Napalis ang mga ngiti sa labi ni Mira dahil napansin nito ang matalim na titig ng lalaki kay Aya. Bukod pa roon ay samo't-saring pangitain ang pumapasok sa kaniyang isipan na lubhang nagpatindig ng kaniyang balahibo sa katawan.
"The pleasure is all mine, Mrs. Saavedra." Tugon nito, nang bumaling na sa kaniya ang atensyon nito ay matamis niya itong nginitian. Pilit niyang pinaaliwalas ang mukha niya upang kahit papaano ay hindi siya nito mapaghalataan. Mayamaya pa ay nagpaalam na muna siya kay Sebastian at pumasok na sila sa kwarto na nandoon sa opisina ni Sebastian.
"Hindi ko alam na may anak ka na pala, Mr. Saavedra." Nakangiting wika nito at naupo na sa upuan.
"Yes, we adopted Aya. My wife likes the kid, so we decided to bring her home." Sagot naman ni Sebastian at tumango-tango ito na tila may nalamang nakakatuwa.
"I never thought you were that soft to your wife. By the way, nagpunta ako rito para sana i-invite kayo sa darating na Charity event sa Regal Plaza. This is in aacordance to my annual advocacy." Wika nito at iniabot ang isang folder.
Binuklat naman ito ni Sebastian at pinasadahan ng tingin.
"Matutuwa si Mira dito, asahan mo ang aming pagdalo Mr. Bernardo." Wika naman ni Sebastian.
"I will hold onto your words Mr. Saavedra. Mauuna na ako sa iyo." Wika nito bago umalis ng opisina ng binata. Pag-alis ni Alejandro ay siya ring paglabas ni Mira, akay-akay si Aya.
"What's wrong Mira?"
"I don't like him." Sagot ni Mira at napakunot naman ng noo si Sebastian. Alam niyang may basehan ang lahat ng sinasabi ni Mira. At ito ang unang paglakataong ipinahayag nito ng harapan ang pagkadisgusto niya sa isang tao.
"Why?" Tanong ni Sebastian at umiling si Mira.
"Hindi siya mabuting tao, nakita ko sa isipan niya ang mga masasama niyang gawain. Masyadong magulo ang mga pangitain ngunit nakakakita ako ng mga batang umiiyak at mga babaeng nagmamakaawa sa kaniya." Turan ni Mira at humawak sa kamay ni Sebastian.
"Bastian, mag-iingat ka sa kaniya, hindi siya gagawa ng mabuti. Tsaka napansin ko ang kakaibang titig niya kanina kay Aya." Paliwanag ni Mira.
"But I already said we will attend his charity event this sunday." Alanganing napangiti si Sebastian. Malalim namang napaisip si Mira at agad na bumuntong-hininga.
"Fine, pero hindi ako lalapit sa kaniya. Bastian, I don't like him." Wika niya at napangiti naman si Mira.
"Yes, I know. Hindi ka lalapit sa kaniya. Hindi ka rin lalayo sa akin. Aya will stay with Dylan para hindi ka na mag-alala.
"Okay. Thank you Bastian." Nakangiting wika niya at yumakap sa binata, habang si Aya naman ay nakangiting nakamasid lang sa kanila.
Sumapit na ang araw ng charity event sa Regal Plaza, isa iyong malawak na garden style plaza na pagmamay-ari ng mga Bernardo. Naroroon ang mga matataas na opsiyal ng gobyerno maging ang mga mayayamang negosyante. Dahil isa iyon charity event ay kalakip ng pagdiriwang na iyon ang pangangalap ng donasyon para sa mga kapos palad at mga kabataan sinu-suportahan ng foundation ni Alejandro.
Umiikot naman sa paligid ang mga mata ni Mira habang tahimik na nagmamasid sa mga taong naroroon. Napakaaliwalas ng buong lugar at napakaganda ng pangkalahatan nito anyo. Ngunit hindi maialis ni Mira ang pag-aalala sa kaniyang isipan.
"Are you okay, nilalamig ka ba?"tanong ni Sebastian,gabi iyon at nasa open area sila kaya naman hindi maiiwasang makaramdam ng lamig si Mira. Agad naman hinubad ni Sebastian ang suot nitong americana at ipinatong iyon sa balikat ni Mira.
"I'm not cold now."nakangiti niyang wika ni Mira habang iniyayakap sa katawan ang americana ng binata.
Ngumisi naman si Sebastian at hinalikan ito sa noo, hindi nito alintana ang mga taong nakamasid lang sa kanila.
Nang magsimula na ang event ay nagkaroon pa ng bidding ng mga bagay na pagmamay-ari ng mga Bernardo. Sikat na scientist at philanthropist si Alejandro Bernardo, bukod pa rito ay isa rin itong matagumpay na negosyante sa larangan ng medisina. Dahil sa mga gamot na naimbento nito ay kinikilala din siya ng industriya ng medisina.
