webnovel

Chapter 19

"Mira, anong nangyari sayo kahapon. Absent lang ako ng isang araw may nambully na agad sayo." Bungad na tanong ni Veronica pagpasok niya sa kanikang silid aralan. Araw iyon ng kanilang major class kaya naman magkakasama na sila ulit. Agad na hinawi ni Veronica ang manggas ng dress ni Mira at tumambad sa kanya ang braso nitong may benda.

"They really hurt you?" Gigil na tanong ni Veronica at umiling naman si Mira.

"Ayos lang ako."

"Ayos ka lang? Balita ko sinampal ka pa ng atribidang nanay ni Bea? Aba anong akala nila? Baka gusto nilang pasabugin ko ang mansyon ng mga Buencamino?"

"Wala ka nang pasasabugin. Kalat na sa buong siyudad na nakaalis na sila doon. Napatalsiok sa trabaho ang tatay niya at na expel naman si Bea sa school."sabad na wika ni Yumi bago lumapit sa kanila.

"Mira, sino ba yang boyfriend mo, pakiramdam ko hindi siya ordinaryong tao, dahil nakaya niyang patumbahin ang isa sa pinakacorrupt na alkalde dito sa atin. Aba, baka matalbugan pa niya ang ating presidente." Wika pa ni Yumi at nagtawanan ang mga ito.

"Nababagay lang yun sa pamilya nila. Mga matapobre kasi sila. Wala kuno silang kinatatakutan. Ayan tuloy ni hindi nila napaghandaan ang bagsik ng paghihigante ng boyfriend ni Mira."

"Nakita ko din sa forum kanina. Paisa-isa nang nabura ang mga rumors against sayo. Ibang klase, pakilala mo naman kami diyan sa Papa mo." Biro pa ni Jean habang nagpuputol ng kuko. Alanganing napangiti naman si Mira dahil hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga ito.

"Medyo busy si Sebastian at hindi ko alam kung kailan siya free." Sagot niya at natawa naman si Veronica.

"It doesn't matter. Hindi naman kami nagmamadali." Sambit ni Veronica at inakbayan si Mira.

"You know what, sa susunod na mangyari sayo ulit iyon, dapat lumalaban ka. Hindi sa lahat ng oras nariyan ang boyfriend mo para iligtas ka. You have to protect yourself first." Payo pa ni Veronica habang inaamoy-amoy ang buhok ni Mira.

"Anong shampoo mo Mira? Ang bango ng buhok mo." Tanong nito at nagkatawanan lang sila dahil sa kakulitan nito.

She really likes to hang out with her new friends. Mababait ang mga ito at magagaling makisama. Hindi rin sila tulad ng mga estudyante sa paaralan na maraming arte sa katawan. Habang abala naman sila sa pagkukuwentuhan ay bigla silang pinasok doon ng mga kaklase ni Bea.

Kabilang doon ang dalawang babaeng kasama nito nang mangyari ang gulo sa pagitan nilang dalawa.

Agad din namang tumayo si Veronica sa kinauupuan nito at buong tapang na hinarap ang mga ito.

"Anong kailangan niyo?" Mataray na tanong ni Veronica habang nakataas ang isang kilay.

"Can you shut up Veronica, hindi ikaw ang ipinunta namin dito kundi iyang malanding alipores mo. That girl seduces my boyfriend." Pasigaw na wika ng babae at napakunot ang noo ni Mira. Ni hindi nga niya kilala ang boyfriend nito. Hindi din siya nakikipag-usap sa ibang lalaki bukod sa mga kaklase niya at kay Dylan.

"Seduces? I don't see her seducing someone." Wika ng isa nilang kaklaseng lalaki. Tumayo na din ang mga ito at hinarap ang mga bagong salta.

"Kaya nga pare, hindi ko alam paano nalilink si Mira sa mga boyfriend nila eh diti nga sa klase natin wala." Natatawang wika ni Gio na siyang heartthrob sa kanilang klase at sa buong school.

