"Mom!!!"
Tila isang sabik na bata si Gunther nang makita si Allena na nakatayo di kalayuan kay Mira. Napapaluha pa siya hanggang sa tuluyan niya itong mayakap ng mahigpit. Ramdam niya ang panginginig ng katawan ni Allena nang gumanti na ito ng yakap sa kaniya.
"Gunther, ikaw na ba talaga yan? Ang laki-laki mo na." Magkahalong iyak at tawang tanong ni Allena. Hinaplos niya ang pisngi ni Gunther at lalo siyang napaiyak nang maramdaman ang mga tumutubong balbas sa pisngi nito.
"Mom, salamat at buhay ka. Miss na miss na kita. Hindi mo alam kung gaano kami nangulila sayo ni Dad. Mom, nakita na namin ang kapatid ko, siya din ang nagligtas sayo rito." Saad ni Gunther bago napatingin kay Mira.
Nakahawak si Mira kay Sebastian habang pilit na pinipigilan ang sariling hindi maiyak.
"Mom, that's Mira, she's your daughter." Pakilala ni Gunther at doon lamang napalingon si Allena kay Mira. Pinakatitigan nito ang dalaga at doon bumuhos ang emosyong kanina pa niya tinitikis.
Mabilis niyang nilapitan si Mira at mahigpit na niyakap ito. Walang tigil ito sa pag-iyak at paghingi ng tawad dahil sa kapabayaan nito.
Nang maglapat ang kanilang katawan ay dito isa-isang nakita ni Mira ang mga kaganapan sa nakaraan, kung paano siya nawala at kung paano siya napunta sa kamay ng dati niyang ina-inahan.
Dito din niya napag-alaman ang mga pag-uusap ni Allena at Alejandro. Kung ano ang dahilan nito sa pagbuo ng Orion.
"Patawarin mo ako anak, hindi kita nagawang maprotektahan at ang tanging paraan lamang para hindi ka makuha ni Alejandro ay iwan ka sa kamay ng isang babae. Mabait naman siya sayo, hindi ba?" Umiiyak na wika ni Allena at tumango lang si Mira bilang tugon dahil kahit siya ay nahihirapan magsalita dahil sa mga emosyong lumulupig sa kaniyang sistema.
"Gunther, halika nga dito at nang mayakap ko kayo pareho." Tawag ni Allena kay Gunther. Sabay niyang niyakap ang dalawa at pinaghahalikan. Di nito alintana na ang dalawang anak niya ay hindi na mga bata pa. Subalit hinayaan lang din nila ito dahil maging sila ay sabik sa halik at yakap ng kanilang ina. Para sa kanilang dalawa, ito na ang pinakamasayang tagpo ng kanilang mga buhay.
Ilang minuto din bago mahimasmasan ang mag-iina. Akay-akay ni Allena ang dalawa niyang anak sa kanilang paglabas sa kuta ng Orion. Paglabas naman nila ay naroroon na din si Allysa na yakap-yakap si Dylan.
"Si Dylan na ba yan?" Bungad na tanong ni Allena ng makita ang binatang yakap-yakap ni Allysa. Bahagya namang tumango ang kapatid at iniharap si Dylan sa kaniya.
"Tingnan mo Allena, ang laki na ng anak ko." Tuwang-tuwa si Allysa habang ibinibida nito ang kaniyang anak.
"Oo, ang lalaki na nilang lahat. Tingnan mo itong si Gunther at Mira, dalaga at binata na rin." Sambit naman ni Allena. Nagkatawanan ang mga ito at mahigpit na yakap din ang sinalubong ni Allysa kay Mira.
"Salamat sa pagliligtas mo sa amin. Hindi ko lubos akalain na ang taong magliligtas sa amin ay sarili kong pamangkin at anak. Napakatapang ninyo."
"Mom, we have to go now. Kailangan pa ninyong ma check sa hospital bago kayo namin maiiuwi. Don't worry, safe na kayo ngayon." Nakangiting wika ni Gunther. Agad din namang sumang-ayon sina Allena at Allysa,para na rin makita nila si Allyana kung ayos na ba ito.
Pagdating nila sa hospital ay agad silang ipinasok sa isang laboratory. Dahil na din sa trauma na natamo ng mga biktima at nagpalit ng mga damit ang mga doktor at narses na nakatuka para sa kanilang check up. Lalo na sa mga batang biktima ng sindikato.
Nakahinga naman ng maluwag si Mira nang makita ang mga batang nilalapatan na ng mga paunang lunas. Iilan sa mga bata ay malnourished na dahil sa kakulangan ng sustansya at sa kung anu-anong test ang pinagdadaanan nila araw-araw. Natatayang nasa dalawa hanggang labin-dalawang taong gulang ang edad ng mga batang nasa loob g Orion. Halos nasa kulang-kulang dalawang daan ang bilang nila. Nasa isang daan mahigit naman ang mga edad kinse hanggang dalawampu.
"Kailangan mo na din magpahinga, ayos ka lang ba?" Aya sa kaniya ni Sebastian. Inakay na siya nito sa isang silid ng hospital para makapagpahinga na rin si Mira.
Matapos maihiga si Mira sa higaan ay agad din namang lumapit ang isang doktor sa kanila. Nagpaubaya naman si Mira dahil alam niyang nandoon lang sa tabi niya si Sebastian.