"Ganyan siya kasikat?" Tanong ni Mira habang nanonood ng bidding. Panaka-nakang napupunta ang topiko sa pagpapakilala kay Alejandro Bernardo at sa pagtataguyod nito ng Eternal Foundation.
"Ganyan na kalalim ang ugat niya sa industriya. " Sagot naman ni Sebastian. Hanggang sa matapos ang event ay wala namang napansing kakaiba si Mira. Papauwi na sila at akmang sasakay na sa kotse nang may maulinigan siyang boses na nangungusap sa kaniyang isipan. Boses iyon ng isang babae at tila ba kumakanta iyon.
Napahinto siya at napalingon pabalik sa Regal Plaza ngunit wala naman siyang nakikitang babaeng kumakanta.
"Bakit Mira?" Tanong ni Sebastian nang mapansin nito ang paghinto ng dalaga.
"May naririnig ka bang kumakanta?" Tanong niya at umiling naman si Sebastian bilang tugon dito.
Nagtataka naman si Mira dahil sigurado siyang malinaw ang pagkakadinig niya rito. Hanggang sa makauwi sila ay paulit-ulit niyang naririnig iyon sa kaniyang isipan. Wala iyong liriko bagkus ay humuhuni lamang ito ng isang melodiyang ngayon lamang niya narinig.
"Kanina ka pa tahimik diyan simula nang makaalis tayo sa Regal Plaza, may bumabagabag na sayo?" Nag-aalalang tanong ni Sebastian.
"Wala naman, marahil pagod lang ako at kung ano-ano ang aking naririnig." Tugon ni Mira at inihilig niya ang ulo sa balikat ni Sebastian.
Pagdating nila sa bahay ay agad na din silang nagpalit ng damit at magpahinga. Naabutan naman nilang natutulog na si Aya at katabi nito sa higaan si Dylan habang nakahiga naman sa baba ang dalawang siberian husky nitong alaga. Marahil ay nakatulog ang mga ito sa paglalaro at sonrang pagod. Marahan nilang isinara ang pinto at tumuloy na sa kanilang kwarto para magpahinga.
Dahil sa pagod ay agad din nakatulog si Mira, ngunit sa kalagitnaan ng pagtulog niya ay tila ba nakaramdam siya ng matinding init at panlalamig. Iyong tipong sinisilaban ka tapos bigla kang bubuhusan ng nagyeyelong tubig.
Nagising naman si Sebastian dahil sa mahinang ungol ni Mira na animo'y nahihirapan itong huminga. Bumangon siya at dinama ang noo nitong pawis na pawis. Napakainit din ng balat nito kaya naman agad din siyang bumangon para painomin ito ng gamot.
Marahil ay dahil sa lamig kanina kaya ito nilagnat. Marahan niyang tinapik ang pisngi ni Mira at nakita niyang bahagya iting nagmulat.
"Mira, inom ka muna ng gamot."
Bahagyang ibinuka ni Mira ang kaniyang bunganga at pinainom na siya ng gamot ni Sebastian. Matapos, ay kumuha naman siya ng palangganang may tubig at saka niya pinunasan i Mira bago niya ito palitan ng bagong damit. Basa na kasi ng pawis ang damit nito.
Kinaumagahan, nagising si Mira na mabigat pa rin ang pakiramdam. Para siyang binagsakan ng malaking tipak ng bato dahil sa sobra sakit ng katawan niya. Maging ang ulo niya ay tila ba tumitibok sa sakit.
"Gising ka na pala, kumain ka muna kahit kaunti para naman makabawi ka mg lakas." Alok ni Sebastian at mabilis nitong dinampot ang mangkok na may umuusok na laman.
Matiyaga niyang sinubuan si Mira na buong puso din naman kinakain ni Mora kahit pa wala siyang panlasa. Sa isip-isip niya ay, kawawa naman si Sebastian kung hindi siya kakain. Alam niyang wala pang tulog si Sebastian dahil sa pangingitin ng ilalim ng mga mata nito. Matapos niyang maubos ang inihanda nitong lugaw at uminom na siya ng tubig at gamot.
"Si Aya?"
"Kasama ni Dylan. Doon muna siya kina Jacob sa kabila habang nagpapagaling ka pa. Baka mahawa si Aya at kakagaling lang din niya sa sakit. Baka mabaliw na ako sa pag-aalala kapag dalawa kayo ang magkasakit." Biro nito at natawa naman si Mira.
"Thank you Bastian. Magpahinga ka muna, samahan mo akong matulog , ayokong magkasakit ka." Mahinang wika ni Mira habang unti-unting napapapikit ang mata.
Napangiti naman si Sebastian at malugod na tinanggap ang alok nito. Humiga siya sa tabi ng dalaga at marahang niyakap ito bago ipinikit ang mata.