webnovel

Three

~3~

*Her ways*

STEFF

Mas gugustohin ko pang kumain mag-isa kaysa kumain kasama ang isang parang patay na bata. Kanina pa ako dada ng dada dito pero itong bestfriend ko ayon tulala na namam, lumulutang ang isip sa kawalan.

Nung isang linggo lang grabeng pag-aalala ang ginawa sa amin ng babaitang 'yan! Paano ba naman kasi itong luka-lukang 'to nag-missing in action bigla at dahil ako naman itong si dakilang bestfriend sobrang nag-alala. Malay ko ba kasi baka nagpatiwakal na 'to. Sobra kasi ang pagka-broken hearted at parang anytime-soon makikita nalang palutang-lutang sa Laguna de bay ang katawan nito.

Hindi ko din naman kasi siya masisisi, kumulang limang taon din ang naging relasyon nila kaya nakakahinanayang nga naman talaga kung basta-basta nalang magwawakas ng ganun-ganun lang. Sobrang mahal ng bestfriend ko si Ydric at saksi ako doon. 

Minsan narin naman nasubok ang relasyon ng dalawang 'yon. Ayaw kasi ng Daddy ni Ydric kay Frielle noon pero pinaglaban nila ang pagmamahalan nila at eventually nga ay natanggap rin ng Daddy ni Ydric ang relasyon nila ng bestfriend ko. After noon naging ok na naman sila parang ang perfect nga ng relasyon nila eh! Pero nagkagulatan nalang talaga ng biglang makipaghiwalay si Ydric kay Frielle without knowing the reasons why.

Wala naman akong problema kay Ydric dahil napaka-bait ng taong 'yon. Kaya sobra kong ikinagulat ang ginawa niya kay Frielle. Galit ako sa ginawa niya pero alam ko na may matinding dahilan kung bakit niya nagawang saktan ang bestfriend ko pero sana lang naman kung ano man ang dahilan niya sana ay idinaan niya sa maayos na usapan. Kung hindi na niya mahal ang bestfriend ko sabihin niya hindi yung nakipagbreak siya at huhulaan namin kung bakit.

Ngayon sumisingit na naman sa picture si Seige. Ang totoo niyan highschool palang ay bet ko na 'yang si Seige para sa bestfriend ko. Ako kaya ang founder ng Seille kaya lang itong si Koya, napakatorpe! Kaya ayun naunahan ni Ydric. Noong una nga ayoko ko kay Ydric para kay Frielle kasi nga diba ako ang founder ng Seille saka mas kilala ko si Seige. Pero wala eh! Ambagal ni loko at heto namang si bestfriend nahulog na sa bangin. Kaya ang kinalabasan sawi si Seige at kasabay noon ang paghimlay ng fansclub ng tambalang Seille. Pero hindi naman pala talaga siya nahimlay, na-shelved lang at mukhang ngayon ang continuation.

Hanga din ako kay Seige. So far so good. Pakitang gilas si loko! Sobrang desidido talaga siya ngayon at buo ang loob kahit alam naman natin na hindi magiging madali dahil brokenhearted pa nga ang gaga kong bestfriend. Hindi mo din naman masisisi. Siguro dahil ayaw niya narin sigurong sayangin yung chance na 'to.

"Hi Frille, Hi din Steff", speaking of, nandito na pala si Seige. Halululu.. nagpapacute si Koya kay Frielle oh! Todo ngiti pa ang loko.

Naupo naman siya sa tabi ni Frielle kaya kaharap ko silang dalawa ngayon. May kinukuha naman si Seige sa dala niyang paper bag at ng ilabas niya ito bigla akong naglaway. Itinabi ko bigla yung kinakain kong Lasagna kanina. Isang tupperware na naglalaman ng chocolate cake ang inilabas niya mula sa paper bag at saka ipinatong sa lamesa.

"Nagbake si Mommy ng chocolate cake kaya nagbaon ako ngayon", nakatingin si Seige kay Frielle pero si Frielle, lumilipad.

