webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
29 Chs

Chapter 2, part 2 : Dual dungeon incident

"A-ano ba ang nangyayari? Bakit hindi pa rin natin nakikita ang exit?" Halata mo sa panginginig ng boses ni Rachel ang matinding pangamba.

"Tumahimik ka nga. Nag-iisip ako." Sabat ni Crooked Nose.

Talaga naman kasing kataka-taka ang nangyayari. Paikot-ikot sila sa loob ng dungeon, pero sa tinagal-tagal ng pag-ikot nila wala silang nakitang exit. Normal na nagbubukas ang gate palabas sa isang natapos na dungeon. Paiba-iba ang pesto ng mga lagusan palabas, pero kailanman hindi pa ito nagkaroon ng kaso kung saan walang nagbubukas na lagusan. Kaya hindi mo masisisi si Rachel sa pagpa-panic n'ya. Normal na reaksyon ang pagkatakot at pagkabalisa sa mga bagay o pangyayaring misteryoso at walang kasiguruhan. Pero maliban doon lahat silang lima ay halos walang kakayahan lumaban dahil sa pagod sa labanan kanina lang. Kung sakaling magkaroon ng engkwentro, paniguradong sila ay magagaping lahat.

"Rachel kumalma ka. Walang maidudulot na maganda ang pagpa-panic. Sa totoo lang disadvantage 'yon. Hindi ka kasi makakapag-isip ng maayos dahil sa takot." Pagpapakalma ni Gen kay Rachel.

Muli silang naglakad-lakad hanggang meron silang nakitang engrandeng bukas na pinto. Ang kataka-taka nga lang doon ay yung makikita mo sa loob ng pinto. Puro kulay berdeng damuhan at mga puno. Maging asul na kalangitan. Kung itatanong mo sa kanilang lima kung ano ang kataka-taka, iyon ay yung mismong tanawing 'yon.

Palagi kasing bumubungad sa mga hunter na lumalabas ng dungeon ay ang mismong pinangalingan nila. Ibig sabihin, dapat ang makikita nila Clyde ay ang mesa sa tabi ng kwebang dungeon at ang clerk na nakatalaga roon. At malinaw na hindi ito 'yon.

Nagpulong silang lima sa gilid ng engrandeng daanan upang pagdesisyunan ang susunod na hakbang.

"Papasok ba tayo sa loob o hindi?" Tanong ni Crooked Nose na talagang kakaiba. Simula kasi nang pumasok sila sa loob ng dungeon hindi pa s'ya nanghingi ng opinyon kanino man at puro siya utos na para bang 'yon ang tamang gawin. Kung oobserbahang mabuti, makikita sa mata n'ya ang pag-aalala. Maging ang rank C hunter na pinakamalakas sa kanila ay nag-aalangan pumasok sa loob ng mala-paraisong lugar na walang kasiguruhan ang kahahantungan.

"Kung ako ang tatanungin hindi ako papasok d'yan. Hindi natin alam kung may kalaban d'yan na wala tayong kalaban-laban." Paliwanag ni Gen sa pagtanggi n'ya.

"Tama si Gen. Isa pa, wala tayong lahat sa kondisyon upang lumaban. Hindi ko rin alam kung ilang beses pa ako makakagamit ng heal. Pero isa lang ang sigurado ko, hindi 'yon lalagpas sa limang beses." Pagsegunda ni Rachel sa suhestiyon ng kaibigan.

"Para sa'kin naman, paano kung meron dung mga kayamanan? Palalagpasin ba natin 'yon?" Panunukso ni Crooked Nose sa dalawa sa pangako ng yaman. Kita mo sa mata ng lalaki ang pagkagahaman.

"Kung ano ang desisyon mo Lando doon ako." Sagot ni Ron na nakapikit. Sinasamantala ang panahon para mamahinga.

"Dalawa sa dalawa ang boto. Kung ganun, kung ano ang desisyon ni Clyde ang magiging desisyon natin." Sabi ni Gen. Kumunot ang noo ni Crooked Nose sa pahayag na 'yon.