"Sino ba yang boyfriend mo?"

"I know her, boyfriend niya si Chris yung basketball player ng second year. And he was a playboy." Sabad na wika ng isa pang binata.

"Aba, hindi na kasalanan ni Mira ang maging maganda. Itali mo yung boyfriend mo para hindi pakalat kalat kung saan-saan at sini ba siya para i claim na inakit siya ni Mira?" Tanong ni Gio at itinuro ang pinto.

"Kung wala kayong magandang gagawin sa klase namin, bulas ang pinto para madaanan niyo. Huwag kayong magkalat dito, dahil una sa lahat. We don't tolerate spreading false rumors." Dagdag pa ng binata at nakipag-apir sa katabi nito. Nagthumbs up naman ang iba nolang kasama at pumalakpak pa si Veronica.

"Well said boys. Napakasariwa ng hangin kanina pero parang biglang lumansa. " Wika pa ng dalaga at maarteng ipinaypay ang kamay sa mukha na animo'y nababahuan ito. Wala namang nagawa ang grupo ng kaibigan ni Bea kundi ang lisanin ang silid nila Mira. Kanya-kanyang balik naman ang mga kaklase ni Mira sa mga upuan nito na animo'y walang nangyari.

"Kilala mo ba yung Chris?" Tanong ni Veronica at napailing si Mira.

"Hindi ko kilala." sagot naman niya at pilit na inaalala kung nakadaupang palad na ba niya ito, ngunit kahit anong gawin niyang pag-iisip ay hindi pa rin niya ito kilala.

"Umiwas ka sa lalaking iyon. Isa yun sa mga hindi maaring pagkatiwalaang lalaki dito sa school. Wala yung pakialam kung may boyfirend ka na, dahil kapag nagustuhan ka niya, lahat gagawin niya para makuha ka." Paalala ni Veronica at napatango naman si Mira bilang pagsang-ayon dito.

Kinahapunan pagkatapos ng klase nila ay magkasabay nang lumabas ng building si Veronica at Mira, nakasunod naman sa likuran nila si Dylan na noo'y tahimik lang habang nagbabasa ng libro nitong dala. Agad din namang napansin ni Veronica ang pagsunod na iyon ni Dylan kaya naman ay bumulong agad siya kay Mira.

"Napansin mo ba, kanina pa nakasunod sayo si Dylan? Close ba kayo?" pabulong na tanong ng kaibigan.

"Hindi masyado pero, kapatid siya ng boyfriend ko kaya magkasabay kaming umuuwi. Noong nakaraan ko lang din nalaman, nakalimutan ko nang banggitin sayo kasi hindi mo naman naitanong."

"Boyfriend mo ang may-ari ng Kristoff Internationals, na si Antonio Kristoff?" Gulat na tanong ni Veronica at napapailing. No wonder kaya niyang patalsikin sa posisyon ang isang alkalde. Kinikilabutan wika ni Veronica sa isipan niya ngunit napatingin din siya Mira. Antonio Kristoff was known for being a sadist and playboy. Paano naging boyfriend ni Mira ang lalaking iyon.

"Antonio Kristoff? Sino yun?" Buong pagtatakang tanong ni Mira na ikinagulat naman ni Veronica. 

"Kapatid ni Dylan, boyfriend mo kamo ang kapataid niya di ba? Isa lang naman ang kapatid ni Dylan at yun si Antonio."

Nakangiting umiling si Mira at umambresete sa braso ng kaibigan.

"No, not his biological brother. Sabihin na natin sworn brother ganun. Hindi ko kilala si Antonio. Ang pangalan ng boyfriend ko ay Sebastian." Wika niya at tumango-tango naman ang dalaga. Tila ba nabunutan ito ng malaking tinik sa dibdib nang malamang hindi si Antonio ang boyfriend nito. Mira is too pure and innocent for Antonio, hindi sila bagay.