"Thank you Seige! Sa wakas matitikman ko na ulit ang cake na bake ni Tita", sabi ko at feeling ko talaga nagniningning ang mga mata ko ngayon.

Agad naman tumingin sa akin si Seige. "Anong sinasabi mo? Para kay Frielle lang yan!", yung nagniningning na mata ko biglang naningkit. Sinamaan ko nga ng tingin si Seige.

"Andamot mo naman... pahingi ako!", sabay hawak ko sa tupperware na may cake pero hinawakan niya rin to.

Itong si Seige gwapo sana pero madamot. Charot!

Inilabas ko ang lahat ng lakas ko para maagaw 'yun sa kanya pero malakas siya, kaya lang matalino yata 'to at naisahan ko si loko. Ginamit ko yung kaartehang taglay ko at nagkunwari na biglang naging seryoso at puno ng pag-aalala ang mukha kong nakatingin kay Frille, at ito namang si Seige nadala. Lumingon siya kay Frielle at 'yon ang naging hudyat ko para agawin sa kanya ang tupperware na may lamang cake. Iba talaga ang tama nito kay Frielle.

"Akin na yan!", Inaabot niya sa akin ito pero nilalayo ko naman. Mabilis ko naman dinampot yung tinidor na gamit ko kanina at saka binuksan itong tupperware at saka nilantakan 'tong cake.

"Onjii lwang nyoman", namumualam ko namang sabi. Naupo nalang si Seige doon at masama ang tingin sa akin. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako ulit nagsalita. "Titirhan ko naman si Frielle, don't worry!", pagkatapos ay nginitian ko siya. Yung ngiting wagi.

"Oo na sige na kumain ka na diyan kahit ayoko man, wala na akong magagawa. Para kay Frielle lang kasi talaga yan eh! Pero dahil kinain mo na at nalunok mo narin ay tatanggapin ko nalang", ano na namang pinag-iinarte nito? Parang cake lang eh! "Maya-maya siguro eepekto na yung gayuma na inilagay ko diyan", agad naman akong napatigil sa pagkain at nanlalaki ang mga matang tinignan siya. Sobrang seryoso ng mukha niya.

Hindi ko alam kung lulunukin ko ba o iluluwa yung kinain ko. May gayuma talaga? Hindi naman kasi malayo na gayumahin niya talaga si Frielle kasi mukhang kailangan na kailangan niya talaga ng gayuma ngayon.

Magkatitigan kami ni Seige at sobrang seryoso na mukha niya. Feeling ko namumutla na ako ngayon. Nasa bibig ko parin yung cake na kinain ko.

Yung seryosong mukha ni Seige ay biglang napalitan ng isang malakas na tawa, yung klase ng tawa na parang walang bukas. Dahil narin sa pagtawa niya ng malakas ay pinatitinginan na kami ng ibang estudyante dito. Grabe napag-tripan na naman ako ng bwisit na 'to.

Agad ko naman nilunok yung kanina pang nasa bibig ko na cake at saka kinuha yung takip ng tupperware at saka ibinato kay Seige. Tinamaan naman siya sa balikat pero ang loko tuloy parin sa kakatawa.

Seriously Steff!? Naniwala ka talaga sa gayuma? Bwisit na Seige 'to akala ko talaga totoo. Paano na si Mavee ko kung nagkataon.

"Awat na Mr. Vernandez kung ayaw mong itong cake ang ibato ko sayp!", Agad naman humina ang tawa niya, halatang pinipigilan.

"Hindi mo talaga ako nabibigong patawanin Steff dapat pala nai-record ko yung kanina para makita mo ang reaksyon mo. Priceless eh!", Natatawa-tawang sabi niya. Kainis talaga to!

Ayoko na! Anti Seille na ako ngayon. Bwisit na talaga! Nawalan tuloy ako ng gana masarap pa naman yung cake. Kainis eh!

Kinuha naman ni Seige yung tupperware na may laman pang cake at saka inalok sa tulala paring si Frielle na nakatingin parin sa kawalan. Siguro hindi nito alam yung nangyaring pang-ttrip sa akin ni Seige ngayon-ngayon lang. Lutang eh!