"Okay lang kaya sina Mommy? Bastian, sa tingin mo, magiging okay na ba ang lahat?" Mayamaya pa ay tanong ni Mira. Dahan-dahan na itong napapapikit dahil sa sobrang pagod. Napangiti naman si Sebastian at sinenyasan ang doktor na lumabas muna.
"Maayos na ang Mommy mo. Nandoon naman si Gunther. Magpahinga ka muna, alam kong pagod ka na. Mira, thank you for being safe. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa'yo." Wika ni Sebastian habang hinahaplos ang buhok ni Mira. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam na ng kapanatagan si Sebastian dahil alam na niyang ligtas si Mira.
Halos gabi na nang magising si Mira. Paggising niya ay nasa loob pa rin siya ng silid sa hospital. May nakakabot nang dextrose sa kaniya. Inilibot naman niya ang kaniyang mga mata at nakita niya si Sebastian na nasa sofa habang mayro'ng ginagawa sa laptop nito.
"B-Bastian." Tawag ni Mira sa maliit niyang boses. Agad din naman siyang nilapitan ni Sebastian nang marinig nito ang kaniyang pagtawag.
"Huwag ka munang gagalaw, hindi pa tapos ang IV mo. Kapag maayos mamaya ang result ng test mo ay uuwi din tayo. About naman sa Mom mo, ayos na din sila at kasalukuyan na din silang nilalapatan ng lunas." Saad ni Sebastian at napangiti si Mira.
"Bastian, alam ko naman 'yon e. Gusto lang sana kitang tawagin dahil mukhang kanina ka pa abala diyan. Nagpahinga ka na ba? Anong gagawin ko kapag magkasakit ka ?" Nakangusong tanong ni Mira na ikinatawa naman ng binata. Dumagundong sa kwarto ang tawa ng binata dahil aa narinig sa asawa.
The way she pouted her lips was so cute. He pinches her cheeks ang kissed her lips for a second.
"Mira did you missed me?" Tanong ni Sebastian. Walang pagdududang tumango naman si Mira at yumakap sa binata.
"I missed you so much, Bastian. "
"That's better. Akala ko hindi na kita makikitang muli. No more next time, okay." Sambit ng binata at masunuring tumango naman si Mira. Nanatili pa sila ng isang buong araw sa hospital bago sila tuluyang pinayagang umuwi ng mga doktor. Kasalukuyan na nilang kasama noon ang kanilang mga magulang. Si Allyana naman ay kinailangan pang manatili sa hospital dahil sa lubha ng kaniyang mga sugat at kailangan pa din noyang makabawi bago ito makauwi kasama nila.
Samantala, si Rimo naman ay sumama sa grupo ng mga pulis at sundalo upang magbigay ng kaniyang testimonya laban sa kaniyang ama. Ayon sa kaniya ay handa rin siyang managot sa batas kung ito ay nararapat. Kasama din ni Rimo ang doktor na naging kasama niya sa pagtiwalag sa Orion. Inilabas nila lahat ng ebidensya na meron sila at inilahad nila ang lahat ng ginagawa nila sa loob ng Orion base. May iilang sundalo ang hindi kinaya ang mga paglalahad na ito dahil masyado iyong brutal. Lalo pa at ang iba sa kanila ay baguhan sa kanilang propesyon.
"Kunan niyo lang ng testimonya ang dalawa, nagbigay na ng utos si Gunther, hindi sila kasama sa ikukulong." Wika ng isang nakatataas na opisyal.
"Sir, ano ang gagawin natin sa base nila?"nagtatakang tanong naman ng isa.
"Pinag-uusapan na ngayon sa palasyo kung ano ang nararapat na gawin. Dahil ang kabuuan nito ay halos nasasakop na ang buong lungsod, hindi natin maaring pasabugin ito." Sagot naman nito. Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang diskusyon patungkol rito.
Ang pagkakabuwag sa Orion ay naging malaking balita na halos umabot pa sa ibang bansa. Marami ang nahabag para sa mga biktima, marami rin ang nagprotesta sa kalsada na bigyan ng kaukulang parusa ang mga taong naging involve sa inhumane expirement na ginawa sa laboratoryong iyon.
Dahil din sa minabuting i-involve ng grupo ni Sebastian ang media sa kasong ito ay walang naging takas ang mga taong naging anino ng grupo sa labas ng organisasyon. Kabilang sa mga ito ay mga kawani ng gobyerno na nasa mataas na posisyon. Naging mas madali naman ang pagtukoy sa kanila dahil bago pa man napasok nila Sebastian ang Orion ay nagawa na niyang kunin ang lahat ng impormasyon nito sa data base nila. Walang pag-aatubili naman niya itong ibinigay sa kinauukulan sa tulong na din ng Lolo ni Veronica. Sa isang buwan nilang paghahanda at sa isang buwang pagsasakripisyo ni Dylan at Mira ay matagumpay nilang nabuwag ang grupo ng Orion na parang mga dagang nagtatago sa ilalim ng lupa at gumagawa ng mga karumaldumal na gawain.
Halos hindi makapaniwala ang mga tao sa naging involvement ni Alejandro Bernardo. Kilala ito bilang isang mapagkawang-gawa at mabait sa lahat. Ngunit sabi nga ng iba, mapagkunwari ang mga dem*nyo. Hindi mo sila makikitang suot-suot ang tunay nilang anyo bagkus ay nagkukubli ang mga ito sa damit ng mga anghel.