Tiningan ni Crooked Nose si Clyde na para bang sinasabing tulinan mo magdesisyon at siguruhin mong magugustuhan ko ang sagot mo.

Hindi 'yon pinansin ni Clyde bagkus ay nag-isip-isip.

Tinimbang n'ya ang bentahe ng bawat pamimilian.

Kung sakaling hindi s'ya sumang-ayon sa pagpasok doon, hindi sila malalagay sa panganib sa walang kasiguruhang teritoryo.

Hindi s'ya mapapalagay sa panganib. Hindi s'ya pwedeng mamatay dahil s'ya lang ang meron ang kapatid n'ya. Pero ang tanong may pagpipilian pa ba talaga?

Kung papasok naman sila roon, maaring sumuong nga sila sa matinding panganib? Ngunit kung tama nga ang sinasabi ni Crooked Nose? Kung meron ngang mga kayamanan doon? Hindi ba mas masisiguro ni Clyde ang kinabukasan ng kapatid n'ya kapag nagkataong magtagumpay sila?

Ang pinakaimportante sa lahat, ayon sa mga sabi-sabi patungkol sa mga tinatawag nilang mga na-reawaken na hunters ay lahat sila ay may kinalaman sa loob ng dungeons.

Lahat sila ay may kakaibang engkwentro sa loob ng dungeons. Karamihan doon sinasabing nakaengwentro sila ng hindi pangkaraniwang mga halimaw sa loob ng kinaroroonan nilang dungeon.

Walang nabanggit tungkol sa isa pang dungeon sa loob ng dungeon na base sa hinala ni Clyde. Maaari kayang itinatago lang ng mga hunters na 'yon ang katotohanan? O sadyang ngayon pa lang ito nangyari?

"Papasok tayo sa loob." Siguradong sagot ni Clyde.

"Pero Clyde sa ating lahat ikaw ang pinaka wala sa kondisyon para sa anumang labanan. Maaari kang mamatay kung sakaling may labanang maganap." Matinding pagtanggi ni Rachel na agad na sinang-ayunan ni Gen.

"Sige nga. Sagutin n'yo ang tanong ko. Meron pa ba tayong choice?" Tanong ni Clyde sa dalawang babae na agad nagpatahimik sa dalawa.

Mapanuyang tawa naman ang pinawalan ni Crooked Nose sa nangyaring palitan ng tatlo.

"Manahimik kayong dalawa. Mga babae lang kayo." Saad ni Crooked Nose.

"Meron ka rin palang sasabihing ikatutuwa ko basura." Natatawang sabi ni Crooked Nose na may halo pa ring pasaring kay Clyde.

At nagsipasok na rin ang lima sa engrandeng pinto ng misteryosong lugar. Kung saan hindi nila alam kung sa labas na o parte pa rin ba ng dungeon.

.....

Matagal-tagal rin silang naglibot sa misteryosong gubat. Wala silang makitang kahina-hinalang nilalang sa lugar.

Ito ay tila isang paraiso. Hindi ito tulad ng pangkaraniwang naririnig at nakikita ni Clyde sa mga balita o sa kanyang mga paglalakbay sa paghahanap ng mga dungeon na pwede n'yang pasukin bilang isang rank E hunter.

Ang kagubatang ito ay masyadong iba sa pangkaraniwan. Masyado itong malinis. Masyadong mahalimuyak ang hangin. Ang sinag ng araw ay hindi mahapdi sa balat.

Ang mga punong at mga halaman ay kay lalago at kay sisigla. May mga katubigang singkintab ng mga dyamante at sa linaw ay maaari ka ng manalamin. Kita rito ang abundanteng naglalakiha't nagtatabaang mga isda.

May iba't ibang uri ng mga ibong may iba't ibang laki at nagagandahang mga kulay. Panay silang masasayang nagsisipag-awitan sa galak na nakadapo sa mga sanga ng mga puno. Ang iba ay kumakain pa nga ng mga prutas.