"Hoy Dylan, ingatan mo itong si MIra ha. Kapag may nakita akong gasgas sa kanya bukas, lagot ka sa akin."Mataray na wika ni Veronica nang marating na nila ang labasan ng school. Naghihintay na rin kasi ang sundo nito sa kabila ng kalsada. Tumango lang naman si Dylan at lumapit na kay Mira. 

"Dylan, dumaan muna tayo sa supermarket, wala na tayong stocks sa bahay. Uuwi nang maaga ang Kuya mo kaya kailangan makaluto na tayo bago siya dumating." wika ni Mira habang hinahanap sa bag ang kanyang wallet.

"Okay." simpleng tugon lang ni Dylan.

Pagkatapos mamalengke ay bumalik na sila sa penthouse ni Sebastian. Agad namang nagluto si Mira habang si Dylan ay nasa sala at nanonood ng paborito nitong cartoons. Patapos nang magluto si Mira nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan ng penthouse. Saglit siyang sumilip sa pinto ng kusina at nakita niyang papasok si Sebastian. May dala-dala itong isang bungkos ng pulang rosas na ikinagulat naman ng dalaga.

Mabilis na tinungo ni Sebastian ang nakatulalang si Mira at hinalikan ang mga labi nitong bahagya pang nakanganga.

"How's your day?" Tanong ni Sebastian at doon lang tila nahimasmasan si Mira. Pinamulahan ito ng pisngi at napangiti.

" Ayos lang." Wika niya at napatitig sa mga bulaklak na noo'y inaabot na sa kanya ng binata.

"Do you like it?" Tanong ng binata at lalong lumapad ang ngiti ni Mira.

"Oo naman." Sagot ng dalaga at niyakap ang mga bulaklak. Ito ang unang beses na makatanggap siya ng bulaklak kay naman tuwang-tuwa siya. Bahagya pa niyang inamoy ito.

"Magbihis ka na, para makakain na tayo." Sambit niya na agad namang sinunod ng binata. Pagkaalis ni Sebastian ay mabilis niyang inayos sa flower vase ang mga bulaklak at itinabi ito sa gilid ng dining table nila.

Ilang sandali pa ay nakabalik na nga ang binata kaya naman kumain na sila. Matapos kumain ay bumalik na si Dylan sa kwarto nito at nagpahinga na rin ang dalawa.

"Wala kayong pasok bukas, pupunta kayo sa gym, okay. " Paalala ni Sebastian habang nakahiga sa kama.

"Okay. "

" Merong gym sa baba nitong floor natin kaya hindi niyo na kailangana lumabas. Nasa drawer ang card na gagamitin niyo. Dylan has his own card kaya ang card na nandito ay para sayo. " Wika ni Sebastian at muling tumango ang dalaga.

"Thank you, Bastian." Sambit ni Mira at napangisi ang binata.

"Kiss me." Bulong nito at nag-init ang mukha ng dalaga. "Here." Dagdag pa nito habang itinuturo ang kanyang mga labi. Napatitig naman si Mira sa mga labi ng binata at tila ba naaakit siyang halikan ito.

Napailing naman si Sebastian at ito na mismo amg lumapit upang ikulong sa labi niya ang mga labi ng dalaga. Banayad at hindi nagmamadali ang halik na iyon at ramdam na ramdam ni Mira ang init at ang pagmamahal sa kanya ng binata. Tila ba unti-unti siyang nalulusaw sa klase ng halik nito at hindi na niya namalayang napapayakap na rin siya rito. She was hugging his head for dear life habang lumalalim nang lumalalim ang paghalik ng binata sa kanya. Kapwa nila habol ang hininga nang tuluyang putulin ni Sebastian ang halik upang tingnan ang reaksyon nang dalaga. He was satisfied of what he was seeing.

"I will wait for you until you graduate." Bulong nito at wala sa sariling napatango si Mira. Natawa naman si Sebastian at muling hinalikan ang dalaga.