Nilingon naman ni Frielle si Seige pero tinapunan lang nito ng tingin ang cake na inaalok sa kanya at pagkatapos ay ibinalik niya ulit ang tingin sa malayo. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha ni Seige at saka inilapag sa lamesa ang tupperware na naglalaman ng chocolate cake. Tumingin naman siya sa akin saka ako nginitian 'yong ngiting piso at saka nagpaalam na bibili daw muna siya ng makakain niya.

Kinuha ko naman ulit yung tupperware at saka nilantakan ang laman nitong cake. Bumalik bigla yung gana ko. Nakakalaway naman kasi talaga 'tong cake ni Tita Belle eh! Masarap kasi talaga. Kung ayaw mo Frielle, ako nalang ang uubos nito.

Minsan kahit gaano ka ka-desidido pero yung mga efforts mo naman nababaliwala, parang nakakawala narin ng gana.

Kaya bilib ako kay Seige eh! Kahit ilang beses na siyang baliwalain ni Frielle hindi siya sumusuko. Patuloy parin siya.

Mahal niya talaga ang bestfriend ko..

SEIGE

Alam kong napakababaw pero nalulungkot ako. Nalulungkot sa hindi niya pagpansin sa chocolate cake na dala ko. Ang totoo kasi niyan ay ako talaga ang nag-bake non. Gumising pa ako ng maaga para mag-bake pero mauuwi lang pala sa wala ang effort ko. Pinalabas ko na si Mom ang nag-bake kasi baka mas hindi niya pansinin kapag sinabi ko ang totoo kasi alam ko na hinding-hindi niya matatanggihan ang mga cakes at pastries na gawa ni Mommy.

Ang pag-amin ng totoong nararamdaman ko sa kanya ay nagdulot ng kaluwagan sa damdamin ko. Yung tipong nawala ung nakadagan na bato sa puso ko ng pagkatagal-tagal na panahon. Finally, alam na niya. Hindi man sa panahon at pagkakataon na nai-imagine ko pero atleast nasabi ko na at alam na niya. Kaya lang simula ng gabing 'yon ang daming nag-iba at isa na doon ang pakikitungo niya sa akin. Pakiramdam ko sobra siyang naiilang sa akin ngayon at hindi na katulad dati na kahit tahimik siya ay ayos lang na palagi akong nasa tabi niya, pero iba ngayon.

Yung feeling na parang ayaw niya 'ko sa tabi niya. Hindi niya naman ako itinataboy pero parang ayaw niya ng presence ko. Ganun ang nararamdaman ko at ganun ang ipinaparamdam niya.

"Pogi, anong bibilin mo?", Pambungad na tanong sa akin ni Ate Tetchie, Isa sa mga tindera dito sa canteen.

"Ssshhh...", sabi ko sabay lagay ng hintuturo sa labi ko. "Huwag ka pong masyadong maingay Ate Tetchie baka may iba pang maka-alam na pogi ako", seryosong sabi ko. 

Natawa naman si Ate Tetchie. Marami na akong naging kaibigan dito sa University na ito at isa diyan si Ate Tetchie. Nakakatuwa din kasi si Ate dahil sobrang bait niya at syempre ang isa pang advantage ng pagkakaroon ng kaibigan sa canteen ay palaging may dagdag ang kahit anong lutong pagkain na bibilin mo.

"Ikaw na bata ka! Kahit naman hindi ko sabihin ay napaka-pogi mo naman talaga", sabi niya pa habang nakangiti kaya nawawala ang pares ng singkit niyang mga mata.

"Bolera ka na Ate!", salamat kay Ate Tetchie medyo nawala ang lungkot ko. "Ate Tetchie, yung paring dati ha!", dagdag ko pa.

"Yun paring dati? Baka naman magka-diabetis ka na niyan!"

"Hindi naman po siguro. Minsan nalang naman po ako nakain niyan saka kailangan ko yan ngayon Ate, comfort food ko yan eh!", pagpapaliwanag ko sabay tingin sa kanya ng may mukhang nagpapa-awa.