Iba-ibang uri ng mga unggoy na nagpapalipat-lipat sa mga puno. Halatang masayang naglalaro. Naglalambitin sa mga baging at nagsisipagtawanan.

May mga magagandang hayop rin sa kalupaan tulad ng mga kuneho at usa na payapang nagkakainan sa mga malalagong damo at halamanan sa may 'di kalayuan.

Kung tatanungin mo si Clyde at maging ang kanyang mga kasama sa kanilang iniisip patungkol sa lugar, hindi rin nila masasabi kung ito ba ay isang parte pa rin ba ng dungeon o ito ba ay isang lugar na sa isang parte ng mundo.

Sapagkat ito ay masyadong malinis para maging parte ng kalikasang ng daigdig na unti-unti at walang habas na sinisira ng sangkatauhan.

At masyado rin naman itong payapa at hindi makita ang dulo sa lawak para maging isang parte ng dungeon. Isama mo pa ang mga namumuhay ng punong-puno ng siglang mga sangkahayupan sa kagubatang kinalalagyan ngayon ng lima.

Kaya kahit na sobrang ganda ng tanawin, hindi magawang lubusang mamahinga ng lima dahil sa kakaibang lugar na kinaroroonan.

Hanggang sa makalabas sila sa malawak na parte ng kagubatan. Malaki ang kagubatan subalit dahil mga hunter sila, mas malakas at mas mabilis silang kumilos kesa mga pangkaraniwang mga tao, kaya kung mamarapatin nila mas matulin din silang nakapaglalakbay.

Hanggang nakarating sila sa isang patag na lugar na pinaliligiran ng nagagandahang mga bulaklak.

Isang parang, namangha sila sa ganda ng lugar, lalo na ang mga babae. Wala sa sarili pa ngang napabulalas si Rachel.

"Ang ganda," saad nito. Agad namang sinang-ayunan ni Clyde iyon sa isip n'ya.

Subalit merong isang kakaiba at kapansin-pansing tanawin doon.

"Doon tayo sa malaking puno na 'yon pumwesto." Turo ni Crooked Nose sa nag-iisang higanteng puno sa parang.

Dahan-dahan silang lumakad tungo sa puno.

Sinamantala nila Clyde ang ganda ng lugar. Ninamnam nila ang kahali-halinang tanawin.

Ang nagagandahang makukulay na bulaklak. Ang pagdampi ng malalamig na simoy ng hangin sa kanilang mga balat. Ang pagsamyo ng halimuyak ng mababangong bulaklak sa kanilang mga ilong.

Higit sa lahat, ang hindi nakakasunog balat na sinag ng araw sa lugar na 'yon na hindi na nila mararanasan pa sa kanilang mundo. Dahil doon lalong tumibay ang kanilang espekulasyon patungkol sa lugar sa kanilang mga sarili. Nasisiguro nilang wala sila sa kanilang mundo. Nakakalungkot lang isipin na matutuklasan pa nila ang pinagkaiba ng lugar dahil sa pagkukumpara nila rito at sa unti-unting pagkasira ng kanilang sariling tahanan.

Nang sila ay nakalapit na roon sa puno, kahit na alam nilang malaki ang puno, sila ay napamaang pa rin sa sobrang laki nito. Walang hirap silang naliliman ng mga dahon nito sa sinag ng araw. Kung tutuusin nga ay kahit limampu o isang daan pa sila ay mabibigyan pa rin sila ng puno ng pansamantalang masisilungan.

Nagsiupo at nagsisandal silang lima sa isang gilid ng higanteng puno. Nakaka-relax ang kaluskusan ng mga dahon ng puno na hinihipan ng payak na hangin. Unti-unting gumaan ang pakiramdam nila dahil doon.

Wala pang ilang sandali, may nakakamanghang pangyayari ang naganap sa kanila. Naglabasan at pinalibutan sila ng mga hayop doon. Mga kuneho, ardilya (squirrels), beaver, unggoy at kung ano-ano pang hindi mapanganib na mga hayop.

