"Agustus, kailan niyo pa naging desisyon ang pag-aampon ko? Aampunin ko kung sino ang gusto ko. Hindi ko kailangan ng opinyon ng kahit sino." Wika ni Liam at hinawakan ang kamay ni Mira.
"Uncle, huwag po kayong magalit kay Dad, nag-aalala lang po kami dahil baka maloko kayo ng mga taong akala mo kung sino. We came with a clean intention." Wika ni Alisa at ngumiti kay Mira. Napakaganda ng ngiti nito subalit ramdam ni Mira ang talim ng tingin nito sa kanya na kung nakakamatay lang ang mga titig nito ay kanina pa siya nabuwal sa kinatatayuan niya.
"You came with a clean intention? Ang bilis naman yatang nakarating sa inyo ng balita?" Mahinahon pa rin tanong ni Liam. Bahagya namang natawa si Agustus at tinapik ang balik ni Liam.
"Ano ka ba Kuya, halos lahat ng mga tao sa kompanya ay alam na ang plano niyong mag-ampon para ipalit doon sa nawala niyong anak. It's been twenty years, hindi kaya oras na para tuparin niyo ito. Para saan pa ba't pinag-aral ko itong si Alisa sa America, hindi ba't para may makatuwang si Gunther sa kompanya. Napakalaki na ng nasasakupan ng VK Corporation at tamang-tama lang na tulungan ni Alisa ang Kuya Gunther niya." Nakangiting wika naman ni Agustus.
Napailing naman si Liam nang marinig ang suhestiyon nito. Matagal na panahon na talaga niyang napagdesisyonan na mag-ampon ngunit lagi itong nauudlot dahil na din sa isiping, mag-aampon siya habang ang anak niya ay hindi niya alam kung nasaan. Kung ayos lang ba ito at nasa mabuting kalagayan. Ito yung mga dahilan kung bakit hindi matuloy-tuloy nag pag-aampon niya noon.
"No, I have already decided to adopt Mira. No need to trouble yourselves." Saad ni Liam
"Why her? Why not Alisa, hindi ba at mas maganda kung nasa bloodline pa rin natin ang iyong aampunin Kuya Liam?" Giit ni Agustus na ikinakunot ng noo ni Liam.
"Agustus, baka nakakalimutan mo ang iyong katayuan sa pamilyang ito? I am the legitimate head of this family, what right do you have to question me?" Galit nang tanong ni Liam at halos dumagundong ang boses nito sa buong mansyon. Maging ang mga katulong na naroroon ay walang nagawa kundi ang yumuko na lang dahil sa takot.
Maging si Mira ay nagulat dahil ngayon lamang niya nakitang magalit si Liam. Mabilis niyang pinakalma ito dahil ramdam niya ang panginginig ng boses at katawan nito dahil sa sobrang galit.
"Ang mabuti pa po ay umalis na kayo, hindi makabubuti kay Dad ang nagagalit." Wika ni Mira. Natawa ng pagak si Agustus at pakutyang tinitigan si Mira.
"You dare to call him Dad? Hindi ka pa pormal na naampon ng Kuya, saan ka kumukuha ng lakas ng loob na tawagin siyang Dad?" Tanong nito habang tumatawa.
"Ako ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob, bakit may reklamo ka? Umalis na kayo rito bago ko pa maisipang ipatapon kayo sa labas." Humihingal na utos ni Liam habang nakaturo sa pintuan.
"Uncle, don't hurt yourself, aalis kami kung iyan ang gusto niyo. Huwag na po kayong magalit kay Daddy." Awat pa ni Alisa habang hinahatak ang ama nito papalayo.
"Dad let's go. Uncle Liam, take care." Dagdag pa ng dalaga bago nito tuluyang hinatak si Agustus palabas ng mansyon. Nagmamadali naman silang pumanhik sa kanilang kotse at pinaharurot iyon palayo.
Nanggagalaiti sa galin si Agustus dahil sa mumunting tagpong iyon. The fact that Liam Von Kreist neglected them makes his blood boil.
"That man really pisses me off. Kung hindi lang dahil sa titulo niya bilang head ng pamilya Von Kreist, matagal ko na siyang itinumba " gigil na wika ni Augustus
"What are we going to do Dad, masisira ang plano natin." Nag-aalalang tanong ni Alisa.
"Hindi pwede, gagawa tayo ng paraan, Alisa you should prove them wrong. Kailangang mapatunayan natin na hindi karapat-dapat maging Von Kreist ang babaeng iyon." Wika ni Agustus habang napapangisi. Tila ba isang plano ang unti-unting nabubuo sa kaniyang isipan at ang planong iyon ang siyang magbibigay ng tagumpay sa kanila.
It's been twenty years, ang tagal nang hinintya nila para lang mapasama sa main family ng Von Kreist. Hindi siya papayag na masisira lamang ang kanilang pingahirapanng isang babaeng bigla-bigla na lamang susulpot sa kanilang mga buhay.
Samantala, hindi naman maitago ni Liam ang matinding galit na kaniyang nararamdaman dahil sa kapangahasan ni Agustus. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan nito upang panghimasukan ang desisyon niya.
"Dad, huminahon ka, makakasama po sa inyo ang magalit. Hindi pa kayo tuluyang nakakabawi kaya kailangan niyong kontrolin ang sarili niyo. " Mahinahong wika ni Mira.