"O siya, eto na!", Sabi na nga ba walang palya ang paawa face ni Seige Gabriel Vernandez eh! Kay Frielle lang talaga hindi nagana 'to.

Umalis saglit si Ate Tetchie para kumuha ng dalawang Chuckie sa ref at pagkatapos ay kumuha din ng dalawang Cream-O at saka inabot sa akin.

"Bakit ka ba ulit malungkot? Dahil na naman ba sa kanya?", tanong ni Ate Tetchie sa akin pagka-abot niya ng Cream-O at Chuckie na binili ko at saka nginunguso ang kinaroroonan nila Frielle at Steff. Hindi na ako umimik at nginitian ko nalang siya at saka iniabot ang bayad ko sa kanya.

"Ok, mukhang si Ms. Ganda nga ulit", sabi ni Ate Tetchie.

Kumilos na ako paalis at tinutungo na ang daan papunta sa kinaroroonan nina Frielle at Steff. May kalayuan na ako sa kaninang kinaroroonan ko ng marinig kong sumigaw si Ate Tetchie.

"Seige, sukli mo!" Nu-bayan kapag ba gwapo malilimutin talaga?

Napabalikwas ako at muling tinungo ang daan papunta palapit kay Ate Tetchie pero ngayon may isang babae ng nakatayo sa harapan niya at naghihintay na tuunan siya ng pansin ni Ate Tetchie.

"Pasensya na Ate, gwapo lang talaga!", pagbibiro ko pa at saka kinuha ang sukli ko kay Ate Tetchie. Nginitian nalang din ako ni Ate Tetchie at hindi na siya nagsalita pa dahil nakakahiya nga naman doon sa babaeng naghihintay.

"Uy... Cassidy pasensya na! Anong sa'yo?", Ang narinig ko pang sabi ni Ate Tetchie ng makatalikod ako. Yun sigurong babaeng nakatayo kanina na nag-iintay sa kanya ang kausap na niya ngayon.

Naglalakad na akong muli palapit sa inupuan namin nina Frielle habang nilalagyan ko ng straw ang chuckie na binili ko. Hindi na talaga ako makapagpigil. Ansarap kaya nito!

Agad akong umupong muli sa tabi ni Frielle ng makalapit ako sa mesang ino-okupahan namin. Kagaya kanina malayo parin ang kanyang tingin tagos sa salamin ng bintana na katabi niya.

"Seige!" Agad naman akong napatingin sa tumawag sa pangalan ko at agad ding itinigil ang pagsipsip sa straw ng chucking iniinom ko. Si Steff ang nagsalita at ngiting-ngiti itong nakatigin sa akin at nakita ko pang may bahid ng chocolate ang ngipin niya. "Heto na yung tupperware mo, pakilikpit nalang!", sabi niya sabay isod papalapit sa akin ng tupperware na pinaglagyan ko ng chocolate cake.

Nginitian ko lang si Steff at saka inabot yung tupperware. Ok na din siguro 'to. Kahit hindi nangyari ang inaasahan ko atleast hindi nauwi sa wala yung effort na ginawa ko. Hindi man nakain ng taong pinaglalaanan ko talaga nang pagkaing pinaghirapan kong gawin, ok na siguro na inubos yun ni Steff. Atleast hindi nasayang kaya lang yung lungkot na nararamdaman ko, hindi parin maalis.

***

"Pare ayun oh! Malusog" ―Marco

"Oo nga pre anlaki, kaya lang hipon" ―Liam

"Ayon yung isa, doon sa may puno. Ang ganda oh!" ―Harvey

"Lollipop pre! Baka hindi ako makahinga kapag dinaganan ako niyan" ―Liam

Manyak talaga tong tatlong 'to! Naghuhunting na naman kasi sila. Akala mo naman kung sinong malalakas ang loob, eh hanggang ganyan lang naman ang kaya nila.