Tila ba ay namamangha at kuryoso sila sa madalang na mga bisita. Ang ilang matatapang dito ay lumapit pa kina Clyde, Gen at Rachel.

Kataka-takang walang lumapit kay Crooked Nose at kay Ron.

Hindi na naman nagulat doon si Clyde. Ayon kasi sa sabi ng matatanda, ang mga hayop daw ay may kakayahang pakiramdaman ang ibang mga nilalang. Instincts na kumbaga nilang malaman kung panganib ba ang isang indibidwal o maaaring maging kaibigan.

Ang isang unggoy na may pagkabulgar ay yumapos pa nga talaga kay Rachel sabay hilig ng ulo nito sa dibdib ng dalaga. Napatili pa si Rachel dahil daw sa ka-cute-an ng unggoy. Pero iba ang nakita ni Clyde roon, hinalintulad n'ya yung unggoy sa isang manyakis na matandang lalaki o dirty old man sa ingles. Kita sa mukha noon ang kamanyakan habang kinikiskis ang ulo sa hinaharap ng babae.

Si Gen naman ay naestatwa sa kinauupuan n'ya. Hindi napigilang kumawala ng isang ngiti sa labi ni Clyde. Nagkikiskisan kasi kay Gen ang maraming maliliit na hayop tulad ng kuneho, ardila, at kung ano-ano pang mga hayop na hindi mapangalanan ni Clyde.

Ang astigin dalagang tank sa labanan ay hindi mo makikita ngayon kay Gen. Naninigas s'ya sa kinauupuan.

Hindi mo tuloy alam kung ninenerbyos ba s'ya sa takot sa mga hayop o ano, sapagkat halata mo naman sa mukha niyang namumula at mga matang kumikislap sa saya na gusto n'ya sila. Ngunit siya ay pinagpapawisan din ng butil-butil. Ang mga kamay niya naman ay aatras at aabante na balak n'ya yatang ihawak sa mga hayop.

Samantalang si Clyde naman ay may isang malaking ngiti at masayang hinahaplos ang ulo ng dalawang usang lumapit sa kanya.

"Tamang-tama, gutom na ko Ron. Huhuli lang ako ng ilang makakain natin. Ikaw na ang bahalang mag-ihaw sa mga 'yon." Sabi ni Crooked Nose kay Ron na agad namang sinang-ayunan ng mage.

Nagpanting ang mga tenga ng tatlo. Agad tumayo si Gen sa pagkakaupo. Kinompronta ang kakatayo lang na si Crooked Nose na ngayon ay hawak-hawak na ang espada.

"May baon naman tayong mga pagkain 'di ba? Bakit mo huhulihin ang mga hayop para patayin. Ganun ka na ba kapatay gutom?" Pagalit na salita ni Gen na talaga namang nakakagulat.

Mula sa simula ay hindi nawawala ang hinahon ng babae. Lagi lang s'yang kalmante. Isang magandang katangian para sa isang tank. Pero sa ngayon ay talagang nagalit na s'ya sa asal ng dalawa. Talaga namang humanga si Clyde rito. Sa oras kasing sumiklab ang labanan sa pagitan ng dalawang panig siguradong matatalo sila kahit pa may bentahe sila sa bilang. Ang tapang nito. Pinaglalaban n'ya talaga ang sa tingin n'ya ay tama.

Napahagalpak naman sa tawa ang rank C hunter sa inasal ng tank matapos makabawi sa gulat sa pagsabog ng galit ng babae.

"Hindi naman masarap ang mga dala nating pagkain. Bakit hindi ko kukunin ang mga lumalapit ng mga pagkain sa akin. Mas mabigat din ang karne at mas matulin nating mababawi ang lakas natin. Mag-isip ka nga babae." Patuyang sagot ni Crooked Nose kay Gen.

"Hindi mo naman kailangang patayin ang mga walang kalaban-labang mga hayop dahil lang gusto mo ng masarap gayun namang may pagkain ka pa. Wala ba talagang habag sa puso mo?" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Rachel.

