hinayaan ko nalang siyang umiyak sa dibdib ko.

Gusto kong makaramdam siya ngayon ng pag-alaga. Kailangan niya ngayon ng isang tao na handang damayan siya at pagaanin ang loob niya.

"It hurts me seeing you like this Frielle. Kung puwede ko lang akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo gagawin ko. Kung alam ko lang na mangyayari 'to sana noon pa sinabi ko na sa'yo at baka sakaling mabago pa ang lahat. Kasi ako alam ko sa sarili ko na hinding-hindi kita sasaktan kagaya ng ginawa ni Ydric sa'yo", hindi ko na napigilan ang sarili at parang may kusang buhay ang bibig ko at dire-diretso kong nasabi ang mga katagang 'yon. Heto na 'yon! Nasimulan ko na at wala ng urungan 'to. "Noon palang mahal na kita Frielle", pagkasabi ko noon ay naramdaman ko ang biglang pagkalas ng yakap niya sa akin. "Sobra akong naging duwag noon at hindi ko man lang nagawang sabihin sa'yo ang nararamdaman ko. Naduwag ako at ayoko ng maging duwag muli. Mahal na mahal kita Frielle, sobra!" Habang sinasabi ko ang masalitang 'yon mariin lang siyang nakatangin sa mga mata ko. May kung ano sa mga mata niya na humahalukay sa pagkatao ko at tila kinukwestiyon kung totoo ba ang lahat ng mga salitang sinabi ko.

Simula ng sabihin kong mahal ko siya ramdam ko na may nag-iba. Naramdaman ko ito sa biglang pagkalas ng mahihigpit niyang yakap sa akin. Nakikita ko rin ito sa mga titig niyang nanunuri.

Nasabi ko na. Hindi sa panahon,  pagkakataon at lugar na inaasahan ko. Malayong-malayo sa tagpong binubuo ko sa isipan ko. Wala sa plano at hindi man akma sa inaasahan pero ang mahalaga nasabi ko na. Mahal ko siya.