Nandito kami ngayon sa shed sa tabi ng activity center. Sa left side nito ay naroon ang open ground kung saan naroon ang mga estudyanteng nakatambay at yung iba naman ay naglalaro.

Nakaupo kaming apat dito sa lamesa nitong shed habang naka-harap sa open ground. Busy sa pag-huhunting tong tatlong 'to samantalang ako heto nakapalumbaba at nakapatong ang mga siko sa aking hita.

Naririnig ko ang mga kabalbalang pinagsasabi nilang tatlo kaya lang wala doon ang focus ko. May iniisip kasi ako. Nakakapanibago ba kapag sinabi kong si Frielle ang iniisip ko?

"Tangina mga pare, tignan nyo yun oh! Ang ganda tapos ang sexy pa, sarap!", manyak na manyak na sabi ni Liam sabay turo sa kinaroroonan nung babae.

Agad namang nakuha nun ang pansin ko. Tinignan ko din ito at totoo nga ang sinabi ni Liam, maganda nga ito at ang sexy pa. Napakaamo pati ng mukha niya na parang anghel, parang si Frielle.

"Hala oo nga! Ice cream pre.", Harvey the manyak number 2.

"Kain lahat!", sabay na sabi ni Liam at Marco.

"Kaya lang apat ang mata pre", dagdag pa ni Marco. Nakasalamin kasi yung babae pero ok lang, hindi naman kabawasan sa kagandahan niya yun. "Pero ok lang narin. Hindi naman siya ang kakapa sa dilim eh! Ako naman.", Napaka-manyak talaga!

"Manyak mo! Tigilan niyo na nga yan!" Binatukan ko si Marco, katabi ko kasi siya. Sobra na kasi ang kamanyakan nila dapat kasi ang babae ginagalang, turo yan ni Mom sa akin. Saka yun naman talaga ang nararapat.

"Janitor here! Nagmamalinis. KJ mo pare, alam mo yun?", si Marco sabay himas sa batok niya.

"Alam mo pre, maki-join ka nalang sa amin. Ang daming isda oh!" ―Liam

"Ayoko, faithful ako kay Frielle", bumalik ako sa pag-pangalumbaba at saka itinuon ang tingin sa open ground.

"Faithful? Eh hindi naman kayo ah!", Pagkatapos sabihin ni Harvey 'yon ay hinawakan niya ang magkabila kong balikat at saka ako iniharap sa kanya. Nanatili parin ang mga kamay niya sa balikat ko at saka ulit nagsalita. "Saka pare ang dami diyan. Huwag mo namang ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw sa'yo. Tandaan mo hindi ka yung tangang isda sa loob ng sardinas. Tao ka pre, tao ka!", dagdag pa niya na uma-acting pa at kasabay nga nito ang pagyugyog niya sa akin.

Agad ko namang tinabing ang kamay niya ng matapos siya sa kaartihan niya. Bwisit na to! Makikita niyo mamahalin din ako ni Frielle. Itaga niyo yan sa bato.

"Pakyu ka pre, alam mo yun? Saka makikita niyo mamahalin din ako nun!", sabay tingin ko sa kanila at determinadong sinabi yun.

"Edi... meow!", Sabi ni Liam saka sila nagtawanang tatlo. Pagtawanan niyo ko ngayon, makikita niyo! 

Nagpatuloy lang ulit sa pang-mamanyak yung tatlo. Ganyan lang naman talaga ang tatlong yan pero mababait naman sila.

Nagkapalumbaba nalang ulit ako. Tinitignan ko yung mga estudyante na nandito sa open ground at saka inilibot ang tingin ko. Dumako ito sa lugar kung nasaan yung babaeng sinabihan nila ng ice cream kanina. Nakita ko siyang nakatingin dito sa kinaroroonan namin at ng mapansin niyang all eyes kaming apat sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin at saka binaling sa ibang direksyon. Hindi ko alam pero napangiti nalang ako.