Sa sigaw ni Rachel na 'yon, naalarma ang mga hayop at agad na nagpulasan.

"Awa? Mabubuhay ka ba ng awa mo? Tingnan n'yo ang ginawa n'yong mga babae! Ron gumamit ka ng fireball para makakuha tayo ng ibang makakain." Utos ni Crooked Nose sa fire mage.

Pero sa ilang sandali pa ng paghihintay ay hindi pa rin tumitira ang kasama.

"Bingi ka na ba Ron?" Sigaw nito sabay tingin sa mage. Nagulat s'ya sa nasaksihan n'ya. Nakatutok ang espada ni Clyde sa leeg ni Ron.

"Basura! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit na sigaw ni Crooked Nose kay Clyde. Pasugod na sana ito ng harangan s'ya ni Gen.

"Gusto n'yo ba talagang mamatay para lang sa mga walang kwentang hayop na 'yon?" Galit na tanong ni Crooked Nose.

"May buhay rin sila." Sagot ni Clyde sa rank C hunter.

Dumura si Crooked Nose sa lupa at bahagyang natawa.

"Putangina! Bwisit talaga ang mga babae. Masyadong pinapagana ang emosyon." Patuloy na pangmamaliit ni Crooked Nose sa mga kasamang babae.

"Hindi pa naman natin nalalaman kung dungeon pa ba ito o hindi na. Kaya hanapin muna natin ang daan pabalik sa lugar natin. Huwag mong pagdiskitahan 'yong mga hayop." Sagot ni Rachel.

"Ikaw na rin ang nagsabing hindi natin sigurado kung nasaan ba tayo. Mas mabuti kung busugin natin ang sarili natin. Siguraduhing makaligtas tayo. Ang hirap kasi sa inyong mga babae puro kayo awa." Pasaring na naman niya sa kasarian ng dalawa.

"Isa ka pa Clyde. Akala ko maiintindihan mo. Katulad ka rin pala nila. Puro emosyon. Lalaki ka ba talaga?" Pahiwatig ni Crooked Nose kay Clyde.

"Anong sinasabi mo? Bakla ako? Para lang sabihin ko sa'yo, hindi ako puro emosyon. May buhay din silang bigay ng Diyos, dapat ding irespeto." Malamig na sagot ni Clyde kay Crooked Nose.

"Talaga lang ha? Diyos? Naniniwala ka pa rin sa kalokohang 'yon? Sa panahon ngayong meron na tayong kapangyarihang mga hunter nakukuha mo pa ring maniwala doon? Sa panahon ngayon, ang malalakas ang Diyos. Bobo!" Bastos na sagot ni Crooked Nose.

"At isa pa, nakakahalata na ko. Kanina ka pa sagot ng sagot sa'kin. Gusto mo na yata talagang mamatay basura. Isa ka lang rank E hunter. Kaya tumahimik ka kung ayaw mong mamatay." Dagdag pa nito.

"Subukan mo lang pagtangkaan s'ya, maglalaban tayo hanggang isang panig na lang ang matira. At kung maubos man kami dahil mas mahina kami, sinisugurado kong isa sa inyong dalawa ng kasama mo ang sasama namin sa hukay. Sa matitira naman sa inyo, good luck na lang kung talagang isa nga itong dungeon. Mamatay din ang matitira sa inyo." Pagbabanta ni Gen na nagpatahimik saglit kay Crooked Nose.

"Talagang pinagbabantaan n'yo ko ha? Sige! Makaligtas man kayo rito. Sa labas ay wala kayong ligtas." Kontrang pagbabanta niya naman kay Gen.

.....

Hingal na hingal si Clyde habang nakasandal ang likod n'ya sa likod ni Gen. Hapo na ang kanyang katawan. Tensyonado rin ang binatang hawak-hawak ang sariling espada. Sa tabi nila, pinoprotektahan nila si Rachel. Sa isang gilid naman ni Rachel ay nandoon naman ang magkatalikuran ding sina Crooked Nose at Ron.

Sa paligid nila ay nakapalibot ang kakaibang mga nilalang.