"I'm alright hija, don't worry. " Sambit naman ni Liam at tinapik ang kamay ni Mira. Ngumiti ito nang masilayan ang pag-aalala sa mukha ng anak.
"Mag-iingat ka sa Uncle Lian mo. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay may binabalak silang masama. You should keep your guard up at all times. Kaoag nandito ka sa bahay , hindi ka nila magagalaw, pero kapag nasa labas ka ay doblehin mo ang iyong pag-iingat."
"Opo, Daddy. Alam ko po ang gagawin." Nakangiting tugon ni Mira habang malalim na nag-iisip. Habang pinapakalma niya si Liam ay bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone, nang makita niya kung sino ang tumatawag ay agad siyang napangiti.
"Sige na, sagutin mo na ang tawag ng asawa mo ." Natatawang wika ni Liam at marahang itinulak si Mira papalayo.
"Hello Bastian, nakarating kana ba?" Agap na tanong niya nang sagutin ang tawag nito. Nang marinig ni Mira ang boses ng asawa ay agad siynag napangiti. Halos umabot din ng labjnkomanh minuto at mahigit ang pag-uusap nila bago tuluyang naputol nag tawag dahil sa pagsingit ng isang lalaki sa kanila. Agad na nagpaalam si Sebastian na naintindihan naman ni Mira dahil may trabhao pa ito.
Sa kabilang banda, nandidilim nag mukha ni Sebastian habang nakatitig sa lalaking pumutol ng usapan nila ni Mira.
"Luke, siguraduhin mong importante iyang sasabihin mo." Galit na angil ni Sebastian at napakamot naman sa ulo ang matangkad na binatang may blonde hair at blue eyes.
"What did I do?" Nagtatakang tanong nito bago ibinigay ang isnag folder kay Sebastian.
"That's the information about the syndicate you ask me to investigate. Para saan ba yan at parang nagmamadali ka yatang ipakain sila sa lupa?" Tanong ni Luke at nagsindi ito ng sigarilyo. He offered one to Sebastian which he gladly accepted.
"Ito lang ba ang impormasyong nakuha niyo?"
"Boss have mercy on us. Napakahirao hahilapin ng mga kasapi ng Orion. Limang tao ko amg napaslang dahil sa pagkuha ng impromasyon na iyan. How can I move without my people?" Tanong nito at agad na naglabas ng black card si Sebastian at inihagis iyon sa binata.
Mabilis namna iton sinalo ni Luke at sinipat-sioat iyon. Nangislap ang kanyang mga mata nang makita na isa iyon sa mga card na sa panaginip lang nila mahahawakan.
"It should be more than enough for you to get more men, ayusin mo ang trabaho mo dahil kung hindi, isa-isa ko kayong ipapatapon sa Africa."
"Yes, boss." Nakangising wika ni Luke. Napatingin naman siya sa kamay ni Sebastian at doon niya nasipat ang singsing nito.
"Boss, are you married?" Tanong niya at napatingin naman dito si Sebastian.
"It is not your job to ask me questions." Wika ni Sebastian at muling tinitigan ang kaniyang cellphone. " By the way, pagalawin mo ang mga tao mo sa Pilipinas, I want them to follow Dylan, incase Orion would come after him. " Utos nito na agad na tinanguan ni Luke.
Hanggat hindi nasusugpo ang Orion na iyan ay hindi mapapanatag si Sebastian. Orion was an enourmous syndicate which deal human experiments. Minsan na din nilang nakasagupa ang grupong iyon. They wanted Dylan because of his extraordinary ability at may kutob siya na ito din ang kumidnap kay Mira noong sanggol pa lamang ito. Ang ipinatataka niya ay paano nalalaman ng Orion kung sino ang dapat na kukunin at dapat na hindi. Kung tama ang pagkakaalala niya ay sanggol lang din si Dylan nang makuha ito ng Orion. He escaped three years later and that's when he started living in the forest. Ten years after that they found him.
Kung Orion din ang kumuha kay Mira, how did Mira escaped from them? Napakaraming tanong na iniisip si Sebastina na kahit anong gawin niya ay hindi niya mahanapa. Ng kasagutan. He wanted to haste the investigation but everytime they thought they can make a breakthrough a problem will arise and they would fall back to zero.
"Boss, bakit ba gigil na gigil ka sa Orion na ito? Sa pagkakaalam ko hindi naman ito nagiging salungat sa mga negosyo mo ?" Muling tanong ni Luke.
"It's a bit personal. Go and just do your job. " Wika niya at sumipol-sipol na umalis si Luke bitbit ang black card na bigay ni Sebastian.
Nang makaalis na ito sa harapan ni Sebastian ay agad naman niyang tinawagan si Leo.
"Nandito na ako sa main hideout, dalhin mo na siya rito. " Seryosong utos ni Sebastian at agad ding pinutol ang tawag.
Makalipas ang iakng oras na paghihintay ay dumating din si Leo hatak-hatak ang isang lalaki na halos hindi na niya makilala dahil sa tindi ng bugbog nito sa mukha.
Umiiyak ito habang nagmamakaawa na kit*lin na ang buhay nito. Marahas naman siyang itinulak ni Leo sa sahig at napaluhod ito sa harapan ni Sebastian.
"How's your vacation Greg?" Tanong ni Sebastian. Bigla namang nanginig ang buong katawan nito at dahan-dahang napatingala kay Sebastian.