***

"Frielle, kain tayo kay Tita Meki mamaya ha!" Nandito kami ngayon ni Frielle sa library. Meron daw kasi siyang kailangang iresearch. Sumama nalang ako sa kanya tapos narin naman ang klase ko. "Miss na miss ko na kasi yung empanada ni Tita" Hindi parin siya kumikibo. Patuloy lang siya sa pagi-scan nung librong hawak niya.

Paborito naming puntahan ang empanadahan ni Tita Meki noong highschool pa kami. Pagkatapos ng klase namin noon dumideretso na agad kami sa karinderya ni Tita ang sarap lang kasi talaga ng empanada ni Tita Meki saka yung spaghetti at baked mac niya. Heaven!

"Punta tayo ha!?", nakangiti kong sabi sa kanya pero parang wala siyang narinig patuloy lang siya sa pagbabasa sa hawak na libro.

Dahil library 'to kailangan tahimik. Kaya hindi narin ako nangulit wala din naman siyang magagawa kasi sisiguraduhin kong pupunta kami sa karinderya ni Tita Meki. Nanatili nalang akong tahimik mahirap na kasi baka masigawan pa ako ni Mama dito. Yung nanay sa Atashin'chi, real life version kasi nung librarian dito yun eh!

Dahil wala naman akong magawa ay kinuha ko nalang yung sketch pad at yung charcoal pencil sa bag ko. Magda-drawing nalang ako. Matagal narin yung huling beses na nahawakan ko ito. Medyo naging busy nadin kasi sa Acads saka bihira nalang din akong makakuha ng inspirasyon.

Sobra akong ganadong mag-drawing ngayon. Syempre nasa harapan ko ba naman ang inspirasyon ko.

Highschool palang iginuhit ko na siya. Simula first page hanggang sa pinakahuli ay mukha niya lang ang nakaguhit don. Nakadalawang sketch book na nga ako na panay mukha lang niya ang nakaguhit. Nakatago ang mga sketchbook na 'yon sa kwarto ko at balak kong ibigay 'yon sa kanya kapag mahal na niya 'ko.

Nagsimula na akong iguhit siya. Ang ganda niya talaga. Yung ilong niya, yung mga labi niya, yung mga mata niya. Lord, pwede po bang pagtugmain niyo na po ang nararamdaman namin? Hulog na hulog na po kasi ako, siya nalang po ang hindi. Hayaan nyo po, bilang kabayaran mamahalin ko po siya ng sobra-sobra hanggang forever.

Balik-tingin ang ginawa ko sa kanya at doon sa ginuguhit ko. Siya, seryoso parin sa ginagawa niya. Alam ko pampalipas oras ko lang 'to pero sobra akong nag-eenjoy sa ginagawa ko. Ang sarap lang kasi niyang tignan.

Hindi ko na namalayan ang oras, ni hindi ko na nga napanpansin ang mga taong nagpapanik-panaog dito sa loob ng library.

Tinignan ko ang oras sa relo ko. Dalawang oras na pala kaming nandito, ang oras nga naman talaga.

Nasa final touch na ako nitong dino-drawing ko ng biglang tumayo si Frielle para ibalik yung librong hiniram niya. Pinagmasdan ko lang siya habang lumalakad palayo sa akin.

Kahit sa malayo ang ganda niya parin. Akin ka nalang please..

Sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makabalik siya dito sa table kung saan kami nakaupo. Napapatulala nalang talaga ako sa kanya.

Wala ako sa wisyong nakatitig parin sa kanya habang nililigpit na pala niya ang kanyang mga gamit. Dali-dali ang ginawa niyang pagligpit sa mga ito na nakapatong sa lamesa at nang matapos siya ay agad na tinungo ang daan balabas dito sa library.

Parang tanga parin akong nakatingin sa kanya at agad naman akong napabalikwas sa pagkaka-upo ng magrehistro sa utak ko ang pag-alis ni Frielle.

Nagmamadali akong tumayo sa aking kinauupuan bitbit ang sketch pad ko. Kailangan ko siyang maabutan at baka kung saan na naman siya pumunta. Mabuti nalang dahil hindi pa siya gaanong nakakalayo kaya naabutan ko siya.