Iba't ibang uri ng maliliit na tao. Ang iba ay mga tila mama sa kanilang mga itsura. Mga lalaking balbas-sarado. Nagagandahan ang kanilang mga katawan. Nakahawak sila ng samu't-saring mga sandata. Mga palakol. Mga espada. Mga maso. Mga sibat at iba pa. Lahat sila ay nakasuot din ng mga baluti.

Ngunit may ibang mas nakapukaw pansin sa atensyon ng grupo nila Clyde, yun ay ang taas ng mga mandirigmang nakapalibot sa kanila, mahigit kumulang tatlo hanggang apat na talampakan naglalaro ang kanilang taas. Masyado silang maliit na mga tao.

Doon napagtanto nila Clyde ang uri ng nilalang ang mga kaharap nila ngayon, mga dwende. Kilala ang mga ganitong uri ng dwende sa mga dungeon sa kanluraning mga bansa sa mundo.

Kaya naman nadiskubre rin nila ang identipikasyon ng misteryosong nilalang sa paligid nila.

Ito ay mga duwende rin. Pero ito ay mga duwende sa Pilipinas. Sila yung mga matutuling nagsisipagalawang may iba't-ibang kulay sa paligid nila Clyde, may kulay itim, puti, pula at kung ano-ano pa. Idagdag mo pa yung mga hagikgikan ng maliliit na boses sa paligid.

Nakakapagtakang napunta sila sa gantong delikadong sitwasyon gayung kanila lang ay mapayapa pa silang namamahinga sa higanteng puno.

Paano nga ba nalagay sa ganitong sitwasyon sila Clyde?

Balikan natin ang nangyari ilang oras mula ngayon.

.....

• Flashback •

Namahinga lang saglit ang grupo nina Clyde hanggang sa pagalit na nagsalita si Crooked Nose.

"Tumayo na kayo d'yan mga pabigat. Aalis na tayo." Bulyaw nito sa tatlo.

"Pero saglit pa lang tayong namamahinga. Hindi pa kami lubusang nakakabawi ng lakas." Pag-angal ni Gen.

"Aba! Sumasagot ka pa? Sige kung gusto n'yo, magpahinga na lang kayo d'yan. Basta aalis na kami ni Ron." Pabalang na sagot ni Crooked Nose.

Doon na natapos ang diskusyon. Nag-ayos na sila ng mga gamit. Labag man sa loob, tumayo na sila Clyde para umpisahan ang paglalakbay sa misteryosong lugar.

"Pasensya na kayo Gen, Rachel, nadamay pa kayo sa galit sa'kin ni Crooked Nose." Sinserong paghingi ng tawad ni Clyde sa dalawang babae.

Nang hindi nakatingin sila Crooked Nose ay palihim n'yang nilapitan ang dalawa para humingi ng dispensa. Balik-balik ang mga mata n'ya sa dalawa para sa hinihintay n'yang kasagutan.

"Ano bang sinasabi mo? Natural lang na ipagtatanggol namin ang tama. Mali naman talaga si Crooked Nose sa binabalak n'yang pagpaslang sa mga walang labang mga hayop. May karapatan din naman silang mabuhay. Isa pa, kami ni Rachel ang unang sumalungat sa kanya. Dapat nga magpasalamat pa kami sa'yo dahil pumapanig ka sa tama. Alam mo bang ang weird mo? Wala kang kasalanan pero humihingi ka ng tawad." Natatawang sagot ni Gen.

"Oo nga. Gaya ng sabi ni Gen 'wag mong intindihin 'yon. Wala ka namang kasalanan wirdong oppa." Pilyang dagdag pa ng dalagang healer.

"Buti naman," hingang maluwag ni Clyde.

Nag-umpisa na nga silang maglakad. Ngunit may mga pagbabago sa formation nila ngayon. Nasa harapan ng parehas sina Ron at Crooked Nose. Samantalang ang tatlo ay nasa 'di kalayuan sa likuran ng dalawa.

Kumbaga tuluyan na silang nahati sa dalawang panig. Hindi na sila magkakaroon ng kooperasyon sa labanan kung hindi talaga kakailanganin.

Naglakad sila sa isang direksyon lang, puro diretso at walang likuan. Habang binabaybay nila ang kaparangan, tanging pagsiyap ng mga ibon ang kanilang mauulinigan. Bukod doon, namumutawi na ang katahimikan sa kapaligiran. Ni pag-uusap nga sa pagitan nilang lima ay hindi pa magawa.

Bigla na lamang napahinto si Rachel na pinagtaka ni Clyde at Gen. Napahinto rin sila dahil sa pag-aalala sa kasama.

"Bakit? Anong problema Rachel?" Nag-aalalang tanong ni Gen sa kaibigan ng mapansin n'yang tulala ito.

Napahinto rin sina Crooked Nose ng mapansin nilang huminto ang tatlo pero hindi sila umiimik.

Nang marinig ni Rachel ang boses ni Gen ay para bang natauhan s'ya. Bagamat medyo namumutla ay umiling ito at sinabing wala naman at tuloy daw sa paglakad. Nagkatinginan pa nga sina Gen at Clyde dahil sa pagtataka bago uling maglakad. Hindi sila naniniwalang wala lang ito dahil mukhang talagang problemado ang babae at pinagpapawisan pa.

Nagpatuloy sila sa pagkilos, ngunit parang mas lumala pa ang mga kinikilos ni Rachel. Balisa ang babae. Hindi s'ya mapakali. Lumilinga-linga s'ya sa paligid na tila ba ay may kung anong hinahanap.

Tahimik na inobserbahan ni Clyde si Rachel habang unti-unti na s'yang mag-alala rito. Balak na sana niyang kausapin si Crooked Nose para pahintuin ang ekspedisyon upang kamustahin ang dalaga. Para na rin itanong kung anong nararamdaman n'ya. Pero pansamantalang nawala roon ang isip ni Clyde.

Dahil sa 'di kalayuan ay natatanaw n'ya ang kulay berdeng kapatagan. Ang nilalakarang lupa na ngayon ay puno ng kumpulan ng mga bulaklak ay mapapalitan na ng mga malalagong damuhan maya-maya lang.

Agad din naman s'yang nakabawi. Binanggit niya iyon kay Crooked Nose. Ang may masamang ugaling hunter ay may kung ano-ano pang sinabi bago sila tuluyang huminto samantala.

"Bakit tayo huminto?" May pagtatakang tanong ni Rachel kina Gen at Clyde, may nginig sa boses ng babae.

"Para kasing may mali sa'yo. May problema ba Rachel?" Nag-aalalang tanong ng kaibigan nitong si Gen.

"Sa totoo lang Gen kanina ng unang huminto ako may narinig akong maliit na boses. Tapos unti-unti silang dumadami. Tapos meron ding mga nagdadaang matutuling liwanag sa paligid natin? Hindi n'yo ba sila nakikita o naririnig? Ako lang ba 'yon? Sabihin n'yo nababaliw na ba ako?" Palahaw ni Rachel sabay yakap kay Gen. Hindi na siguro kinaya ang nararanasan.

Hinimas naman ni Gen ang likod ng kaibigan para pakalmahin. Halata mo naman sa mukha ni Gen ang pangamba para sa kaibigan.

Humagalpak ng tawa sina Crooked Nose at Ron. Sinamaan sila ng tingin ni Gen pero imbes na matinag ay lalo pang nilakasan na tila ba nang-aasar.

"Nabuang na 'dre." Komento ni Ron sabay palo sa mabulaklak na lupa.

"Sabi sa'yo eh. Mahina ang mga babae." Pang-inis pa ni Crooked Nose.

Sa mga narinig na negatibo, lalo pang umatungal ang dalaga.

Habang nagpapalitan ng argumento ang tatlo at ang pag-iyak ni Rachel, tahimik sa isang tabi si Clyde na para bang may malalim na iniisip.

Naputol lamang 'yon ng bigla itong sumingit sa usapan nila.