Pauwi na kami. Pupunta muna kami kay Tita Meki, kakain tapos ihahatid ko na si Frielle sa kanila. Palabas na kami ng University at inilalagay ko na rin sa bag yung sketch pad ko ng mapansin kong may nawawala.

Naiwan ko yung charcoal pencil ko sa library. Tsk! Derwent din yun. Hayaan na nga! Ang importante maiuwi ko na si Frille sa kanila, pero siyempre kakain muna kami. Miss ko na talaga yung empanada ni Tita Meki. Mukhang magiging invisible ng kaonti ang abs ko ah! =)

FRIELLE

I'm not okay at hindi ko alam kung magiging okay pa 'ko. Umasa ako na sa importanteng araw na 'yon ay babalik siya. Akala ko. Akala ko lang pala.

Kasama ko ngayon si Seige dito sa karinderya ni Tita Meki. Paborito namin itong tambayan noong highschool pa kami dahil sa sarap ng mga lutiin ni Tita lalo na ang empanada niya. Simula yata noong nag-college ako ay hindi na ako ulit nakabalik dito at masasabi kong na-miss ko talaga ang luto ni Tita Meki. Panandaliang nakakawala ng lungkot at nakakalimot ng problema.

Isa pa sa pinoproblema ko ngayon ay si Seige, ang pag-amin niya sa akin ng gabing 'yon. Aaminin ko naiilang ako sa kanya hindi ko kasi lubos maisip na ganoon na pala ang nararamdaman niya sa akin. 

Nang dahil sa pag-amin niya naging malinaw sa akin ang lahat. Noong highschool kami si Seige ang maituturing kong guy bestfriend ko pero noong nag-college kami biglang nag-iba ang lahat. Iniwasan niya ako at sobrang sakit para sa akin noon kasi pakiramdam ko nawalan ako ng isang bestfriend, kapatid at taga-protect sa akin. Mabuti nalang nandiyan si Ydric at siya ang pumalit sa pwesto ni Seige. Hindi lang siya boyfriend, naging bestfriend ko din siya.

Ngayon alam ko na kung bakit siya umiwas sa akin at 'yon pala ay dahil sa nararamdaman niya pero hindi ko parin maalis and tampo ko sa kanya.

Hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan. Sinasadya ko talagang maging cold sa kanya para maramdaman niya na ayoko.  Ang pagiging cold ko sa kanya ang paraan ko para maipabatid sa kanya na ayoko pero alam kong hindi sapat ang pagiging cold para pigilan ang nararamdaman niya. Kailanagn ko pang makaisip ng paraan para hindi na maituloy ni Seige kung ano man ang pinaplano niya. Alam ko kasi na sa pag-amin niya ay umaasa siyang mabigyan ko siya ng chance pero nasabi ko na nga, AYOKO.

Habang busy si Seige sa pagkain ng carbonara at ng empanada ay tumayo ako sa pagkaka-upo at walang sabing naglakad papunta sa restroom. Hindi mo na nga masasabi na karinderya itong kay Tita Meki dahil para na siyang maliit na restaurant, anlaki na talaga ng pinagbago nito.

Nang makarating ako ng restroom ay agad akong dumiretso sa cubicle. Hindi naman nagtagal ay may narinig din akong mga boses na kakapasok palang dito sa restroom.

"Hindi ko na yata nakikitang pasunod-sunod sayo si Manolo?" Narinig kong sabi ng isang boses. Boses ng isang babae kasabay ng tunog ng pag-agos ng tubig mula sa gripo.

"Hindi na 'yon mangugulo sa akin", galing sa isa pang boses.

"Ha!? Bakit?", halata sa boses ang pagka-curious mula sa narinig.

"Natalo ko siya sa pustahan!"

"Ha!? Bakit? Paano!?", sunod-sunod na tanong niya kasabay ang pagtunog ng umaagos na tubig.