"Hindi kaya may mga dungeon monsters dito? At isa talaga itong dungeon?" Winika ni Clyde, dahilan kung bakit napaisip ang mga kasama n'ya.

"Tara na! Umalis na tayo rito. Kung totoo ngang gawa 'yan ng mga dungeon monster delikado tayo rito." Pasigaw na utos ni Crooked Nose habang madaling nagtatakbo tungo sa madamong lupain.

Nang nagmadali sila, kasabay noon ang lantarang paglitaw ng misteryosong mga nilalang na gumagambala kay Rachel. Marami ang mga 'yon.

Matitingkad at matutuling gumalaw na iba't-ibang uri ng mga linya na paikot-ikot na gumagalaw sa paligid nila Clyde.

Ang bilis noon ay kamangha-mangha. Hindi mapagpag ni Crooked Nose ang mga linya kahit gaano pa s'ya katulin tumakas. Ang isang rank C hunter na isang swordsman o warrior ay isang kalakasan ang kanyang bilis.

Makikita sa mukha ni Ron ang pagkabigla sa ginawa ng kaibigan. Wala kasing pag-aatubiling iniwan ng rank C hunter ang mga kasamahan maging si Ron. Kaya napilitang bumalik ni Crooked Nose sa grupo nila Clyde.

"Ang hirap ipagpag ng mga nakakainis na bagay na 'yon. Ron atakihin mo ang mga 'yon kapag nagkumpulan sila." Patay-malisyang utos nito sa fire mage na para bang hindi n'ya pinagtangkaang pagtaksilan ito.

Hindi sumagot si Ron, bagkus ay tahimik at marahan s'ya lumayo kay Crooked Nose. Sumama s'ya sa grupo nila Clyde.

Pumalatak si Crooked Nose ng nakita n'ya 'yon.

Nag-umpisa na nga ang labanan o mas angkop sabihing pagwasiwas ng mga sandata nila Clyde ngunit puro hangin lang ang tinatamaan.

Gayunpaman kahit papaano ay nakakaabante sila habang umiilag ang mga linyang ilaw.

Di kalaunan, marahil sa intensidad ng kanilang opensiba, sila ay nakaalagwa at maagpas na lumayo sa pagkakasukol ng kakaibang mga kalaban. Walang lingunang nagtakbuhan palayo ang grupo. Ang paglingon ay pababagalin lamang sila.

Kumaripas lang sila ng kumaripas kahit anong pagod pa ang nadarama. Hindi nila alam kung gaano katagal o layo ang itinakbo nila para maaninag lamang 'yon.

Sa harapan nila, tumambad ang pahalang na lipon ng mga punong mga hitik sa bunga. May malalapad itong mga makikinis na berdeng dahon. Ito ay puno ng mga saging. Balak sana nilang suungin ang lugar sa likuran ng mga puno para tuluyan ng mailigaw ang mga maliliksi at makukulay na linya subalit napahinto sila ng maglabasan ang mga balbas-sarado at armadong kalalakihan na may kakaibang tangkad.

Nagsulputan ang mga iyon sa mismong mga espasyo sa pagitan ng mga puno na balak lusutan ng limang humahangos na hunters para tumakas.

Napahinto at nagitla sila sa kanilang nakita. Mga armadong kalalakihang may tangkad na hindi lalampas sa tatlo hanggang apat na talampakan. Hindi lamang 'yon. Patuloy pa ang pagsulpot ng mga ito. Para bang lumalagas na tubig sa gripo na nagpapatuloy na maglabasan sa pagitan ng mga puno ang mga duwende.

Lumingon sila sa likuran at nakitang malapit na rin ang mga makukulay na linya.

Napalunok na lang si Clyde sa dami ng makakaharap nila sa ngayon. Sa palagay n'ya maaaring mahigit sa triple ang dami ng makakalaban kesa sa mga nakaharap na goblin.

• End of flashback •

At ganoon nga sila napunta sa karima-rimarim na sitwasyon na maaaring ikaubos nila.