"Alam mo naman na hindi pa ako pwedeng mag-entertain ng mga manliligaw diba? Ayokong mahati ang atensyon ko ngayong running for valedictorian ako at mas ayokong ma-disappoint ang parents ko. Sa case ni Manolo sobrang pursigido niya at ayoko naring paasahin siya", tapos na ako sa dapat kong gawin dito sa C.R. pero hindi ko pa magawang makalabas dahil may parte sa akin na gustong malaman ang ikukwento ng babae dito sa loob ng restroom. "At kahit anong gawin kong pagtataboy sa kanya ay ayaw niya paring tumigil at alam ko sa sarili ko na hindi malayong mahulog din ako sa kanya", dama ko ang kalungkutan mula sa boses ng babaeng nagkukwento. "Kaya dumating na ako sa point na nakipagsapalaran na. Hinamon ko siya. Kailangan niyang makapasok sa Top 10 ng klase nila mula sa last spot. Alam ko na ang pag-aaral ang kahinaan niya. Easy go lucky siya kuntento nalang na pumapasa and knowing Manolo kahit na ganoon ang taong 'yon meron siyang isang salita kaya 'yon ang naisip kong i-challenge sa kanya at kapag nanalo siya magiging kami na pero kapag natalo naman siya, tatantanan niya na 'ko at hindi na kukulitin pa", the reason at yung bagay na ginawa niya ay sobrang childish pero kapag naman siguro may mga nakasaalang-alang na, ay kahit ano na siguro ay gagawin mo. At sa case ni Ate na nagkukwento ayaw niya ng magpatuloy pa yung lalaking nangungulit sa kanya dahil sa expectations ng parents niya at sa pagiging valedictorian niya. " Nakita ko ang pagsisikap niya. Sobra siyang nag-aral ng maigi... pero hindi parin niya kinaya, nanalo ako and he loose. From lowest rank sa klase nila naging Top 12 siya. Kasabay ng pagkatalo niya ay ang pagtupad niya sa usapan namin. Sinunod niya ang consequence ng pagkatalo niya. Hindi na niya ako ulit kinukulit pa." Habang nagsasalita ang babae ay naalala ko ang dating kami ni Seige. Mahilig kasi kaming magpustahan noon katulad ng mga score sa quizzes at exam, pataasan kami. Tapos minsan pinagpustahan din namin kung papasok ba ang math teacher namin sa period niya. Mga ganoong bagay lang tapos kung sino ang manalo sa pustahan manlilibre ng ice cream pagkatapos ng klase. 

Simpleng pustahan lang ang amin noon hindi ko naman akalain na maaaring gamitin pala ang larong 'yun sa ganito kakomplikadong paraan. Siguro ganun talaga mawala lang sa landas mo yung mga sagabal sa mga nais mo. Gagawin mo talaga kahit ang pinaka-wierd na paraan. 

"Kaya pala hindi ko na siya gaanong nakikitang umaaligid sayo", pagkasabi noon ay panandaliang nagkaroon ng katahimikan dito sa loob ng comfort room. "Pero Chloe kamusta ka? Masaya ka ba sa naging resulta?", ang tanong na siyang nagpawala ng katahimikan dito.

Wala na akong narinig pang ingay pagkatapos na itanong 'yon nung isang babae at maya-maya ay narinig ko nalang ang yabag ng paang nanakbo palabas nitong comfort room at ng isang tawag ng pangalan mula doon sa boses ng isang babae.

"Chloe...", ang huling narinig ko kasabay nito ay ang paglabas din nito dito sa C.R.

Minsan gagawa talaga tayo ng desisyon na sa tingin natin ay ang ikakabuti nang lahat. Hindi na natin naiisip ang kakalabasan kasi ang mas iniiisip natin ay ang ngayon. Mas nagf-focus tayo sa agarang solusyon ng hindi man lang naiisip ang magiging resulta.

Napaisip lang ako. Si Ydric kaya naiisip din ang kalalabasan ng pag-iwan niya sakin? Alam niya kayang sobra akong nasasaktan sa ginawa niya?

Ano ba kasi talaga ang tangi@#%g dahilan kung bakit niya ako iniwan?